You are on page 1of 17

PAGSULAT

pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao
sa layuning maipahayag ang
kaniyang/kanilang kaisipan.
Kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na
ginagawa para sa iba’t ibang layunin

GAWAING PISIKAL GAWAING MENTAL


- ginagamit dito ang - ginagamit dito ang
kamay at mata utak sa pagsusulat
PAGSULAT
Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales,
et al., 2006)
 ang pagsulat ay isang komprehensibong
kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento.
PAGSULAT
Badayos (2000)
Ang kakayahan sa pagsulat nang
mabisa ay isang bagay na totoong
mailap para sa nakararami sa atin
maging ito’y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man.
AKADEMIKONG
PAGSULAT
 isang masinop at sistematikong pagsulat
ukol sa isang karanasang panlipunan na
maaaring maging batayan ng marami pang pag-
aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan
isinasagawa sa isang akademikong
institusyon kung saan kinakailangan ang
mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat
AKADEMIKONG
SULATIN
 isang pagsulat na isinagawa ng mga mag-
aaral upang maipahayag ang kanilang
kaalamang nabatid mula sa iba’t ibang
asignatura
mapatutunayan dito ang paghahasa ng
kritikal na pag-iisip ng bawat mag-aaral
AKADEMIKONG
SULATIN
 Mayroon itong nakatakdang
istandard na dapat malaman ng mga mag-aaral
Kinakailangan din dito na intindihin
ng mga manunulat kung bakit sila nagsusulat,
para saan at para kanino
Inilahad ni Gocsik (2012), ang ilan sa mga katangian at
ang mga pakinabang ng sulating akademiko.
Pormal – Ang antas ng wikang gagamitin ay may mataas na kaantasan.
Ang paggamit ng balbal at kolokyal na mga salita ay iniiwasan.
Obhetibo – Ang impormasyong gustong ilahad ay binibigyang-diin.
Malinaw – Ang mga ideya ay malinaw, sunod-sunod at magkakaugnay.
May Paninindigan – May sariling pagpapasya
May Pananagutan – Ihayag ang mga katibayan at pangangatwiran sa
bunga ng pananaliksik at pag-aaral
LAYUNIN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
Mapanghikayat na Layunin – mahikayat ang kaniyang mambabasa
na maniwala sa kaniyang posisyon hinggil sa isang paksa.
 Mapanuring Layunin – analitikal na pagsulat
- ipinapaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang
tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang
pamantayan.
Impormatibong Layunin – ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot
sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong
impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.
Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang
ng kahusayan sa wika
• Nalilinang ang kakayahang komunikatibo
ng mga mag-aaral.
• Nalilinang ang kakayahang diskorsal ng
mga mag-aaral
Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip
• Tinitingnan bilang proseso kaysa bilang isang awtput.
• Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain.
• Ang isang mahusay na manunulat ay isang mahusay na mambabasa.
• Ang manunulat ay nagsusuri ng kanyang binasa.
• Ang mga gawain ay lumilinang ng kritikal na pag-iisip na kailangang-
kailangan upang ang isang indibidwal ay maging matagumpay hindi
lamang sa akademya, kundi lalo’t higit sa iba’t ibang gawain at larangan
sa labas ng paaralan.
Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga
pagpapahalagang pantao
• Inaasahang malilinang ang katapatan sa bawat mag-
aaral.
• Inaasahan ding makapagtuturo sa mag-aaral ng halaga
ng kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad,
pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na isipan
Tungkulin o Gamit ng Akademikong
Pagsulat
Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda
sa propesyon
• Hindi lamang mga propesyonal na manunulat
tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang
nagsusulat.
• Halos lahat ng maiisip na propesyon ay
kinasasangkutan ng pagsulat.
Anyo ng Akademikong Pagsulat
reaction paper at term paper dahil sa dalas ng
pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral sa
mataas na paaralan.
Ayon sa Gabay sa Kurikulum na mula sa
Departamento ng Edukasyon, ang mga anyong ito
ng akademikong papel ay hinati ng mga may-akda
sa tatlong kategorya.
1. Karaniwang Anyo
- madalas na ipagawa sa mga mag-aral
sa ibat’t ibang asignatura
Hal:
* Sintesis * Abstrak
* Buod * Talumpati
* Rebyu
2. Personal na Anyo
- personal ang mga ito at nakatuon sa sarili
- nakatuon ang mga ito sa manunulat mismo, sa kanyang
iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang paksa, maging sa
kanyang mga personal na karanasan at maging sa kanyang
may-pagkiling o subjective na pananaw

Hal:
* Replektibong Sanaysay *Lakbay Sanaysay
* Posisyong Papel * Pictorial Essay
3. Residual na Anyo
- hindi nabibilang ang mga ito sa una at
ikalawang kategorya

Hal:
* Bionote *Agenda
* Panukalang Proyekto * Pictorial Essay

You might also like