You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
JUDGE FELICIANO BELMONTE HIGH SCHOOL
AFP Road, Garcia Heights, Holy Spirit, Quezon City, District II, Metro Manila

FILIPINO

10
Unang Markahan – Modyul 7
Panitikang Pandaigdig

KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO


Hinanda ni:
Cleo Pearl D. Castro
Guro sa Filipino 10

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________________


Baitang at Seksyon: ________________________________________________
Pangalan ng Guro sa Filipino: ________________________________________

1
JUDGE FELICIANO BELMONTE SR. HIGH SCHOOL
SANAYANG GAWAIN SA ARALIN 7
FILIPINO 10

PANGKALAHATANG PAALALA: Ang modyul na ito ay sarili mo nang kopya at magagamit mo rin bilang reviewer tuwing
may pagsusulit. Ito ay libre at HINDI IPINAGBIBILI. Gumamit ng malinis na BOND PAPER sa pagsagot sa lahat ng mga
gawain na narito. Palaging maglagay sa iyong papel na ipapasa ng mga sumusunod na impormasyon:
1. Pangalan at Seksyon 3. Petsa ng Pagpasa ng sinagutang-papel 5. Pangalan ng Guro sa Filipino
2. Asignatura o Subject 4. Bilang ng Modyul (hal. Modyul 1) 6. Lagda ng Magulang/Guardian

ARALIN 7: EPIKO MULA SA EGYPT


Panitikan: Epiko ni Gilgamesh
Isinalin ni Mauro Avena
Gramatika/Retorika: Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Saloobin

Mga Layunin:
A. Panitikan
1. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko.
2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan.
3. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang bansa.
B. Gramatika – Nakapagbibigay ng mga paraan kung paano mabisang maipahahayag ang damdamin sa pasulat man o pasalita.
C. Produkto – Nakasusulat ng tula tungkol sa pagpapakita ng kabayanihan o kabutihang loob.

SUBUKIN
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Nagmula sa Mesopotamia at kinilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Anong akda ito?
A. Epiko ni Mahabarata C. Epiko ni Gilgamesh
B. Epiko ni Lam-ang D. Epiko ni Ramayana
2. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
supernatural na nakahihigit sa karaniwang tao.
A. Awit B. Korido C. Elehiya D. Epiko
3. Siya ay matipuno, matapang at makapangyarihan na hari ng lungsod ng Uruk?
Enkido B. Gilgamesh C. Uruka D. Enlil
4. “Nawa’y magtagumpay ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang planong maibalik sa dating ganda ang Manila
Bay.” Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag?
A. Pagkalungkot B. Pag-asa C. Pagkadismaya D. Pagkatuwa
5. Sa pangungusap na, “Ang mga doktor at nars sa bansa ay humingi ng tulong sa pamahalaan na muling ibalik sa
GCQ ang bansa dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID19.” Anong damdamin ang nakapaloob dito?
A. Pagkaawa B. Pagkabalisa C. Pagkagulat D. Pagkapagod

I- TUKLASIN

A. Gawain
Panuto: Gumupit o gumuhit ng isang larawan ng maituturing na bagong bayani ngayong panahon na may
pandemya at may dumaang mga kalamidad sa bansa. Bigyan ng paliwanag sa ibaba ng larawan kung anong
kabayanihan ang kanyang nagawa.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2
B. Pokus na Tanong
1. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang Epiko ni Gilgamesh sa iba pang epikong nabasa? Ipaliwanag.
2. Paano mabisang maipapahayag ang damdamin sa pasulat man o pasalita?
II- LINANGIN
A. Paglinang ng Talasalitaan
Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibi
sabihin. Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita upang madaling maibigay ang kasingkahulugan
nito. Kadalasan ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga pang-uri o mga salitang naglalarawan sa isang
tao, bagay, hayop, at pook o lugar. Maaari ding katangian tulad ng uri, anyo, kulay, laki, amoy, lasa
Mga halimbawa ng mga salitang magkasingkahulugan:
marikit – maganda
masaya – maligaya
bughaw – asul

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Piliin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

Tinutunton Matagal na pagkakahiga dahil sa sakit Nagpantay


Nabalita Ipinagdalamhati

1. “Ako ang pumutol sa puno ng Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at
ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin?”
2. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang
pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?”
3. Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo.
4. Ipinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi.
5. “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang
kagubatan at takot na takot.”

