You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII
DIVISION OF SAMAR
District of gandara i
RAMON T. DIAZ NATIONAL HIGH SCHOOL
GANDARA, SAMAR

Pangalan: _____________________________________________________________ Baitang at Pangkat: ___________________________

Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang __________ ay isang uri ng lagon na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento,
salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

a) Pagsulat ng sinopsis o buod c) Pagsulat ng abstrak


b) Pagsulat ng bionote d) Posisyong Papel

2. Tiyaking wasto ang _________, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.

a) sukat c) gramatika
b) tugma d) idyoma

3. Sa pagsulat ng synopsis o buod basahin ang ____________ at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksa ng diwa.

a) Simula lamang ng seleksyon c) Buong seleksyon o akda


b) Wakas lamang ng seleksyon d) Gitna lamang ng akda

4. Sa pagsulat ng buod o synopsis iwasang magbigay ng _____________.

a) Sariling pananaw c) Obhetibong


b) Ideyang sang-ayon sa orihinal d) Di obhetibong pananaw

5. Ang layunin ng pagsulat na ito ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.

a) Panlipunan o pansosyal c) Personal o Ekspresibo


b) Panlipunan o pampulitika d) Personal o Naratibo

6. Isang uri ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng
mga mambabasa.

a) Malikhaing pagsulat c) Propesyonal na pagsulat


b) Teknikal na pagsulat d) Dyornalistik na pagsulat

7. Isang uri ng pagsulat na ang layunin ay pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan
lutasin ang isang problema o suliranin.

a) Malikhaing pagsulat c) Propesyonal na pagsulat


b) Teknikal na pagsulat d) Dyornalistik na pagsulat

8. Layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan.

a) Panlipunan o pansosyal c) Personal o Ekspresibo


b) Panlipunan o pampulitika d) Personal o Naratibo

9. Ito ang nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang pagsulat.

a) Salita c) Wika
b) Letra d) Sulatin

10. Isang uri ng pagsulat na nauugnay sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, at iba pa.

a) Teknikal na pagsulat b) Dyornalistik na pagsulat

Address: Brgy. Adela Heights, Gandara, Samar


Contact Number: 09685495338 |09571275752
E-mail Address: 303618@deped.gov.ph
FB Page: Ramon T. Diaz National High School FB Account: Ramon T. Diaz Acts
c) Propesyonal na pagsulat d) Malikahaing pagsulat

11. Ayon sa kanya “Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa
at babasa sapagkat ito ay maaaaring pasalin-salin sa bawat panahon.”

a) Mabilen c) Mabelin
b) Mebilen d) Maybelin

12. Ito ay nag sisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

a) Paraan c) Personal
b) Layunin d) Pagsulat

13. Ang ginamit na mga saggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

a) May paninindigan c) Maliwanag at organisado


b) May pananagutan d) Pormal

14. Mahalagang iwasan ang paggamit ng mga wikang kolokyal at balbal sa halip ay gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.

a) Impormal c) Pormal
b) Kaakit-akit d) Paglalahad

15. Ito ay ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa
kanya.

a) Abstrak c) Sintesis
b) Bionote d) Talumpati

16. Ang mga kaisipan ay nararapat maayos ang pagkakasunod-sunod at malinaw ang paglalahad nito.

a) May paninindigan c) Maliwanag at organisado


b) May pananagutan d) Obhetibo

17. Ayon kay Mabelin, ito’y isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa
sapagkat ito ay maaaring pasalinsalin sa bawat panahon.

a) Pagsasalita c) Pagbabasa
b) Pagsusulat d) Pakikinig

18. Ito’s isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.

a) Pamaraang Argumentatibo c) Paraang Ekspresibo


b) Pamaraang Deskriptibo d) Pamaraang Naratibo

19. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat na ang layunin ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
mgkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

a) Pamaraang Argumentatibo c) Paraang Ekspresibo


b) Pamaraang Deskriptibo d) Pamaraang Naratibo

20. Ito’y isa sa limang pamamaraan ng pagsulat kung saan ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o kabatiran
sa mga mambabasa.

a) Pamaraang Deskriptibo c) Paraang Impormatibo


b) Pamaraang Ekspresibo d) Pamaraang Naratibo

21. Sa pagsulat ng buod o synopsis iwasang magbigay ng _____________.

a) Di obhetibong pananaw c) Obhetibong pananaw


b) Ideyang sang-ayon sa orihinal d) Sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda.

