You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS
PAARALANG DIBISYON NG SILANGANG SAMAR
Distrito ng Taft

FIL_14
SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 12
Filipino sa Piling Larang - Akademik

Pangalan: ____________________________ Grado at Seksyon: _______________


LRN: ____________________________ Petsa: _______________
Paksa: Kahulugan, kalikasan at katangian
____________________________ Iskor: _______________
ng Replektibong Sanaysay

Kasanayang Pampagkatuto
(Batay sa MELC)
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
CS_FA11/12EP-Oa-c-39
SIMULAN MO!

Sa ating buhay ay laging may lungkot, saya, pagkakataong nagbibigay ng


lakas ng loob at iba pa. Kaya naman iyong alalahanin at isalaysay ang mga
pangyayaring negatibo o positibo na iyong naranasan na hindi mo kalian man
malilimutan gayundin ang iyong mga natutuhan.

DAHILAN KUNG BAKIT DAHILAN KUNG BAKIT


MGA KARANASAN
HINDI MALILIMUTAN HINDI MALILIMUTAN
  

  

12
ALAM MO BA?

Ang sanaysay paglalahad ng mga saloobin, pananaw,


kuru-kuro, opinyon o anumang nais palitawin na ideya. Kaya
naman madalas ang nilalaman nito ay subhetibo. Likas
naman talaga sa sanaysay ang tipikal, patalata, maikli, at
REPLEKTIBONG maideyang pagtalakay ng mga paksa. Sa kabilang banda, ang
SANAYSAY
iba’t ibang kayarian at anyo ng isang sanaysay ay sadyang
nakakalito para sa nagsisimulang magsulat ng sanaysay. Kaya naman dapat na
alamin muna ang paksa, tema, pinagkukunan ng mga ideya at itinatampok sa
ganitong sulatin. Gaya na lamang ng lakbay-sanaysay na sa konseptong
paglalakbay at pagkuha ng mga ideya mula sa pinuntahang lugar. Ang larawang-
sanaysay na nakabatay sa larawang ginamit gayundin ang replektibong sanaysay.

Kahulugan at Kalikasan ng Replektibong Sanaysay

“Hindi sapat ang magkaroon lamang ng karanasan upang matuto. Kung


walang repleksyon o pagninilay mula sa naranasan ay madali lamang itong
malilimutan, o ang potensiyal na pagkatuto ay mawawala. Ito ay mula sa
nararamdaman at kaisipan at nag-uugnay mula sa ginawang paglalahat o
konseptong nabubuo. At mula sa konsepto o paglalahat na nabuo ay nagagamit ito
nang epektibo.” (Gibbs, 1998)

Dapat lamang na bigyang layunin at hanapin pa ang mas malalim na


dahilan kung bakit kailangang matutuhan ang mga bagay-bagay upang sa
paggamit ng mga natuklasan ay mas maging epektibo ang paggamit ng mga
natutuhan. Kaya naman upang maitatak sa ating isipan at maibahagi ang
konseptong natuklasan ay mainam itong isinusulat. Sa sanaysay ay may tinatawag
na replektibong sanaysay.

Ang replektibong sanaysay ay pagsulat ng mga ginagad na mga ideya,


konsepto at katotohanan sa pamamagitan ng pag-iisip nang malalim, repleksyon o
pagninilay mula sa mga naranasan o nararanasang pagkakataon. Ito ay
oportunidad upang mapalawak ang kaisipan sa mga ginagawa o mula sa mga
taong nakakasalamuha sa pamamagitan ng pagninilay sa iyong karanasan o
magkaroon ang isang indibidwal nang mas malawak pang perspektibo mula sa
ibang tao at teoryang nabuo.

13
Maaari ring ang replektibong sanaysay ay pagsusulat ng mga ideya na may
kaugnayan pa sa isa pang ideya. At sa bawat pagtuklas ng mga ganitong prinsipiyo
at kaugnayan ng mga bagay-bagay ay siyang pagkatuto pa lalo ng isang tao.

Nasa obhektibong layunin ng pagsulat ang ganitong anyo ng sanaysay


sapagkat mula sa mas malalim na naisip ng manunulat ay ibinibigay niya ang
sariling hinuhang mga kaalaman.

Ayon kay Moon (1999) may mga layunin kung bakit kailangang magnilay o
magkaroon ng repleksiyon. Nagninilay o nagkakaroon tayo ng repleksiyon upang:

 Maproseso ang ating sariling Pagkatuto


 Mabalik tanaw ang ilang bagay—sariling asal, mga nagawa, o produkto ng
inasal ng isang indibidwal mula sa ibang tao (halimbawa sanaysay, aklat,
pagpinta at iba pa)
 Makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan
 Mapaunlad ang sarili
 Magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin
 Mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal. Kaya
naman malaking bagay ang replektibong sanaysay upang magkaroon tala ng
kaugnayan ang tao sa kanyang ginagawa, layunin at mas malalim na
pampagkatuto.

