You are on page 1of 2

Department of Education

Region VI- Western Visayas


Schools Division of Iloilo City
LA PAZ NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Jereos Extension, La Paz, Iloilo City

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Unang Mahabang Pagsusulit | Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________________ Baitang at Pangkat:________________ Marka: /35


I. Panuto: Isulat ang titik A kung tama ang pangungusap at titik B naman kapag mali.
______ 1. Ang Sanaysay ay nanggaling sa dalawang salita na “sanay” at “pagsasalita”.
______ 2. Ang Sanhi ay tumutukoy sa epekto ng naganap na pangyayari.
______ 3. Ang paksa ang tumutukoy sa nilalaman ng sanaysay at nagpapahayag ng layunin ng may-akda.
______ 4. Ang resulta ng pangyayari ay tumutukoy sa Bunga.
______ 5. Ang Sanaysay ay kadalasang naglalaman ng punto de vista ng mambabasa.
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______ 1. Bahagi ng Sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang ideya o punto ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Panimula
______ 2. Elemento ng Sanaysay na higit na nagpapayaman sa kaisipan ng mga mambabasa kaya’t higit na mabuting gumamit
ng natural, simple at matapat na mga pahayag.
A. Tema/Paksa B. Anyo at Estruktura C. Damdamin D. Wika at Istilo
______ 3. Elemento ng Sanaysay na karaniwang sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang akda?”.
A. Wika at Istilo B. Kaisipan C. Tema/Paksa D. Damdamin
______ 4. Itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng sanaysay, sapagkat ito ang unang titingnan ng mambabasa at dapat na nakakapukaw
ng atensyon.
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Konklusyon
______ 5. Isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng kuro-kuro ng may akda hinggil sa isang paksa.
A. Dula B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Nobela
______ 6. Ito ay karaniwang may himig nakikipag-usap lamang at hindi nangangailangan ng masusing pag-aaral upang makasulat nito.
A. Nilalaman B. Banghay C. Pormal na Sanaysay D. Di Pormal na Sanaysay
______ 7. Bahagi ng Sanaysay na maaaring magsulat ng konklusyon, buod o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa.
A. Simula B. Gitna C. Wakas D. Panimula
______ 8. Sa bahaging ito ng Sanaysay ay dapat na mapukaw agad ang atensyon ng mga mambabasa.
B. Simula B. Gitna C. Wakas D. Katawan
______ 9. Tawag sa mga palatandaang salita na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng ugnayang sanhi at bunga.
A. Pang-uri B. Pangngalan C. Pang-ugnay D. Pandiwa
______ 10. Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari sa akda.
A. Tema/Paksa B. Anyo at Estruktura C. Damdamin D. Wika at Istilo
III. Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag na nasa ibaba ay tumutukoy sa pormal o di-pormal na sanaysay. Piliin ang titik ng sagot
sa loob ng kahon.

A. Pormal na Sanaysay B. Di-Pormal na Sanaysay

______ 1. Maaaring makahulugan, matalinghaga, o matayutay.


______ 2. Ang tono ay seryoso at hindi pabiro.
______ 3. Gumagamit ng payak na salita lamang.
______ 4. Palakaibigan ang tono.
______ 5. Maingat na pinipili ang mga salita at maayos ang pagsusulat.
IV. Panuto: Kilalanin kung ang sinalungguhitang pahayag ay nagsasaad ng Sanhi o Bunga. Isulat ang titik A kung ito ay Sanhi
at titik B naman kapag ito ay tumutukoy sa Bunga.
______ 1. Pinag-aralan ng mga misyonerong Espanyol ang mga katutubong wika kaya matagumpay na naipalaganap ang
kristiyanismo.
______ 2. Para mawala ang impluwensiya ng mga Amerikano ay ipinagbawal ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles.
______ 3. Bunga ng pagpapatupad ng Edukasyong Bilingguwal ay dalawang wikang umiiral sa bansa ang gagamiting panutro
sa paaralan.
______ 4. Napili ang Tagalog sapagkat ito ang intelektwalisadong wika na matatagpuan sa Pilipinas.
______ 5. Nagkaroon ng iba’t ibang rebisyon sa Alpabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang mas mapalawak
at mapaunlad pa nito ang wika.
V. Panuto: Bumuo ng sanaysay na naglalahad ng kahalagahan ng wikang Pambansa sa ating lipunan.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman- 4 puntos
Presentasyon ng mga Ideya- 3 puntos
Mekaniks- 3 puntos
Kabuoan- 10 puntos
____ WAKAS ___

You might also like