You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 10-Q1-W5


Ugnayan ng Tauhan at Puwersa ng Kalikasan

5 Mga Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng Pangyayari

Mga Inaasahan

Sa araling ito ay magpapatuloy ka sa pag-aaral ng epiko, paghahambingin


mo ang mga epiko at tutukuyin ang mga puwersa ng kalikasan na nakaaapekto
sa mga tauhan nito. Bukod pa rito pag-aaralan mo rin ang mga angkop na
hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


sumusunod na mga kasanayan ;

1. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng


ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan. (F10PD-Ie-f-64)
2. Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa
a. pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig;
b. paliwanag sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino
c. sariling damdamin at saloobin hinggil sa sariling kultura kung
ihahambing sa kultura ng ibang bansa
d. suring-basa ng nobelang nabasa o napanood. (F10PU-Ie-f-67)
3. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari. (F10WG-Ie-f-60)

Bago ka magpatuloy, sagutin mo muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang bahagi ng epiko, pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Hinilawod
Rachelle S. Ballesteros

I.Panaginip
(1) Ipinakilala si Buyong Humadapnon bilang isang datung
popular sa kanilang nayon. (2) Sa kabila ng kaniyang katanyagan,
kakisigan at kayamanan, nananatili pa rin siyang binata. (3)
Minsan, dinalaw siya ng kaniyang mga espiritung kaibigan na sina

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
2

Taghuy at Duwindi sa kaniyang panaginip. (4) Sinabi ni Taghuy na


may isang dalagang tumutugma sa kaniyang pamantayan, ang
dalagang ito ay anak nina Buyong Lubaw Donggon at Uwa Matan-
Ayon. (5) Labis na nasiyahan si Buyong Humadapnon sa ibinalita
ni Taghuy kaya‟t nasabik siyang makita ang dalaga. Pagkatapos
managinip hindi na nawala sa kaniyang isip ang bagay na ito.
(mula sa Panitikang Filipino Antolohiya,2004)

1. Ano ang masasabi mong kulang pa sa tauhan ng akda?


A.kaibigan B. katanyagan C. nasasakupan D. asawa
2. Paano nakipag-ugnayan ang kaniyang mga kaibigan kay Buyong
Humadapnon?
A. patalastas B. pagdalaw C. panaginip D.pagpapahiwatig
3. Anong kultura ng sinaunang Pilipino ang makikita sa kabanata?
A. paniniwala sa mga espiritu
B. umaasa sa panaginip
C. tanyag ang mga datu
D. mapili sa babae
4. Ano ang naging epekto ng kaniyang panaginip kay Buyong?
A. Labis na pag-aalala
B. Labis na kasiyahan
C. Hindi paniniwala
D. Matagal na paghihintay
5. “Pagkatapos managinip hindi na nawala sa kaniyang isip ang bagay na
ito‟. Sa pangungusap, ano ang ginamit bilang hudyat ng pagkakasunod-
sunod ng pangyayari?
A. hindi B. pagkatapos C. nanaginip D. bagay

Balik-tanaw

Basahin ang maikling bahagi na hinango sa epikong Gilgamesh at pagkatapos ay


sagutin ang mga kasunod na tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong


kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa
kagubatan. Nagpangamok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si
Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di
naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang
pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay
sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang
siraan ang Diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh,

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
3

ipinadala nito ang toro ng kalangitan, upang wasakin ang kalupaang pinatag
nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi
pinahihintulutan ng mga Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya
itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na
namatay sa matinding paraan.
_____1. Ano ang naging kaparusahan ng kalangitan sa magkaibigan?
A. mabigo sa pakikidigma C. mamamatay ang isa sa kanila
B. magkakahiwalay ng landas D. mawawalan ng kapangyarihan
_____2. Paano tinugon ng Diyos ang panalangin ng mga tao?
A. nagpadala ng gagapi kay Gilgamesh
B. nagpadala ng kasinlakas ni Gilgamesh
C. nagpadala ng kamalasan kay Gilgamesh
D. pinarusahan ng kamatayan si Gilgamesh
______3. Ano ang kahulugan ng salitang nagpang-amok ayon sa paggamit sa akda?
A. naghamon B. naglaban C. nagwala D. nakidigma
______4. Ibigay ang katangian ng epiko na taglay ng akda?
A. may mga Diyos C. mahaba ang banghay
B. maraming tauhan D. maraming pakikipagsapalaran
_____5. Ano ang mahihinuha mo sa bahaging „ hindi pinahintulutan ng Diyos ang
kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakdang may mamatay sa kanila‟?
A. may kabayaran ang lahat
B. matinding parusa ang kamatayan
C. makapangyarihan ang kanilang Diyos
D. nakatakda na ang kanilang mga tadhana

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, ipagpapatuloy mo ang pag-aaral ng epiko bilang isang tulang


pasalaysay.

