You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK


DIYAGNOSTIK
PANGALAN: _______________________________________________ ISKOR: _________________

GURO: MARICEL B. PANGANIBAN

I. Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at bilugan ang titik na
katumbas ng iyong sagot.

1. Ito’y nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

a. Layunin b. Wika c. Pamaraan ng Pagsulat d. Paksa

2. Ito’y nagsisilbing sentro ng mga ideyang dapat mapapaloob sa akda.

a. Layunin Pamaraan ng pagsulat b. Paksa c. Pamaraan ng pagsulat d. Wika

3. Uri ng pagsusulat na ang layunin ay pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-
aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.

a. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) b. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

c. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) d. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

4. Uri ng pagsusulat na may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.

a. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing) b. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

c. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) d. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

5. Siya ang nagsabing ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.

a. Albert Einstein b. Duenas at Sanz (2012) c. Mabelin d. Philip Koopman (1997)

6. Layunin nito na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ginagawang pananaliksik.

a. Akademikong Pagsulat (Academic Writing) b. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

c. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) d. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

7. Ayon kay Mabelin, ito’y isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga
bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring pasalinsalin sa bawat panahon.

a. Pagsasalita b. Pagsusulat c. pagbabasa d. pakikinig

8. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga


mambabasa.
Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite
Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

a. Pamaraang Argumentatibo b. Pamaraang Deskriptibo

c. Paraang Ekspresibo d. Pamaraang Naratibo

9. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na ang layunin ay magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

a. Pamaraang Argumentatibo b. Pamaraang Deskriptibo

c. Paraang Ekspresibo d. Pamaraang Naratibo

10. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.

a. Pamaraang Deskriptibo b. Pamaraang Ekspresibo

c. Paraang Impormatibo d. Pamaraang Naratibo

11. Ang ______________ ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

a. Pagsulat ng abstrak b. Pagsulat ng bionote

c. Pagsulat ng sinopsis o buod d. Posisyong papel

12. Layunin ng _________________ na maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.

a. Pagsulat ng abstrak b. Pagsulat ng bionote c. Pagsulat ng sinopsis o buod d. Posisyong papel

13. Tiyaking wasto ang _____________, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.

a. idyoma b. gramatika c. sukat d. tugma

14. Sa pagsulat ng sinopsis o buod basahin ang buong ____________________ at unawaing mabuti hanggang
makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.

a. buong seleksyon o akda b. gitna lamang ng akda

c. simula lamang ng seleksyon o akda d. wakas lamang ng seleksyon o akda

15. Sa pagsulat ng buod o sinopsis iwasang magbigay ng _______________.

a. di obhetibong pananaw b. ideyang sang-ayon sa orihinal

c. obhetibong pananaw d. sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda

16. Ang bionote ay ________ sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career.

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

a. awit b. tala c. talumpati d. tula

17. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng
__________________ na pangungusap.

a. 4 hanggang 5 na pangungusap b. 7 hanggang 9 na pangungusap

c. 8 hanggang 10 na pangungusap d. 5 hanggang 6 na pangungusap

18. Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng __________________upang maging malinaw at madali


itong maunawaan.

a. character ketch b. idyoma c. payak na salita d. talasalitaan

19. Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng ________________ng
isang tao.

a. epiko b. maikling kuwento c. personal profile d. tula

20. Sa pagsulat ng bionote, isulat ito gamit ang _________________ upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.

a. Unang Panauhan b. Ikalawang Pa nauhan c. Ikatlong Panauhan d. Ikaapat na Panauhan

21. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag.

a. Pagbabasa b. Pakikinig c. Pagsasalita d. Pagsusulat

22. Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.

a. abstrak b. bionote c. buod d. obhetibo

23. Ang nagsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

a. layunin b. pamamaraan ng pagsulat c. paksa d. wika

24. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na
mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyon dapat isama sa akdang isusulat.

a. kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat b. pamamaraan ng pagsulat

c. kasanayang pampag-iisip d. kasanayan sa paghabi ng ng buong sulatin

25. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika.

a. kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat b. pamamaraan ng pagsulat

c. kasanayang pampag-iisip d. kasanayan sa paghabi ng buong sulatin


Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite
Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

26. Kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhektibo, at
masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda hanggang sa wakas nito.

a. kaalaman sa wastong pamamaraan sa pagsulat b. pamamaraan ng pagsulat

c. kasanayang pampag-iisip d. kasanayan sa paghabi ng ng buong sulatin

27. Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at
isipan ng mga mambabasa.

a. akademikong pagsulat (Academic Writing) b. malikhaing pagsulat (Creative Writing)

c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) d. teknikal na pagsulat (Professional Writing)

28. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon
ng isang tao.

a. akademikong pagsulat (Academic Writing) b. malikhaing pagsulat (Creative Writing)

c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) d. propesyunal na pagsulat (Professional Writing)

29. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa
ng konseptong papel, tesis, at disertasyon.

a. akademikong pagsulat (Academic Writing) b. malikhaing pagsulat (Creative Writing)

c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) d. propesyunal na pagsulat (Professional Writing)

30. Ang Gawain.g ito ay makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
a. akademikong pagsulat (Academic Writing) b. malikhaing pagsulat (Creative Writing)

c. reperensiyal na pagsulat (Referential Writing) d. propesyunal na pagsulat (Professional Writing)

II. Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat sa inilaang patlang ang salitang TAMA kung wasto ang
pahayag. Isulat ang MALI kung mali ang pahayag.

