You are on page 1of 12

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-7


PANGATLONG KWARTER- LINGGO 7

SUBJECT/YEAR LEVEL/Asignatura/Taon at Pangkat Ikapitong Baitang DATE/ March 14, TIME 50


Petsa 2023 FRAME/Oras minuto
(Grade 7) na ginugol

I. OBJECTIVES/LAYUNIN

A. Matukoy ang wastong paggamit ng anaporik at kataporik ng pangngalan

B. Magamit ang anaporik at kataporik sa pagbuo ng mga pangungusap

C. Matukoy ang pagkakaiba ng anaporik at kataporik

II. SUBJECT MATTER/PAKSANG ARALIN TOPIC/Paksa: Nagagamit ng wasto


Paggamit Ng panandang Kataporik at Anaporik Ng Pangngalan

REFERENCES/Sanggunian:

K-12 Curriculum Guide, Ikapitong Baitang( Grade 7), Ikatlong kwarter

MATERIALS/Kagamitan:

A. PowerPoint Presentation tungkol sa Anaporik at Kataporik ng Pangngalan

B. Aktibidad Worksheet

C. Mga larawan ng mga pangngalan at pangungusap

III. LESSON PROCEDURES/PROSESO A. PRELIMINARY ACTIVITIES/Panimulang Gawain


NG PAGKATUTO a.1 Prayer/Pagdarasal

a.2 Greetings/Pagbati

a.3 Review/Balik-Aral
Naaalala mo pa ba ang pangalan at panghalip?
 Pangngalan. Ito ay bahagi ng panalita na tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, lunan, o pangyayari gaya ng mga salitang ipinuno sa
patlang sa Gawain sa Panimula ng aralin.
 Panghalip. Ito ay bahagi ng panalita na panghalili sa pangngalan
gaya ng mga salitang nakalimbag nang malinaw sa mga
pangungusap na nasa itaas (sila, kanila, ito, kayo).

a.4 Pagtala ng mga Lumiliban sa Klase

a.5 Energizer [Optional]

a.6 Motivation/Pagganyak

Panuto: A.Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang wastong salitang


pupuno sa diwa ng pangungusap.
1. Ang mga _________________ ang unang binakunahan sapagkat
sila ang unang-unang nanganganib mahawa sa COVID 19.
2. Nagsisikap ang mga __________________ na magampanan ang
kanilang tungkulin sa mga mag-aaral sa kabila ng pandemya.
3. Mahalagang maipagpatuloy ang _________________sapagkat ito
ang susi na magpapalaya sa atin sa kamangmangan at kahirapan.
4. Sila ang dahilan ng ating pagsisikap, ang ating mga
______________ na kaloob sa atin ng Diyos.
5. Kayo ang kinabukasan ng ating bansa, ________________ sa
bagong henerasyon.
kabataan guro edukasyon
anak frontliners
B. Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Pansinin ang mga salitang ipinuno sa bawat patlang, anong bahagi


ng panalita ang mga ito?

2. Tingnan ang mga salitang nakalimbag nang malinaw sa bawat


pangungusap, anong bahagi ito ng panalita?

A. Activity/Aktibidadis/Gawain

Hihingiin ng guro ang mga sagot mula sa mga mag-aaral sa pagpili


ng tamang anaporik at kataporik para sa mga pangngalang ibibigay
niya.
Papakatapos ng guro ng Aktibidad Worksheet na naglalaman ng mga
pangungusap na kailangang bigyan ng tamang pananda.
Pagsasama-samahin ng guro ang mga aktibidad worksheet na
ginawa ng mga mag-aaral.
Direksyon: Basahin Ng mabuti Ang mga halimbawang mga pahayag Na
may anyong kataporik at Anaporik.

1.May agarang bisita si Magda kaya hindi siya magkamayaw sa


paghahanda.
2.Nakalimutang iligpit ni Senyang ang kanyang mga labahin kahapon.
3.Nahuli sa klase sina Bert at Paul kanina kaya napagsabihan sila ng
guro.
4.Paborito ko ang bag na bigay ni Ate kaya lagi ko itong ginagamit
araw-araw.
5.Nangungulila ako sa aking ina. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

1.Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya? Siya pa rin ang iyong


ina.
2.Mapalad ka sapagkat ikaw ay anak ng isang mayamang angkan.
3.Dapat lang na alagaan natin itong mabuti dahil wala ng ibang
mundo ang maaari nating tirhan.
4.Iwanan mo na siya sapagkat isa siyang lalakeng walang
paninindigan.
5.Ingatan natin sila dahil ayon sa ating pambansang bayani, ang
kabataan ang pag-asa ng bayan.
B. ANALYSIS/PAGSUSURI
Pamprosesong mga Tanong:
1. Ano Ang mga napansin niyo sa teksto na inyong binasa?
2. Nakikilala ba ninyo Ang mga anaporik at kataporik sa teksto?

Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng Panandang


Anaporik at Kataporik ng Pangngalan. Ilahad ang iyong kasagutan sa
pamamagitan ng Tree Chart.

C. ABSTRACTION/PAGLALAHAD
Panandang Anaporik at Kataporik

Sa pagpaahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang


mapag-ugnay ang mga pangungusap. Ito ay sa pamamagityan ng
pagpapatugkol o reperensiya. Ang anaporik o sulyap na
pabalik ay ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita.
Halimbawa: Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating
pahalagahan. Utang natin sa ating mga magulang, lolo o lola ang
ating mga buhay at kinabukasan. Sila ang kumalinga sa atin noong
mga bata pa tayo. Suklian natin ang mga kabutihan nila sa atin

ANG HALIMBAWANG PAHAYAG SA ANYONG ANAPORIK

1.May agarang bisita si Magda kaya hindi siya magkamayaw sa


paghahanda.

