You are on page 1of 4

Asignatura Filipino 8

Paraan ng Pagkatuto/Pag-aaral Online Learning

Paaralan E.T.T.M.N.I.H.S. Baitang Baitang 8


LESSON Guro Lalaine Angela Z. Asignatura Filipino
Tolentino
EXEMPLAR Petsa Setyembre 20, 2021 Markahan Unang Markahan
Oras 1:30-2:30pm Bilang ng Araw 5 araw

Martes
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
 Matutukoy at maisasagawa ng mga mag-aaral ang
mahahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-
bayan na maipapamalas sa tunay na buhay
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang mag-aaral ng pag-uanwa sa akdang pampanitikan
sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa F8PT-Ia-c-19


Pagkatuto(MELC) Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining
na pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling
kuwento, epiko ayon sa : kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan
D. Pagpapaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Pagbibigay-Kahulugan sa Talinghaga

IIII. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Filipino Baitang 8 Q1;PIVOT BOW ,Curriculum Guide,pah.153; K
to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum pah. 75

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Modyul
d. Karagdagang Kagamitan mula sa www.google.com
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Modyul , papel ,panulat, internet connection, google form, google
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad classroom
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Introduksyon/Panimula 1. Mga pagpapaalala bago magsimula
(Introduction) Mababasa ng mga mag-aaral sa unang bahagi ng modyul ang mga
paalaala at panuntunan ng guro ukol sa wastong paggamit ng
modyul.
Basahin ang panimulang bahagi ng modyul sa pahina 9. Unang talata
2. Paunang Pagtataya (Pre-Assesment)

Matapos mabasa ang panimulang bahagi ay magpapakita ang guro


ng ilang larawan at mga katanungan na kailangang masagutan ng mga
mag-aaral.

Pagsasanay #1

Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Isulat ang


hinihinging kasagutan sa patlang. (nasa modyul pahina 9 ang mga
katanungan 1-3)
1. Ano ang tawag sa bulkan na ito?
2. Saang lalawigang o probinsiya matatagpuan ang bulkang ito?
3. Ano-ano ang alam mo tungkol sa bulkang ito? Magbigay ng
katangian nito:

Pagsasanay #2
Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang unang pagsasanay muli ay
susubukin ang kakayahan ng mag-aaral sa ikalawang Gawain sa
Pagkatuto bilang 2

Panuto: Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat


ang sagot sa nakalaang patlang. (nasa modyul pahina 9 ang mga
katanungan 1-3)

1. Para sa iyo, ano ang pinagmulan ng mga bagay tulad ng isang


bulkan?
2. Bakit mahalagang malaman natin kung saan nagmula ang mga
bagay-bagay sa ating paligid?
3. Paano nakatutulong sa iyo ang pagtuklas nito?

3. Paghahabi sa mga Layunin

Matapos masukat ang batayang kaalaman ng mga-aaral ay


makikita ng mag-aaral ang kaugnayan ng mga pagsasanay sa aralin.

B. Pagpapaunlad
( Development) A.Basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng talinghaga upang
masagutan ang karagdagang gawain sa ibaba.

Karagdagang Gawain
(Ang bahaging ito ay wala sa modyul ngunit ito’y iyong sasagutan
upang ating masukat ang naging kaalaman mo ukol sa binasang
aralin).
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang mga
salitang nagpapakita ng talinghaga. Titik na lamang ang isusulat.

1.Marami sa ating mga kababayan ang hindi


A
marunong sumunod sa pamahalaan kung kaya’t
B
kinakailangan na gamitan ng kamay na bakal.
C D
2. Ang mga taong handang tumulong at
A
dumamay sa mga nangangailangan ay
B
asahan mong maluwag ang buhay na kakamtin.
C D
3.Patay na patay si Rogelio sa labis na kagandahan
A B C
ng El Nido Palawan.
D
4. Sa ilang buwan na pananatili sa loob ng bahay,
A
madalas kong marinig kay Nanay
B
kaming magkakapatid ay mga parang aso’t pusa.
C D
5. Hindi nagdalawang-isip si Albert nang iligtas nito
A
ang batang nalulunod sa ilog kahit pa ito’y maging
B C
mitsa ng kanyang buhay.
D
C. Pakikipagpalihan A.Sa bahaging ito ay walang sasagutang pagsasanay. Kinakailangan
( Engagement) ang lubos na pag-unawa sa teksto upang masagutan ang mga Gawain
sa Pagkatuto Bilang 4.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Basahin at aralin ang alamat tungkol sa Bulkang Mayon. (nasa
modyul pahina 10-11) Sa pamamagitan ng bidyu ay ipapanood ng
guro ang Alamat ng Daragang Magayon

Daragang Magayon
Ni Damiana Eugenio
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Oral recitation sa
pamamagitan ng Spin. Sagutin ang mga katanungan nan aka flash sa
screen
1. Isa-isahin ang mga tauhan sa kwento
2. Alamin ang iba’t ibang suliranin na nabanggit sa alamat
3. Isa-isahin ang mga matatalinghagang salita o pangungusap na
nagpapakita ng talinghaga
4. Alamin ang kahulugang ipinapakita ng matatalinghagang
salita.

D. Paglalapat 1. Paglalapat
(Assimilation)
A.Paglilinaw: Ang gawain sa pagkatuto bilang 5 ay bahagi ng A-
ASSIMILATION O PAGLALAPAT.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


Panuto: Gumawa ng sanaysay gamit ang mga matatalinghagang
salitang nabanggit sa alamat.
Pamantayan sa Paggawa
Nagamit ang lahat ng matatalinghagang salitang nabanggit sa
alamat………………………………………… 30
Makabuluhan ang nilalaman ng paksa………………30
Maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap..20
Malinis at maayos na presentasyon………………….20
Kabuuan 100

V. PAGNINILAY Sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang sanaysay, gaano ba kahalaga


ang karunungang-bayan sa ating buhay? Kailangan ba nating buhayin
ang mga ito? Ang mga ibang nangyayari ba sating buhay ay parang
karunungang-bayan?

Inihanda ni: Pinagtibay: Binigyang Pansin:

LALAINE ANGELA Z. TOLENTINO BELINDA C. LOYOLA ELIZABETH B. DAYRIT


GURO I, BAITANG 8 PUNONGGURO IV PUNO NG KAGAWARAN,FILIPINO

You might also like