You are on page 1of 2

Learning Activity Sheet- LAS #3 Filipino 10

Pangalan :__________________________________ Petsa : __________________________


Paaralan : _____________________________________ Guro : __________________________

I. Punan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang talata. Piliin
sa kahon ang tamang sagot.

at bukod
ngunit dahil
kaya sa kabila

Noong una ay mayabang at abusado sa kaniyang kapangyarihan si Gilgamesh,


(1)_________ ninais ng kaniyang nasasakupan na sila ay makalaya. Nanalangin sila sa Diyos
(2)_________ tinugon naman ng kanilang panalangin. Nagpadala ang mga Diyos ng malakas na
mandirigma si Enkido, (3)_________ nagapi pa rin ito ni Gilgamesh. (4)________ nito naging
magkaibigan ang dalawa. Maraming pakikipagsapalaran ang dalawa (5)________ sa pagpatay
kay Humbaba ay pinatag din nila ang kagubatan.

II. Piliin sa kolum B ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa kolum A.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
6. Labis ang pagmimitihi niyang masiyahan siya, A. lungkot
maging kahali-halina at pangimbuluhan ng ibang
babae sa kasiyahan.
7. Sa pagmamasid niya sa babaeng Briton, nakadama B. kaiingitan
siya ng lumbay sa kaniyan gpuso.
8. O kahabag-habag kong Mathilde. Ang ipinahiram C. naguluhan
kong kuwintas ay imitasyon lamang.
9. Nanghiram siya kung kani-kanino, lumagda sa mga D. kabuhayan
kasulatan at pumatol ng mga patubuan sa lahat ng E. kaawa-awa
uri ng manghuhuthot.
10. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita F. nagpapautang
niyang umiiyak ang kaniyang asawa.

III. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Suriin ang pangunahing pangngalan at
tukuyin ang angkop na panghalip na hahalili dito.

11. Nagningning siya sa pagdiriwang ng palasyo. Natalo niya ang kagandahan ``````ng mga
babae __________.

12. Pinapangarap _________ maging marangya. Hindi natamasa si Matilde ang tunay na
karangyaaan.

13. Hinanap __________ ang kuwintas sa kung saan-saan man. Naubos ang pag-asa ng mag-
asawa.

Filipino 10-Q1-W5 & W6


1. Nagagamit ang mga angkop na mga hudyat sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG—Ie-f-60)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap (F10PT-If-g66)
3. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan (F10WG-If-g-61)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.
Learning Activity Sheet- LAS #3 Filipino 10

14. Napilitan __________ bumili ng kaparehong kuwintas. Ang mag-asawa ay gumawa ng


paraan upang mabili ito.

15. Nangutang sa kung kani-kanino si G. Loisel, ________ ay maparaan.

SUSING SAGOT

1. kaya 11. dito


2. at 12. niyang
3. ngunit 13. nila
4. sa kabila 14. silang
5. bukod 15. siya
6. B
7. A
8. E
9. F
10. C

Filipino 10-Q1-W5 & W6


1. Nagagamit ang mga angkop na mga hudyat sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari (F10WG—Ie-f-60)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap (F10PT-If-g66)
3. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan (F10WG-If-g-61)
PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.

You might also like