You are on page 1of 3

PAUNANG PAGTATAYA (PRE-TEST)

I. Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.

1. Ito ay isa mga .uri ng sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon na pagsasanay, ayon
kay Michael Stratford, isang guro at manunulat.
a. Lakbay-sanaysay b. Replektibong Sanaysay c. Bionote d. Abstrak
2. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
a. Sanaysay b. Abstrak c. Posisyong-papel d. Lagom
3. Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat.
Alin sa mga salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a. Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b. Kalakasan ng manunulat d. Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA na may kaugnayan sa
sanaysay?
a. May introduksyon, katawan at wakas ang replektibong sanaysay.
b. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay na tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat.
c. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga
naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan.
d. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay.
5. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri ang
nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay-sanaysay c. akademikong sanaysay
b. Replektibong-sanaysay d. personal na sanaysay
6. Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan
ng isang manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a. talambuhay b. posisyong papel c. sanaysay d. editoryal
7. Ayon sa kanya ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang
tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
a. Michael Stratford b. Jose Arrogante c. Kori Morgan d. Abadilla
8. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b. katawan c. Konklusyon d. bionote
9. Paglalahad ng mga saloobin, pananaw, kuru-kuro, opinion o anumang nais palitawin na
ideya.
a. wakas b. katawan c. sanaysay d. simula
10. Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga panghalip na
ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d. panauhan
11. Ito ay itinuturing na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung saan
pupunta sa isang lugar__________.
a. pagsasadula b.paglalakbay c.pag-aawit d.pagsasayaw
12. Ito ay sang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa__________.
a. sanaysay b.talumpati c.nobela d.maikling kuwento

13. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa
paglalakbay.
a. sanaysay b.nobela c.lakbay-sanaysay d.paggawa ng iskrip
14. Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban sa
isa______.
a. panulat b. dyornal c. kamera d.radyo
15. Ang mga sumusunod ay konsepto ng sanay-lakbay maliban sa isa________.
a. pasalaysay b.sanay c.sanaysay d.lakbay
16. Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring
pagkakitaan.
a. travelogue b. blog c. travel blog d. tour
17. Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng
maikling deskripsyon.
a. dyornal b.sanaysay c.larawan d.blog
18. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga
impormasyon.
a. obhetibo b.organisado c.malinaw d.malaman
19. Ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagsulat ng sanaysay maliban sa isa___.
a. malinaw b. malaman/obhetibo c.organisado d.walang bias.
20. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa
_____.
a. itaguyod ang isang lugar c. pansariling kasaysayan
b. maidokumento ang kasaysayan d. kawilihan lamang

II.Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasagutan hinggil sa konseptong tinutukoy ng mga
pahayag sa pagbuo ng larawang sanaysay. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

___________1. Uri ng larawan na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na sino, saan,


kailan,
at bakit.
___________2. Kuha ng kamera mula tuhod paitaas mula baywang paitaas.
___________3. Ito ay ang larawang magbibigay sa mga mambabasa ng emosyong nais iparating
tulad
ng pag-asa, inspirasyon, kaligayan at iba pa.
___________4. Sangkap ng nakalarawang sanaysay na inaayos ayon sa pagakakasunod- sunod ng
mga pangyayari at layunin nito ang magsalaysay o magkwento.
___________5. Mahalagang elemento ng nakalarawang sanaysay na nakatutulong upang
maintindihan ng mambabasa ang kanilang tinutunghayan.
___________6. Itinuturing itong kombinasyon ng potograpiya at wika.
___________7. Ang pokus sa pagkuha ng larawan ay sa isang particular na bagay
lamang, hindi binibigyang diin ang nasa paligid.
___________8. Kailangang maikli lamang ito at karaniwang may journalistic feel.
___________9. Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa
ibabang bahagi tungo sa itaas.
___________10. Larawan itong nagbubuod sa sitwasyong inihayag sa nakalarawang sanaysay.

You might also like