B. Pagbasa ng Teksto

Mula sa Epiko ni Gilgamesh


salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

Mga Tauhan:
Anu - Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - Kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh - Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta - Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng
Utnapishtim
Utnapishtim - Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng mga diyos
ng buhay na walang hanggan.

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng
pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado
sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan
na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

3
2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na
lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh.
Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si
Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng
Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa
kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi
nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda
nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan
ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at
ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit
ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng
isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang
kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako,
sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay.
Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang
mapunta roon ay hindi na makababalik.
4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang
karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng
liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng
sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang
panahon. Sila na minsa’y nagging mga diyos tulad
nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na
maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at
nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga
tupa, naroon din si Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng
mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang
nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot
na takot.”.
5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak.
Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-
paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot
na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na
ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay
paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan
upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”
6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala
ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako
kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo.
Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw
ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako
ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang
pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli,
pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

Mula sa: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/epiko-ni-gilgamesh.html

4
C. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong kasagutan sa sagutang papel.

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa akda.

Paano siya mag-isip?

Ano ang kanyang suliranin at paano niya ito hinarap?

Katangian at Kapangyarihan?

Paano siya kumilos at mamalakad?

2. Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo bang kaibigan ang isang tulad ni Gilgamesh? Bakit?
_________________________________________________________________________________________
3. Bakit kaya kahiya-hiya para kay Enkido ang kanyang kamatayan?
_________________________________________________________________________________________
4. Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng akda tungkol sa pagkakaibigan?
_________________________________________________________________________________________
5. Ano ang pagkakatulad/ pagkakaiba ng paniniwala ng mga taga – Ehipto at mga Pilipino?
_________________________________________________________________________________________

III- UNAWAIN

Alam mo ba na….
A. Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang grupong etniko. Ito ay isang
mahabang tulang salaysayin na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan, sa mga serye ng kanta.
Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga
bagay sa kalangitan, atbp.) Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mahihiwagang
nilalang, anting-anting at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa
panliligaw o pag-aasawa.
B. Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia na kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan. Ang kasaysayan ni Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian patungkol kay “Bilgamesh” (salitang
Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk.
C. Ito rin ay kuwento ng kabayanihan noong unang panahon na punong – puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
D. Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay
buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
E. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o
talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
F. Ang pangkalahatang layunin ng epiko ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t
naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito at ang
pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong makapagbibigay – buhay sa layunin ng tula. (Crisanto
C. Rivera, 1982).

Sanggunian: https://pinoycollection.com/epiko/

5
A- Gramatika/Retorika
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Saloobin

1. Mga Pangungusap na Pandamdam – Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o


emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!) Gaya ng Galing! Ang sakit! Sobra na! Nakakainis!
Halimbawa:
• Naku po, hindi ko maaatim na gawin iyan!
• Nakakainis naman, napakaraming tao ang hindi marunong sumunod sa batas!

2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
• Aray!
• Wow!
• Yehey!
• Ngek!

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao


– Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit ito ay
nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon.
Halimbawa:
• Pagkatuwa: Napakasayang isipin na sa kabila ng laganap ang pandemya ay nagkaroon na ng mahabang
pagsasama-sama ang bawat pamilya.
• Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit sa Tsina ay mabilis na naibalik sa normal ang kanilang
pamumuhay.
• Pagkalungkot: Masakit isipin na sa taong ito ay hindi maganda ang pamumuhay ng nakararami dahil sa
pandemya.
• Pagkagalit: Hindi dapat darami ang mahahawaan ng COVID19 kung ang bawat isa ay hindi nalilimutan ang
pagsunod sa mga alituntunin at gabay ng pamahalaan.
• Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pamahalaan na muling ibalik sa GCQ ang Metro Manila at karatig
probinsya upang maagapan ang muling pagdami ng nahahawaan sa sakit ng COVID19.
• Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang bawat lokal at barangay para maiwasan ang maraming
hawaan ng sakit.
• Pag-asa: Matatapos din ang lahat. Magtiwala ka lamang, magbabalik din sa normal ang lahat.