22. Ang bionote ay _______ sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career.

a) Awit c) Talumpati
b) Tala d) Tula

23. Ang bionote ang maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng __________ ng isang tao

Address: Brgy. Adela Heights, Gandara, Samar


Contact Number: 09685495338 |09571275752
E-mail Address: 303618@deped.gov.ph
FB Page: Ramon T. Diaz National High School FB Account: Ramon T. Diaz Acts
a) Epiko c) Personal Profile
b) Maikling Kwento d) Tula

24. Sa pagsulat ng bionote, isulat ito gamit ang ___________ upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.

a) Unang Panauhan c) Ikatlong Panauhan


b) Ikalawang Panauhan d) Ikaapat na Panauhan

25. Ang nagsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

a) Layunin c) Paksa
b) Pamamaraan ng pagsulat d) Wika

26. Ito ay isang sulatin na nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o
mambabasa.
a) Bionote
b) Talumpati
c) Posisyong Papel
d) Sintesis

27. Laging nanonood ng pelikula si Marcos, nais niyang gawan ito ng buod at ipabasa sa kanyang mga kaibigan? Anong uri ng
lagom ang puwede niyang gawin?
a) Abstrak
b) Sinopsis
c) Bionote
d) Paglalagom

28. Sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng akda gamit ang_____?
a) sariling salita
b) salita ng awtor
c) salita ng kahit sino
d) salita ng awtor

29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang sa pagsulat ng paglalagom na sinopsis?
a) Basahin ang buong seleksiyon o akda.
b) Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.
c) Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon.
d) Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

30. Nakahiligan ni Kiesha ang paggawa ng blog. Nais niyang ipakilala ang kanyang sarili sa kanyang social media account.Alin sa
mga sumusunod ang maaari niyang gamitin?
a) Sinopsis
b) Paglalagom
c) Abstrak
d) Bionote

31. Isa sa panonood ng pelikula ang naging libangan ni Riza habang nasa ilalim ng Community Quarantine ang bansa. Nais niyang
sumulat ng pinasimpleng bersiyon ng pinanood, anong uri ng lagom ang dapat niyang gawin?
a) sinopsis o buod
b) paglalagom
c) bionote
d) abstrak

32. Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi. Nangangahulugan lamang ito
na______?
a) dapat maramdaman ng mambabasa ang totoong damdaming naghahari mula sa akda.
b) dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan at kanilang mga gampanin.
c) suriin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
d) pagtatala ng mga kaisipan habang nagbabasa

33. Ang pangunahing layunin ng pagsulat na ito ay ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto.
a) Teknikal na Pagsulat
b) Propesyunal na Pagsulat
c) Malikhaing Pagsulat

Address: Brgy. Adela Heights, Gandara, Samar


Contact Number: 09685495338 |09571275752
E-mail Address: 303618@deped.gov.ph
FB Page: Ramon T. Diaz National High School FB Account: Ramon T. Diaz Acts
d) Dyornalistik na Pagsulat

34. Ang bionote ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng _________, resume o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang
sarili para sa isang propesyonal na layunin.
a) Talumpati
b) bio-data
c) sanaysay
d) diary

35. Ang mga paraan na argumentatibo, deskriptibo, impormatibo, naratibo, at ekspresibo ay nakapalaoob sa pangangailangang ito.
a) Malikhaing pagsulat
b) Pamaraan ng pagsulat
c) Teknikal na pagsulat
d) Dyornalistik na pagsulat

36. Gamit kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang dapat nakapaloob sa sinusulat.
a) Paksa
b) Layunin
c) Letra
d) Titik

37. Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng ________________ upang maging malinaw at madali itong maunawaan.
a) Talasalitaan
b) Payak na salita
c) Idyoma
d) Character ketch

II. Panuto:Pumili ng numero mula 1-6 para mapagsunod-sunod ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
a. 4 b. 5 c. 1 d. 3 e. 6 f. 2

38. ________ Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.


39. ________ Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinulat.
40. ________ Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.
41. ________ Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
42. ________ Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging
mabisa ang isinulat na buod.
43. ________ Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal

II. Panuto: Piliin kung anong uri ng pagsulat ang mga halimbawa sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
a. Malikhaing Pagsulat d. Dyornalistik na Pagsulat
b. Teknikal na Pagsulat e. Reperensiyal na Pagsulat
c. Propesyonal na Pagsulat f. Akademikong Pagsulat

44. ________ Review of Related Literature


45. ________ Balita, Editoryal, Lathain, Artikulo, at iba pa.
46. ________ Guro – Lesson plan
47. ________ Nobela
48. ________ Doktors at Nars – Medical Report
49. ________ Sanggunian
50. ________ Maikling Kwenti

Inihanda ni:

AR ANNE U. ELIZALDE
Guro sa Filipino

Address: Brgy. Adela Heights, Gandara, Samar


Contact Number: 09685495338 |09571275752
E-mail Address: 303618@deped.gov.ph
FB Page: Ramon T. Diaz National High School FB Account: Ramon T. Diaz Acts

You might also like