2.Nakalimutang iligpit ni Senyang ang kanyang mga labahin kahapon.

3.Nahuli sa klase sina Bert at Paul kanina kaya napagsabihan sila ng


guro.

4.Paborito ko ang bag na bigay ni Ate kaya lagi ko itong ginagamit


araw-araw.

5.Nangungulila ako sa aking ina. Matagal ko na siyang hindi nakikita.

LIMANG HALIMBAWANG PAHAYAG SA ANYONG KATAPORIK

1.Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya? Siya pa rin ang iyong


ina.

2.Mapalad ka sapagkat ikaw ay anak ng isang mayamang angkan.

3.Dapat lang na alagaan natin itong mabuti dahil wala ng ibang


mundo ang maaari nating tirhan.

4.Iwanan mo na siya sapagkat isa siyang lalakeng walang


paninindigan.

5.Ingatan natin sila dahil ayon sa ating pambansang bayani, ang


kabataan ang pag-asa ng bayan.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano Ang anaporik at kataporik?
2. Ano Ang silbi nito sa pangngalan?

D. APPLICATION/PAGLALAPAT

Ang kataporik o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na binabanggit sa


dakong hulihan na nagdudulot ng kasabikan o interes ng pahayag.

Halimbawa:

Sila ang aking iginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay
na matatalino, lalo na pagdating sa karanasa. Sa matatanda sa pamilya ko
natutuhan ang maraming bagay. Sila ang mga lolo at lola ko na aking
iniidolo. Julian, Ailene B. et al. Pinagyamang Pluma 7, Phoenix Publishing
House 2015 p.369
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

VI. EVALUATION/PAGTATAYA Panuto: Isulat sa patlang ang AN kung tumutukoy ang mga pahayag sa
Anapora at KT kung ito at tumutukoy sa katapora.

______ 1. Isa sa pinagkakakitaan ng buwis sa bansa ang turismo dahil ito


ang nagbibigay ng malaking ambag sa bansa.

______ 2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, napatutunayan ng


administrasyong Duterte na kayang mabawasan ang droga sa bansa.
______ 3. Mga bumbero ang tumutulong upang maapula ang apoy dahil sila
ang maaasahan kapag nagkaroon ng sunog.

______ 4. Siya ay itinuturing na frontliner, si Rod na isang nars.

______ 5. Si Lorie palibhasa’y bunso, isinusunod siya sa lahat ng luho

Pagtataya:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap.


Salungguhitan ang tinutukoy (pangalan) sa pangungusap at bilugan naman
ang panghalip na ginamit bilang panghalili sa tinutukoy. Matapos nito ay
tukuyin kung nasa panandang anapora o katapora ang pangungusap.

a. Kung makikita mo si Gabriel, pakisabi na gusto ko siyang makausap.

b. Kinausap ko si Mariano, sinabi ko na ang kanyang ginawa ay kahanga-


hanga.

c. Si Juana ay dumalaw sa paaralan upang kamustahin ang kanyang


dating mga kaibigan.

d. Hindi alintana ni Miguel ang hirap ng buhay dahil para sa kanya hindi ito
hadlang upang siya ay magtagumpay.

e. Ang saloobin ng kabataan ay mahalagang pakinggan dahil ito ang


maaring maging basehan upang sila ay matulungan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan ang patlang ng wastong


cohesive device. Tukuyin kung ito ay isang anapora o katapora.

a. Hindi ________________________ mapipigilan na umalis ng


bansa.Nahihirapan ang ilang kababayan natin na kumita ng malaki sa ating
bansa.

b. Ang pandemya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa ating buhay.


Ngunit ________________________ ang nagturo sa atin na higit na
magtiwala sa Diyos at mahalin ang ating pamilya.
c. Hindi malilimutan ang kabayanihan ng mga front liner sa gitna ng
pandemya. Ito ay patunay lamang na handa _________________________
isakripisyo ang sarili para magserbisyo sa iba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Panuto: Gamitin ang mga salita sa ibaba at bumuo ng pahayag na may


panandang anaporik at kataporik.

a. Mag-aaral – sila

b. Sam – siya

c.Magulang – sila

d. Siya – pulis

e. Siya – Clara

VII. ASSIGNMENT/AGREEMENT/TAKDANG Direksyon: Punan ng tamang sagot ang patlang. Isulat ito sa inyong
ARALIN/KASUNDUAN assignment notebook.

Anaporik paulit-ulit mabago

Kataporik pagbanggit pangngalan


Ang (1) __________ ay ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan samantalang ang (2)
___________ ay ang panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangalan sa unahan. Ginagamit ang
kataporik at anaporik upang hindi na (3) __________ na
banggitin ng nagsasalita o ng manunulat ang isang pangngalan.
Layunin ng katapora at anapora na maiwasan ang nakakasawang (4)
__________ ng tinutukoy na (5) ___________ sa isang talata.
Samakatuwid, ang anapora at katapora ay pawang mga panghalip na
sumusunod o sinusundan ang pangngalang tinutukoy sa magkaibang
paraan at puwesto. Sa ordinaryo nating pakikipagpanayam,
nagagamit natin ang anapora at katapora nang hindi sinasadya.

Prepared by/Inihanda ni: Check by:


Mc Ian Jay W. Escabusa Ginang Mary Rose Y. Cano

You might also like