You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Myerkules/Marso 11, 2020
Pamantayan sa a. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.
Pagganap/Pamantayan sa
Pagkatuto
Code: a. F8PU-IVh-39
b. F7PB-IVh-23
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakasusuri sa mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan;
b. nakagagawa ng isang islogan na tumatalakay sa paksa ng aralin;
c. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagiging maingat.
II. Paksa: Kabanata 22: Ikaanim at Huling Pagsubok ni Haring Salermo
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 179-190
Mga Kagamitan: singsing, kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase

B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makukuha sa
kahon.

1. Ano ang gagawin sa bundok ayon kay Haring Salermo?


2. Ano ang ipatatayo mula sa maugong na dagat?
3. Ano ang napansin ng hari na nawala sa kanya?
4. Ano ang ikalimang pagsubok na ibinigay ng hari?
5. Paano magagawa ni Don Juan ang ipinagagawa sa kanya ng hari?

C. Pagganyak
Magpapakita ng isang singsing ang guro at itatanong ang mga sumusunod:
1. Ano ang hawak-hawak ko?
2. Ano ba ang simbolo ng singsing?
3. Gaano ba kahalaga ang singsing? Ipaliwanag.

D. Paglalahad ng Layunin
2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita mula sa kahon.
1. pinaparam - iniisip
2. malining - magawa
3. atas - utos
4. tumambad - makita
5. nahapo - napagod

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Bakit sinabi ni Haring Salermo kay Don Juan na walang ibang makagagawa ng kanang kahilingan kundi si Don Juan mismo?
2. Ano ang panibagong pagsubok na ipinagawa ng hari?
3. Paano magagawa ni Maria Blanca ang pagsubok na ito?
4. Ano ang nangyari kay Maria Blanca at naging reaksyon nito sa naging kapabayaan ni Don Juan?
5. Ano ang huling pagsubok na ibinigay ng hari?

C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat grupo. Bawat grupo ay gagawa ng isang islogan na tumatalakay sa paksa ng araling tinalakay.
Ipapaliwanag sa harap ng klase.
Krayterya:
Kawastuhan at Kaangkupan – 12 puntos
Pagpapaliwanag – 8 puntos
Kabuuan: 20 puntos
Halagang Pangkatauhan:
1. Mahalaga ba na marunong tayong sumunod sa mga habiling iniatas sa atin? Bakit?
2. Anong mangyayari kung hindi tayo maingat sa pagsunod nito?
3. Magbahagi ng karanasan tungkol sa sitwasyon na naging pabaya ka sa paggawa ng bagay na nagresulta ng di maganda.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Susuriin ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan sa pamamagitan ng
Paglagay ng impormasyon sa talahanayan.

Tauhan Katangian Papel na Ginampanan


V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 23 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like