__________1. Nagsisilbing gabay o padron ng isusulat na pag-aaral ang balangkas.

__________2. Bagaman maikli, kinakailangang malinaw at direkta ang pagbubuod.

__________3. Sa pagbabalangkas, mas mainam ang pasaklaw (deductive) na pagaayos ng mga ideya.
__________4. Sa pagbabalangkas, maaaring gumamit ng mga parirala o pangungusap bilang paksa ng bawat
aytem.

__________5. Sa pagbabalangkas, kinakailangan ng mga sumuportang ideya ang bawat pangunahing paksa.
__________6. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang uri ng pagsulat.
__________7. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na akademikong
pagsulat.
Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite
Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

__________8. Ang mga guro, manunulat, at mag-aaral lamang ang dapat na matuto ng propesyonal na
pagsulat.

__________9. Maaaring magbigay ng enumerasyon ng mga bagay na inilalahad o di kaya’y suriin ito batay sa
bahagi o uriin ayon sa kategorya kapag sumusulat ng tekstong naglalahad.

__________10. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukwento ng isang pangyayari o mga pangyayaring


magkakaugnay at may karakterisasyon o pagunlad ng tauhan

Prepared by: Noted by:

MARICEL B. PANGANIBAN JENETH J. SALVADOR


Adviser/Subject Teacher Principal I

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


DIYAGNOSTIK
PANGALAN: _______________________________________________ ISKOR: _________________

GURO: MARICEL B. PANGANIBAN

Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto. Piliin at isulat sa
iyong sagutang papel ang wastong sagot.

I.Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning magpalutang ng mga katangian ng isang tao, bagay, hayop,
o lugar.

A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib

C. tekstong persweysib D. tekstong prosidyural

2. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa.

A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib

C. tekstong persweysib D. tekstong prosidyural

3. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa
ang isang tiyak na bagay.

A. tekstong deskriptib B. tekstong impormatib

C. tekstong persweysib D. tekstong prosidyural

4. Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang
paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.

A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan

5. Ang ______________ ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa


pagpapaliwanag.

A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan

6. May __________ ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang
pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.

A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

7. Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda
upang maging mabisa ang pagpapahayag.

A. diin B. kalinawan C. katiyakan D. kaugnayan

8. Higit na dapat bigyang-pansin ang _____________ sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng
bumabasa ang pagbasa sa isang sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.

A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas

9. Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng
kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.

A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas

10. Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ito
ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata.

A. katawan o pinakagitna B. kongklusyon C. simula D. wakas

11. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa
at ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.

A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa

C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap

12. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.

A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa

C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap

13. Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang
inilalarawan.

A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa

C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap

14. Dito ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng
inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.

A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa

C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng mga sangkap

15. Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng _____________________. Naiiba ang
paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari.
Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite
Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

A. Maingat na pagsasaayos ng paksa B. Pagpili ng paksa

C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap

II.Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa iyong sagutang
papel.

___ 1. Ang mga panghalip ay inihahalili maliban sa __________.

A. pangngalan B. bagay C. hayop D. lugar

___ 2. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang kaisipan ng isang
teksto?

A. cohesive devices B. talasalitaan C. istruktura D. talata

___ 3. Sa paggamit ng reperensiyang anapora, saan ito makikita sa pangungusap?

A. gitna B. hulihan C. unahan D. kabilaan

___ 4. Ito ay isang uri ng kohesyong gramatikal na ang paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita.

A. Leksikal B. Reperensiya C. Pang-ugnay D. Substitusyon

___ 5. Sa kohesyong gramatikal, may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang nais ipahiwatig sa nawawalang salita.

A. Substitusyon B. Pang-ugnay C. Leksikal D. Elipsis

___ 6. Ito ay inihahalili sa ngalan ng tao, pook, bagay o hayop. Anong bahagi ng pananalita ang tinutukoy nito?

A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pangngalan

___ 7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?

A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.

B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.

C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.

D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.

___ 8. Sa paggamit ng reperensiyang katapora, saan ito makikita sa pangungusap?

A. gitna B. hulihan C. unahan D. kabilaan

___ 9. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:
Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite
Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

A. pangungusap B. parirala C. mensahe D. salita

___ 10. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?

A. Pangngalan B. Pang-abay C. Panghalip D. Pandiwa

___ 11. Si Teodoro ay isang binata na may edad labingwalo. Siya ay payat, mahilig mag-basketball at nais
niyang may aksiyon sa lahat ng kaniyang ginagawa.

