I. PANUTO: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
_________1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa
na karaniwang may lakandiwa na namamagitan. A. Balagtasan B. Duplo C. Karagatan D. Karilyo _________ 2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar. A. Bilang alaala sa kanyang kadakilaan. B. Bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. C. Upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata. D. Pinakamahusay na mambibigkas noong kapanahonan. _________3. Tinatawag na ang nakasulat na gabay ng actor, director at iba pa na nagsasagawa ng dula. A. Sanaysay B. Tagpuan C. Iskrip D. Diyalogo _________ 4. Ang sinusundan ng mga acktor,ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. A. Iskrip B. Diyalogo C. Sanaysay D. Tagpuan _________ 5. Nililikha nang masinig, makintal sa isip, at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o lugar na pinangyarihan. A. Maikling kuwento B. Diyalogo C. Sanaysay D. Tagpuan _________ 6. Salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan at panghalip A. Pandiwa B. Pang-abay C. Pang-uri D. Pang- ngalan _________ 7. Panahon ng kasarinlan “ isa sa napatanyag, premyado at huwarang manunulat” A. Dionisio S. Salazar C. Marcelo H. Del Pilar B. Andres Bonifacio D. Emilio Aguinaldo _________ 8. Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin. A. Iskrip B. Sanaysay C. Tagpuan D. Diyalogo _________ 9. Uri ng pelikula o programang pantelibisyon ng kadalasang ginagamit sa pagsusuri o pagbibigay puna sa pangyayari, kumedya o katawa- tawa at drama. A. Mockumentary B. Diyalogo C. Sanaysay D. Maikling kuwento _________10. “ Jose Corazon de Jesus” kilalang pangalang tawag sa kanya. A. Huseng Batute C. Batutian B. Pedro Bukaneg D. Balitao II. PANUTO: Piliin sa hanay B ang katumbas na salita na nasa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_________ 1. Pagkasiphayo A. Sinisinta
_________ 2. Kaparangan B. Kalungkutan _________ 3. Malumbay C. Apihin _________ 4. Dalit D. Awit- panalangin _________ 5. Maglilo E. Magtaksil _________ 6. Magahis F. Malungkot _________ 7. Makitil G. Mamatay _________ 8. Aglahiin H. Mapahamak _________ 9. Pagbabata I. Mapuluan _________ 10. Sumisimsim J. Kabukiran K. Pagtitiis