You are on page 1of 4

Kagudoy Rd.

Basak, Lapu-Lapu City


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: _______________________________________________ Iskor: _____________________


Petsa: _______________________________________ Lagda ng Magulang: _____________________
Guro: Bb. Kristhel Marie S. Tradio
LEVEL OF ASSESSMENT PERFECT SCORE SCORE
Pangkalahatang Panuto: KNOWLEDGE 15,10

1. Basahin ang mga panuto sa bawat uri ng pagsusulit. PROCESS 10,5


2. Isulat ang iyong sagot nang malinaw. UNDERSTANDING 5,5
3. Iwasan ang pagbubura. 10
PRODUCT
4. Tapusin ang pasulit sa loob ng isang oras.

PANGKAALAMAN NA TANONG (KNOWLEDGE)

I.IDENTIPIKASYON
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang na
nakalaan.

diwata Lalapindigowa-i Pah pabula


Farida Orang Hasmin maikling-kuwento
Odang Kurita Prinsipe Sulayman Amai Manis
epiko kuwentong-bayan daga dula

_________________________1. Ito ay kuwento tungkol sa ating bayan na nagpasalin-salin sa iba’t ibang


tao at henerasyon.
_________________________2. Batang-bata at napakalambing na asawa ng datu na siyang bumubunot
ng mapuputing buhok ng asawa.
_________________________3. Asawa ng datu na kasintanda niya at siyang bumubunot ng maiitim na
buhok ng asawa.
_________________________4. Pangalan ng masipag na magsasakang putakti na nagsusumikap
magtrabaho upang mapakain niya ang dalawang asawa.
_________________________5. Ang pangalan ng hipon na asawa ng putakti.
_________________________6. Ang pangalan ng itlog na asawa ng putakti.
_________________________7. Tawag sa kuwento ng mga hayop na nagsisikilos at nangagsasalitang
parang tao na ang layon ay makapagturo ng aral sa bumabasa.
_________________________8. Ang binuhusan ni Haring Indarapatra ng tubig na lunas upang muling
mabuhay.
_________________________9. Halimaw na may maraming paa sa “Indarapatra at Sulayman” na kayang
umubos ng limang tao sa isang lamon.
_________________________10. Pangalan ng malaking ibon na isa sa mga halimaw sa “Indarapatra at
Sulayman” na may malinaw na mata at kukong matalas.
_________________________11. Ang napangasawa ni Haring Indarapatra.
_________________________12. Tawag sa tulang pasalaysay na tungkol sa kabayanihan ng pangunahing
tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga kapangyarihan.
_________________________13. Itinuturing na munting kaibigan ni Yosouf.
_________________________14. Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayari na
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.
_________________________15. Isang matapat na alipin sa loob ng mahabang panahon sa kaharian ni
Sultan Malai Bansa.
II. PAGPIPILI-PILI

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.

_____ 1. Ito ay anyong pampanitikan na hango sa _____ 6. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang
gawin o ikilos. A. Aktor B. Iskrip
C. Direktor D. Dayalogo
A. Nobela B. Dula
C. Maikling Kuwento D. Tula
_____ 7. Ang anumang pook na pinagpasiyahang
pagtanghalan ng isang dula.
_____ 2. Tawag sa mga kumikilos at nagbibgay buhay
sa dula. A. Tanghalan B. Paaralan
C. Tagpuan D. Simbahan
A. Tagpuan B. Banghay
C. Tauhan D. Suliranin
_____ 8. Siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
_____ 3. Ang panahon at pook na kung saan naganap tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas
ang mga pangyayaring isinasaad. ng mga tauhan.

A. Tagpuan B. Banghay A. Guro B. Aktor


C. Tauhan D. Suliranin C. Direktor D. Manonood

_____ 4. Ang tawag sa mga linya ng mga aktor na siyang _____ 9. Saksi sa isang pagtatanghal. Hindi maituturing
sandata upang maipakita at maipadama ang mga na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
emosyon. ito napanood ng ibang tao.

A. Iskrip B. Manood A. Guro B. Aktor


C. Direktor D. Dayalogo C. Direktor D. Manonood

_____ 10. Ito ang tawag sa paghahati ng dula na kung


_____ 5. Ang nagsisilbing tauhan ng dula at
saan ginagawa ito sa pagpatay ng ilaw o pagladlad ng
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip.
kurtina sa entablado.
A. Yugto B. Tagpuan
A. Aktor B. Iskrip
C. Tanghal D. Tagpo
C. Direktor D. Dayalogo

PANGKASANAYANG TANONG (PROCESS)


III. PAGTUKOY NG SANHI O BUNGA

Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay
tumutukoy ng bunga.

_____1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.

_____2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.

_____3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa sampayan.

_____4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.

_____5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.

_____6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.

_____7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot niya sa pagsasanay.

_____8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang lagnat.

_____9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.

_____10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.


IV. PAGKILALA SA PANG-URING GINAMIT

Panuto: Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Mainit ang kape sa tasa.


4. Nakita ko ang makulay na dyip.
2. Pumasok kami sa malinis na silid.
5. Ang lapis ni Maria ay mapurol.
3. Mahina ang boses ng guro nila.

PANG-UNAWANG TANONG (UNDERSTANDING)


V. PAGSUNOD-SUNOD

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga gabay at hakbang sa pananaliksik sa pagbuo ng Travel Brochure. Isulat ang
bilang 1 para sa unang hakbang hanggang 5 sa panghuli. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan.

_____ Hanapin ang mga sanligang impormasyon.

_____ Tayain ang resources na nakalap.


_____ Tiyakin ang paksa.
_____ Gumamit ng mga aklat, magasin, pahayagan, at iba pang media sa pananaliksik.
_____ Makipanayam at kumuha ng mga larawan.

V. PAGPAPAKAHULUGAN

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag batay sa pagpapakahulugan sa mga talasalitaan. Itiman
ang angkop na kahon.

1. Prestiyoso ang isang institusyon kung ito ay kilala dahil sa awtoridad at kredibilidad sa larangang
kinabibilangan.
Tama Mali

2. Tumutukoy ang destinasyon sa pook na patutunguhan ng isang manlalakbay.

Tama Mali

3. Kapag inilunsad ang isang bagay o proyekto nangangahulugang ito ay dati nang kilala ng mga
mamamayan o lipunan.

Tama Mali

4. Matitiyak ang identidad ng isang tao kung makikilala ang kanyang pagkatao.

Tama Mali

i mga biktima.
5. Ang mga tao o bagay na nasalanta ay matatawag ding

Tama Mali

i
PAMPRODUKTONG TANONG (PRODUCT)

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng Mindanao?


Ang sagot ay dapat komprehensibo at malinis sa paraang patalata. (5 puntos)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Kabilang ka sa isang lupon ng kabataan na napili kung paano dapat i-promote ang turismo sa
Mindanao. Umisip ng isang islogan, teaser, o tagline na hindi hihigit sa sampung salita na
makapagpapaakit sa mga turista para pumunta rito. (5 puntos)

“Ang matinong mag-aaral ay hindi tumitingin sa iba kahit NAHIHIRAPAN.”


Maniwala ka sa sarili mong kakayahan. Kaya mo ‘yan!

Inihanda ni: Bb. Kristhel Marie Tradio

You might also like