A. Katapora B. Leksikal C. Anapora D. Elipsis

___ 12. Ang “at” sa tambalang pangungusap ay nagsisilbing:

A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Panghalip D. Pandiwa

___ 13. Sa panahon ng ECQ lahat ng mamayang Pilipino ay abala sa paghahanda ng pagkain, gamot, alchohol,
sanitizer, at mapanatili ang kalinisan ng loob at labas ng bahay.

A. Pag-uulit B. Kolokasyon C. Pag-iisa-isa D. Pagbibigay kahulugan

___ 14. Ipaglaban mo ang karapatan mo, sumulat ka ng kuwento, at yakapin mo ang iyong mga magulang.
Napagod silang lahat para makatapos kayo.

A. Anapora B. Katapora C. Kahulugan D. Pag-iisa-isa

___ 15. Sa gitna ng pandemya, dapat lamang na pag-ingatan ang kalusugan sa lahat ng oras dahil ito ay walang
pinipili, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o wala, at bata man o matanda.

A. Elipsis B. Kolokasyon C. Pang-ugnay D. Substitusyon

III.Basahin at unawain ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong malinis na
sagutang papel.

1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang indibidwal.

A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang walang kopya o listahan nang mga
itatanong.

A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya

3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na mahalaga kaysa sa nakahandang
katanungan.

A. follow-up B.observation C. open-ended D. structured

4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at mobile platforms.

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

A. e-trail B.paper trail C.people trail D.text-trail

5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang ispesipikong sagot.

A. follow-up B.open-ended C.structured D.unstructured

6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman ng buong saliksik.

A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa
kanyang listahan.

A. di-tuwiran B. tuwiran C.structured D. unstructured

8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na dokumentong pampubliko man o
pampribado.

A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail

9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi.

A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

10.Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?

A. larawan ng may-akda B. pamagat ng aklat C.pangalan ng may-akda D.taon ng paglathala


11.Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.

A. kard ng awtor B.kard katalog C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

12.Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?

A. cellphone B.papel at ballpen C.recorder D.lahat ng nabanggit

13.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.

A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik

14.Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa paksa ng iyong pananaliksik.

A. feature interview B.non-feature interview C.formal interview D.structured interview


15.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban sa;

A. ipakilala ang sarili nang may paggalang B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

16. Ang sumusunod ay mga uri ng tekstong impormatibo maliban sa isa?

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

A. Paglalahad ng totoong pangyayari B. Pagpapakilala

C. Pagpapaliwanag D. Pag-uulat Pang-impormasyon

17. Alin sa sumusunod na elemento ng tekstong impormatibo ang nagsasabing, mapalawak pa ang kaalaman
ukol sa isang paksa at maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag?

A. Layunin ng may akda B. Pangunahing Ideya

C. Pantulong ng kaisipan D. Pagsulat ng mga talasanggunian

8. Anong uri ng teksto kung ang isang tao ay may mga pangyayaring naibabahagi o naikukuwento sa kapwa?

A. Deskriptibo B. Impormatibo C. Naratibo D. Persuweysib

9. Bilang isang manunulat naglarawan ka sa isang akda ng nakabatay lamang sa iyong mayamang imahinasyon.
Anong uri ng paglalarawan ito?

A. Kathang-isip B. Obhetibo C. Pagsulat ng mga talasanggunian D. Subhetibo

10. Sa bahaging ito nakapaloob ang sentral ng ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo?

A. Banghay B. Paksa o tema C. Tagpuan at panahon D. Tauhan

Prepared by: Noted by:

MARICEL B. PANGANIBAN JENETH J. SALVADOR


Adviser/Subject Teacher Principal I

KEY TO CORRECTION- PAGBASA AT PAGSUSURI_ FINALS

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Talon Integrated School

I.
1. A 11. B
2. B 12. D
3. D 13. B
4. B 14. A
5. C 15. D
6. A 16. B
7. D 17. A
8. C 18. D
9. A 19. D
10. D 20. B
11. B
12. C
13. A
14. D
15. A PILING LARANG AKADEMIK
II.
1. A B 16.B
2. A B 17.D
3. B C 18.C
4. D A 19.C
5. D D 20. C
6. C A 21.D
7. A B 22.A
8. C A 23.A
9. D D 24.C
10. C C 25.A
11. C C 26.D
12. A C 27.B
13. C B 28.C
14. A A 29.C
15. B A 30.A
III.
1. A TAMA
2. B TAMA
3. A TAMA
4. A TAMA
5. B TAMA
6. A TAMA
7. C TAMA
8. B TAMA
9. B TAMA
10. A TAMA

Address: Sitio Matagbak, Talon, Amadeo, Cavite


Telephone #: (046) 4125801
Email address: depedcavite.talonnhs@gmail.com

You might also like