A. Ang Epiko Bilang Isang Akdang Pampanitikan.

Ang Epiko ay isang tulang pasalaysay na tumatalakay sa


pakikipagsapalaran ng mga magigiting na tauhan. Nagkakatulad ang
mga epiko sa daigdig sa pagbuo ng mga tauhang malalakas at
makapangyarihan. May ilang katangiang nagkakapareho ang mga
tauhan sa epiko katulad ng pagiging hari o prinsipe, mala-Diyos, o mga
kahalintulad na estado.
Ang kanilang pakikipagsapalaran ay karaniwang nagpapakita ng
kanilang kabayanihan, katapangan, karunungan at kababaang-loob.
Bagamat maraming pagkakatulad, nagkakaiba-iba naman ito
depende sa kultura ng bansang pinagmulan, gayundin sa kaligiran kung
kailan nabuo ang mga epiko.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
4

Bago ka magpatuloy sa pagsusuri ng epiko, pag-aralan mo muna ang


mga panandang pandiskurso na ginagamit na hudyat sa pagsusunod-sunod
ng mga pangyayari

B. Angkop na Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

1. Sa ating pakikipagtalastasan, kailangang malinaw nating naipahahayag


ang nais nating sabihin. Halimbawa, kung tayo ay nagkukuwento, kailangang
maihanay nang tama ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Kailangan
nating gumamit ng mga angkop na hudyat upang higit na maunawaan ang ating
ipinahahayag.

Maaaring gumamit ng mga salitang naghuhudyat ng pagsusunod-sunod ng


pangyayari.

Halimbawa:
Sa gitna ng pandemya kailangan natin nang ibayong pag-iingat lalo na kung
tayo ay lalabas ng ating mga tahanan. Una, tiyaking mahalaga ang dahilan sa
ating paglabas, kung hindi ay ipagpaliban na muna. Ikalawa, huwag
kalimutang magsuot ng face mask. Sunod na dapat tandaan ay tiyaking
sinusunod ang iniuutos na physical distancing. Panghuli, pag-uwi sa iyong
tahanan, huwag ipasok ang sapatos, kung maaari ay maligo muna bago
makisalamuha sa pamilya.

2. Bukod sa mga hudyat sa itaas, gumagamit din tayo ng mga transisyunal


na salita upang mabuo nang maayos ang mga pangungusap. Ang mga
panandang pandiskurso na ito ay maaari ring maghudyat ng pagsunod-sunod
ng mga pangyayari.
Karaniwang kinakatawan ito ng mga pang-ugnay o pangatnig

a. Nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon


at, saka, pati, maging
Halimbawa: Sa gitna ng pandemya kailangang manatili sa loob ng bahay ang
mga bata maging ang mga nakatatanda.
b.Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
maliban, bukod sa, huwag lang, bukod kay
Halimbawa: Sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)
pinapayagan na ang mga sasakyan sa kalsada maliban sa mga jeepney.
c.Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan

tuloy, bunga nito, kaya


Halimbawa: Sumunod siya sa mga payo ng doktor kaya naging mabilis ang
kaniyang paggaling.
d.Nagsasaad ng kondisyon o pasubali
kapag , sakali, kung
Halimbawa: Sa gitna ng pandemya kailangang lagi tayong magsuot ng face
mask kapag lalabas ng bahay.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
5

Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong guro kung may nais ka pang


linawin sa tinalakay. Ngayon naman kailangan mong sagutin ang mga
sumusunod na gawain na makadaragdag pa sa iyong pag-unawa sa aralin.

Mga Gawain

Gawain 1 A. Manood ng isang epiko. Maari mong panoorin mula sa link na


nakatala sa ibaba o maaari naman ang ibang epikong nais mo.

https://www.youtube.com/watch?v=r23WlPYJp5I

Panuto : Punan ang talahanayan sa ibaba batay sa napanood na epiko.


Magtala ng dalawa sa pangunahing tauhan sa unang hanay, isulat sa ikalawa
ang pagbabagong naganap sa tauhan, at sa ikatlong hanay ang pangyayaring
bumago sa tauhan. Sinagutan na ang unang bahagi bilang halimbawa.

