You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

IKATLONG MARKAHAN
Week 3-4

Pangalan _____________________________ Marka:_________


Baitang-Seksyon __________________ Petsa _________ Lagda ng Magulang: __________

I. Pagsusulit 3
A.PANUTO: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng pinakatamang sagot hinggil sa sumusunod na
pahayag.
PANUTO: Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat aytem. Piliin ang letra ng wastong sagot at
isulat ito bago ang bilang.

____1. Ito ay kuwento ng isang kawili-wili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. Alamat B. Anekdota C. Nobela D. Sanaysay
____2. Sa pagsulat ng isang anekdota, kinakailangan na ang panimulang pangungusap ay ______________.
A. kagila-gilalas C. kanais-nais
B. kamangha-mangha D. kapana-panabik
____3. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa sa Persia (Iran).
A. Idries Shah C. Mullah Nassreddin
B. Muhammad Ali D. Saadi
____4. Naniniwala ang hari na kayang magsalita at mangaral ni Mullah sa mga tao dahil sa kanyang angking
husay, talino at listong pag-iisip. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang __________________.
A. magpaalala C. magtalumpati
B. magsalaysay D. magturo
_____5. Si Mullah ay maituturing ding isang mangangaral ng pangkalahatang moral ng Q’uran noong kanyang
kapanahunan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang _______________________.
A. tagapagturo C. tagapakinig
B. tagapagkuwento D. tagasunod

B.PANUTO: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa pahayag. Isulat ang letra sa patlang
bago ang bilang.

A. humahanga B. kampante C. nag-alinlangan


D. nagulat E. nainis F. natakot

_____6. Ang mga tao ay sabay-sabay na nagwika “Dakila si Mullah!”.


_____7. Sumagot ang mga tao, “Hindi po.” Agad na tumayo si Mullah sa pagkakaupo at natamik ang buong
kapulungan.
_____8. “Opo, alam po namin dahil kami po ay nagbasa ng mga mahahalagang katuruan”.
_____9. Ang ilan sa kanila ay nais tumugon ng “oo” samantalang ang iba naman ay “hindi”, dulot na rin ng
kanilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang pangyayari.
_____10. “Ang husay! nagawa niyang ipaunawa sa mga tao ang katuruang moral mula sa Q’uran”.

II. Pagsusulit 4
A. PANUTO: Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik sa patlang na nasa
unahang bilang.

A.Paksa B.Pagsasalaysay C.Gramatika D.Retorika E.Diskurso

_____1. Isang uri ng diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.


_____2. Ito ang pinag-uusapan sa kuwento at dito umiikot ang mga pangyayari.
_____3. Isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o
pasalita.
_____4. Ito ay wastong paggamit ng mga salita.
_____5. Ito ay berbal na komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao.
B.PANUTO: Lagyan ng tsek (✓) ang pahayag na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kasanayang
komunikatibo at ekis (X) kung hindi.

_____6. Sa pag-aaral ng wika, sapat nang matutuhan lamang ang tuntuning panggramatika upang
maging mahusay sa pakikipagtalastasan.
_____7. Sa pakikipag-usap, mahalagang malaman natin kung anong mga wika ang ginagamit ng iyong
kausap, hindi kung ano lang ang kanyang naiintindihang wika.
_____8. Ang paggamit ng hindi berbal na salita ay higit na nakatutulong upang mas madaling
maunawan ang mensaheng nais ipabatid sa kausap.
_____9. Ang hindi berbal na salita ay wikang pasalita o pasulat na mas madalas gamitin ng mga tao sa
pakikipag-unayan sa bawat isa.
_____10. Mahalagang mabatid ang tuntuning gramatikal dahil sa magagamit ang mga ito sa epektibong
pagbuo ng salita, parirala o pangungusap.

Inihanda ni:
ROSITA T. ALIVIA
Guro sa Filipino10
Sinuri ni:
GINA C. BLANCA
Tagapag-ugnay sa Filipino

Binigyang pansin ni:


ROSALIE L.LIWANAG
Punongguro I

You might also like