You are on page 1of 13

MODYUL SA FILIPINO 12

FILIPINO SA PILING LARANG

( UNANG SEMESTRE - UNANG MARKAHAN )

PAUNANG SALITA
Ang kakayahan ng guro na humubog ng mga mag-aaral na handa sa totoong
hamon ng buhay ay isang napakahalagang misyon sa larangan ng pagtuturo lalong-lalo na
sa panahon ng pandemya. Isang malaking hamon sa mga guro kung paano higit pang
mapapayaman at mahahasa ang isipan ng mga mag-aaral ngayong kinakaharap natin ang
isang krisis ng ating buhay lalo’t malaki ang kakulangan ng mga kagamitang
pampagkatuto, ang kakayahang makapag-isip nang mabisa at malikhaing estratehiya sa
pagtuturo ngayong new normal. Ngunit sabi nga natin, sa tulong at pagkakaisa,
determinasyon, tiwala at pananalig ay ating makakaya.
Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagturo sa
ikatatamo ng mas mataas na antas ng
karunungan lalo sa larangan ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ang instrumentong ito
sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral at
ng guro upang mas lalong makaagapay sila sa
mabilis na pag-indayog ng pagbabago sa
modernong panahon sa makabagong milenyo
upang lalong umunlad ang sibilisasyong
kinabibilangan ng bawat indibidwal tungo sa
tugatog ng tagumpay.
Ang Modyul ng Filipino sa Piling Larang ay
naidesenyo, nilinang at sinuri upang ihanda ang
mga mag-aaral sa baitang 12 para sa pag-aaral
ng Filipino sa unang semestre. Pinagsama at
pinagkaisa sa modyul na ito ang teorya at
praktika upang makamit ang kinakailangang
kaalaman, kakayahan, kasanayan, katangian at
kaasalan na dapat taglayin ng isang mag-aaral
sa mataas at pribadong paaralan. Sasanayin at
lilinangin ang mga mag-aaral sa baitang 12 sa
pagtataya at pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagsulat upang maging mabisa at
bihasa hinggil sa nilalaman at dulog sa pagkatuto sa Filipino 12. Hangad ng modyul na ito
ang mapataas ang antas ng kaalaman, pagkatuto, at matukoy ang kakayahan, kalakasan
at kahinaan ng mga mag-aaral. Kung kaya’t sa pagbuo ng modyul na ito , isinasaalang-
alang ang domeyn ng pagkatuto sa pagsasagawa ng mga gawain at eblawasyon.

Ang modyul na ito ay nakabatay sa mga kasanayan sa pagkatutong itinadhana ng K

to 12 Dokumentong pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon. Layon ng modyul
na sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling
larang.

Upang maisagawa ito, ipinakikita sa modyul na ito kung paano binalangkas ang
bawat aralin sa batayang aklat upang malinang at maisakatuparan ang mga layuning
nabanggit para sa mga mag-aaral na gagamit nito. Ang mga bahagi ng modyul na ito ay
makatutulong sa paglinang, pag-unawa at paghubog sa kaniyang kasanayan sa pagsulat
upang maihanda sa hamon ng akademikong sulatin para sa magandang kinabukasan.

Umaasa akong sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ang bawat mag-

aaral ng makahulugan at makabuluhang pagkatuto at makakuha nang malalim na pag-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya, Paghusayan mo, Alam kong Kaya mo ito!

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO, ARALIN AT PANAHONG GUGUGULIN
PARA SA UNANG MARKAHAN

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES PANAHONG

ARALIN
(MELCS) GUGUGULIN
• Nabibigyang pagkilala ang pagsulat. Dalawang
A. Layunin Ang Pagsusulat Linggo
B. kahalagahan
C. Uri
D. Pangangailangan

• Nabibigyang-kahulugan ang Ang Akademikong

akademikong pagsulat Pagsulat
• Nakikilala ang iba’t ibang
akademikong sulatin ayon sa
A. Layunin
B. Gamit
C. Katangian
D. Anyo

• Nakapagsasagawa ng panimulang
pananaliksik kaugnay ng kahulugan, Dalawang
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang Linggo
anyo mg sulating akademiko
• Natutukoy ang katangian ng isang
sulating akademiko