Tauhan Pagbabago Pangyayari

Rajah at Hara Naging masayahin ang Pinagkalooban ng anak ni


mag-asawa dahil sa Bathala
kanilang mga anak

B. Sagutan ang Venn Diagram sa ibaba. Paghambingin ang dalawang epiko


ayon sa kultura at suliraning kinahaharap ng mga tauhang sina,
Gilgamesh at _______( tauhang buhat sa epiko sa link o buhat sa napili mo).

Pagkakaiba Pagkakapareho Pagkakaiba

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
6

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang 3 pamantayan
✔ Napunan ang lahat ng bahagi. 3 – dalawang pamantayan
lamang
✔ Mahusay ang pagpapaliwag
✔ Malinaw ang paghahambing 1 – isang pamantayan lamang

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong

Balikan mo ang Epiko ni Gilgamesh at pagkatapos ay sagutin ang mga


tanong.

1. “Kailangan itong paniwalaan bagamat ito ay nagdudulot ng katatakutan,


sapagkat ito‟y naghahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring
dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng
tao ay paghihinagpis.” Mula sa hinangong pangungusap sa akda, anong
isyung pandaigidig sa kasalukuyan mo ito maiuugnay? Paano ito
nakaaapekto sa buhay ng mga Pilipino?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano ang masasalaming kultura ng mga taga-Mesopotamia sa epiko ?
Paano ito maihahambing sa kultura ng mga Pilipino?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ibigay ang iyong mararamdaman kung mahahayag sa iyo ang magiging
kamatayan ng iyong kaibigan? Paano nga ba dapat harapin ang isang
masakit na katotohanang katulad ng kamatayan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Paano ipinakita ni Gilgamesh ang kaniyang pagluluksa? Paano naman
isinasagawa ng mga Pilipino ang pagluluksa kapag may namayapang
mahal sa buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
7

5. Paano mo maihahambing (pagkakapareho at pagkakaiba) ang Epiko ni


Gilgamesh sa ibang epiko na nabasa mo na. (Banggitin ang epikong
ihahambing upang maging batayan).
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Mga Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

✔ Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3- dalawang pamantayan lamang

✔ Mahusay ang pagpapaliwanag 1 – isang pamantayan lamang

✔ Maayos ang pagbuo ng


pangungusap

Gawain 3 Pagsasanay Panggramatika

A. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap upang mabuo nang maayos ang


talata. Isaalang -alang ang mga ginamit na hudyat sa pagsunod-sunod
ng mga pangyayari. Isulat sa patlang ang bilang 1-5.

_______A. Hanggang sa kasalukuyan ay nasa GCQ ( General Community


Quaratine) pa rin ang National Capital Region at iba pang mga lalawigan sa
ating bansa.
_______B. Unang nakapagtala ng kaso ng coronavirus sa bansa nitong
Enero.
_______C. Sumunod, nadagdagan ang mga kaso ng Covid 19 sa bansa
pagdating ng Marso.
_______D. Pagkatapos nito ay nagdeklara ang pangulo ng General
Community Quarantine sa buong Luzon, upang maiwasan ang paglaganap
ng sakit sa bansa.
_______E. Pinaigting pa lalo ang quarantine at isinailalim sa mas mabigat na
Enchanced Community Quarantine ang Luzon at iba pang panig ng bansa.

B. Punan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang


talata. Pumili sa mga nakatalang pang-ugnay ( at, ngunit, kaya, bukod,
sa kabila ).
Noong una ay mayabang at abusado sa kaniyang kapangyarihan
si Gilgamesh, ____________ ninais ng kaniyang nasasakupan na sila
ay makalaya. Nanalangin sila sa Diyos ______ tinugon naman ang
kanilang panalangin. Nagpadala ang mga Diyos ng malakas na
mandirigma si Enkido, ___________nagapi pa rin ito ni Gilgamesh.
___________ nito naging magkaibigan ang dalawa. Maraming
pakikipagsapalaran ang dalawa ____________ sa pagpatay kay
Humbaba ay pinatag din nila ang kagubatan.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
8

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Palawakin mo


pa ang iyong mga kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang epiko at mga angkop na


hudyat sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari, narito ang ilan sa mga
dapat mong tandaan.

