You are on page 1of 31

Yunit 1: Akademikong Pagsulat

Aralin 2
Layunin sa Paglinang ng Kasanayan
sa Akademikong Pagsulat

Filipino sa Piling Larang


Senior High School Applied - Academic
Paano
makatutulong ang
kahingian sa
asignatura sa
pagkakaroon ng
maayos pagsulat?

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 22


● natutukoy at nauunawaan ang mga
Layuning hakbang sa pagsulat ng mga
Pampagkatuto akademikong sulatin, at
● naipaliliwanag ang mga tiyak na
Pagkatapos ng dahilan sa paglinang ng kasanayan
araling ito, ikaw ay
inaasahang sa pagsulat ng mga akademikong
sulatin.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 33


Layuning
Pampagkatuto ● Sumulat ng isang makabuluhang
sulatin kaugnay sa karanasan sa
Pagkatapos ng pagsulat.
araling ito, ikaw ay
inaasahang

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 44


Sa iyong palagay, ano ang halaga ng
paglilinang ng kasanayan sa akademikong
pagsulat?

5
Kasanayan sa Pagsulat

Ito ang mga makrong kasanayang na dapat taglayin ng


isang mag-aaral
● pakikinig,
● pagsasalita,
● pagbabasa, at
● panonood.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 66


Bakit
kinakailangan
na may
kasanayan sa
pagsusulat?

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 77


Katangian ng Proseso sa Pagsulat

Sa anomang uri at/o anyo ng pagsulat, kasama ang


akademikong sulatin, taglay ng mga ito ang tiyak na
hakbang na dapat sundin upang maisakatuparan ang
layunin ng isang manunulat. Ngunit, mahalaga na
maunawaan din ang katangian na taglay ng kabuoang
proseso sa pagsulat nito.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 88


Paano masisigurong wasto ang katangian
ng proseso sa pagsulat ng akademikong
sulatin?

9
Ayon kina Villanueva at Bandril (2007), ang pagsulat
ay isa sa pangunahing kasanayan na natutuhan at
pinauunlad sa loob ng paaralan.
Upang maging kasangkapan ang pagsulat sa buhay ng
tao, marapat itong lalong palakasin batay sa kahingian
at pangangailangan ng panahon.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 10


10
Ang manunulat ay kailangang
● mahusay mangalap ng impormasyon,
● mahusay magsuri,
● magaling mag-organisa ng mga ideya at
● lohikal.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 11


11
Katangian sa Paraan ng Paggawa

● Komprehensibong Paksa
● Angkop na Layunin
● Gabay sa Balangkas
● Halaga ng Datos
● Epektibong Pagsusuri
● Tugon ng Konklusyon

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 12


12
Halimbawa (pormal, payak)

● Patuloy ang pagbabalita ng NDRRMC sa mga


mamamayan hinggil sa kondisyon ng Bulkang Taal

● Agaran ang naging aksiyon ng lokal na pamahalaan


para sa mga nasalanta sa Batangas.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 13


13
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat

● Bago sumulat. Sa yugtong ito nagaganap ang


integrasyon ng paunang kaalaman at bagong
kaalaman. Higit na yumayaman ang dating
kaalaman at karanasan mula sa pagbabasa,
panonood, at pakikinig.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 14


14
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat

● Pagbuo ng Unang Burador. Sa yugtong ito,


matiyangang iniisa-isa ng manunulat ang mga
konsepto na maaaring maging laman ng
akademikong sulatin.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 15


15
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat

● Pagwawasto (Editing) at Pagrerebisa. Sa


yugtong ito, inaayos ang unang burador.
Iniwawasto ang mga mali tulad ng baybay, bantas,
at mismong nilalaman ng akademikong sulatin.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 16


16
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat

● Huli o Pinal na Sulatin. Mababakas sa yugtong


ito ang inaasahang kahusayan at kakinisan ng
binubuong akademikong sulatin. Pulidong isinulat
at handang ibahagi at mabasa ng iba upang ipabatid
ang layunin ng pagsusulat ng akademikong sulatin.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 17


17
Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat

● Paglalathala o Pagpapalimbag. Sa yugtong


ito maibabahagi sa mas maraming mambabasa ang
impormasyong nais ipabatid bilang ambag sa
produksyon ng karunungan. Nailalathala ang
akademikong sulatin dahil sa taglay nitong
katangiang kahingian ng akademikong sulatin.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 18