• Nakasusulat nang maayos na Pagsulat ng Iba’t Ibang

akademikong sulatin Uri ng Paglalagom

• Naisasaalang –alang ang etika sa

binubuong akademikong sulatin Pagsulat ng
Memorandum, Adyenda Dalawang Liggo
at Katitikan ng Pulong

Pagsulat ng Panukalang
Proyekto

PARAAN NG PAGMAMARKA
Kabuang Nilalaman Bahagdan / Puntos
Written Works 40 %
Performance Task 60 %
100 %

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
NILALAMAN NG PROSESO NG PAGKATUTUTO
Makikita sa modyul na ito ang iba’t ibang bahagi na siyang gagabay sa mag-aaral
upang magkaroon ng isang makabuluhang pagkatuto. Ang bawat bahagi ay may katumbas
na paglalakbay at kahahantungan ng kanilang pagsisikap tungo sa isang sistematiko,
integratibo at interaktibong pagkatuto.

I. PATUNGUHAN

Sa bahaging ito inihahanay ang mga layuning dapat tahakin at

matamo upang maihanda ang mga mag-aaral para sa matagumpay na
pagkaunawa sa paksa at kabuoan ng aralin.

II. YUGTO NG PAGKATUTO

A. PANIMULANG PAGTATAYA
Isasagawa sa bahaging ito ang isang pagtataya bilang pag-alam
sa kung hanggang saan ang lawak ng dating kaalaman sa aralin nang
sa gayon ay mabagtas ang mga kaalamang dapat pang malinang at
maidagdag.

B. PAGTUKLAS
Sa bahaging ito, maihahanda ang mag-aaral para sa isang
matagumpay na pagtalakay sa paksa at sa kabuoan ng aralin.
Ilalahad dito ang mismong aralin at gagalugarin ang mga ideyang
magkikintal ng mahahalagang kaisipan. Nagmumungkahi rito ng mga
gawain na lalo pang gigising sa interes ng mga mag-aaral.

C. PAGLINANG AT PAGPAPALALIM
Sa bahaging ito, magkakaroon nang malaliman at
komprehensibong pag-aanalisa ukol sa kaisipan na nais bigyang
solusyon, mungkahi at pagpapaliwanag sa araling natalakay.
Lilinangin ang iba’t ibang kasanayan sa pagbasa, pagsulat at
kakayahan sa mapanuring pag-iisip o critical thinking sa pamamagitan
ng integratibo at interaktibong kasanayan upang patunayan at
patotohanan ang iba’t iba pang paksang may kaugnayan sa aralin sa
iba’t ibang paraan ayon sa hinihingi ng paksang tuon at napiling
akademik strand/ track.

D. PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Isang pangwakas na pagsubok upang malaman kung lubusan na
ang pagkatuto ng mga mag-aaral nang sa gayon ay mataya kung
kakailanganin pa ang muling pagtuturo.

E. PAGLALAPAT
Ang bahaging ito ay pagsasalin, paglilipat o transfer ng natutuhan
sa isang makatotohanang paraan. Dito maipamamalas ang paglinang
hindi lamang sa katalinuhan, kasanayan ngunit maging sa kaasalan
bilang makabuluhang mamamayan sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng mga mapanghamong Inaasahang Pagganap ( Transfer Task/
Mini Task / Performance Task ). Ito ang Praktikal na aplikasyon ng
natutuhan na may kasamang rubrik para sa sariling pagtataya.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
SAGUTANG PAPEL at PAGNINILAY
Ang bahaging ito ang magiging talaan ng mga kasagutan sa lahat ng
mga gawain o aktibidad bilang pagtataya, pagsasanay o pagsusulit.
Magkakaroon din ng pagtatala ang mag-aaral ng kanilang repleksyon ukol
sa paksang tinalakay.

