You are on page 1of 2

SA ILALIM NG KUBYERTA

(talata bilang 1-36)


1 Buwan ng Disyembre, napakaraming tao sa ilalim ng bapor. Siksikan, pawisan, may nakaupo at mayroon
din naming nakatayo. Mapapansin mo na abala ang mga tao, bawat isa ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Kahit
sobra ang dami ng tao, sila ay masasaya. May mga kabataang palukso-palukso sa ibabaw ng mga tampipi at mga
kargada. Hindi alintana ang ingay ng makina at bulwak ng tubig na hinahalukay.
alintana-pansin
2 May tatlong lalaking nag-uusap, dalawa rito ay bata pa at ang isa naman ay may edad na. ang isa sa
kabataan ay mas matanda kaysa sa isa, estudyante ng medisina. Siya’y si Basilio. Ang isa naman ay si Isagani,
tahimik at malungkutin na katatapos lamang sa Ateneo. Ang kanilang kausap ay si Kapitan Basilio.
3 “Ayaw pa niyang magpagamot at ngayon po ay inuutusan niya akong pumunta sa San Diego upang
tingnan ang mga paupahang bahay nito.” May hinala si Basilio na kaya siya inutusan ni Kapitan Tiago ay upang
magkaroon ito ng pagkakataong humitit ng opyo.
4 Sa panahon daw nina Kapitan Basilio ay wala pang gaanong droga. Pero bandang huli ay inamin din niya
na may ganoong droga pero hindi nila ito pinapansin sapagkat abala sila sa pag-aaral.
5 ”Kumusta na ang itinatag ninyong akademya ng Wikang Kastila?”
6 “Mabuti po naman, nakahanda naman na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin.”
7 Ngunit sinabi ni Kapitan Basilio, “Palagay ko’y hindi matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla.”
8 Matutuloy po dahil hinihintay na lang po naming ang permiso pagkatapos na makipagkita kay Padre Irene
kay Kapitan Heneral. Niregaluhan naming ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami,”
iginiit ni Isagani.
9 Itinanong ni Kapitan Basilio na kung papayagan naman sila, saan sila kukuha ng pera.
10 “Mag-aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila.” “Ang mga kagamitan sa
paaralan at ang bahay na gagamiting paaralan ay ihahandog naman ng mayamang si Macaraig.
mag-aambag- magbibigay ng abuloy
11 Tumango si Kapitan Basilio. Wika niya, “Hindi masama ang kanilang iniisip. Kung hindi man sila makapag-
aral ng Latin, kaunting Kastila lang ay pwede na. Paurong na ang lakad ng panahon. Pinag-aralan nila ang Latin
sapagkat ang aklat nila ay Latin, ngunit ngayon kahit ang aklat nila ay Kastila ay hindi man lang napag-aralan.”
Paurong- pasama ang kalagayan ng panahon
12. Lumayo na si Kapitan Basilio at sabay na nagtawanan ang magkaibigan. Ang mahirap sa mga tao noong
una, kapag umisip ka ng isang bagay, ang makikita kaagad ay sagabal, hindi nito nakikita ang kabutihan na naiisip
mo. Ibig nilang makuha ang isang bagay na walang hirap.
Sagabal-hadlang
13. Binago ni Basilio ang usapan at itinanong kay Isagani kung ano ang sabi ng kanyang tiyo tungkol kay
Paulita.
14. Namula si Isagani nang sabihin kay Basilio ang sinabi ng kanyang tiyo na mag-ingat sa pamimili ng
mapapangasawa. Humalakhak si Basilio. Wala pa naman siyang maipipintas kay Paulita. Siya ay magandang-
maganda, mayamang-mayaman. Isa lang ang maipipintas mo sa kanya, palagi nitong kasama ang tiya niyang
nakakainis.
Namula-napahiya
15. Tungkol kay Doña Victorina, ipinahahanap kay Isagani ang asawa nito. Pumayag si Isagani dahil ayaw
nitong mawalan ng nobya. Ang totoo niyan nagtatago si Don Tiburcio sa bahay ng kanyang tiyo.
16 Kaya ayaw magtungo ng tiyo ni Isagani sa itaas ng kubyerta ay baka kasi tanungin siya ni Doña Victorina
tungkol kay Don Tiburcio at hindi niya alam ang isasagot.
17. Nang mapalapit ni Simoun sa dalawang binata ay naitanong niya kung magbabakasyon si Basilio at kung
kababayan niya si Isagani.
18. Sinabi ni Basilio na hindi niya kababayan si Isagani pero magkalapit ang kanilang bayan.
19. Kinumusta ni Simoun ang lalawigan na nakatuon ang tingin kay Basilio. Mabuti naman daw ito. “Hindi po
kayo nagagawi sa aming lalawigan?” ang tanong ni Basilio
20. “Hindi pa dahil ang mga mamamayan doon ay di bumibili ng alahas. Mahihirap daw siguro ang mga tao roon,”
ang sagot ni Simoun
21 Sumabad si Isagani: “Hindi kami bibili ng hindi naming kailangan.”
22 Pinilit ni Simoun na ngumiti, sinabi nito na huwag magalit. Hindi naman nito gusting hamakin ang
lalawigan ni Isagani., nabalitaan lang niya ang kura-paroko ay isang paring Indio. Kapag paring Indio ay tiyak na
maralita ang bayang iyon. At niyaya na lang ni Simoun ang dalawa na uminom ng serbesa.
23. Tumanggi ang dalawa sapagkat hindi naman sila umiinom ng alak. Tumango si Simoun na sabi nga raw ni
