You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
PANGASINAN DIVISION II
PINDANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
ALCALA, PANGASINAN

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 7

Pangalan:______________________________________Taon/Pangkat_________Marka_____

Test I. Pakikinig
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga salitang nabanggit sa binasang pahayag ng guro at ekis (x) naman kung
hindi ito nabanggit.

__1. Ekonomista
__2. Kombinasyon
__3. Elektrisidad
__4. Detalye
__5. Paksa

Test II. Pagbasa


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata at sagutin ang mga nakalaang katanungan sa ibaba.

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw – araw ay may bagong lunas na walang
bias.Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa
hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw –
dagitab.

__1. Ang tinutuloy sa talata ay ________.


A. Kagubatan B. Lungsod C. Paaralan D. Palengke
__2. Anong uri ng talata ang binasa?
A. Talatang Naglalarawan C. Talatang Nagtatanong
B. Talatang Nakikiusap D. Talatang Nagdedebate
__3. Anong emosyon ang nagingibabaw sa talatang binasa?
A. Takot B. Galit C. Inis D. Saya
__4. Dumantay sa mukha ng mga taong pagal. Ang kasingkahulugan ng salitang pagal ay______.
A. Masaya B. Malungkot C. Mahirap D. Pagod
__5. Ang binasang talata ay mula sa akda ni Efren R. Abueg na pinamagatang ___________.
A. Mabangis na Lungsod C. Nemo ang Batang Papel
B. Mga Alamat D. Alamat ng Waling Waling

Ang chamber theatre o dulang pasalaysay ay naiibang uri ng pagtatanghal ng dula. Katulad din ng
ordinaryong dula, binibigyang – buhay nito sa tanghalan ang mga usapan, kilos o galaw ng mga tauhan.
Subalit, naiiba ito dahil kasama sa diyalogo ng mga tauhan ang bahagi ng pagsasalaysay. Ikinukwento ng
bawat tauhan sa mga manonood ang kanilang ginagawa at gagawin. Tungkulin nila na simulan at
ipagpatuloy ang paglalahad ng kwento, tagpo, panahon, at mahahalagang pangyayari para sa kapakanan
ng mga manonood. Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala ng tagapagsalasay ang dula. Ang
tagapagsalaysay ay hindi kabilang sa mga actor na magsasagawa ng kilos sa tanghalan. Kinakailangan
ng puspusang pagsasanay upang maisagawa ng maayos ang isang dula.

__6. Ang sinasabing naiibang uri ng pagtatanghal na dula ay _________.


A.Dulang Panradyo C. Dulang Ekspositori
B. Dulang Pasalaysay D. Dulang Pantelebisyon
__7. Ano ang binibigyang buhay sa tanghalan?
Page 1
A. Tagapagpalaysay B. Manunulat C. Manonood D. Tauhan
__8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kinakailangan simulant at tapusin sa pagsasadula ng mga tauhan?
A. Tagpo B. Mahahalagang Pangyayari C. Tauhan D. Kapakanan ng Manonood
__9. Bilang isang tauhan sa isang dula, alin sa mga sumusunod ang binibigyang buhay ng tauhan?
A. Usapan B. Kilos C. Manonood D. Tagapagsalaysay
__10. Ang pangunahing paksa sa binasang teksto ay ___________?
A. Dula B. Tanghalan C. Dayalogo D. Kuwento

III. Talasalitaan
Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan.

__1. Nangangalirang na ang mga bukid dahil hindi pa tag – ulan.


A. Labis na natutuyo B. Nabasa C. Lubog D. Bitak
__2. Namamalirong ang kanyang bibig dahil sa malakas na suntok.
A. Nanunuyo B. Namamaga C. Dumudugo D. Sumasakit
__3. Nagpatawing – tawing ang mga papel sa hangin.
A. Nagpaagos - agos C. Nagpatangay - tangay
B. Nagpalangoy - langoy D. Nagpatalon - talon
__4. Puno ng layak ang paligid kaya nagtakip siya ng iong nang makalanghap ng masamang amoy.
A. Basura B. Kanin - baboy C. Alikabok D. Dumi ng tao/hayop
__5. Ayaw na ayaw kong makasabay ng isang ahas na tao.
A. Makakita B. Makausap C. Makasalubong D. Makaupo
__6. Dumadausdus ang tubig mula sa itaas ng bundok.
A. Bumababa B. Umaagos C. Umaalon D. Umaalinbuyog
__7. Si Impen ay nilinlang ng mga taong nakapaligid sa kanya.
A. Minahal B. Pinagsabihan C. Niloko D. Sinigawan
__8. Nagbukli sa puno ang mga magnanakaw.
A. Umakyat B. Tumalon C. Nagtago D. Nag-habulan
__9. Dapit – hapon na nang dumagsa ang mga taong nakiramay.
A. Dumating B. Dumami C. Umalis D. Kumain
__10. Ang batang iyan ay kaloob ng langit sa mag – asawang Cruz.
A. Biyaya B. Binenta C. Napulot D. Malas

Test IV. Maramihang Pagpipilian


Panuto: Tukuyin ang hinihinging kasagutan sa bawat tanong.