LAGUMANG PAGSUSULIT

Ang bahaging ito ay kalipunang pagtataya bilang pagsubok sa lahat ng

mga natutunang kaalaman at kasanayan sa paksang tinalakay na aralin.
Ito’y naka-ayon sa iba’t ibang lebel o antas ng pagkatuto at pagsusuri na
kikilatis sa kabuoang kinalabasang natutunan ng mag-aaral.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
ANG GURO

( PAGPAPAKILALA )

GURO

MA’AM
MELANIE

Magandang araw! Ikinagagalak kitang makilala. Ako ang iyong guro sa

asignaturang ito. Nais kong kilalanin mo akong mabuti batay sa mga nakatalang aking
pagkakakilanlan.

Pangalan ng guro: GNG. MELANIE M. SINGSON

(Nickname): Ma’am Melanie
Bilang ng taon sa pagtuturo: 24
Asignaturang Hawak: Filipino Baitang 12
Katungkulan: Guro sa Filipino 12
Cellphone #: 09155016342
Facebook / Messenger Accnt.: Melanie Singson
Gabay na kaisipan sa buhay:
“ Gawing makabuluhan ang buhay, pagiging mabuting tao ay pahalagahang tunay ”

MGA TUNTUNIN AT KASUNDUANG INAASAHAN SA MGA MAG-AARAL:

1. Basahin at Unawaing mabuti ang Modyul.

2. Pag-ukolan ng panahong panoorin o hanapin ang anumang naibigay na files sa
inyong flashdrive.
3. Kumpletuhing sagutan at isakatuparan nang may katalinuhan at katapatan ang
bawat gawain.
4. Isagawa ang bawat nilalaman ng modyul ayon sa ibinigay na panahon ng pagugol.
5. Itala ang lahat ng puna at katanungan sa may “Pagninilay” nang may katapatan.
6. Magtanong sa guro gamit ang Cellphone / Facebook/Messenger Accnt. na
naibigay kapag kinakailangan lamang at sa itinakdang araw at oras na naibigay.
7. Panatilihing iisa lamang ang Cellphone # na gagamitin at tamang pangalan ang
dapat nasa Facebook/Messenger Account.
8. Ipasa nang kumpleto ang Sagutang Papel sa itinakdang araw ng pagpapasa
kasama ang flash drive.
9. Paalala: Iwasan ang pangongopya, pagpapalimbag, pagpaparami at
pagbabahagi ng Modyul na ito.
10. Ang IBABALIK SA GURO pagkatapos maisagawa ang Modyul na ito ay ang
kumpletong SAGUTANG PAPEL lamang at iba pang talaang bahagi na
nangangailangan ng inyong kasagutanna nakastaple ( stapler ) kapag ito ay printed
file at nakasave naman sa flashdrive kapag kinakailangan ang soft copy na files.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1 ) – Pahina 1 ng 7 pahina

Pangalan: __________________________________________ Baitang at Seksyon: ___________________

Modyul 1
Ang Pagsusulat

“Ang pagsusulat ay isang mabisang pamamaraan

tungo sa pakikipagkomunikasyon”

I. PATUNGUHAN
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang naisakatuparan mo ang mga sumusunod:
A. nakapaglalahad ng sariling pananaw, kuru-kuro, katwiran at saloobin hinggil sa
kaligiran at kahalagahan ng pagsulat;
B. nakakikilala at nakasusuri ng iba’t ibang uri ng sulatin;
C. nabibigyang halaga nang may pag-unawa sa pagpapahayag ng iba’t ibang uri ng
sulatin ; at
D. nakakikitaan ng kawilihan at kasiglahan sa pagbuo ng mga sulatin ayon sa napiling
larang.

II. YUGTO NG PAGKATUTO

Isang masayang araw sa iyo aking mag-aaral! Binabati kitang muli

sapagkat narating mo na ang huling lebel ng asignaturang Filipino sa
Sekundarya. Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito
sapagkat pinagsama na rito ang teorya at praktika na nais mong matutuhan
na siyang lilinang at huhubog sa iyong kasanayan maging ang iyong
katauhan.
Alam kong marami kang natutunan mula sa mga nakaraang taong
iyong pinagdaanan sa kabila ng kinaharap nating pandemya. Bilang
paunang pagtataya na susubok sa mga yamang araling natutunan noon,
nais kong sagutan mo ang inihandang munting pagsusulit na nakatalaga sa
iyo. Paghusayan mo!