Padre Camorra na masama ang puro tubig ang iniinom.
24 Gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani. Wika ni Basilio, “Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay
wala sigurong silang tsismis na maririnig.
25. Idinugtong ni Isagani na hindi tulad ng alcohol ang matabang na tubig sapagka’t ito ay nakamamatay ng
apoy. At kapag ang tubig ay nagalit, iyon ay maaaring lumawak tulad ng dagat na handing magwasak at pumatay
kapag iyon ay pinainit at naging singaw, ito ay handing sumira ng isang maunlad na bayan o nang buong
sangkatauhan
26. Natigilan si Simoun, halatang napahanga ito sa dalawa. Itinanong ni simoun kung kailan magiging singaw
at dagat ang tubig.
27. Sabi ni Isagani nagiging singaw ang tubig kapag ito’y pinainit ng galit, hindi papaya makulong sa lalagyan.
Kapag ang maliit na tubig ng ilog ay pinagsama-sama at nagkaisa, lalakas ang agos at maaaring sumira ng maunlad
na bayan.
28 Napuna ni Basilio nagalit na si Isagani kaya’t siniko niya ito. Dahil dito ipinaliwanag ni Basilio kung bakit
tinawag na Cardinal Moreno o Eminencia Negra si Simoun. Ayon sa kanya si Cardinal Richelieu ang
makapangyarihang puno ng ministro sa Pransiya ay tagapayong Capuccino na tinatawag na kamahal-mahalang Gris
dahil sa suot niyang gris. Ang kanyang kapangyarihan ay tulad din ng kapangyarihan ng isang Kardinal. Ganiyan din
si Simoun, ang tagapayo ng Kapitan-Heneral.
29 Ang usap-usapang ito ay galing kay Padre Irene na labis labis ang paninira kay Simoun kapag nakatalikod
at kapag nakaharap ay sobra ang puri sa mangangalakal. Maya-maya pa’y pinatawag si Isagani ng kaniyang tiyuhin
na si Padre Florentino.
30 Sa dakong hulihan ng bapor ay may bangko, nakaupo roon ang paring Pilipino. Kagalang-galang at tahimik,
mapagkumbaba. Pinagpupugayan ng bawat bumati sa kaniya. Maganda ang pangangatawanan ngunit may edad
na rin. May bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha. Siya si Padre Florentino, tiya ni Isagani.
31 Anak-mayaman si Padre Florentino. Hindi niya gustong magpari. Kagustuhan ito ng kanyang ina. Ang ina
niya ay palasimbahin, naging malapit ito sa arsobispo at sa pag-aakala na mas makapaglilingkod pa ito sa Diyos
kung magiging pari ang kanyang anak, pinilit niya ang binata sa kabila ng pagtutol nito. Sa katunayan ay may nobya
ito, ngunit umiral pa rin ang katigasan ng loob ng ina.
Umiral- namayani
32. Naging pari si Florentino at idinaos ang kanyang una at maringal na misa sa edad na dalawampu’t lima.
Ang kasiyahan ng kanyang ina ay lubus-lubusan, kaya nang ito’y mamatay lahat ng kanyang ari-arian ay ipinamana
sa anak na pari.
33. Gayunpaman, ito ay sumugat sa damdamin ni Padre Florentino na para bang wala nang
makapagpapagaling. Bago idinaos ang kanyang unang misa, nagpakasal sa isang walang dangal na lalaki ang
kanyang kasintahan. At magmula noon ay nawalan na siya ng sigla. Marahil, kung hind sa pagsaalang-alang niya sa
tungkulin at likas na kabaitan, ay tumulad na rin siya sa iba pang tulad niya na nasadlak sa kawalan.
Sumugat- nakasakit
Nasadlak-napahamak
34. Nagdulot ng pangamba sa pari ang nangyari noong taong 1872 kaya’t ipinasya niya na mamuhay na tulad
ng mga karaniwang tao sa baybayin ng Pasipiko, sa lupaing kanyang minana. Doon niya nakasama si Isagani na
anak ng pinsang babaeng taga-Maynila. Ngunit para sa mga madadaldal, ito raw ay anak niya sa nabiyudang dating
katipan.
35. Nang nakita ng kapitan ang pari, agad itong nilapitan at pinilit na maisama sa itaas ng kubyerta kasama
ang iba pang mga prayle. Baka raw isipin ng mga ito na ayaw niyang makihalubilo sa kanila. Nakikiusap na ang
kapitan. Ito ang dahilan kaya ipinatawag ang pamangkin. Sinabihan ng pari si Isagani na iwasan daw magpakita sa
kapitan sapagkat baka raw ito anyayahan din, lalabas na inaabuso na nila ang kagandahang loob nito.
makihalubilo-makisama
36. Naiiling na sinabi ni Isagani na nagdadahilan lang daw ang kanyang amain sa kadahilanang ayaw lamang
nito na makausap ni Isagani si Doña Victorina.

PAGSAGOT SA MGA TANONG


1. Kasintahan ni Isagani
2. Dahilan ng pagkawala ng sigla ni Padre Florentino.
3. Sa kaniya galing ang usap-usapan tungkol kay Simoun
4. Lalaking kausap nina Isagani at Basilio
5. Pangarap ng in ani Padre Florentino
6. Ang isang bagay na maipipintas kay Paulita.
7. Binatang nagtapos sa Ateneo.
8. Bawal na gamot na hinihithit ni Kapitan tiago
9. Dito nagtatago si Don Tiburcio
10. Nagalit si iSagani sa kaniya.

You might also like