You are on page 1of 4

FILIPINO 9- Unang Markahan

Mga Akdang Pampanitikan ng Timog Silangang Asya

PANGALAN: BAITANG: PETSA:

Panuto: Basahan at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bilang.

1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog”.

a. Edgar Allan Poe b. Deogracias A. Rosario c. Lope K. Santos

2. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kwento kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan
ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

a. Kakalasan b. Kasukdulan c. Wakas

3. Ano ang tawag sa pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may akda sa isang maikling kwento?

a.kakintalan b. paksa c. tema

4. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap[ ng isang pangyayari at
kalagayan.

A. Kwentong Sikolohiko b. Kwento ng Tauhan c. Kwento ng Pag-ibig

5. Mahigpit na ipinagbabawal ng iyong guro na kailangan mong mag-aral nang mabuti para pumasa ka
at matuwa ang iyong magulang. Dahil sa di inaasahang pangyayari nakaligtaan mong magbasa. Katabi
mo ang pinakamagaling sa inyong klase, walang kang maisip gawin maliban sa mangopya. Anong uri ng
Tunggalian ito?

a. Pisikal b. panlipunan c. sikolohikal

6. Madalas nakikipagsapalaran ang isang magsasaka, walang katiyakan kung kailan uulan para sa
pagtatanim, walang katiyakan kung kailan titila ang ulan upang makapabilad ng inani. Ang ganitong
pagkikipagtunggali ng magsasaka ay tinatawag na;

a. Pisikal b. panlipunan c. panlabas

7. Uri ng dula kung saan naglalaman ng mga kakaiba at nakatatawang pangyayari.

a. Komedya b. Melodrama c. Trahedya

8. Ang lahat ng nabanggit ay mga layunin ng dula, alin ang hindi kabilang?

a. mang-aliw b. magbigay-aral c. manghikayat


9. Sa elemento ng dula, siya ang tagapakuha ng nasabing mensahe sa isang dula

a. aktor b. direktor c. manunuod

10. Ito ay sangkap ng dula na kung saan makikita ang mga kapana-panabik na pangyayari sa mga tagpo
ng dula.

a. Kasukdulan b. kakalasan c. kalutasan

11. Ito ay maaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa mga pangyayari sa isang dula.

a. Eksena b. tagpo c. yugto

12. Ito ang uri ng dula na kung saan ay isinasagawa sa mga entablado.

a. Dulang pang-radyo b. dulang pangtelebisyon c. dulang pangtanghalan

13. Ito’y isang uri ng sanaysay na nagbibigay impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan at naglalahad
ng isyu.

a.di- pormal b. pormal c. salaysay

14. Ang mga sumusunod ay layunin ng pormal na sanaysay maliban sa;

a. magpatawa b. manudyo c. magpaliwanag

15. Isang uri ng akdang pampanitikan na naglalayong magpahayag ng personal na saloobin, kuro-kuro at
obserbasyon ng manunulat.

a. pabula b. maikling kwento c. sanaysay

16. Nais ni Titser Dennis na sukatin ang pagiging malikhain ng kanyang mag-aaral sa larangan ng
pagsulat. Isa sa kaniyang napiling gawain ng mag-aaral ay ang pagsulat ng isang di- pormal na
sanaysay. Bilang isang mag-aaral Anong uri ng di-pormal na sanaysay ang maari mong isulat?

a. Balita b. editoryal c. talambuhay

17. Ayon sa kanya ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ang sanay at pagsasalaysay.

a. Alejandro G. Abadilla b. Edgar Allan Poe c. Ponciano Pineda

18. Ang sanaysay ay nagmula sa salitang latin na _________na nangangahulugang “magtimbang o


magbalanse”

a. Curere b. educere c. exaguim


19. Ito’y uri
ng sining ng pampanitikan na nahahati sa maraming kabanata.

a. Nobela b. Maikling kwento c. Sanaysay

20. Ang mga sumusunod ay mga sangkap ng nobela maliban sa;

a. isang pag-aaral b.kasaysayan ng kwento c. liriko at madamdamin

21. Kung ang nobela ng kasaysayan ay nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa bayan at mga
bayaning nagtanggol at umibig sa bayan, ano naman ang nobela ng pang yayari?

a. Binibigyang pansin ang mga layunin tungo sa pagbabago

b. Binibigyang diin ang mga pangyayari

c. Binibigyang pansin ang pangyayari hinggil sa romansa

22. Natapos ng talakayin ni Titser Joan ang kanyang Aralin tungkol sa Nobela. Kung ikaw si Titser Joan,
ano ang maaari mong ipagawa sa iyong mga mag-aaral upang magamit ng mga mag-aaral ang kanilang
natutunan?

I. Magsawa ng isang dula-dulaan

II. Buod at pag-aanalisa

III. Pagsusuri ng makabagong Tema

a. I b. II at III c. I,II,III

23. Paano nakatulong ang Istilo ni Genoveva Matute sa pagbibigay ng damdamin at kulay sa nobela
niyang isang Libot isang gabi?

I. Maingat na paglalarawan

II. Diyalogo at Monologo

III. Pamamahagi ng Pananaw

a. I b. I at III c. I, II at III

24. Ito ay elemento ng nobela kung saan nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

a. Banghay b. Pananaw c. tauhan


25. Isang uri
ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan?

a. Awit b. epiko c. Tanaga

26. Anong uri ng dula nabibilang ang Elihiya?

a. Padamdamin b. pasalaysay c. patnigan

27. Taglay ng tulang ito ang paksa tungkol sa buhay sa kabukiran at sa kagandahang asal ng mga
magsasaka.

a. Kababalaghan b. pastoral c. pag-ibig

28. Sa pagsulat ng tula, ano ang unang gagawin?

a. Pagsulat ng burador o draft b. pagrerebisa c. pag-iisip ng paksa

29. Ano ang pagkakaiba ng saknong at taludtod?

a. Ang saknong ay tumutukoy sa linya at ang taludtod naman ay tumutukoy sa talata.

b. Ang saknong at tumutukoy sa talata at ang taludtod naman ay tumutukoy sa linya.

c. Ang saknong at taluntod ay parehong tumutukoy sa linya.

30. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit gumagawa ang tao ng mga akda tulad ng tula?

a. Dahil wala siyang magawa sa buhay

b. Dahil gusto niyang sumikat at purihin ng mga tao sa buong mundo

c. Dahil nais niyang ibahagi ang kanyang kaisipan at saloobin sa mga bagay-bagay

You might also like