A. PANIMULANG PAGTATAYA

Basahin nang may pang-unawa ang bawat pahayag na tumutukoy sa

pagsulat. Isulat ang T kung ito’y nagsasaad ng katotohanan, M naman kung
hindi. Itala ang iyong mga sagot sa patlang bago ng bilang.

_____1. Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa

pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag
sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.
_____2. Ang isang mahusay na manunulat ay hindi nangangailangan ng
anomang tiyak na paksa o tema.
______3. Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa isipa’t damdamin
ng tao.
______4. Mahalagang isaalang-alang ang wika sa anomang uri ng pagsusulat.
______5. Kinakailangan sa mapanuring pagsulat ang isang mapanuring pag-iisip.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1 ) – Pahina 2 ng 7 pahina

Mainam at nasagutan mo. Tiyakin kung wasto ang mga kasagutan sa

susi ng Pagwawasto na matatagpuan sa huling bahagi ng pahina 5. Anuman
ang kinalabasan ng iyong kasagutan ay sisikapin nating tugunan ang mga
kamalian at pagyayamanin pa ang iyong kasalukuyang kaalaman habang
ipinagpapatuloy mo ang Modyul na ito. Kaya’t halina at ating lakbayin ang
araling ito.

B. PAGTUKLAS

Batid kong nasasabik ka ng malaman ang mga salalayang kaalaman hinggil sa

pagsulat. Ngunit bago natin tuklasin ang mga iyon, nais ko munang alamin ang iyong
pananaw hinggil sa tanong na aking inihanda na tiyak kong makatutulong sa
pagsisimula ng aralin at siyang magiging lunsaran ng pagkatuto. Basahin nang mabuti
at may pang-unawa ang mga tanong at nais kong magkaroon ng pansariling
pagmumuni-muni sa iyong isipan upang maiugnay ang karanasan sa mga tanong na
naibigay.

1. Ano para sa iyo ang pagsulat /pagsusulat?

2. Bakit kailangan ang pagsusulat?
3. Nakapagsulat ka na ba? Ano ano ang mga ito?
4. Para saan ang mga naisulat mong ito?
5. Ano ang naramdaman matapos mo itong gawin?
6. naging makabuluhan ba ang pagsusulat mong ito?

Ngayong nakapagnilay ka sa naging karanasan mo sa pagsusulat

sa tulong ng mga naibigay na katanungan, narito naman ako upang
palawakin pa natin ang iyong kaalaman hinggil sa nasabing paksa
upang mas mabigyan mo ng pagpapahalaga ang maaaring gamit
ng pagsusulat sa iyong buhay. Handa ka na ba? Narito na ang mga
ilang butil ng katotohanan sa paksang aaralin.

C. PAGLINANG AT PAGPAPALALIM

Panoorin / Basahin

1. Nais kong panoorin mo ang bidyu at powerpoint presentation ukol sa

Pagsusulat na nasa iyong flashdrive ( Ang Pagsulat at ang kahalagahan nito )

2. Basahin rin sa iyong aklat na Pinagyamang Pluma, pahina 3-5 ang katulad
ng sa paksang napanood na siyang magbibigay ng mas malawakan pang
paliwanag. Magkaroon ng balangkas o outline sa inyong kwaderno bilang
talaan ng mga natutunan.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1 ) – Pahina 3 ng 7 pahina

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o di-

berbal, ang kaniyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi
ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag, nakasalalay ang
linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kaniyang kapuwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na
paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kaniyang
kasanayan sa pagsulat na isa sa mahalagang makrong kasanayan. Ang
kasanayang ito ay magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang
mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagpapaigting ng kaalaman sa pagsulat, nais kong gawin mo
ang mga sumusunod:

Panoorin / Basahin

1. Nais kong panoorin mo rin ang isa pang bidyu at powerpoint presentation
na nasa iyong flashdrive ( Gamit/Pangangailangan at Uri ng Pagsulat ).

2. Basahin rin sa inyong aklat na Pinagyamang Pluma, pahina 5-8 ang katulad
ng sa paksang napanood na siyang magbibigay ng mas malawakan pang
paliwanag. Magkaroon ng balangkas o outline sa inyong kwaderno bilang
talaan ng mga natutunan.