4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan


– Ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.
Halimbawa:
• Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang mga anak nilang lumalabas
sa lasangan kahit ipinagbabawal.
(Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin kung anong paraan ng pagpapahayag ng emosyon o
saloobin ang inilalahad. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

A. Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao


B. Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan
C. Maiikling Sambitla
D. Pangungusap na Pandamdam

1. Yehey!
2. Sobra na talaga ang pagod na nararamdaman ng mga frontliners!
3. Bagsak ang mga balikat niya dahil sa naging pagtatalo nila ng kanyang kaibigan.
4. Masakit isipin na marami tayong mga kababayan ang naapektuhan ng bagyong Ulysses.
5. Lubos na nagpapasalamat ang mga mamamayang naapektuhan ng kalamidad sa bumubuhos na mga
biyayang kanilang natatanggap.
6
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin sa ibaba at isulat sa sagutang papel kung anong damdamin
ang ipinapahayag nito.
A. Pag-aalala D. Pag-asa
B. Pagpapaalala E. Pagpapasalamat
C. Pagtataka F. Pagkalungkot

1. Ingatan mong hindi ka mahawaan ng COVID19 sapagkat masyadong mahal ang magpagamot.
2. Kulang na ang pera ko para sa mga gastusin sa bahay, sapagkat nawalan ako ng trabaho.
3. Makakaraos din tayo sa lahat ng mga pagsubok nating ito.
4. Mabuti na lamang at maraming mga bukas palad ang handang tumulong sa mga kababayan nating gipit sa
buhay.
5. Hindi ko lubos maisip bakit marami ang tumutuligsa sa mga ginagawa ng gobyerno.

B. Sagutin ang Pokus na Tanong

1. May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang Epiko ni Gilgamesh sa iba pang epikong nabasa? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________
2. Paano mabisang maipapahayag ang damdamin sa pasulat man o pasalita?
_________________________________________________________________________________________

IV- ILIPAT
Paglikha ng Tula
Bilang bahagi ng pagsubok sa iyong natutuhan sa ating tinalakay, ikaw ay naatasang sumulat ng tula ukol sa
pagpapakita ng kabayanihan o kabutihang loob. Ang tula na iyong bubuuin ay nasa taludturang andan na kapapalooban
ng iba’t ibang damdamin o saloobin. Ito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka 5 4 3 2 1


1. tungkol sa kabayanihan ngayong panahon
ng kalamidad

2. may malayang taludturan

3. gumagamit ng iba’t ibang damdamin o


saloobin

Kabuoang Puntos:

11 – 15 Pinakamahusay
6 – 10 Mahusay
1 – 5 Nangangailangan pang magsanay

7
V- TAYAHIN
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

1. Sa pahayag na, “Minsan ay itinuring mo akong kaibigan, subalit ngayon ay labis mo na akong kinamumuhian.” Anong
kasingkahulugan ng salitang kinamumuhian?
A. Kinaiinggitan C. Kinagigiliwan
B. Kinasusuklaman D. Kinababagutan

2. Ang pagkamatay ni Enkido ay labis na nakapagdulot ng kapighatian kay Gilgamesh. Anong kasingkahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. Kasuklam-suklam C. Kaligayahan
B. Kalungkutan D. Karumal-dumal

3. Sa pangungusap na “Sa panahon ng pandemya at kalamidad ang mga Pilipino ay kailangang magbayanihan.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang magbayanihan?
A. Magbigayan C. Magtulungan
B. Mag-away – away D. Magkagulo

4. Ang epikong inyong binasa ay mula sa bahagi ng _________.


A. Mesopotamia B. Iraq C. Persia D. Gresya

5. Ang kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan?


A. Epiko ni Gilgamesh C. Epiko ni Enkido
B. Tuwaang D. Indarapatra at Sulayman

6. Isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway
na halos hindi mapaniwalaan dahil may supernatural na kapangyarihan.
A. Alamat B. Mitolohiya C. Epiko D. Awit

Mula sa bilang 7 – 10 ay tukuyin kung anong damdamin ang nangingibabaw sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

A. Pagkainis C. Pagkagalit E. Pagpapaalala


B. Pag-asa D. Panghihinayang

7. “Ngek! Nakalimutan ko pa ang aking quarantine pass sa bahay.”


8. “Pwede bang, huwag na huwag kalilimutan ang social distancing at health protocols kahit nasaan ka!”
9. “Sana, kung may ID lang ako na talagang nagpapatunay na dito ako sa ating barangay nakatira tiyak kuwalipikado rin
ako sa SAP ng DSWD.”
10. “Walang-wala na nga kami, itinaon pang ngayong pandemya kami palalayasin sa aming tirahan, hindi sila
makapaghintay na matapos lamang ito bago kami paalisin!”

You might also like