You are on page 1of 59

KAHULUGAN, KALIKASAN

AT KATANGIAN NG
SULATING AKADEMIK
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
PAGSULAT
ANG PAGSULAT BA AY…

Maituturing na pisikal at mental


na gawain?
PISIKAL NA GAWAIN

Kamay – ang gamit sa Pagsulat o Pag encode ng


mga sulatin.

Mata – para matutukan naman ang iyong


ginagawang sulatin.
Gamit ang iyong mga mata Makapaglakbay
ang iyong diwa hanggang makasulat ka ng
isang komposisyon mula sa larawan.
akademikong pagsulat.
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga
gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at
sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na
maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa
ikatataguyod ng lipunan.

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong


institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan
sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
akademikong pagsulat.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang
akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas
mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon
itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at
seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng
mga ideya at paliwanag ng mga ito. 
akademikong pagsulat.
ANG KARANIWANG ESTRUKTURA NG ISANG AKADEMIKONG SULATIN 

SIMULA - na karaniwang nilalaman ng introduksiyon.

GITNA - na nilalaman ng mga paliwanag.

WAKAS - na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. 


HALIMBAWA NG AKADEMIKONG TEKSTO

1. Abstrak
2. Sintesis/buod
3. Bionote
4. Panukalang Proyekto
5. Talumpati
6. Katitikan ng pulong
7. Posisyong papel
8. Replektibong sanaysay
9. Agenda
10.Pictorial essay
11.Lakbay-sanaysay
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o
balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay
bahagi ng isang pag-aaral.

2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga
mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin
dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005).
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman
nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng
mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng
paninindigan ng manunulat.

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat
o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung
kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang
pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing


pagsasagawa ng ulat.
Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng
kasanayan sa pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo,
encyclopedia, annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro,
pahayagan, at tesis. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na
pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng
bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto
na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. 

- LITERAL NA PAGPAPAKAHULUGAN kung saan ang mambabasa ay nakauunawa


ng mga salita ng wikang ginamit.

- PAGBASA NANG MAY PAG-UNAWA. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng


pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na
mensahe ng awtor.

- PAGBASA NANG MAY APLIKASYON. Matapos ang pagbasa, dapat ay


naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-
uulat.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-
akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa
kanyang pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa,
organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga,
nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa
ikabubuti ng kanyang sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga
mga naisagawang pag-aaral.
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang
kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga
naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na
magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng
iba’t ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging


inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang


pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti
sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo
ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang
mambabasa.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng


paggawa ng portfolio.

Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng


kursong Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin
sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili. 
ABSTRAK
ABSTRAK
Ang kahulugan ng abstrak ay paglalahad ng problema o suliranin,
metolohiya, at resulta ng pananaliksik na isinagawa. Dito rin nakasaad
ang konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.  

Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang artikulo, ulat, pag-aaral, at


pananaliksik na makikita bago ang introduksiyon. Nakasulat dito
ang mahahalagang bahagi.  

Karaniwang gumagamit ng 100 to 500 na salita sa paggawa ng abstrak.


Maaari ring magbago ang nilalaman ng abstrak ayon sa disiplina at
kagustuhan ng palimbagan.
ANG MGA NILALAMAN NG ISANG ABSTRAK:

1.Rasyonal o layunin ng pag-aaral


2.Suliranin ng Pananaliksik
3.Saklaw at Delimitasyon ng Pananaliksik
4.Resulta at Konklusyon ng Pananaliksik
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK  
Abstrak 
 Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga
batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing
pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non random convenient sampling,
kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng
mgarespondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawahanggang labing-walo
na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas naresulta ay walang pagkakaiba ang mean
score ng anim na salik kapag grinupo sa antasng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag
igrinupo sapagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral atmayroong
pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo saestadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2September 2015
Green Highlight: Rasyunal
Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit
Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon 
Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik 
MGA KATANGIAN NG ABSTRAK:

•May 200 hanggang 250 na salita at naka dobleng espasyo.

•Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na malinaw at direkta.

