You are on page 1of 3

Mababang Paaralan ng Apokon

Apokon, Lungsod ng Tagum

Banghay-Aralin sa Filipino III


Marso 12, 2019
1:00 – 2:00 P.M.

I. LAYUNIN
sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang anyo o kayarian ng pangungusap
b. Napahahalagahan
c. Nakapagbibigay ng sariling opinyon o halimbawa mula sa
tekstong binasa

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa : Payak at Tambalang Pangungusap
B. Sanggunian : Alab Filipino V pp. 182-187
Kagamitan : Mga larawan, Cartolina, Worksheets,Teaching
chart, printed texts

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
Tanong:
 Ano ang pinag-aralan natin noong nakaraang diskusyon?
 Bakit mahalaga ang mga uri ng pangungusap?
2. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan sa mga bata na nasa pisara.
Magbigay ng isang salita base sa nakita.
Tanong:
 Ano ang napansin niyo sa lahat ng larawang ipinakita?

B. Paglalahad ng Aralin
1. Paglalahad
 Papabasahin ng isang maikling teksto ang mga bata
ang pamagat ay "Bulkang Mayon, Hinog na sa
Pagsabog"
 Magpapakita ng dalawang pangungusap na makikita
sa tekstong binasa.
Tanong:
 Ano ang pagkakaiba ng dalawang pangungusap?

Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat


ang sumusunod:

Mga dapat tandaan sa bawat pangkat.


1. Pumili ng isang lider
2. Magtulungan sa gawain
3. Pumili ng taga-ulat

Unang pangkat.
Ikalawang pangkat.
Ikatlong pangkat.
Ika-apat na pangkat.

2. Pagtatalakay
Ipaulat sa mga mag-aaral ang output ng bawat pangkat
Tanong: Ano ang napansin niyo mula sa ginawang activity?

3. Paglalapat
Babasahin ng malakas sa mga bata ang mga talatang
inihanda ng guro. Paunahan sila ng pagbigay ng paksa sa talata.
4. Paglalahat
Tanong:
 Ano-ano ang mga natutunan mo sa aralin?
 Ibigay ang mga katangiang taglay ng isang bayani
 Bakit importanteng malaman natin ang paksa ng kwento o ng balita?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
1. Hinog na sa pagsabog ang Bulkang Mayon.
2. Iniakyat na ng PHIVOLCS sa Alert Level 3 ang babala sa bulkan.
3. Nagtalaga na ang pamahalaang panlalawigan ng mga viewing area na maaaring
puntahan ng mga turista at ipinagbawal ang mga nakahiligang gawain sa pagbisita sa
lalawigan tulad ng ATV ride patungong Mayon.
5

IV. TAKDANG ARALIN


Panuto: Maghanap ng isang maikling talata/balita o teksto at bigyan ito ng
paksa/title. Ilagay ito sa kwaderno.

Inihanda ni:

JESA T. ZONIO
Pre-Service Teacher - USeP

Iniwasto ni:

MR. ALLAN BATALUNA


Cooperating Teacher

You might also like