You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Lunes/Marso 9, 2020
Pamantayan sa a. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.
Pagganap/Pamantayan sa
Pagkatuto
Code: F7PB-IVh-23
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakasusuri sa mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan;
b. nakagagawa ng islogan tungkol sa pangyayari sa kabanatang binasa;
c. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagtitiwala.
II. Paksa: Kabanata 20: Ikalawa at Ikatlong Pagsubok kay Don Juan
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 165-170
Mga Kagamitan: Larawan, kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng tanong-sagot.

1. Ano ang pangalan ng hari sa Reyno de los Cristal?


2. Ano ang unang pagsubok na ibinigay ng hari kay Don Juan?
3. Ano ang payo ni Maria Blanca kay Don Juan?
4. Paano ginawa ni Don Juan ang ipinagagawa sa kanya ng hari?
5. Bakit humanga si Haring Salermo kay Don Juan?

C. Pagganyak
Magpapakita ng isang larawan ang guro at itatanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang nasa larawan?
b. Paano ninyo ito mailalarawan?
c. Makakaya kaya itong ilipat sa ibang posisyon o lugar? Sa paanong paraan?
D. Paglalahad ng Layunin
2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita gamit ang mga salitang nakadikit sa pisara.
Sagot:
1. atas 1. utos
2. napapawi 2. nawawala
3. mawari 3. maisip
4. hibo 4. plano
5. makamtan 5. makuha

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang binabalak gawin ni HariNG Salermo kay Don Juan?
2. Anong kondisyon ang ibinigay ng hari kay Don Juan sakaling di niya masunod ang pagsubok?
3. Ano ang panibagong pagsubok na ibinigay ng hari kay Don Juan?
4. Nagawa ba ni Don Juan ang pagsubok? Ipaliwanag.
5. Bakit naguluhan ang hari nang makita niya ang bundok?

C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase sa limang grupo. Gagawa ng islogan batay sa mensahe na makukuha sa kabanatang ito. Ipaliwanag
pagkatapos sa harap ng klase ang nagawa.

Krayterya:
Kawastuhan – 12 puntos
Paglalahad – 8 puntos
Kabuuan: 20 puntos

Halagang Pangkatauhan:
1. Mahalaga ba na marunong tayong magtiwala sa sarili? Sa ibang tao?
2. Ano ang mangyayari kung wala tayong tiwala?
IV. Ebalwasyon Panuto: Susuriin ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan sa pamamagitan ng
pasulit.
V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 21 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like