You are on page 1of 4

Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 10

Pangalan :__________________________________ Petsa : __________________________


Paaralan : _____________________________________ Guro : __________________________

I. Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?

A. edukasyon at katotohanan C. kamangmangan at kahangalan


B. elemento ng kalikasan D. kabutihan ng puso

2. Mula sa “Alegorya ng Yungib”ni Plato, ang sumusunod ay nagsasaad ng katotohanan


maliban sa _________.

A. Nanaisin ng bilanggo na makalaya kahit sa ano mang kaparaanan.


B. Nakakadena ang mga binti at leeg ng mga bilanggo kaya’t di sila makagagalaw.
C. Kung ang mga bilanggo ay magiging malaya hindi niya makikita ang dati niyang
kalagayan.
D. Aakalain ng bilanggo na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay
na nakikita sa kasalukuyan.

3. “Ang ideya ng kabutihan ay mananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may


pagpupunyagi.” Nais ipakahulugan nito na ________.

A. Laging nanaig ang kabutihan laban sa kasamaan.


B. Ang kabutihan at katotohanan ay mahirap matagpuan.
C. Mananaig ang kabutihan at makatatagpo rito ay ang karapat-dapat lamang.
D. Mahirap matagpuan ang kabutihan sa mundo na nababalutan ng kasamaan.

II. Basahin at unawain ang mga talata at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot,

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk,
na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang
at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan.
Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga
nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok
ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging
matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si
Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong
nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang
siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala
nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa.
Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga Diyos ang

Filipino 10-Q1-W3 & W4


1. Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay (F10PB-Ic-d-64)
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10PT-k-d-63)
3. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang teksto (F10PN-Ie-f-65)
4. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga suliraning kinaharap ng tauhan (F10PB-Ie-f-65)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 10

kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at
iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

4. Nais ng mga nasasakupan ni Gilgamesh na makalaya sila rito dahil ________.

A. Ang lahat ay kaya nitong gawin. C. Wala itong awa sa kanila


B. Makapangyarihan si Gilgamesh. D. Abusado siya sa kapangyarihan

5. Tinugon ng mga Diyos ang kanilang kahilingan at ipinadala si Enkido. Inilarawan si Enkido
bilang ________.

A. Kasinlakas ni Gilgamesh
B. Lumaking kasama ng mga higante
C. Mas makapangyarihan kay Gilgamesh
D. Higit na mapang-abuso sa kapangyarihan

6. Sa huli, naging matalik na magkaibigan sina Gilgamesh at Enkido. Ipinakikita nito na


________.

A. Maaaring maging magkaibigan ang dating magkaaway.


B. Nagiging magkakampi ang may iisang layunin.
C. Nagtutulungan sa laban ang magkakauri.
D. Walang imposible sa mundo.

Nagkaroon ng anak sina Don Juan at Namongan. Nilusob ng mga Igorot ang tribo
ni Don Juan na naging sanhi ng pagkamatay ng kaniyang pangkat. Dahil dito ay dumayo
si Don Juan sa kuta ng mga Igorot upang ipaghiganti ang kaniyang tribo. Gayonman,
hindi na nakabalik pa sa kanilang lambak si Don Juan. Naisilang naman ang anak
nilang si Lam-ang na mayroong pambihirang kakayahan. Nakapagsasalita na agad siya
at mayroong kakaibang lakas.
Nalaman ni Lam-ang ang nagyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya
maipaghiganti ito. Tutol man ang kaniyang inang si Namongan ay hindi naman siya
mapigilan. Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at Nakita ang amang nakapiit.
Sinabihan siya ng mga Igorot na umuwi na lamang upang hindi matulad sa
kaniyang ama. Ngunti sumigaw si Lam-ang at nayanig ang lupa. Pinaulanan siya ng
sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya ang kaniyang sibat at dito ay
nalupig ang puwersa ng mga Igorot.

7. Ano ang pambihirang kakakayahan ni Lam-ang?

A. Nakalilipad sa himpapawid.
B. Nagsasalita ng maraming lengguwahe.
C. Nakapagsalita na agad pagkasilang pa lamang.
D. Marunong nang makipaglaban sa murang edad.

8. Ano ang suliraning kinaharap ng kaniyang ama?


Filipino 10-Q1-W3 & W4
1. Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay (F10PB-Ic-d-64)
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10PT-k-d-63)
3. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang teksto (F10PN-Ie-f-65)
4. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga suliraning kinaharap ng tauhan (F10PB-Ie-f-65)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 10

A. Nahuli siya ng mga kalaban at itinakas.


B. Nalupig ng mga Igorot ang kaniyang tribo.
C. Nalagay sa panganib ang kaniyang mag-ina.
D. May taglay na kapangyarihan ang anak na kasisilang.

9. Paano ipinakita ni Lam-ang ang kaniyang pagmamahal sa ama?

A. Nagpunta ito sa kanilang Datu at humingi ng tulong.


B. Nilupig nito ang puwersa ng mga Igorot.
C. Itinayo nito ang dating tribo ng ama.
D. Pilit nitong hinanap ang ama.

10. Ano ang ikinaiba ng epiko sa iba pang akdang pampanitikan? Ang lahat ay tama maliban
sa ________.

A. Ang karaniwang paksa ay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.


B. Ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng kakaibang lakas.
C. Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit.
D. Kawing-kawing ang mga pangyayari.

II. Hanapin ang dalawang salitang magkapareho o magkaugnay ang kahulugan.

11. Mahirap mahirati sa yaman baka mahumaling ka sa mga walang kabuluhang bagay.

12. Pinagmasdan ng bilanggo ang liwanag ng buwan at mga bituin at namasid niyang mas
maningning ito kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.

13. Ang alingawngaw ay nagmumula sa mga bilanggo sa ibang dako at ipinapalagay na


guniguni lamang ang pinagmunulan ng tinig.

14. Matarik na pader ang nakatabing sa liwanag na humaharang sa kanilang mataas na


pangarap.

15. Guniguni lamang ang ipinakikita ng yungib dahil sa liwanag ng kanilang imahinasyon sa
katotohanang nakamulatan.

SUSING SAGOT
1. A 11. mahirati- mahumaling
2. A 12. pinagmasdan - namasid
3. C 13. alingawngaw - tinig
4. D 14. matarik – mataas
5. A 15. guni-guni - imahinasyon
6. A

Filipino 10-Q1-W3 & W4


1. Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay (F10PB-Ic-d-64)
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10PT-k-d-63)
3. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang teksto (F10PN-Ie-f-65)
4. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga suliraning kinaharap ng tauhan (F10PB-Ie-f-65)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 10

7. C
8. B
9. B
10. D

Filipino 10-Q1-W3 & W4


1. Nabibigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay (F10PB-Ic-d-64)
2. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan (F10PT-k-d-63)
3. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang teksto (F10PN-Ie-f-65)
4. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga suliraning kinaharap ng tauhan (F10PB-Ie-f-65)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.

You might also like