•Nabanggit ang impormasyon sa papel. Hindi maaring maglagay ka ng mga detalye na hindi nabanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.

•Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa ang target. Huwag magpaligoy-ligoy at gawing maikli pero
komprehensibo para mapaintindi sa nagbabasa ang naging takbo, bunga at resulta ng ginawang pananaliksik.

•Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at iwasang maglagay ng statistical figures.

•Maging obhetibo at isulat lamang ang mga pangunahing kaisipan. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat.
URI NG ABSTRAK

Deskriptibong Abstrak – wala itong konkretong buod o konkretong resulta pero


pinapaloob dito ang kaligiran, tuon, at layunin ng papel. Maiksi lamang ito

Impormatibong Abstrak – ito ay naghahayag ng kumpleto, detalyado, kapaki-


pakinabang, at may malinaw na impormasyon. Mas mahaba ito kumpara sa deskriptibong
abstrak.
SINTESIS/BUOD
SINTESIS/BUOD

Ang sintesis at buod ay magkahawig sa


kanilang mga kahulugan. Ngunit, mayroong
malaking kaibahan sa dalawang ito. Pero,
bago natin alamin ang mga pagkakaiba nila,
atin munang silang bigyan ng kahulugan.
BUOD

Ang buod ay ang pangunahing ideya ng may akda na gamit


ang sariling salita o pangungusap ng isang indibidwal. Bukod
dito, mas maikli sa orihinal ngunit naglalaman ng kabuuang
isipan ng orihinal na teksto.
SINTESIS

Ang sintesis ay ang pagsama sama ng dalawa o higit


pang buod upang makabigay ng koneksyon sa pagitan ng
isa o higit pang sulatin.

Sa madaling salita, ang buod ay ating ginagawa para ipakita ang pangunahing ideya o
layunin ng may akda. Ito rin ay nagpapakita ng pinakamahalagang ideya ng isang
sulatin. Samantala, ang sintesis ay pagsasama-sama ng buod upang makabuo ng
koneksyon sa mga teksto.
KATANGIAN NG
PAGBUBUOD
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ang
paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus gumagamit
ng sariling pananalita.
HAKBANG SA
PAGBUBUOD
1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at
maunawaang mabuti ang mga panggitnang kaisipan.
2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na
kaisipan.
3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang
paraang madaling maunawaan ng babasa.
4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.
Istorya Banghay
Tauhan Tagpuan
Problema Kalutasan ng Problema
Pamagat
SIMULA
- Introduksyon o "Overview"
GITNA
- Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula. Nagtatawid
din ito ng mga mahahalagang impormasyon para talakayin ang problemang
bumabangon sa paksa.
WAKAS
- Kinalabasan, Solusyon o Resolusyon.
HAWIG
Tinatawag itong "Paraphrase" sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na
"Parapahrasis" na ibig sabihi'y, Dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.
URI NG SINTESIS
BACKGROUND SYNTHESIS  - uri ng sintesis na
nangangailangang pagsama-samahin ang mga SANLIGANG
impormasyon ukol sa isang paksa at inaayos ayon sa TEMA at
hindi ayon sa sanggunian.
THESIS-DRIVEN SYNTHESIS  - halos katulod lamang ng
background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa
PAGTUTUON, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi
lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang
kailangan kung hindi ang  MALINAW NA PAG-UUGNAY NG
MGA PUNTO sa tesis ng sulatin.
URI NG SINTESIS
SYNTHESIS FOR THE LITERATURE - ginagamit sa
sulating pananaliksik  pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga
naisulat ng lliteratura  tumutuon sa mga LITERATURANG
gagamitin sa pananaliksik   ayos batay sa sanggunian o batay sa
paksa
ANYO NG SINTESIS
EXPLANATORY SYNTHESIS - Isang sulating naglalayong yulungan
ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaanang mga bagay
natinatalakay

ARGUMENTATIVE SYNTHESIS - Ito ay may layuning maglahad ng


pananaw ng sumusulat nito.
BIONOTE
FILIPINO SA PILING LARANGAN

You might also like