Bahagi ng Replektibong Sanaysay

 Panimula:
Tulad ng mga salaysayin ito ay pagpapakilala ng pinakapangunahing ideya.
Inilalahad dito ang salaysayin o paglalarawan ng mga pangyayari bilang
introduksyon ng replektibong sanaysay. Sa simula pa lamang ay nangangailangan
na ito ng pamukaw upang magkaroon ng dating sa mga mambabasa.
 Katawan:
Dito naman inilalahad na ang mga pangyayari at mga realisasyong
ibinabahagi ng isang manunulat. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong
aral at mga pagbabago. Minsan maaring magkaroon ng metapor upang mas
nakakawili at masining ang pagpapahayag ng replektibong sanaysay.
 Kongklusyon:
Sa bahaging ito ay pagbibigay ng manunulat ng kahalagahan ng
isinasalaysay. Maibabahagi rin dito ang mga suhestiyon (direkta man o hindi) ang
pagpapabuti ng kaalaman, aral, konsepto o paglalahat.

14
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Kailangan bang laging paglalarawan ang gamitin sa pagsulat ng
replektibong-sanaysay? Pangatwiranan.
2. Anong kakayahan ang nililinang sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
3. Bakit kailangang matutuhan nang tulad mong mag-aaral ang ganitong uri
ng sulatin?

MAGTULUNGAN TAYO!

Pagsasanay 1:
Ibigay ang positibong dulot na maibibigay ng replektibong-sanaysay sa:

SA IYO SA IYONG KAPWA SA ATING LIPUNAN


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

Tanong:
1. Ipaliwanag ang pahayag ni Gibbs na “Hindi sapat ang magkaroon lamang ng
karanasan upang matuto. Kung walang repleksyon o pagninilay mula sa
naranasan ay madali lamang itong malilimutan, o ang potensiyal na
pagkatuto ay mawawala.”

15
MAGAGAWA MO!

Pagsasanay 2:
Maraming pangyayari ang nararanasan ng bawat isa. Nakakapagtaka,
nakakagulat at kung anu-ano pa mang reaksyon. Magbalik-tanaw sa mga
pangyayaring naranasan mo o ng ibang tao. Ilahad mo ang kuwento, mga dahilan
at mga napagtanto mo o mga realisasyon mo para sa iyong sarili o iyong buhay.

LEVEL NG PAGSASAGAWA (PERFORMANCE)


Mahusay- Pagsikapan Sipagan
Kategorya Napakahusay Mahusay
husay pa pa
5 4 3 2 1
Nakalahad sa Hindi malinaw ang
Nakapanghihikayat Nakalahad sa
Introduksyon ang introduksyon at
ang Introduksyon. Introduksyon ang
pangunahing ang pangunahing walang
Malinaw na nakalahad pangunahing
paksa subalit paksa. Hindi rin ebidensiya
Introduksyon ang pangunahing paksa gayundin
hindi sapat hindi nakalahad ang ng mga
paksa gayundin ang ang panlahat na
sapat ang panlahat na naisulat.
panlahat na pagtanaw pagtanaw ukol
pagpapaliwanag pagpapaliwanag
ukol dito. dito.
ukol dito. ukol dito.
Makabuluhan ang
bawat talata dahil sa Hindi nadebelop
Bawat talata ay
husay na May kakulangan ang mga
Diskusyon may sapat na
pagpapaliwanag at sa detalye pangunahing
detalye
pagtalakay tungkol sa ideya.
paksa.
Lohikal at mahusay
ang pagkakasunod- Lohikal ang
Naipakita ang
sunod ng mga ideya: pagkakaayos ng Walang patunay
debelopment ng
Organisasyon Gumamit din ng mga mga talata subalit na organisado ang
mga talata subalit
ng mga Ideya transisyunal na
hindi makinis ang
ang mga ideya ay pagkakalahad ng
pantulong tungo sa hindi ganap na sanaysay.
pagkakalahad
Kalinawan ng mga nadebelop.
ideya.
Hindi ganap na
Naipakikita ang
Nakapanghahamon naipakita ang
pangkalahatang
ang konklusyon at pangkalahatang
palagay o pasya
naipapakita ang palagay o pasya
tungkol sa paksa May kakulangan
pangkalahatang tungkol sa paksa
Kongklusyon batay sa mga at walang pokus
palagay o paksa batay batay sa mga
katibayan at mga ang konklusyon.
sa katibayan at mga katibayan at mga
katwirang inisa-
katwirang inisa-isa sa katwirang inisa-
isa sa bahaging
bahaging gitna. isa sa bahaging
gitna
gitna

Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang Maraming Napakarami at


sa mga bantas, pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
kapitalisasyon at mga bantas, mga bantas, mga pagkakamali
pagbabaybay. kapitalisasyon at kapitalisasyon at sa mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon at
pagbabaybay.

16
Halos walang Napakarami at
Maraming
pagkakamali sa nakagugulo ang
Walang pagkakamali pagkakamali sa
estruktura ng pagkakamali sa
sa estruktura ng mga estruktura ng mga
Gamit mga estruktura ng mga
pangungusap at gamit pangungusap at
pangungusap at pangungusap at
ng mga salita. gamit ng mga
gamit ng mga gamit ng mga
salita.
salita. salita.

Kabuuan

SANGGUNIAN NG MGA TEKSTO AT LARAWANG GINAMIT:

Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS


Publishing House, Inc. Quezon City
https://www.pngguru.com

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay G.


Lou B. Baldomar, Guro sa Filipino sa lou.baldomar@deped.gov.ph o
sa 09219769668 o sa kanyang facebook account: Lou Baldomar.

17
18

You might also like