Nawa’y nagkaroon ka nang lubusang pag-unawa sa

mga dapat malaman ukol sa pagsusulat. Pakatandaan ang
mga pangangailangan sa pagsusulat sapagkat ito ang
siyang gagabay sa atin upang makabuo ng isang
makabuluhan at malikhaing pagsusulat.

D. PAGTATAYA

Para sa Bilang 1-5 , isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
kung hindi. Isulat ang wastong sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Itinuturing ding libangan ang pagsusulat.

2. Ang akademikong pagsulat ay isang pang-emosyunal na paraan ng pagsusulat.
3. Mahalaga ang pagsusulat sapagkat malilinang nito ang kasanayan sa pagsusuri ng
mga datos.
4. Sa pagsusulat, hindi gaanong mahalaga ang kalaman sa wika at retorika, ang
importante ay maitala mo ang iyong nararamdaman.
5. Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang pangwika.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1 ) – Pahina 4 ng 7 pahina

Para sa Bilang 6-10 , Kilalanin kung ano ang tinutukoy ng bawat pahayag sa
pangungusap.
6. Uri ng pagsulat na naglalayong makapagbigay aliw, makapukaw interes at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa.
7. Uri ng pagsulat na may kaugnayan sa isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya, paaralan o institusyon.
8. Karaniwang ito ay bunga ng malikot na isipan na maaring tunay o imahinasyon
lamang ng manunulat.
9. Midyum sa pagsasalita/ pagsulat na naghahatid ng mensahe, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng manunulat.
10. Nagsisilbing pangkalahatang sentro o iikutan ng isang ideya o sulatin.

E. PAGLALAPAT

Lubusan nang nailahad sa iyo ang ukol sa Pagsusulat. Tiyakang

nabigyan mo ng pagpapahalaga ang mga kaalaman ukol dito.
Ngayon naman ay subukin mong ilapat ang natutonang
kaalamang ito. Handa ka na bang magsulat?

Nakilala mo ang Malikhaing Pagsulat ( Creative Writing ) bilang isa sa

mga uri ng pagsulat. Alam kong madalas, ito ang iyong mga
nakagagawiang sulatin. Kung kaya’t ngayon ay nais kong bumuo ka ng
isang malikhaing sulatin na siyang magpapakilala at maglalahad ng
pangarap mo sa buhay. Iugnay ang napiling strand sa pagkamit mo ng
pangarap mong ito sa buhay.
Maaring pumili ng isa lamang sa dalawang uri ng malikhaing sulating
nasa ibaba.

a. Sanaysay
( Dapat nagtataglay ng panimula, panggitna at wakas na bahagi
b. Tula
( Binubuo ng 5 saknong, may tugma kahit walang sukat)

Gawing gabay ang rubric o pamantayan sa pagmamarka na inihanda

na nasa ibaba upang makabuo ng isang makabuluhang malikhaing sulatin.

A. Rubric para sa Sanaysay

Krayterya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Walang

Inaasahan Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang Napatunayan
5 Puntos 4Puntos Inaasahan Inaasahan 1 Puntos
3 Puntos 2 Puntos
Nakapanghi- May Konsistent at Hindi ganap Malayo sa
Nilalaman hikayat at kaisahan at may kaisahan ang inaasahan
(x2) buo ang may sapat ngunit kulang pagkakabuo, ang nabuong
kaisipan. na detalye at ang detalye. kulang ang paksa.
Malinaw, may malinaw Hindi rin detalye at
konsistent at na intensyon. gaanong hindi
kumpleto malinaw ang malinaw ang
ang detalye. intensyon. intensyon.

