You are on page 1of 14

CONFIL 1

(Filipino sa
Larangang
Akademiko)

Modyul 1-A
Unang Linggo:
Introduksyon sa
Akademikong Pagsulat:
Mga Batayang Kaalaman
sa Pagsulat
Revisyon 2021

Prof. Virgilio F. Manalang, PhD.

(Dalubguro sa Filipino)
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

LUNSARAN SA ESPASYONG PAG-AARAL AT PAGKATUTO SA SARILING

KALINANGAN NG MAG-AARAL (Long Distance Learning Students Modyul Kit)

Ika-3 ng ENERO– Ika-26, 2021 ng PEBERO (Unang Linggo)

PINAKAMAHALAGANG MUNGKAHING
MODYUL PAKSA KASANAYANG PANAHON NG PAG-
PAMPAGKATUTO AARAL

1. Natutukoy ang kahulugan, Lunes – Biyernes

kalikasan, pananaw,
ARALIN 1. layunin, uri at proseso ng PAGBABASA ng
1 (ONE) pagsulat. ARALIN/MODYUL

MGA BATAYANG 2. Nailalahad ang kahulugan, Pangkaalamang Pahina

YUNIT 1:
KAALAMAN SA kalikasan, katangian,
PAGSULAT layunin, tungkulin o gamit PAGKONTEKSTO NG
INTRODUKSY at mga anyo ng TEKSTO
A. Kahulugan at akademikong pagsulat. (Kahulugan ng Pagsulat)
ON SA Kalikasan ng
AKADEMIKO Pagsulat
NG B. Mga 3. Nakasusulat ng sintopikal Pagganap sa mga
PAGSULAT Pananaw sa na hinalaw sa iba’t ibang Gawain: Acquired
Pagsulat teksto. Learning Out
C. Mga Layunin
sa Pagsulat 4. Naipaliliwanag ang paraan
D. Mga Uri ng ng pagulat ng sintopikal
Pagsulat at pagbubuod ng teksto.

1
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

CONFIL 1

INTRODUKSYON SA KADEMIKONG PAGSULAT

TALAAN NG NILALAMAN

 Piglas – diwa: Tuklasin mo!

 Paano gamitin ang modyul na ito?

YUNIT 1: INTRODUKSYON SA AKADEMIKONG PAGSULAT

Aralin 1: BATAYAN, KALIKASAN AT KAHULUGAN NG PAGSULAT

A. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat

B. Pananaw ng Pagsulat

C. Mga Layunin sa Pagsulat

D. Ang Proseso ng Pagsulat

PIGLAS-DIWA: TUKLASIN MO!

2
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Yamang – kalusugan at matibay na pangangatawan at disposisyon sa buhay na tanging

kalasag at pangsanggalang sa anumang pagsubok na ating nararanssan sa kasalukuyan.
Pandemya na nagpatatag sa bawat isa na maging maingat at natutong magkamalay at bigyang
tuon-pansin ang kalusugan at buhay sa kabila ng patuloy na mga bantang panganib na dala
nito ang Corona V-19 at iba’t ibang nagsilabas na virus na kikitil ng buhay nang maraming
Pilipino sa di maingat nito at pagwawalang bahala.

Kumusta ka na! …hindi na natin mapipigilan ang takbo ng panahon na ikinabit na ang
ating pang-araw-araw na buhay sa elektronikong pagsikad dulot ng internet connection, ito
na ang kakambal sa pag- usad at tagumpay ng ating edukasyon sa kasalukuyan. New normal,
ito ang makabagong sistema at lunsaran na maitawid ang isang tunguhin at layunin na
patuloy pa rin ang pagpapaigting ng kalidad ng edukasyon sa iba’t ibang larangan.

Gayunpaman, ang modyul na ito ay naglalayong matalakay ang kahulugan, kalikasan,

at pananaw bilang kaligiran at batayan ng pagsulat, nailalahad ang iba’t ibang kahulugan at
lunsaran sa pagbuo ng isang pagbubuod at sintopikal na pagsulat.

Alinsunod dito, may mga itinakdang mga gawain o ganapang –gawain

(performance task: Acquired Learning Concepts Output (ALCO)) sapagkat sa pamamgitan
nito ay masusukat ang iyong kagalingan at kahusayan sa pag-unawa ng ating aralin sa modyul
na ito; kasunod nito ang mga pamantayan (rubrik/matrix) upang mataya at masukat ang
iyong tagumpay dahil ito ang mag-aangat ng iyong kahusayan, mula sa iyong kahinaan at
kagalingan para sa mas kailangan pang maipagpatuloy pa ang nasimulang kagalingan
(excellence).

PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO?

 BAHAGI NG MODYUL
A. LAYUNING PAMPAGKATUTO ( Learning Objectives)
B. ARALINANGAN ( Learning Inputs)
C. ISIPNAYAN ( Learning Seat Evidences)/ Sprout of Ideas
D. PERFORMANCE TASK : ACQUIRED LEARNING CONCEPTS OUTPUT (ALCO) :

Ang katuparan ng modyul na ito, ay magagawa mo lamang sa mga paraan na sumusunod:

3
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

 Basahin at unawain ang mga Layuning Pampagkatuto (Learning Objectives), Aralinanagan (Learning
Input), ISIPNAYAN (Learning Seat Evidences)/Sprout Ideas at Acquired Learning Concepts Output
(ALCO): Performance sTask.

Dito ay malalaman mo kung ano ang mga dapat mong matutunan sa katapusan ng modyul
na ito.
1. LAYUNIN. (Learning Objectives). Pagtugon sa pagsakatuparan ng iyong pag-aaral at kalinangan
na inaasahang na matatamong karunungan na nakapaloob na aralin /liksyon sa
modyul na ito.

2. ARALINANGAN. (Learning Inputs). Ang pag-aaral ay nakatuon lamang sa saklaw at limitasyon

ng ng bawat aralin sa modyul at binibigyang pokus lamang sa natatanging
pagtalakay at paksain sa itinakdang aralin sa pag-aaral na ito.

3. ISIPNAYAN (Learning Seat Evidences). Ang bahaging ito ay makatutulong sa mag-aaral na

masanay, makapagbalik-aral at maisabuhay ang kanilang natutunan. Ang proseso ng
pag-aaral din ay maisasagawa nang may katapatan sa pagsunod nang mabuti sa
bawat panuto ng gawain sapagkat matagumpay na pagkasakatuparan ang
anumang pagsubok at pagtataya sa modyul na ito.
Dagdag pa, sa bahaging ito ay susubukin ang iyong pag-aaral at natutunan sa
modyul na ito, huwag lamang mag-alinlangan na humingi ng tulong sa iyong
magulang, kasambahay o mahal sa buhay sapagkat bahagi sila ng iyong paglago at
pagsisikap.

Anumang iskor o antas ang iyong nakuha ay patunay lamang na ikaw ay

nakapagtaya at mabatid ang iyong kakayahan at kagalingan sa pag-aaral na ito.
Sumalamin din ito sa iyong tagumpay na maari po pang dagdagan sa kabila ng iyong
kahinaan at palawigin pa o ipagpatuloy mo pa mula sa iyong kalakasan bilang resulta
ng iyong pagpupunyagi at pagsisikap na maisaksatuparan ang iyong pag-aaral.

4. ACQUIRED LEARNING CONCEPTS OUTPUT (ALCO). Sa bahaging ito ang mag-aaral ay

nagpapakita ng mayamang kaalaman, karunungan, kalinangan at karanasan sa papamagitan
ng pinal na kinalabasan ng pagsasagnaap ng natatanging gawain o performance task sa
modyul na ito. Tagumpay at katuparan na matamo ang layunin at mithiin, sapagkat hindi ka
lamang natuto bagkus ikaw ay nakagawa nang mahusay at disiplinadong awtput o kinalabasan
ng iyong pag-aaral sa iba’t ibang akademikong larangan.
Ang tunay at lubos na tagumpay ng pag-aaral ay nagpapakita ng produktong gawain
na maangkin ang buong kagalingan at kahusayan sapagkat magagamit ang lahat ng ito sa
pang-araw-araw na buhay. Hindi ito nakukuha ninuman bagkus ito’y karunungang at yamang-
talino ‘t kasanayan iyong tataglayin panghabambuhay.

Kung may mga katanungan o di-maunawaan, huwag mahiya o mag-atubiling magsabi sa

iyong guro upang ika’y magabayan.

4
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Batayan, kalikasan at kahulugan ng pagsulat

Aralin 1
Layunin at pagpapahalagang pahina

PANGUNAHING NAISING PAGHUBOG:

 PAGBABAHAGI: Nakabubuod ng iba’t ibang teksto/genre’ bilang panimulang pagsulat ng
sinintesis/sintopikal.