__1. Isang uri ng tradisyunal na tula ng mga Mangyan.


A. Haiku B. Tanaga C. Ambahan D. Tanka
__2. Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtud.
A. Kariktan B. Sukay C. Tugma D. Saknong
__3. Siya ang may akda ng kwentong “Impeng Negro”.
A. Rogelio R. Sikat B. Jerry Gracio C. Rene O. Villanueva D. Ed Maranan
__4. Saang lugar matatagpuan ang mga taong – Mangyan?
A. Malabon B. Mindanao C. Mindoro D. Makati
__5. Ano ang trabaho ng daddy at monny ni Jack at Anne?
A. Nars at Doktor B. Writer at Abogado C. Guro at Doktor D. Researcher at Pintor
__6. Ang bundok kung saan nakatira ang pamilya ni Ambo.
A. Bundok ng Halpo B. Bundok ng Halpon C. Bundok ng Halco D. Bundok ng Halcon
__7. Ang matalik na kaaway ni Impen sa pilahan ng pagsasalok ng tubig.
A. Aguador B. Ogor C. Rigo D. Goryo
__8. Anong bagay ang nakita ni Nemo nang siya ay humiling na maging isang masayahing bata?
A. Ulap B. Tala C. Araw D. Buwan
__9. Ang may akda ng “Ambahan ni Ambo”
A. Rogelio R. Sikat B. Jerry Gracio C. Rene O. Villanueva D. Ed Maranan
__10. Siya ang sumulat sa akdang “Nemo ang Batang Papel”
A. Rogelio R. Sikat B. Jerry Gracio C. Rene O. Villanueva D. Ed Maranan
__11. Isang dalagang walng kapares sa kagandahan at kabaitan.

Page 2
A. Daragang Makiling C. Daragang Mayon
B. Daragang Maganda D. Daragang Magayon
__12. Ang Alamat ni Daragang MAgayon ay naganap sa payapang rehiyon ng Ibalong sa maliit na bayan ng__.
A. Lawis B. Tawis C. Rawis D. Kawis
__13. Ang tahimik ngunit matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan.
A. Pagtuga B. Yawa C. Makusog D. Ulap
__14. Isang uri ng panitikang tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay – bagay.
A. Maikling Kwento B. Tula C. Sanaysay D. Alamat
__15. Namumulaklak lamang ito sa simula ng Agosto hanggang Setyembre o ang mas kilala natin bilang
panahon ng bagyo.
A. Rosas B. Sampaguita C. Waling – waling D. Gumamela

Test V. Pagtukoy
Panuto: Suriin at tukuyin kung sino ang nagsabi ng mga sumusunod na mga pahayag. Buuin ang mga ginulong
letra upang mabuo kung sino ang nagpahayag nito.

Sa akdang “Nemo ang Batang Papel”


_______________1. “Hindi ka bagay ditto” sabi ng _______. LOBIR
_______________2. “Bituin, bituin, tuparin ngayun din. Ako’y gawing isang batang masayahin!” NEMO
_______________3. “Ang dumi-dumi mo” sinigawan din siya ng ______. SAIRAP
_______________4. “Ang baho-baho mo!” nagalit sa kanya ang______. AMES
_______________5. “Wag mo nang dagdagan ang basura ditto!” GATAD

Sa akdang “Mga Alamat”


_______________1. “Siya na pala Kapitan, alam na ninyo kung saang dako ng lawa namatay ang
nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra?” BEN BAYZ
_______________2. “Saan Kapitan, may naiwang bang palatandaan sa tubig?” ONDAY ORIVICTNA
_______________3. “Samakatwid, ang kanyang bangkay?” ENB ZBYA
_______________4. “Ay, kapiling nang bangkay ang kanyang ama.” ERDAP BYISLA
_______________5. “Huwag niyo itong tawaging tubig.” PIAKNAT

Test VI. Pagsasaayos.


Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari sa kwentong “Ang Alamat ng Daragang Magayon” Isulat
ang bilang 1-5 ayon sa pagkasunod – sunod ng pangyayari.

___Habang lumilipas ang panahon, unti – unting tumaas ang lupang pinaglibingan kay Ulap at Magayon.
Naniniwala silang si Magayon ang tumubong bulkan at nagbubuga ng mga nagbabagang bato. Hanggang
umiksi na ang pangalang Magayon at nagging Mayong o Mayon.

___Sa halip na isang pagdiriwang para sa kasal ay isang madugong labanan ang naganap. Napaslang ni Ulap si
Pagtuga. Isang ligaw na palaso ang tumama sa likod ni Magayon. At habang sapo – sapo ni Ulap si Magayon
nang bigla siyang sinibat sa likod ng isang kawal ni Pagtuga. Hikbi at hagulgol ang narining para sa mga
pumanaw.

___Naganap ang alamat na ito sa payapang rehiyon ng Ibalong, sa maliit na bayan ng Rawis. Ipinanganak ang
isang babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon.

___Dahil sa kagandahan ng dalaga ay marami ang umakyat ng ligaw. Ngunit wala ni isa ang nakakuha sa
pagtingin ng dalaga, maging si Pagtuga. Isang katangi tanging binatilyo ang nagpakita sa Rawis, si Ulap.
Nabighani siya kay Daragang Magayon ngunit nagtiis na lamang ito sa pasulyap – sulyap sa dalaga.

___Tinulungan ni Ulap si Magayon isang araw ng madulas ito sa tauhan at nahulog sa malamig na ilog. At doon
nagsimula ang pag-iibigan ni Ulap at Magayon. Nagpahayag ng tunay na damdamin si Ulap at nagpahiwatig ng
kagustuhang pakasalan si Daragang Magayon sa ama ng dalagang minamahal. Dinakipni Pagtuga si Datu
Makusog at binantaan si Daragang Magayon na papatayin ang kanyang minamahal na ama kung hindi ito
magpakasal sa kanya. At sinunod nga ni Magayon ang kahilingan ni Pagtuga.

Page 3
Test VII. Pagsulat
Panuto: Bumuo ng isang saknong ng ambahan/tula na iaalay sa isang matalik na kaibigan. Gumamit ng mga
salitang magkakatugma sa pagbuo ng isang saknong. (5pts.)

Page 4

You might also like