You are on page 1of 18

AKADEMIKONG

PAGSULAT
FILIPINO SA PILING LARANG

SHARLENE G. MORATA
Guro sa Filipino

ALLPPT.com _ Free PowerPoint Templates, Diagrams and Charts


Kasanayang Pampagkatuto:

Nabibigyang-kahulugan ang
akademikong pagsulat.
Sagutin ng Tama o Mali at Ipali-
wanag:
 Ang Wikang Filipino ay isang wika ng
intelektuwalisasyon.
 Ang lahat ng pagsasanay sa pagsu-
lat na natutuhan mula sa elemen-
tarya hanggang high school ay
maituturing na bahagi ng
akademikong pagsulat.
Sagutin ng Tama o Mali at Ipali-
wanag:
 Ang sanaysay, maikling kuwento, awit,
at dula ay hindi kabilang o maituturing
na isang akademikong pagsulat.
 Mahalagang isaalang-alang ang wika,
paksa at layunin sa anumang uri ng
pagsulat.
 Ang paggamit ng salitang kolokyal o
balbal ay mahalagang bigyang-pansin
sa pormal na pagsulat ng pananaliksik.
AKADEMIKONG PAGSULAT
 ISANG MAKABULUHANG PAGSASALAYSAY
NA SUMASAILALIM SA KULTURA, KARANASAN,
REAKSYON AT OPINYON BATAY SA
MANUNULAT.
 MAHALAGANG MATUTUNAN ANG
AKADEMIKONG PAGSULAT SAPAGKAT KUNG
MARUNONG SUMULAT NANG MAAYOS AT MAY
KABULUHAN ANG ISANG TAO, MAITUTURING
NA NAKAAANGAT SIYA SA IBA DALA NA RIN NG
MAHIGPIT NA KOMPETISYON SA
KASALUKUYAN SA LARANGAN NG
EDUKASYON AT PAGTATRABAHO.
MGA KATANGIANG DAPAT
TAGLAYIN NG

AKADEMIKO
PAGSULAT
NG
Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na
maging obhetibo ang pagsusulat. Kailangan ang
mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng
ginagawang pag-aaral at pananaliksik. Iwasan ang
pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng personal
na opinsyon o paniniwala hinggil sa paksang
tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag.

OB-
DAHIL NGA KARANIWANG GINAGAMIT SA
AKADEMIKONG PAGSULAT AY ANG
AKADEMIKONG Filipino,
nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal
nito. Iwasan ang paggamit ng salitang kolonyal o
balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal
na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang
tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
impormasyon ay dapat na maging pormal din.

POR-
Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na
maliwanag at organisado. Ang mga talata ay
kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na
binubuo nito. Ang mga talata ay mahalagang magtaglay ng
kaisahan. Hindi ito dapat samahan ng mga kaisipang hindi
makakatulong sa pagpapaunlad ng paksa. Maging ang
pag-uugnay ng mga parirala o pangungusap ay dapat na
piling-pili nang sa ganoon ay hindi ito makagulo sa ibang
sangkap na mahalaga sa ikalilinaw ng paksa. Bukod sa
katangiang kaisahan at maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga kaisipan, ang punong kaisipan o main topic ay
dapat mapalutang o mabigyan-diin sa sulatin.

MALIWANAG AT
ORGANISADO
Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang
paksang nais niyang bigyang-pansin o
pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang
magpabago-bago ng paksa. Ang kanyang
layunin na maisagawa ito ay mahalagang
mapanindigan niya hanggang sa matapos niya
ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng
mga datos para matapos ang pagsulat ng napil-
ing paksa

MAY
PANININDIGAN
Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga
nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na
bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang
maging mapanagutan ang manunulat sa
awtoridad ng mga ginamit na sanggunian. Bukod
sa ito ay isang paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang
bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang
mabuo ang iyong sulatin, ito rin ay makatutulong
upang higit na mapagtibay ang kahusayan at
katumpakan ng iyong ginawa.

MAY
PANANAGUTAN
IBA’T IBANG URI
NG
AKADEMIKO
PAGSULAT
NG
1 ABSTRAK 7 KATITIKAN
NG PULONG

2 SINTESIS/
BUOD
8 POSISYONG
PAPEL
3 BIONOTE
9 BONG
REPLEKTI-

4 PANUKU-
LANG 10 PICTORIAL-ES-
SANAYSAY

PROYEKTO SAY
5 TALUMPATI
11 LAKBAY-
SANAYSAY
6 AGENDA
Pampagkatutong Gawain:
Sagutin ang sumusunod na mga tanong at
isulat ang mga kasagutan sa iyong notebook.
Ano ang kahulugan ng pagsulat at ng
akademikong pagsulat batay sa tinalakay?
Batay sa iyong pagkakaunawa, paano mo
mabibigyan ng sariling kahulugan ang
akademikong pagsulat?
Bakit mahalaga ang paggamit ng
akademikong Filipino sa pagsulat?
Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa
buhay ng partikular sa hinaharap?
Final na Output:
Isulat ang pagsusuri sa isang maikling
bond paper.
Magsagawa ng pagsusuri sa kahulu-gan
at kalikasan ng iba’t ibang uri ng sulat-
ing iyong nasaliksik para sa araling
ito.
Sundan ang balangkas at
pamantayan para sa gagawing
pananaliksik.
Pagsusuri sa Iba’t Ibang Sulatin
A. Mga Kahulugan ng Pagsulat
B. Mga Uri ng Sulatin
C. Kahulugan ng Bawat Uri ng Sulatin
D. Kalikasan ng Bawat Uri ng Sulatin
E. Sanggunian
Rubriks sa Pagmamarka:

2
5 4 3
(Di-gaanong
(Napakahusay) (Mahusay) (Katamtaman)
Mahusay)
Siksik ang Kompleto ang Taglay ang Ang pagsusuri
pagsusuring pagsusuring ilang bahagi ay maraming
isinagawa batay isinagawa ng pag- kakulangan at
sa balangkas na batay sa susuring isi- hindi
sinundan. balangkas na nagawa batay nakasunod sa
sinundan. sa pinagbatayang
balangkas na balangkas.
sinundan.
Maraming Salamat po!

You might also like