You are on page 1of 2

BACNOR NATIONAL HIGH SCHOOL

Bacnor West, Burgos, Isabela


2nd PERIODIC EXAMINATION GRADE 12
(Malikhaing Pagsulat)
TEST I.
1. Binibigyang-diin ang kwentong ito ay ang tauhan at masusing pinag-aaralan at inilalarawan ang tunay na pagkatao nito?
a.katutubong buhay b.tauhan c.kababalaghan d. madulang pangyayari
2. Ang interes ng kwentong ito ay nasa balangkas ng mga pangyayari.
a.katutubong buhay b.pakikipagsapalaran c.kababalaghan d. madulang pangyayari
3.Ito ay kahawig lamang ng uring ito ng isang salaysay kaysa sa isang tunay na maikling kwento?
a.katatawanan b.pakikipagsapalaran c.kababalaghan d. madulang pangyayari
4. Iba pang uri ng maikling kwento na patungkol sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao?
a. diary b.journal c.auto-biografi d.talambuhay
5. Isang simpleng kasaysayan hango sa Bibliya na may magandang aral tungkol sa ispiritwal na pamumuhayA?
a. pabula b. parabula c. debosyonal d. bersikulo
6. Ayon sa kanya,ang “paningin sa maikling kwento ay tumutukoy sa pananaw na pinagdaanan ng mga pangyayari sa isang
katha…na ang paningin ay kaugnay ng kwento?
a. Virgilio Almario b. Pedro Bukaneg c. Jose Rizal d. Domingo Landicho
7. Sa ganitong punto de vista, isang tauhan ang naglalahad ngunit di gaanong sangkot sa pangyayari?
a. Paningin ng Unang Pabauhan b. Paningin sa pangalawang panauhan c. Paningin ng pangatlong panauhan
d. paningin ng pang-apat na panauhan
8.Ang mismong pakikipag-usap ng isang karakter sa mismong sarili ay tinatawag na?
a. monologo b. karaniwang monologo c. panloob na monologo d. dramatikong monologo
9. Isang uri ng monologo na kausap ng isang karakter na binibigkas nang malakas ang sinasabi.Kahit nag-iisa lamang ang
karakter, gumagamit ng panipi ang awtor sa pagsulat sa sinasabi ng karakter?
a. monologo b. karaniwang monologo c. panloob na monologo d. dramatikong monologo
10.Ito ay nangangahulugang pagbasa o pagbigkas ng tula sa harap o presensya ng mga tagapakinig.Ang pangunahing
layunin ng gawaing ito ay magtanghal sa harap ng maraming tao?
a. Spoken word poetry b. performance poetry c. theatre d.pagsasadula
11.Tumutukoy ito sa pagbigkas ng tula ng may indayog at aliw-iw na nagiging musika sa pandinig?
a. ritmo b. expresyon c. tono ng tinig d. malakas o mahinang tono
12.Ayon kay_____________“Ang mundo ay isang teatro”.Pinaniniwalaan na ang mga tao ay may papel na ginagampanan
sa buhay ayon sa kapalarang itinakda sa kanya ng May-kapal.
a. Shakespeare b.Balmaceda c. Almario d.Santos
13. “Ang dula ay nagtuturo sa atin ng pagyayari ng isang akdang pandulaan o paghahanda baga ng akdang tatanghalin,
pagpili ng paksa, paghahanda ng balangkas,paglikha ng dula at pagbibigay ng buhay paksang napili na umaalinsunod
sa…paglalahad,buhol o kagusutan at kalutasan o kakalasan.”
a. Shakespeare b.Balmaceda c. Almario d.Santos
14.Ito ay isang uri ng panitikan, na mga katangiang di nakikita sa iba pang uri ng panitikan?
a. maikling kwento b.dula c.tula d.awit
15.Anong sangay ng panitikan nagsisilbing hanguan ng mga dulang ipinalalabas?
a.tula at awit b.maikling kwento at nobela c.tula at nobela d.tula at maikling awit
16.Ito ay uri ng dula na may pagkakasalungatan ng kasiglahan ng isang buhay laban sa batas o hangganan ng buhay?
a.trahedya b.komedya c.trahekomedya d.panunuyang komedya
17.Ginagamitan ito ng mga marangyang nakatatawang eksena upang ilarawan ang isang di-totoo o kakatwa at walang
katuturan na daigdig?
a.trahedya b.komedya c.trahekomedya d.panunuyang komedya
18.Binibigyang-pansin dito ay ang dalawang nagmamahalan na dinamayan sa kainlang pakikibaka sa mga maghahadlang
sa kanilang pagnanasa na magka-isang dibdib?
a.trahedya b.komedya c.trahekomedya d.panunuyang komedya
19. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip ng dula maliban sa__________?
a. Pumili ng masaklaw ng masaklaw na pamagat.
b. Panatilihin ang interes sa dula.
c. Wakasan agad ang dula
d.ilarawan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng kilos at galaw,pagsasalita ng mga tuhan
20. Ang dulang may iisang yugto ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at
galaw, may ibat-ibang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik at kawili-wiling bahagi ng buhay
ng isang tao.
a. tama b. mali c.maari d.walang kaugnayan
TEST II.
Pagsulat ng Sanaysay
1.Anu-ano ang Apat(4) na Kombensyon ng Dula.Ipaliwanag bawat isa.(10puntos )

2.Ilahad ang banghay ng Dula .Ipaliwanag(10puntos)

3. .Ano-ano ang kahalagahan ng Malikhaing Pagsulat bilang isang estudyante?(10puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka
Kaisahan ng ideya/katumpakan – 30% 98-100=10puntos 85-88=5puntos
Nilalaman -30% 95-96=9puntos 80-84=4puntos
Kabuoan -30% 93-94=8puntos 75-79=3puntos
Kaayusan/kagandahan - 10 % 91-92=7puntos 70-74= 2-0puntos
100% 89-90=6puntos

You might also like