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1 ) – Pahina 5 ng 7 pahina

Mekaniks / Walang Halos walang May mga Napakarami Hindi nakita

Gamit pagkakamali pagkakamali pagkakamali at nakagugu- ang mga
(x2) sa mga sa mga sa mga lo ang mga pangangailan
bantas, bantas, bantas, pagkaka- gan sa
kapitalisa- kapitalisa- kapitalisa- mali sa mga ginawang
syon, syon at syon at bantas, sanaysay
pagbabay- pagbabay- pagbabay- kapitalisa-
bay at bay at bay at syon at
maging sa maging sa maging sa pagbabay-
estruktura ng estruktura ng estruktura ng bay at
mga mga mga maging sa
pangungu- pangungu- pangungu- estruktura ng
sap at gamit sap at gamit sap at gamit mga
ng mga ng mga ng mga pangungu-
salita. salita. salita. sap at gamit
ng mga
salita.

B. Rubric para sa Tula

Krayterya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Walang

Inaasahan Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang Napatunayan
5 Puntos 4Puntos Inaasahan Inaasahan 1 Puntos
3 Puntos 2 Puntos
Napakalalim, Makabulu- Nakabuo ng May ilang Malayo sa
Nilalaman masining at han ang tula ayon sa bahagi ng inaasahan
(x2) makabulu- mensahe ng paksa ngunit tula ang di ang nabuong
han ang tula at ito’y may ilang makabulu- paksa.
mensahe ng may kalituhan sa han at
tula at ito’y kaugnayan mensaheng walang
may sa paksang ipinaparating gaanong
kaugnayan ibinigay ng . kaugnayan
sa paksang guro. sa paksang
ibinigay ng ibinigay ng
guro. guro.

Elemento Nagamit Malayang Nakalikha ng Hindi Walang

(x2) nang may nagamit ang tula ayon sa lubusang malinaw na
kahusayan sangkap ng paksa ngunit nasunod ang nabuo.
ang mga tula. may mga
angkop na kakulangan pangangaila-
sangkap ng sa ngan sa
tula. elementong pagbuo ng
inaasahan. tula

Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagtataya:
1. T 4. T
2. M 5. T
3. T

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1) - Pahina 6 ng 7 na pahina

CN:_____
Pangalan:__________________________________________ Baitang at Seksyon:___________________

SAGUTANG PAPEL
MODYUL 1
AGOSTO 25 – SETYEMBRE 13, 2021

D. PANGWAKAS NA PAGTATAYA

1. ___________ 6. ___________ Puntos:

2. ___________ 7. ___________ ____ / 10 pts
3. ___________ 8. ___________
4. ___________ 9. ___________

5. ___________ 10. __________ Puntos:

Nilalaman: _______
Mekaniks/
Elemento : _______

E. PAGLALAPAT = _______/ 20 pts.

__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
FILIPINO 12 ( Modyul 1) - Pahina 7 ng 7 na pahina

PAGNINILAY

Ang naging repleksyon ko sa Modyul na ito:

_________________________________________________________________________

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This is to certify that I have reviewed the entries in the answer sheet of my child.

___________________________________________________________
Parent’s/Guardian’s Signature over Printed Name/Date

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.
PAGPAPAKILALA

Idikit
ang iyong
2x2 picture _____________________________________

dito

( Palayaw )

Pangalan: _________________________________________________________________________

Taon at Seksyon: ___________________________________________________________________

Tirahan: ___________________________________________________________________________

Petsa ng Kapanganakan:_____________________________________Edad: ________________

Email Address: _____________________________________________________________________

Facebook Account / Messenger: ___________________________________________________

Phone/ Cellphone #: _______________________________________________________________

Mga Magulang:
Pangalan Trabaho Cellphone #

Ama: ______________________________ _______________________ _________________

Ina: ______________________________ _______________________ _________________

Mga kinahihiligang Gawin:

Kahusayan ( Talents ) Kasanayan ( Skills / Hobbies )
_____________________________________ ______________________________________
_____________________________________ ______________________________________
_____________________________________ ______________________________________

Mga Inaasahan:
Sa Asignatura:
_________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

***Paalala: Pakipasa ang form na ito kasama ng Sagutang Papel

Property and exclusive use of SAINT LOUIS COLLEGE BASIC EDUCATION SCHOOLS. Reproducing, storing, distributing, photocopying, recording,
posting and/or uploading of any part of this document and of any form and any means without the prior official written permission of SLC-SFLU, is strictly
PROHIBITED and is subjected to any forms of consequences.

You might also like