You are on page 1of 4

Learning Activity Sheet- LAS #1 Filipino 10

Pangalan :__________________________________ Petsa : __________________________


Paaralan : _____________________________________ Guro : __________________________

I.Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong


Cupid at Psyche?

A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.


B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na
pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa
halimaw na asawa.

2. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?

A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.


B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kaugnay ng pahayag ni Cupid na “Hindi


mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”

A. Walang pag-ibig kung walang tiwala.


B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala.
D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.

4. Ang pagsisikap ni Psyche na malampasan ang lahat ng pagsubok ni Venus ay


nangangauhulugan ng ________.

A. Marubdob na pagsisisi nito at pagmamahal.


B. Pagnanais nitong mahanap muli ang asawa.
C. Pagpapakumbaba nito upang mapatawas ng asawa.
D. Pagpapakita nito ng kaniyang lakas at kapangyarihan.

5. Anong kaisipan ang nais ipahatid ng wakas ng kuwento nina Cupid at Psyche?
Kalaunan, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng
mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama at hindi na mabubuwag kailanman.
Ang lahat ay tama maliban sa __________.

A. Maaaring magkaroon ng wagas na pag-ibig sa pagitan ng mortal at immortal.


B. Dahil makapangyarihan Si Cupid ang lahat ay kaya nitong gawin.
Filipino 10-Q1-W1 & W2
1 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya
2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan)
3. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at
binasang parabula (F10PB-Ib-c-63)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #1 Filipino 10

C. Kahit anong balakid ay kayang malampasan ng tapat na pag-ibig.


D. Malalampasan ang lahat ng pagsubok kung tunay ang pag-ibig.

II. Tukuyin ang pokus ng pandiwa na ginamit sa pangungusap. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
A. Tagaganap C. Pinaglalaanan
B. Layon D. Kagamitan

6. Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga Diyos.

7. Nalugod ang mga Diyos nang makita si Bugan.

8. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa


pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.

9. Ginamit ni Bugan ang punyal bilang sandata laban sa mga mababangis na hayop.

10. Nagsilang ng sanggol si Bugan makalipas ng ilang buwan.

III. Suriin ang parabula na pinamagatang “Ang Tusong Katiwala” sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. (Maaaring tingnan ang
kopya ng parabula sa iyong modyul)

11. Ang suliraning kinaharap ng katiwala ay ________.

A. Wala siyang mapupuntahan.


B. Aalisin na siya sa kaniyang tungkulin.
C. Ibinaon niya sa lupa ang iniwang kayamanan.
D. Hindi niya maibalik ang ari-ariang iniwan ng amo.

12. Ang ginawa ng katiwala upang malutas ang kaniyang suliranin ay kinausap ang
lahat ng may pagkakautang sa kaniyang amo at ________.

A. lalo pang dinagdagan ang tubo


B. pinilit singilin ang lahat ng may pagkakautang
C. binigyan ng kabawasan ang mga utang ng mga ito
D. sinabing lumayo na at huwag ng magpakita kailanman

13. Ang mensahe ng parabula ay madalas makikita sa ________.

A.unahan B. gitna C. wakas D. wala sa nabanggit

Filipino 10-Q1-W1 & W2


1 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya
2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan)
3. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at
binasang parabula (F10PB-Ib-c-63)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #1 Filipino 10

14. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag ni Hesus na “Walang aliping maaaring
maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa
at iibigin ang ikalawa.”

A. mahirap maglingkod sa hindi mo kilala ang ugali


B. kailangang magpakita ng paggalang sa dalawang panginoon
C. hindi maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at kayamanan
D. hindi maipakikita ang pantay na pagmamahal sa mga panginoon

15. Ang sumusunod ay ikinaiba ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan maliban
sa ________.
A. Ang mga tauhan ay pawang mga Diyos at Diyosa.
B. Ang mga kuwento ay batay sa banal na kasulatan.
C. Realistiko ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
D. May tonong mapagmungkahi at may pagkamisteryo.

Filipino 10-Q1-W1 & W2


1 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya
2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan)
3. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at
binasang parabula (F10PB-Ib-c-63)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #1 Filipino 10

Susing Sagot

1. B 11. B
2. C 12. C
3. C 13. C
4. A 14. C
5. B 15. A
6. B
7. A
8. C
9. D
10. A

Filipino 10-Q1-W1 & W2


1 Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya
2. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan at kagamitan)
3. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong at
binasang parabula (F10PB-Ib-c-63)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.

You might also like