You are on page 1of 5

University of Southeastern Philippines

Tagum-Mabini Campus
College of Teacher Education and Technology

Banghay Aralin para sa ika-9 na baitang


Q3_Week
Content Standard:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Mindanao
Performance Standard: Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
proyektong panturismo
Most Essential Learning Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at
Competency:
kataporik ng pangngalan

F7WG-IIIh-i-1

Key Concepts Ang kataporik o katapora ay panghalip na ginagamit sa


unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan
samantalang ang anaporik o anaphora ay panghalip na
ginagamit sa hilhan bilang pananda sa pinalitang pangalan
sa unahan. Ginagamit ang mga ito upang hindi na paulit-ulit
na banggitin ng nagsasalita o ng manunulat ang isang
pangngalan.
I. Layunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng
mga mag-aaral ang sumusunod :

a. Natutukoy ang mga pangungusap na ginagamitanng


panandang anaporik at kataporik;
b. Nabibigyang-halaga ang mga panandang anaporik
atkataporik sa pagbuo ng mga pangungusap
c. Nakasusulat ng malikhaing kwento tungkol sa sariling
karanasan na ginagamitan ng mga panandang anaporik at
kataporik.
II. Paksang Aralin Maikling Kwento/Dula
3rd
Quarter

Kagamitang Panturo:
Instructional materials, ispiker, Powerpoint presentation,
Projektor
Sanggunian:
Filipino 7 Ikatlong markahan-Modyul 6 PanandangAnaporik
at Kataporik

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-Aral Magpapakita ng larawan at tatawag ng mag-aaral upang
magbigay ng buod ng nakaraang talakayan base sa
nagdaang paksa.

B. Motibasyon Panuto: Piliin sa kahon ang salitang bubuo sa diwa ng


pangungusap. Gawing gabay ang mga salitang
nakasalungguhit.

Digong sila Pilipino


guro siya

1. _______ ay nararapat lang sa parusang nakaatang


sa kanya.Dahil si Maricel ay walang respeto sa
kanyang ina.
2. Ang mga _______ ay ating pangalawang guro dahil
tinuturuan din tayo ng magagandang asal at hindi
lang mga aralin sa mga aklat.
3. Si _______ ay isa sa pinakaepektibo at tanyag na
presidente na naglingkod sa Pilipinas dahil sa laking
pagbabago nito lalong lalo na sa seguridad na
aspeto.
4. Ang mga _______ ay magtulong-tulong upang
maisinop nila ang mga mahahalagang gamit dahil sa
paparating nabagyo.
5. May agarang bisita si Magda kaya hindi ________
nagkamayaw sa paghahanda.
Aktibiti Tingnan ang pangungusap sa pisara.
1. Sila ay dapat nating igalang at alagaang mabuti.
2. May agarang bisita si Magda kaya hindi
siyanagkamayaw sa paghahanda.
Analisis Batay sa ating sinagutang pangungusap ano kayaang
magiging aralin natin sa araw na ito?

Ano kaya ang panghalip? Sino angmakapagbibigay


ng kahulugan nito?

Abstraksyon Pagsasanib ng Gramatika at Retorika.


PANUTO: Basahin at unawainang mga pangungusap.
Suriinat salungguhitan ang mga anaphora at bilugan ang
mga katapora sa bawat pangungusap.
1.Si Amelia ay isang huwarang mag-aaral. Siya ay may
angking talino sa pagguhit.
2.Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang
asawa sa buong panahon ng ng pagpapakilala sa amin sa
kanya, ngunit bumabanggit si Mabuti tungkol sa kanyang
anak na babae, sa tangi niyang anak….Nang paulit-ulit.
3.Limang araw na hindi siya pumapasok. Sumama akosa
dalawa at nakita ko si Leoncio sa kanyang tahanan at
nakaratay sa banig.

Aplikasyon Panuto: Ikaw ay susulat ng iyong sariling maikling


kwento tungkol sa isang kawili-wiling karanasan ng
iyong buhay na hinding-hindi mo makakalimutan. Ang
isusulat mong kwento ay gagamitan ng mga panandang
anaporik at kataporik. Isulat mo ito nang maybuong
katapatan sa sarili.
IV. Ebalwasyon Gabay na mga tanong:
1. Batay sa inyong kaalaman. Ano ang Anaporik at
Kataporik?
2. Ano ang pinagkaiba ngiba pa. Ang paggamit ng mga
panghalip?
3. Paano ito ginagamit sa pagbuo ng pangungusap?
V. Takdang-Aralin Magsaliksik ng tungkol sa mga elemento ngdulang
pantelebisyon.

VI. Repleksyon A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagsusuri.
________________
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng mga
karagdagang aktibidad para sa remediation
________________
C. Nagtagumpay ba ang mga aralin sa remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na nakahabol sa aralin.
________________
D. Bilang ng mga mag-aaral na patuloy na
nangangailangan ng remediation. ________________
E. Alin sa aking mga estratehiya sa pagtuturo ang gumana
nang maayos? Bakit ito gumana? ________________
F. Anong mga paghihirap ang aking naranasan na
matutulungan ako ng aking punong-guro o superbisor
na malutas? ________________
G. Anong mga inobasyon o localized na materyales ang
aking ginamit/natuklasan na nais kong ibahagi sa ibang
mga mag-aaral?_______________

Prepared by: Checked and Reviewed by:

IRIS ELLA MAE CALDA HERNAN C. PACTANG


3SF EDUC319 INSTRUCTOR

You might also like