You are on page 1of 44

BATAYANG KAALAMAN

AT PROSESO NG AKADEMIKONG
PAGSULAT

CM1
SUBUKAN MO NGA!
PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang mga dokumentong
nagawa mo na.
MAHALAGANG TANONG

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga


Akademikong Sulatin?
2. Paano makatutulong ang mga ito upang
malinang ang iyong kasanayan sa
pakikipagtalastasan at komunikasyon?
3. Saan mo ba magagamit ang
Akademikong Pagsulat?
ANO ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT?

Ang akademikong pagsulat ay


isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan
ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat (Garcia, 2017).
ANO ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT?

Ayon pa kay Arrogante, ang pagbuo ng


akademikong sulatin ay nakadepende
sa kritikal na
pagbasa ng isang indibidwal.
ANO ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT?

Batay sa mga nasabi tungkol sa


akademikong pagsulat, mahihinuha na
agad na pormal ang wikang ginagamit
dito. Sapagkat pormal ang wika,
mahigpit ito sa pagtingin sa wastong
gamit ng mga bantas at ng mismong
salita.
ANO ANG AKADEMIKONG
PAGSULAT?

Iniiwasan sa mga ganitong uri ng


pagsulat ang pagpapaikli ng mga salita
(text o shortened version), maging ang
mga balbal na salita, conyo words, gay
lingo, at iba pang hindi nasasailalim sa
kategorya ng pormal na wika.
MGA KATANGIAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT

CM1
PORMAL

ginagamitan ng mga
pormal na salita, maliban na
lamang kung ang mga balbal ay
bahagi ng paksang tinatalakay.
DAPAT PORMAL!

SO N
FE R DESI
SY ONAV
ILITY
EKIS KA SAKEN
AMAC
SH ART CANA
N TE ME ACCLA
A H
LAHAT NG BAGAY DAPAT
ALAM NATIN ANG
LAYUNIN KUNG BAKIT
NATIN GINAGAWA KAYA
NAMAN MAHALAGANG
MAGING OBHETIBO 
OBHETIBO

Layunin nitong pataasin ang antas ng


kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa
at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o
larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyon at mga ideyang
sumusuporta sa paksa (Alejo, et al.
2005)
MAY PANININDIGAN

sapagkat ang nilalaman nito ay


mahalagang impormasyon na dapat
dinidipensahan, ipinaliliwanag, at
binibigyang-katwiran.
MAY PANANAGUTAN

mahalagang matutuhan ang


pagkilala sa mga sangguniang
pinaghanguan ng mga
impormasyon.
MAY PANANAGUTAN
MAY KALINAWAN

ang pagpapahayag ay
direktibo at sistematiko.
HINDI MAPANLINLANG
Mga layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

(Ipaliliwanag ng bawat grupo)


Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng


mga impormasyon at malikhaing
pagsasagawa ng ulat.
Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa


pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong
pagsulat.
Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang


pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda
kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral
bilang mambabasa.
Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong


konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga
naisagawang pag-aaral.
Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Malinang ang kasanayan ng mga


mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo
ng akademikong sulatin.
Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Matukoy na ang akademikong pagsulat ay


isang kurso na lumilinang sa pagiging
inobatibo ng mga mag-aaral sa pagkakaroon
ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Layunin sa pagsasanay sa
akademikong pagsulat

Napahahalagahan at naiingatan ang mga


nagawang sulatin sa pamamagitan ng
paggawa ng portfolio.
LARO TAYO!
PANUTO: Laruin muna natin ang
adaptasyon
ng larong “This or That?”

Lahat ng mag-aaral (bawat grupo)


ay tatayo at pipili ng mga
sumusunod na pagpipilian
hanggang sa maubos ang kategorya
ANG PROSESO NG
PAGSULAT

(Sasagutin ng kinatawan ng
bawat grupo)
* Sa iyong palagay, mas madali ba
ang magsalita kaysa magsulat?
* Bakit kaya maraming kabataan ang
takot gumawa ng komposisyon? O di
kaya naman ay nahihirapan pagdating sa
pagsulat?
PAGSULAT
Nakatutulong din ang pagsulat
sa paglinang ng damdamin at
isipan ng manunulat. Sabi nga
ng batikan at mahusay na
manunulat na si Ricky Lee,
kapag nagsusulat ka,
naghuhubad ka.
UNAWAIN MO

Ang pagbasa at pagsulat ay resiprokal na proseso sa


pagbuo ng kahulugan, pag-aanalisa, pagbibigay-
interpretasyon, at pagtatalastasan ng mga ideya
(Garcia, 2017).
PROSESO NG PAGSULAT
PROSESO NG PAGSULAT
PROSESO NG PAGSULAT
MGA BAHAGI NG TEKSTO
PANIMULA

Nararapat na kawili-wili upang


mahikayat ang mambabasa
KATAWAN
Nararapat na wasto ang paglalahad ng
mga detalye at kaisipan:
a. Pagpili ng organisasyon
b. Pagbabalangkas ng
nilalaman
c. Paghahanda sa transisyon
ng talataan
WAKAS

Nararapat makapag-iwan ng
isang kakintalan sa isip ng
mambabasa o isang
makabuluhang pag-iisip at
repleksyon
GAWAING PAMPAGKATUTO
BASAHIN ANG MAIKLING
KWENTONG
PINAMAGATANG “ANG
KALUPI” AT SAGUTIN ANG
MGA GABAY NA TANONG
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO:

Pagkaunawa sa nilalaman - 10
Pagsunod sa tuntunin - 10
Organisasyon - 10
Kabuuang Presentasyon - 10
Naipasa sa takdang panahon -10

You might also like