Pamantayang Nilalaman: Ang mag-aaral ay…

 Naipaliliwanag ang kahulugan at kalikasan, pananaw at layunin, proseso at uri ng pagsulat .
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay…
 Nakasusulat ng sintopikal na pagsulat na hinalaw sa iba’t ibang teksto na may isang tunguhin at
konteksto.
Sa pagtatapos/ katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
A. Matatalakay ang kahulugan, kalikasan, layunin, bilang batayan at paraan ng pagsulat sa iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang akademikong larangan.
B. Mapahalagahan ang pananaw ng pagsulat ng iba’t ibang akda sa pagsulat ng sitasyon.
C. Makasulat ng isang panunuri sa iba’t ibang kahulugan, pananaw at sa paraang pabuod at sintopikal.

TALASALITAAN

SALITA KAHULUGAN NG SALITA

1. SINTOPIKAL
Ang salitang “Sin” ( mula sa salitang sintesis o buod), “Topik” mula sa
wikang – English na Topic o-Paksa salin sa Filipino”. “Topikal”
nangangahulugan ng ikalawang salitang ito ay pagpoproseso sa pagsusuri at
pag-aaral na tumatalakay sa isang tunguhin at kahulugan ng paksa sa
pamamagitan ng paghahambing at pagkakatulad ng kahulugan, kaisipan at
pag-aaral sa iisang usapin o paksain.
Samakawid, Ito ay tmutukoy sa pagsasama-sama ng kaisipan at pananaw
mula sa isang paksain pagbubuod o pagbibigay ng sintesis sa iba’t ibang pag-
aaral, pananaliksik at teorya at pananaw ng may-akda at mananaliksik

5
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

2. SINTESIS o Ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Ito rin ay isang
bersyon ng pinaikling teksto o babasahin. Ito ang paglalahad ng anumang
BUOD kaisipan at natutunang impormasyon nakuha mula sa tekstong binasa na nasa
pagkakasunud-sunod at lohikal ng mga pangyayari. Marapat na maging
malinaw ang pahayag, kailangang panatilihin ang mga nabanggit na
katotohanan o mga punong–pagbibigay diin ng may akda.
https://www.scribd.com/document/384405182/Ang-Sintesis-o-Buod

1. Aralinangan (Learning inputs)

ALAMIN MO

A. Ano ang PAGSULAT?

Ayon kay Bernales et al. (2017) ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang
kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong, salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang / kanilang kaisipann.

Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Ito
ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat
hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsulat.

B. MGA PANANAW SA PAGSULAT

Ang sosyo-kognitibo ay mula sa salitang sosyo at kognitibo. Ang sosyo,ay isang salitang
tumutukoy sa lipunan ng mga tao samantalang, ang kognitibo naman ay ano mang tumutukoy sa
pag-iisip. At ito ay nauugnay sa empirikal o paktwal na kaalaman.

Samakatwid, ang Soyo-Kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin ng

proseso sa pagsulat. Ayon sa pananaw na ito ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibi.
Nakapaloob sa mental aktibiti ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong nakasulat. Nakapaloob
naman sa sosyal na aktibiti ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging
reaksyon o tugon sa teksto.

Ano man ang maging layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan ang pagsulat bilang isang
multi-dimensyonal ay bimubuo ng dalawang dimension:

1. Oral na Dimensyon. Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong

iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo. Hindi ka man personal na kialla, o kahit pa
hindi ka nakikita, nagkakaroon siya ng ideya kung sino at ano ka, kung ano ang kaalaman at

6
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

kasanayan at kung paano ka magsalita na inilalantad ng teksto mismo at ang iyong estilo at
organisayon sa teksto.

2. Biswal na Dimensyon. Ang dimensyon ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o

lenggwaheng ginamit ing isang awtor sa kanyang teksto na inilantad ng mga nakalimbag na simbolo.
Sa dimensyon ay kailangang maisaalang-alang, kung gayon ang mga tuntunin sa pagsulat, upang ang
mga simbolo nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektibo at makamit ang
layunin ng manunulat. Tandaang ang mga biswal na imahe ay mga istimulus sa mga mata ng mga
mambabasa at magsisilbing susi sa paggana ng kanilang komprehensyon sa ting isinusulat.

C. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay tahasang personal aty sosyal na pagsulat. Personal na gawain ito
kung ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning ekspresibo o sa pagpapahayag ng iniisip o
nadarama. Sosyal na gawain naman ang pagsulat kung ito ay ginagamit para sa layuning
panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag –ugnayan sa iba pang tao sa lipunan. Ang
layuning din ito ay tinatawag din transaksyonal. Isang halimbawa ng ekpresong pagsulat ang
paggawa ng tula samantalang ang paggawa ng liham-panganganglakal ay halimbawa ng
transaksyonal. May pagkakataong ang pagsulat ay maaring eksprresibo at transaksyonal din tulad
ng pagsulat ng talumpati para sa isang ispesipikong pangkat ng mga tagapakinig na kung saan
ang manunulat ay ,may layuning magpahayag ng kanyang ideya o emosyon at makipag –ugnayan
sa audience. ( Bernales et al. 2017)

D. ANG PROSESO NG PAGSULAT

Narito ang mga paraan ng pagsulat kaugnay ng mga batayang katanungan na mahalagang
masagot para sa paghahanda ng sulatin.

1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?

2. Ano ang aking layunin sa pagsusulat nito?
3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakapalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino aito?

6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?

7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Anu-ano ang mga dapat ko
pang gawin para sa layuning ito?

TATLONG PANGUNAHING HAKBANG SA PAGSULAT

1. Pre-writing. Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagwa

rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o
impormasyong kailangan sa pagsulat.
2. Actual Writing. Ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Nakapaloob dito ang
pagsulat ng burador o draft.
3. Rewriting. Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari, at pagkakasunud-sunod
na ideya o lohika.

7
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

ISIPNAYAN! LEARNING SHEETS

EVIDENCE
Kaisipan-Kasanayan Blg.1

Isulat sa patlang ang tamang kasagutan ayon sa diwang ipinapahayag ng pangungusap na

sumusunod:

__________________ 1. Nakapaloob dito ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong

nakasulat.
________________________ 2. Ito ay mahigpit na nag-uugnay sa mga salita o lenggwaheng
gingamit ng isang awtor sa kanyang mga teksto na inilantad ng mga
nakalimbag na simbolo.
________________________ 3. Ang salitang ito ay tumutukoy sa lipunan ng mga tao.
________________________ 4. Ito rin ay nag-uugnay sa isang indibidwal kapag nagbabasa ng
isang tektong iyong isinulat at masasabing nakikinig na rin siya sa
iyo.
________________________ 5. Ito ay isang proseso at pagsusuri at pag-aaral na tumatalakay sa
isang tunguhin at kahulugan ng paksa.
________________________ 6. Ang salitang ito ay tumutukoy sa pag-iisip.
_________________________7. Ito ay pagsasalin sa papel at maaring magamit na
magpagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon.
_________________________ 8. Sa pananaw na ito ay ang pagsulat ay kapwa mental at sosyal
na aktibiti ang nagagamit nito.
_________________________ 9. Ito ay isang bersyon ng pinaikling teksto o babasahin.
_________________________ 10. Ito ay isang gawain na ginagamitan ng kamay at mata.
_________________________ 11. Gawain kung ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning
ekspresibo.
__________________________12. Gawain kung ang pagsulat ay ginagamit para sa layuning
panlipunan.
__________________________13. Ito ay pagsulat na may layuning maipahayag ang emosyon sa
anumang uri ng pagsulat o genre’.
__________________________14.Ito ay pagsulat na may layuning maipahayag sa publiko ang
mithiin at layunin ng para sa tiyak na pangkat.
__________________________15. Ang pangunahing at mahalagang hakbang sa pagsulat ng
teksto.
__________________________16. Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda ng pagsulat.
__________________________17. Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat at dito rin nagaganap ang
pag-eedit at pagrerebisa ng draft.
__________________________18. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat nakapaloob dito ang
pagsulat ng burador o draft.
__________________________19. Ang prosesong ito ay nagaganap sa pagwawasto ng mga
gramar, bokabulari, at pagkakasunuo-sunod o lohika.
__________________________20. Ang prosesong ito ay nagaganap matapos na ma-edit ang
teksto para sa pinal na kopya o sipi ng teksto.

