You are on page 1of 3

GREEN VALLEY COLLEGE FOUNDATION, INC.

Document Code: FM-BEE-010


Km. 2, Bo. 2, General Santos Drive, City of Koronadal, Issue No.: 01 Revision No.: 00
South Cotabato Effective Date: October 12, 2023
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN Page 1 of 3

Pre-service Teacher Liza P. Licaros Baitang 5


Petsa Disyembre 19, 2023 Asignatura Filipino
Oras 50 minuto Markahan Ikatlo

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri
A. Pamantayang Pangnilalaman ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.

Nakabubuo ng isang timeline ng binasang


teksto(kasaysayan), napagsusunod-sunod ang mga
B. Pamantayan sa Pagganap hakbang ng isang binasang proseso, at
nakapagsasaliksik gamit ang card catalog o OPAC

Nagbibigay ng mga salitang


magkakasalungat/magkakasingkahulugan. F5PT-IIIc-h-10
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

D. Layunin sa Pag-aaral Pagkatapos ng talakayan, inaasahan sa mga mag-aaral


na:
a. natutukoy ng bawat mag-aaral ang mga salitang
magkakasalungat at magkakasingkahulugan sa
binasang teksto;
b. nakapagtatamo ng kasiyahan ang mga mag-aaral
sa pagsasagawa ng pangkatang gawain; at
c. nakapagsasagawa ang mga mag-aaral ng mga
magkakasingkahulugan at magkakasalungat na
salita sa pamamagitan ng larong charades.

II. NILALAMAN Mga Salitang Magkakasalungat at


Paksa: Magkakasingkahulugan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
K to 12 Curruculum Guide sa Filipino
a. Mga Pahina sa Gabay Ng Guro Pahina 99 ng 190
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-Aaral
c. Bilang Ng Pahina Sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan Mula
Sa Learning Resource
B. Iba pang kagamitang panturo Laptop,mga larawan, kahon, sobre, PowerPoint
presentation
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain • Panalangin
• Pagbati
• Pagtala ng lumiban sa klase
• Mga Panuntunan sa klasrum
1. Umupo at making ng maayos sa guro
2. Bawal kumain habang may klase.
3. Itaas ang kamay kung may gusting sabihin sa
guro
4. Panatilihing malinis ang silid-aralan
5. Makilahok sa oras ng klase at tapusin ang mga
iniatas na Gawain.
GREEN VALLEY COLLEGE FOUNDATION, INC. Document Code: FM-BEE-010
Km. 2, Bo. 2, General Santos Drive, City of Koronadal, Issue No.: 01 Revision No.: 00
South Cotabato Effective Date: October 12, 2023
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN Page 2 of 3

• Pagbabalik-aral
• Pagganyak
Ipapakita ng guro ang bidyu ng kantang “Tatlong
Bibe” at ipasasayaw at ipa-aawit ito sa mga mag-
aaral.

B. Pagtatalakay
a. Aktibidad PICTURE PUZZLE
Hahatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat pangkat ay
bibigyan ng dalawang sobre na may lamang mga gupit na
larawan na kailangang buohin sa loob ng dalawang
minuto.
Unang Pangkat:

Pangalawang Pangkat:

Ikatlong Pangkat:

Ika-apat na Pangkat

Gabay na tanong:
1. Anu-ano ang inyong napansin sa mga larawang
inyong nabuo?
2. May pagkakapareho ba pagkakaiba ang
ipinapakita ng magkasamang mga larawan?

b. Analisis Sa pamamagitan ng “Wheel of Names”, papaikutin ito ng


guro at kung kaninong pangalan ito hihinto, sya ang
sasagot sa inihandang katanungan ng guro.

Pamprosesong tanong:
1. Anu-ano ang mga salitang may pagkakatulad na
kahulugan?
2. Aling pangkat o hanay naman ang binubuo ng mga
salitang magkakabaliktad ang ibig sabihin?
3. Batay sa ating mga ginawang aktibidad, tungkol
saan kaya ang ating tatalakayin sa araw na ito?

c. Abstraksyon Tatalakayin ng guro ang pinagkaiba ng mga salitang


magkakasalungat at magkakasingkahulugan.
GREEN VALLEY COLLEGE FOUNDATION, INC. Document Code: FM-BEE-010
Km. 2, Bo. 2, General Santos Drive, City of Koronadal, Issue No.: 01 Revision No.: 00
South Cotabato Effective Date: October 12, 2023
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN Page 3 of 3

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang
magkakasingkahulugan? Magbigay ng halimbawa.
2. Ano naman ang ibig sabihin ng salitang
magkakasalungat? Magbigay ng halimbawa.
3. Ano ang pinagkaiba ng dalawa?

d. Aplikasyon CHARADES (PANGKATANG GAWAIN)


Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat. Bawat
pangkat ay magkakaroon ng isang representante bawat
salita na kanilang bubunotin sa loob ng kahon. Bawat
pangkat ay huhulaan at kailangang maibigay ang pares
ng salita na isinasakilos ng nasa harapan. Ang unang
grupong makakakuha ng limang puntos ang siyang
panalo.

V. EBALWASYON Panuto: Gamit ang T-tsart, ipangkat ang pares ng mga


salita na makikita sa ibaba at tukuyin kung ito ba ay
kabilang sa hanay ng magkakasalungat o di kaya’y sa
hanay ng magkakasingkahulugan.

Mga salita:
• Magaling-mahusay
• Ayaw-gusto
• Masipag-matiyaga
• Galit-inis
• Matigas-malambot
• Mahaba-maikli

VI. PAGLALAHAT 1. Sa inyong palagay, bakit kailangan nating pag-


aralan ang mga salitang magkakasalungat at
magkakasingkahulugan?
Pagpapahalaga
1. Bilang mag-aaral ng GVC, paano mo mabibigyan
ng halaga ang pagtanggap sa pagkakaiba at
pagkakaparehas ng mga mag-aaral o ibang tao?

VII. TAKDANG-ARALIN Panuto: Sa isang long bond paper, gumuhit ng tatlong


pares ng bagay na nagpapakita ng pagkakapareho at
dalawang bagay na nagpapakita ng pagkakasalungat.
Kulayan at ipasa sa susunod na araw.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Liza P. Licaros Jamaica V. Teano


Pre-Service Teacher Instructor

You might also like