You are on page 1of 9

JUNIOR HIGH SCHOOL DEVELOPMENT

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10

Grade-10 Petsa: Oras na ginugol: 2hrs


2nd a March
Filipino 13,2023
first
quarter

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng ating paglalakbay, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

a. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng


katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal;

b. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit


ang mga ibinigay na tanong:

c. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at


ekspresiyong ginamit sa akda;

Il. PAKSANG ARALIN Paksa: Pagsusuri ng Tiyak na Bahagi ng Napakinggang Parabula

Kagamitan: Modyul, chalk

III. PROSESO NG PAGKATUTO A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

b. Pagbati

c. Pagtala ng lumiban sa klase

d. Balik Aral

e. Pagganyak

A. Aktibidadis

Panuto: Para sa bilang 1-3) Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag.
Isulat kung ito ay katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal.

___1. Malaki ang naging epekto ng COVID 19 sa mga tao.

___2.. Nagtulong-tulong ang mga kawani ng pamahalaan sa pamimigay ng


pagkain sa mga kapus-palad.

___3. Kabataang Milenyal mang maituturing si Lala, nagagawa pa rin iyang


magmano sa kanyang mga magulang sa tuwing siya ay aalis at uuwi sa
kanilang tahanan.

Panuto: Para sa bilang 4-6) Filiin ang titik ng wastong sagot, pagkatapos ay I
sulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Nag-aayuno ang mga Muslim. Tinatawag itong Puasa ng mga Muslim sa


Pilipino at Saum sa Arabic. 2. Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Qur'an
na nagsasaad ng ganito: "Kayo na naniniwala! 3. Ang pag-aayuno ay iniuutos
sa inyo at inutos din sa mga nauna sa inyo, upang inyong matutuhan ang
disiplina sa sarili."

___4. Anong bilang ng pangungusap sa teksto ang nalalahad ng


katotohanan?

A. 1 B. 2 C.3 D. 1&2

___5. Anong bilang naman ng pangungusap sa teksto ang nalalahad ng


kabutihan?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 3&4

___6. Alin sa mga bilang sa teksto ang malalahad ng kagandahang-asal?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 3 & 4

Para sa bilang 7

"At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, "Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin


ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga
kapwa."

___7. Ang pahayag ay naglalahad ng______

A. kabutihan B. kagandahang-asal C. katotohanan D. kayamanan

___8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


katotohanan?

A. Nag-aaral ng leksyon si Bugoy gabi-gabi.

B. Tinulungan ni Van ang matandang maraming dalang gamit.

C. Nagbigay ang punong baranggay ng tulong pinansyal sa kanyang


nasasakupan.

D. Tunay na malaki ang naging epekto ng pandemyang COVID 19 sa


ekonomiya ng bansa.

9. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kabutihan, alin ang hindi


kabilang?

A. Binigyan ni Mars ang kapitbahay ng ulam.

B. Namahagi ang mga kabataang baranggay ng relief goods sa mga


apektado ng sunog.

C. Finanonood ni Karl ang mga batang nagsusuntukan habang siya ay


nakaupo sa kanilang hardin.

D. Nag-abot ng tulong pinansyal ang presidente ng mga manggagawa para


sa pagpapatayo ng bagong silid-aklatan sa kanilang lugar.

10. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng kagandahang-asal


maliban sa____

A. pagsasabi nang tapat

B. paggamit ng po at opo sa pagsasalita.

C. pagtayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang

D. pagpupuyat gabi-gabi sa paglalaro ng Mobile Legends (ML).

C. Panuto: Ibigay ang hinihingi. (para sa bilang 11-15)

11-12 Magbigay ng dalawang (2) sitwasyon na naglalahad ng kabutihan.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______

13-14 Mag bigay dalawang (2) senaryo na nagpapakita ng kagandahang-


asal.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______

15. Magbigay ng isang (1) pahayag na naglalahad ng katotohanan.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______
B. Pagsusuri

Panuto: Magbigay ng tig-isang (1) pagkakatulad at pagkakaiba ng nilalaman


at S elemento ng mitolohiya at parabula gamit ang tsart. (1 puntos bawat
isa).

Mitolohiya Parabula

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Nilalaman 1. 1. 1.
(Mag bigay
lamang ng
isang partikular
na nilalaman)

Elemento 1. 1. 1.

(magbigay
lamang ng
isang partikular
na element)

Tanong: Paano nagkakaugnay ang mitolohiya at para bula?

Sagot:___________________________________________

Rubrik:

Puntos Pamantayan

3 Napakahusay na naiugnay ang


mitolohiya sa parabula

2 Mahusay na naiugnay ang


mitolohiya sa parabula

1 Nakasagot ngunit nangagailangan ng


pag-unlad

0 Walang naisulat
C. Paglalahad

1. Alam mo ba na ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng


kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay
nasa Banal na Kasulatan? realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
Ang mga parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may
sangkap ng misteryo.

