You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

SAMAR COLLEGES, INC.


Catbalogan City

FILIPINO 208 Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika, Pagbasa at Pagsulat

Mag-aaral : Rosalinda S. Sanico


Tapag-ulat : Kaye B. Mejica & Nazareno E. Ortillo
Paksa : Estratehiya sa Pagtuturo
Propesor : Sir. Allan L. Dacles, MAED, Fil

1. Ibigay ang iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo.


Sagot:

1. Pamaraang pabuod o inductive method. Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin
sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ngtuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o
generalization. Ang pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na
Hakbang s Pagtuturo” o di kaya ay “ Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan
ng pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin ito na nagsimula sa nalalaman patungo sa hindi
nalalaman.

2. Pamaraang Pasaklaw O Deductive Method . Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng


pama aang pabuod. Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa
patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay
nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may
taguring “rule” o “rule of example”.

May limang hakbang ito

1) panimula o introduction
2) pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization
3)pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule
4) pagbibigay ng halimbawa o giving examples
5) pagsubok o testing
3. Pamaraang Pabalak O Project Method. Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa
pagtuturo ng Edukasyong Pang gawain. Angkop din namang gamitin sa pagtuturo ng
anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ngproyekto. Sa pamamaraang ito,
nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa kakayahan at kasanaya ng pagpaplano, sa
pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kapangkat
at ang kakayahan sa pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o sama ng loob.

4. Pamaraang Pagtuklas (Discovery Method). Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamaraaan


ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan ay hu mahamon pa sa kakayahan ng
mga mag-aaral. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na
siya ng makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at paglalahat. Ang mga mag-
aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi basta na lamang
tagatanggap ng kung anu-anong mga idinidikta sa kanilang mga kaisipaan at kaalaman.

5. Pamaraang Proseso (Process Approach). Ang process approach ay ginagamit sa pag tuturo
ng mg aasignatura sa aghaam at iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang
binibigyang- diin ay hindi ang pagkakamit ng mga mag-aaral ng maraming kabatirang
ipasasaulo sa kanya kundi manapa’y ang pag angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang
kasanayang intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto

2. Magbigay ng sariling opinyon o hinanaing ukol sa tradisyunal na pagtuturo


SAGOT:

Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pagtuturo ay nakapukos sa guro bilang taga-
konrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral.” Sa ganitong pagtuturo, nasa guro ang
responsibilidad at sa kanya ang paraan at mga estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa
kanyang mag-aaral.Sa ganitong uri ng pagtuturo, ang guro ang siyang tinaguriang
controller sa silid-aralan. Dahil sa ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan na ang tinatagong
galing ng mag-aaral sa iba’t ibang kakayahan ay hindi mahahasa at malilinang.

Nagkakaroon rin ng problema sa mga impormasyong inilalahad ng guro. Dahil kadalasan ay


nakabatay sa mga sinaunang nakalimbag na aklat. Sa makatuwid ang nagaganap sa
pagtuturong ito ay ang tinatawag nilang “spoon-feeding of knowledge”. Hindi napapalawak
ng guro ang kanyang karaniwang paksa dahil sa nakabase lang siya sa tradisyunal na
paraan.

3. Ilahad ang iba’t ibang modelong estratehiya sa pagtuturo.


SAGOT:
MGA TUWIRAN: MGA DI-TUWIRAN:
Estratihiyang Pang Kognitib Estratihiyang Pansosyal
Estratihiyang Pang Kompensasyon Estratihiyang Apektib
Republic of the Philippines
SAMAR COLLEGES, INC.
Catbalogan City

FILIPINO 208 Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika, Pagbasa at Pagsulat

Mag-aaral : ROSALINDA S. SANICO


Tapag-ulat : CRISTIFA G. LLEGUE
Paksa : KABANATA VII – Banghay ng Pagtuturo
Pagtuturo ng Filipino 7 (Gramatika at Pagbasa
Propesor : Sir. Allan L. Dacles, MAED, Fil

1. Ano ang kahalagahan ng Banghay ng pagtuturo?


SAGOT:
Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng mga Layunin, Paksang-aralin,
kagamitan, at mga hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang matamo ang inaasahang
bunga.

2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng Banghay-Aralin?


SAGOT:
1. Layuning matatamo (attinable objectives),ito aya dapat tugma sa gagawing
assestment o tasa..
2. Sapat na paksang-aralin, at tiyak na sanggunian (adequate, subject matter and specific
references) upang mas malinaw para sa mga mag aaral ang tatalakaying paksa.
- Ang layunin ng Pagtuturo
3. Sa pagsulat ng layunin, kailangan makahayag sa pangkagawiang kilos (behavioral
terms) upang mas lumawak ang kaalaman ng mga mg aaral kung nagagamit nila ang
ibang pangkagawiang kilos (behavioral terms).
3. Alin sa mga uri ng banghay ng pagtuturo ang sa palagay mo ay mas naaangkop
gamitin sa araw-araw na pagtuturo? Ipaliwang ang iyong sagot.
Sagot:
Mala-masusing Banghay ng Pagtuturo

Sa ganitong uri ng banghay, ang mga gawain na lamang ng guro ang isisusulat. Hindi na
kasama ang gawaing Mag-aaral. Ang mga nakasulat dito ay ang mga sunod sunod na gawaing
ipatutupad ng guro sa klase. Kaya’t mas maigsi ito kaysa sa masusing banghay.
Republic of the Philippines
SAMAR COLLEGES, INC.
Catbalogan City

FILIPINO 208 Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Wika, Pagbasa at Pagsulat

Mag-aaral : ROSALINDA S. SANICO


Tapag-ulat : MA KATRINA O. ROMANO
Paksa : BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG PAG-SULAT NG
KOMPOSISYON.
Propesor : Sir. Allan L. Dacles, MAED, Fil

1. Bakit kailangang maging malikhain sa pagsulat ng komposisyon?


Sagot:

Upang maakit ang mga mambabasa, lalo na kung ito ay ka abang-abang at kapana- panabik.

2. Sa paanong paraan mo mahihimok ang mag-aaral na gumawa ng komposisyon na


may wastong paglalahad ng kaisipan sa gitna ng pandemya?
Sagot:
Ilahad ang mga layunin, mekaniks at konsepto, uri ng gagawing komposisyon
upang mas malinaw para mga manunulat ang kanilang gagawing komposisyon. At
magbigay nga gantimpala upang mas lalo ganahan ang mag lalahok.

3. Batay sa aking ulat. Pumili ng isa sa mga aspekto ng kalagayang Pangklase spagsulat.
Ipaliwanag ang iyong sagot ayon sa iyong sariling opinyon.
Sagot:
Ang layunin ng pagsulat. Dapat malianaw sa mga mag aaral ang layunin ng gagawing
komposisyon upang di mgatagal at di lumayo sa paksa.

You might also like