1. Ang epiko ay isang akdang pampanitikan sa anyong taludturan na


nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng magigiting na tao.
2. Bagamat ang mga epiko ay kathang isip lamang, nakabatay pa rin ito sa
kultura ng lahing pinagmulan nito.
3. Higit nating nakikilala ang ating pagka- Pilipino sa ating mga epiko.
Masasalamin natin dito ang maraming katangian at pangarap ng ating
lahi.
4. Upang maging maayos ang pagsunod-sunod ng mga pangyayari
kinakailangang gumamit nang wastong panandang pandiskurso.
5. Maaaring gamitin ang una, sunod, pagkatapos, sa huli, at iba pang pang-
uring pamilang na nasa uring panunuran bilang hudyat sa pagsusunod-
sunod ng mga pangyayari.

Upang mas maunawaan ang aralin, may ilang gawain pang ihinanda para sa
iyo.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Balikan mo ang epiko ng nabasa mo sa modyul na ito. Sumulat ng
isang suring-basa batay dito. Sundan ang balangkas na nasa ibaba. Gawin
ito sa hiwalay na papel.

I. Sanligan ( maikling kasaysayan ng akda)


II. Buod (Maikli lamang na naaayon sa iyong pagkaka-unawa sa akda)
III. Kahulugan ng Pamagat
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
1. Kulturang Pilipino ( Ipaliwanag ang nakagawian ng mga Pilipino
na matutunghayan sa akda)
2. PilosopiyangPilipino ( Iugnay ito sa mga nasasalaming
paniniwala nating mga Pilipino )

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
9

3. Simbolismong Pilipino (Mga karaniwang simbolismo na


ginagamit natin, halimbawa nito ay ang; bahaghari para sa pag-
asa, liwanag para sa katotohanan at iba pa)
V. Implikasyon
1. Kalagayang Panlipunan/ Pambansa (Iugnay ito sa mga
sitwasyon na umiiral sa ating bansa sa kasalukuyan)
2. Kalagayang Pansarili (Iugnay ito sa sarili, Ano ang naging epekto
sa iyo ng akda ? Maaaring pandamdamin o pangkaisipan)

Rubrik sa Pagwawasto: Mga Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

✔ Natugunan ang lahat ng bahagi. 3 – dalawang pamantayan lamang

✔ Malinaw na naisaad ang mga paguugnay 1 – isang pamantayan lamang

✔ Maayos ang pagbuo ng


pangungusap

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin ang akda at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

Handiong
Lahat ng kapataga‟y
Pinagtatamnang palay
Na sa dumating pang panahon
Nagpadakila lalo kay Handiong

Ang unang bangka ay gawa rin ni Handiong


Nang ang Kabikula‟y lubos na matunton
Maliban na lamang sa layag at timon
„Pagkat ito nama‟y gawa ni Guinatong
( hango sa Panitikang Filipino: Antolohiya,2004 )

1. Anong uri ng tauhan sa epiko si Handiong batay sa mga saknong?


A. marunong C. matulungin
B. matapang D. mapangarapin
2. Tukuyin ang isyung panlipunan na sinikap tugunan ni Handiong?
A. kaguluhan B. korapsyon C. pananakop D. kahirapan
3. Paanong napadakila si Handiong sa kanilang lugar?
A. pinaunlad ang mga tao
B. pinasimulan ang pagsasaka

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
10

C. nilawakan ang nasasakupan


D. ipinakilala ang kaniyang kabayanihan
4. Anong naging tungkulin ng salitang maliban, sa taludtod na „ Maliban sa layag
at timon?
A. nagsasaad ng kinalabasan
B. nagdaragdag ng impormasyon
C. nagsasaad ng kondisyon o pasubali
D. nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
5. Anong pang-ugnay ang dapat gamitin upang mabuo ang pahayag.
___________ sa pagtatanim sa kapatagan bumuo rin si Handiong ng bangka.

A. Dahil B. Kaya C. Maliban D. Sa kabila

Pagninilay
Batay sa mga tekstong nabasa, bumuo ng tauhang pang -
epiko na kailangan natin sa kasalukuyang panahon. Ilarawan ang taglay
nitong kakayahan. Maaaring iguhit, maaari ring ilarawan lamang.

Rubrik sa Pagwawasto: Mga Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

✔ Malikhain at may orihinalidad. 3 – dalawang pamantayan lamang

✔ Nasunod ang hinihinging katangian. 1 – isang pamantayan lamang

✔ Malinis ang pagkakaguhit o


Malinaw ang pagkakalarawan.

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawain sa modyul na ito!

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like