You are on page 1of 33

PAGSULAT SA FILIPINO

SA PILING LARANG

G. LOU B. BALDOMAR
DESKRIPSIYON NG KURSO
Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo
sa mabisa, mapanuri at
masinop na pagsulat sa piniling
larangan.
PAGSULAT SA PILING LARANGAN

• Mga tekstong babasahin


- iba’t ibang anyo ng sulatin sa mga piling larangan.

• Gramatika
- Paggamit ng kasanayang komunikatibo (linggwistik, sosyolingguwistik,
diskorsal at istratedyek)
INTRODUKSYON SA AKADEMIKONG
PAGSULAT
1. Kahulugan at kalikasan ng Akademikong Pagsulat.
2. Mga katangian ng Akademikong Pagsulat
3. Layunin ng Akademikong Pagsulat
4. Tungkulin/Gamit ng Akademikong Pagsulat
5. Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat
Araling Saklaw
Unang Markahan
Mga Aralin Paksa
Aralin 1 Mga Uri ng Pagsulat
Aralin 2 Mga Anyo ng Akademikong Sulatin
Aralin 3 Pagsulat ng Impormatibong Abstrak
Aralin 4 Pagsulat ng Bionote
Aralin 5 Pagbuo ng Panukalang Proyekto
Aralin 6 Pagsulat Adyenda
Aralin 7 Pagsagawa ng Katitikan ng Pulong
Aralin 8 Pagbuo ng Posisyong Papel
Araling Saklaw
Ikalawang Markahan
Mga Aralin Paksa
Aralin 9 Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Aralin 10 Pagbuo ng Lakbay-Sanaysay
Aralin 11 Pagsasagawa ng Pictorial Essay
Aralin 12 Pagsulat ng Talumpati
SISTEMA NG PAGMAMARKA
DepEd Order No. 8 s, 2015 Policy Guidelines on Classroom Assessment for the K to 12 Basic Education
Program

Komponent Bahagdan
Written Work (Quizzes, Takdang Aralin, 25%
Lagumang Pagsusulit, Preliminaryo)

Performance Task 45%


Mini Task – Activity Sheet
Big Task - TBA

Quarterly Assessment (Periodical 30%


Test, Division Unified Exam)

Kabuuan 100%
SISTEMA NG PAGMAMARKA
DepEd Order No. 31 s, 202O Interim Guidelines For Assessment and Grading In Light of the Basic
Education Learning Continuity Plan

Komponent Bahagdan
Written Work (Learning Activity 40%
Sheets, Parallel Test)

Performance Task 60%


Mga gawain sa Self Learning Modules o SLMs.

Kabuuan 100%
Mga Panuntunan Sa Klase
• Ang mga mag-aaral ay inaasahang makinig at sumunod sa
mga panuntunan na ibinigay ng kanilang guro.
• Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapasok sa silid-aralan
sa itinakdang oras.
• Iwasan ang pagliban o paghuli sa klase maliban kung ito ay
may sapat na dahilan. (valid reasons)
• Ang mga mag-aaral ay inaasahang makinig at aktibong
makilahok sa mga gawain sa klase.
• Iwasan ang paggawa ng mga gawain na walang kaugnayan
sa klase.
Mga Panuntunan Sa Klase
• Ang mga mag-aaral ay inaasahang magsumite ng kanilang
mga gawain sa itinakdang oras.
• Igalang ang iyong guro at kaklase sa lahat ng panahon.
• Kung may mga katanungan hinggil sa klase, maaaring
kausapin ang iyong guro upang kayo ay matulungan.
ARALIN 1
Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng
Pagsulat
Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nabibigyang kahulugan ang pagsusulat at akademikong pagsulat
CS_FA11/12PB-Oa-c-101
 Naitatala ang mga gawaing pambahay, pang eskwelahan, at pangkomunidad.
 Napag-uugnay-ugnay ang mga nabanggit na gawain upang matanto ang
kahulugan ng akademikong gawain
 Natutukoy ang mga tekstong pang-akademiko
Ang Pagsulat

Ayon kay Cecilia Austera et.al (2009), may-akda sa


Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang
pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at
damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong
midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Ang Pagsulat
Ayon kay Edwin Mabilin et.al sa aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), Ito ay isang
pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan
nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.
Ang Pagsulat

Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisasatitik ang nilalaman ng


isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng
mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa
mabuo ang isang akda o sulatin.
Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang
pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa
isipan ng mga bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawala ang
alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang binabahagi
ay mananatiling kaalaman.
MAKRONG
KASANAYAN
sa PAGSULAT
Ano nga ba ang pagsulat?

 Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala


at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang
pasulat.
 Binubuo ng dalawang yugto:
1. yugtong pangkognitibo
2. yugto ng mismong proseso
Tatlong paraan at ayos ng
pagsulat:

Pasulat o sulat-kamay

Limbag

Elektroniko
Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat

 Pormal
 Di-pormal
 Kumbinasyon
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

1. Paglalahad
Tinatawag din itong pagpapaliwanag na
nakasentro sa pagbibigay –linaw sa mga pangyayari,
sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at
pagbibigay ng mga halimbawa.
2. Pagsasalaysay
• Nakapukos ito sa kronolohikal o pagkasunod-
sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na
naganap.
• Nakasalalay sa may-akda ng maikling kwento o
nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na
bahagi ng salaysay.
• Gumagamit ng iba’t ibang istilo o istruktura ng
pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng
panitikang nasa anyong tuluyan.
3. Pangangatwiran

Ipinapahayag dito ang katwiran,


opinyon o argumentong pumapanig o
sumasalungat sa isang isyu na
nakahain sa manunulat.
4. Paglalarawan

Isinasaad sa panulat na ito ang


obserbasyon, uri, kondisyon,
palagay, damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang bagay,
tao, lugar at kapaligiran.
Proseso ng Pagsulat

1. Pagtatanong at Pag-uusisa
2. Pala-palagay
3. Inisyal na pagtatangka
4. Pagsulat ng unang borador
5. Pagpapakinis ng papel
6. Pinal na papel
Organisasyon ng Teksto
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na
bahagi.

 Titulo o Pamagat
Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng
papel; pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkasulat o pagpasa, at iba pang
impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
 Introduksyon o Panimula

Karaniwang isinasaad dito ang


paksa, kahalagahan ng paksa,
dahilan ng pagsulat ng paksa at
pambungad ng talakay sa daloy ng
papel.
 Katawan

Dito matatagpuan ang mga


pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag,
pagsasalaysay, paglalarawan at
paglalahad ay matatagpuan sa
bahaging ito.
 Kongklusyon

Dito nilalagom ang mga


mahahalagang puntos ng papel.
Isinasaad din sa bahaging ito ang
napatunayan o napag-alaman batay sa
paglalahad at pagsusuri ng mga
impormasyon ginamit sa papel o sa
pananaliksik.
AKADEMIKONG PAGSULAT
 Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga
mag-aaral kaya ito tinatawag na intelektwal na pagsulat.

 Ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Layunin nito


namaipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
AKADEMIKONG PAGSULAT
 Ito ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan.
Kailangan malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri,
paggawa ng sintesis, at pagtataya.
 Ayon kay KARENGOCSIK (2004). Ang akademikong pagsulat ay
ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. Ito ay nakalaan sa mga
paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. Ito ay
dapat maglahad ng importanteng argumento.
Batay sa kasalukuyang kaalaman, may dalawang paraan ng pag-clone ng mga mammal.
Ang unang pamamaraan ay maituturing na artipisyal na pagkakambal. Sa sistemang ito,
ang mga cell na bumubuo ng murang embrion ay pinaghihiwalay upang maging dalawa o
higit pang indibdiwal. Sa ganitong uri ng proseso, kinakailangan munang maganap ang
fetilisasyon, nagsasagawa ng teknolohikal na interbensiyon ang mga siyentista upang
gawing kambal (o higit pa) ang nabuong embrion. Ang proseso ay walang pinagkaiba sa
pagkakabuo ng kambal na natural na nangyayari sa kaso ng identical twins. Kaya lamang
gumagamit ang tao ng ganitong uri ng cloning ng interbensiyong teknolohikal ay upang
mapuwersa ang pagkakambal.

Mula sa: “Cloning Paglikha ng Kopya, Pagkopya ng Nilikha” ni Leonardo O. De Castro,


(1998)
Pahalikan ito sa barnis bago ipiit
sa apat na sulok ng sinasalaming kahoy
saka ikabit sa dingding
upang tingalain
habang marahang dinadapuan
ng sampal ng alikabok,
paminsan-minsang alalahaning
alayan ito ng dampi ng mamasa-masang basahan.

Mula sa “Leksyon sa Pagpipinta” ni Piya C. Constantino (2003-2004)

You might also like