8
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

2.ARALINANGAN: (LEARNING INPUTS)

HALIMBAWA:

I. Basahing mabuti ang teksto at sumulat ng buod kaugnay ng paksang tinatalakay na

sumusunod:

Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al. 2006) ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahang naglalaman nang wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Sinabi naman ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang
bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man. Ito ay nangyayari sa kabila nang maraming taong ginugugol natin sa
pagtatamo ng kasanayang ito.
Samantalang sinabi ni Keller (1985, sa Bernales, et al. 2006) ang pagsulat ay isang biyaya,
isang pangangaialngan at isang kaligyahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay
isang kasanayang kaloob ng Maykapal at ekslusibo sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat, ito,
kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at apagsasalita ay may malaking impluwensiya upang
maging ganap ang ating pagkatao.

Buod:
Ang pagsulat ay maituturing na sadyang mailap para sa nakararami lalo pa’t ito’y isang
pasulat mula sa unang wika o pangalawang wika. Ito rin ay isang komprehensibong kakayahan at
kalinangan na magagamit ang talasalitaan, wastong gamit ng mga salita sa pagbuo ng kaiispan at
retorika gamit din ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Higit sa lahat ang pagsulat ay biyaya mula
sa Diyos , sapagkat ipinagkaloob Niya ang talino, husay at kakayahang magamit sa pagpapahayag
tulad ng mga batikanong manunulat na sina Xing, Badayos at Keller.

Sintopikal/Sintesis:
Ang kahulugan na tinukoy ng mga manunulat tulad nina Xing, Badayos at Keller ay iisa
ang tunguhin at kaisipang nais palutangin tungkol sa kahulugan ng pagsulat, sapagkat ang pagsulat
ay isang tuwirang komprehensibo at naglalaman ng wastong gamit na salita, retorika na hindi
hiwalay ang mahahalgang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Samakatwid, ang pagsulat ay biyaya ng poong Maykapal.

2.ACQUIRED LEARNING CONCEPTS OUTPUT (ALCO).

Pangalan: _______________________________________________________Nakuha: ________________

9
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Baitang at Pangkat : _______________________________________________ Petsa: _________________

TUKLASALIKSIK : (pagTUKLAS AT pananaliksik)

Panuto:
1. Magsaliksik tungkol sa barayti ng kahulugan ng Pagbasa at Pagsasalita ( data based ).
2. Basahin at sipiin o isulat ang mga kahulugan na may iba’t ibang sanggunian o may akda sa pagpapakahulugan
nito.!
3. IBUOD muna ito sa pamamgitan ng isang talata.
4. Matapos na ito ay maibuod, sumulat ka na ng isang SINTOPIKAL o Sintesis na pagsulat.
5. Narito ang pamantayan para sa iyong itinakdang gawain.

Kaisahan at pagbibigay – diin sa paksa - - - - - - - - - - - - 5 puntos

Pagkakasunud-sunod o lohikal - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5 puntos
Pagsipi ng sors at sitasyon - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10
Paraan ng pagsulat sintopikal - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10 puntos
Kabuuan - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- 30 puntos

ALCO # : BUOD - PAGBASA

Ayon sa pagbibigay kahulugan nina _______________________tungkol sa ______________________________

__________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________.

ALCO # :BUOD - PAGSASALITA:

Ayon sa pagbibigay kahulugan nina _______________________tungkol sa __________________________________

______________________________________________________________________________________.

ALCO # : SINTOPIKAL - PAGBASA

Ayon sa pagbibigay kahulugan nina _______________________tungkol sa ______________________________

__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________

10
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.

ALCO # :SINTOPIKAL - PAGSASALITA:

Ayon sa pagbibigay kahulugan nina _______________________tungkol sa __________________________________

__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.

Lagda ng Tagapatnubay (Magulang/kasambahay):

_____________________________________

Buong Pangalan at Lagda

Petsa: __________________________
# CP____________________________

Masayang Buhay!
Sa matapat at matagumpay mong pagtatapos ng iyong gawain.
Pagbutihing muli sa mga susunod na gawain.
Pagpalain ka ng Amang Lumikha at ingat ka palagi

Tulong – paMpagka tuto

11
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

Bernales et al. (2017)Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City:Mutya Publishing Hopuse

https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/mga-tanong/euthanasia/)
http://www.vsm.sk.
(mula sa sa aklat ni Bernales, (2017) http://www.vsm.sk.

12
INTEGRATED BASIC EDUCATION
GRADESCHOOL DEPARTMENT
PAASCU LEVEL III RE-ACCREDITED STATUS
Socially Responsible Leaders Making a Difference

13

You might also like