You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Lunes/Marso 2, 2020
Pamantayan sa a. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.
Pagganap/Pamantayan sa
Pagkatuto
Code: F7PB-IVg-23
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakatutukoy sa mga tauhan at pangyayari batay sa paglalarawan;
b. nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan
c. nakapapaliwanag sa kasabihang, “Huwag humusga sa panlabas na kaanyuan.”
II. Paksa: Kabanata 16: Paghahanap sa Reyno de los Cristal
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 130-136
Mga Kagamitan: kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng 3-6-9.
1. Anong nangyrai kay Donya Leonora nang umalis si Don Juan sa Kahariang Berbanya?
2. Ilang taon ang hiniling ni Donya Leonora bagi siya magpakasal?
3. Ano ang dahilan kung bakit ayaw pa magpakasal ni Donya Leonora kay Don Pedro?
4. Ano raw ang nagbigay ng lakas kay Donya Leonora?

C. Pagganyak
Magpapakita ng isang maliit na kawayan ang guro at itatanong ang mga sumusunod:
1. Ano itong hawak ko?
2. Ano ba ang maaring gamitin sa kawayang ito?
3. Mapaglalagyan din kaya ito ng tubig? Ipaliwanag.

D. Paglalahad ng Layunin
2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Itapat ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.

A B
1. talinhaga a. naglakbay
2. pirurutong b. kumuha
3. dumukot c. kakaiba
4. tumungga d. palay
5. napalaot e. uminom

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Gaano katagal nang naglalakbay si Don Juan patungong de los Cristal?
2. Bakit nagmakaawa si Don Juan sa matandang nakita niya?
3. Ano ang hitsura ng pagkain na ibinigay ng matanda kay Don Juan?
4. Bakit nagtaka si Don Juan nang matapos siyang uminom sa bumbong na kawayan?
5. Naituro ba ng matanda kay Don Juan ang Reyno de los Cristal? Ipaliwanag.

C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay gagawa ng isang pagsusuri sa mga katangian at papel na ginampanan ng
pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan sa pamamagitan ng pagsulat nito sa talahanayan gamit ang manila paper. Ipepresenta sa
harap ng klase.

Tauhan Papel na Ginagampanan Katangian

Halagang Pangkatauhan:
1. Naniniwala ba kayo sa kasabihang, “Huwag maghusga sa panlabas na kaanyuan?” Bakit?
2. Anong mangyayari kung agad tayo nanghuhusga?
3. Magbigay ng karanasan kung saan naghusga ka sa panlabas na kaanyuan. Magbigay rin ng opinyon kung ito ba ay makatwiran.
IV. Ebalwasyon Panuto: Kumuha ng isang-kapat na papel at magkakaroon ng pasulit.
V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 17 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like