Sa pagsusuri ng parabula, mahalagang matutuhan kung alin sa mga ito ang


mglalahad ng katotohanan (realidad), kabutihan (mga bagay na nagagawa
nating mabuti, hindi para sa sarili kundi para sa kapakanan ng nakararami),
at kagandahang-asal (pagpapahalaga/values na nais ipakita) sa parabula.

Sa bahaging ito, pakinggan/basahin mo ang isa halimbawa ng parabula.

Ang Tusong Katiwala

(Lukas 16:1-15) Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, "May taong mayaman na


may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang
kaniyang ari- arian.

2) Kaya't ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 'Ano ba itong naririnig


ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.'

3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, 'Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos.

4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may


tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong
niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa aking amo?"

6) Sumagot ito, Isandaang tapayang langis po.' Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang, Dali! Maupo ka't palitan mo, gawin mong limampu," sabi ng
katiwala.

7) At tinanong naman niya ang isa, Tkaw, gaano ang utang mo?' Sumagot
ito, Isandaang kabang trigo po.' 'Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,
sabi niya. "Isulat mo, walumpu.

8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.


Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan
kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, "Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin


ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga
kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan.

10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa


malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay.

11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng


mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?

12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang


magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

13)"Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang


panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo
maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.

14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim
sila sa salapi.

15) Kaya't sinabi niya sa kanila, "Nagpapanggap kayong matuwid sa harap


ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso.
Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa
paningin ng Diyos.

D. Paglalapat

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag. Isulat kung ito ay
katotohanan, kabutihan, at kagandahang-asal sa iyong sagutang papel.

____1. Pagtulong sa mga nangangailangan.

____2. Malaki ang naging epekto ng COVID 19 sa mga tao.

____ 3. Nagtulong-tulong ang mga kawani ng pamahalaan sa pamimigay ng


pagkain sa mga kapus-palad.

____4. Ayon sa lukas 16:13 "Walang aliping maaaring maglingkod nang


sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin
ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa.
Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan."

____ 5. Kabataang Milenyal mang maituturing si Lala, nagagawa pa rin niya


magmano sa kanyang mga magulang sa tuwing siya ay aalis at uuwi sa
kanilang tahanan.

IV. PAGTATAYA

Basahin at unawaing mabuti ang


mga kaugnayan na teksto,
pagkatapos ay suriin at tukuyin ang
mga tiyak na bahagi na naglalahad
ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang asal. Titik lamang ang
isulat sa iyong sagutang papel.

Nag-aayuno ang mga Muslim.


Tinatawag itong Puasa ng mga
Muslim sa Pilipino at Saum sa
Arabic. 2. Ginagawa ito upang
tupdin ang turo ng Qur'anna
nagsasaad ng ganito: "Kayo na
naniniwala! 3. Ang pag-aayuno ay
iniuutos sa inyo at inutos din sa mga
nauna sa inyo, upang inyong
matutuhan ang disiplina sa sarili."

____1. Anong bilang sa teksto ang


nalalahad ng kabutihan?

A. 1 B. 2 C.3 D. 3 & 4

____2. Anong bilang sa teksto ang


nalalahad ng katotohanan?

A. 1 B. 2 C. 3 D. 1 & 2

____3. Alin sa mga sumusunod na


sitwasyon ang nagpapakita ng
katotohanan?

A. Nag-aaral ng leksyon si Bugoy


gabi-gabi.

B. Tinulungan ni Van ang


matandang maraming dalang gamit.

C. Nagbigay ang punong baranggay


ng tulong pinansyal sa kanyang
nasasakupan.

D. Tunay na malaki ang naging


epekto ng pandemyang COVID 19
sa ekonomiya ng bansa.

____4. Ang mga sumusunod na


sitwasyon ay nagpapakita ng
kagandahang-asal maliban sa_____

A. pagsasabi nang tapat

B. paggamit ng po at opo sa
pagsasalita

C. pagtayo nang tuwid habang


inaawit ang Lupang Hinirang

D. pagpupuyat gabi-gabi sa
paglalaro ng Mobile Legends (ML).

____5. Ang mga sumusunod ay


nagpapakita ng kabutihan, alin ang
hindi kabilang?

A. Binigyan ni Mars ang kapitbahay


ng ulam.

B. Namahagi ang mga kabataang


baranggay ng relief goods na
apektado ng sunog.

C. Pinanonood ni Karl ang mga


batang nagsusuntukan habang siya
ay nakaupo sa kanilang harden. D.
Nag-abot ng tulong pinansyal ang
presidente ng mga manggagawa
para sa pagpapatayo ng bagong
silid-aklatan sa kanilang lugar.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Basahin sa Bibliya ang


Mateo 18:21-35 "Ang Talinhaga
Tungkol sa Lingkod na Di-Marunong
Magpatawad", pagkatapos ay suriin
ang tiyak na bahagi nito kung ito ba
ay naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel. (2 puntos).

Sagot Patunay

Inihanda ni: Jonamel S. Nemenzo

You might also like