18
Dahilan at Layunin sa Pagsulat

● Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip. Sa


pagsasakatuparan ng akademikong sulatin, hindi
natatapos ang manunulat sa hayag na paglalahad
lamang ng mga kaalaman.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 19


19
Dahilan at Layunin sa Pagsulat

● Pagpapalawak at Pagpapalalim ng
Kaalaman. Sa iba’t ibang yugto at antas ng
pag-aaral, nagagawang matutuhan ng isang
indibidwal ang iba’t ibang konsepto at/o mga
teoryang kinakailangan sa isang larangan.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 20


20
Dahilan at Layunin sa Pagsulat

● Kakayahang Propesyunal. Sa pagsulat ng


mga akademikong sulatin, bukod sa konseptong
teknikal at kasanayang nakukuha rito, nagagawa rin
ng isang indibidwal na maunawaan at matutuhan
ang propesyunalidad.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 21


21
Dahilan at Layunin sa Pagsulat

● Kasanayan sa Saliksik. Isang mahalagang


kahingian sa pagtutupad ng akademikong sulatin ay
ang taglay nitong kaalaman na hindi lamang
sumasandig sa iisang batis o batayan, sapagkat
nangangailangan itong makapagbigay ng isang
kongkreto at makabuluhang kahulugan at/o
kaalaman.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 22


22
Mahalagang gampanin ng
kasanayan sa pagsulat sa buhay
ng isang indibidwal dahil
nagagamit ito sa maayos na
pakikipagkomunikasyon.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 23


23
Kakayahang Akademiko

Tungo sa matagumpay at mahusay na sulatin,


isa-isahin muna ang kaisipang naiuugnay sa paksang
nais bigyan ng tuon. Pagkatapos ay mamili lamang ng
isa sa mga ito at unawain ang mga saklaw nito. Buoin
din sa sarili ang nais ibahagi at matutuhan sa
isinusulat.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 24


24
Tip

Huwag na munang maging partikular sa


daloy ng isinusulat sapagkat maiaayos
din ito sa panahon mismo ng pagbuo ng
akademikong sulatin.

25
Paano nagiging kapaki-pakinabang ang
akademikong sulatin sa isang
indibidwal?

26
Tandaan

Ang manunulat ay nagsasagawa ng


pananaliksik sa kaalamang nais niyang
ipahayag. Kabilang din rito ang
pagsagot sa mga tanong na: ano, sino,
kailan, saan, bakit, at paano.

27
1. Ano ang pangunahing layunin sa paglinang ng
kasanayan sa akademikong pagsulat?

1. Ano-ano ang yugto sa akademikong pagsulat?

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 28


28
Paano makatutulong sa pagpapa-unlad ng
komunikasyon ng isang indibwal ang kaalaman sa
paggawa ng akademikong sulatin? Ipaliwanag ang
iyong sagot.

PANSININ TUKLASIN ALAMIN PALAWAKIN SURIIN 29


29
Paglalahat

Maituturing na isang pangangailangan ang


paglilinang ng kasanayan sa akademikong
pagsulat sapagkat ito ay kabilang sa mga
pangunahing kahilingan ng paaralan.

Maituturing na isang pangangailangan ang


paglilinang ng kasanayan sa akademikong pagsulat
sapagkat napalalawak nito ang kasanayan
ng mga-aaral sa pagsulat.
30
Bibliyograpiya

Almario, Virgilio S. et, al. Introduksiyon sa Saliksik Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino. 2016.

Espiritu, Clemencia C. at Antonio G. Dacanay. Pananaliksik (Isang Primer) Pananaliksik para sa


Baguhan. Quezon City: REx Bookstore. 1998.

Library. “Academic Writing.” Library. University of Leeds. Last


modified June 30, 2017.https://library.leeds.ac.uk/info/14011/writing/106/academicwriting.

Valdes. “What Is Academic Writing?” ThoughtCo. Last


modified June 6, 2019.https://www.thoughtco.com/what-is-academic-writing-168952.

“Organizing Your Social Sciences Research Paper: Academic Writing Style.” Research Guides. USC Libraries.
Accessed November 28, 2019. https://libguides.usc.edu/writingguide/academicwriting.

31

You might also like