You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Department of Education

WEEKLY HOME LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG – AKADEMIK


Ikatlong Kwarter
WEEK & LEARNING LEARNING TASK MODE OF
DAY COMPETENCIES DELIVERY:
Modular
Akademikong Pagsulat
WEEK 1 CS_FA11/12PB-0a-c- • Sagutan ang
101: Modyul 1: Tara, Sulat Tayo! mga Gawain sa
hiwalay na papel
Nabibigyang Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat. Totoong ang pagsulat ay isang • Inaasahan na
kahulugan ang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat na panahon upang maging mahusay rito. Hindi ito dapat ang mga gawain
akademikong katakutan dahil ang pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto at pag-unlad sa ating pagkatao. Ang ay matatapos ng
pagsulat isang taong nagnanais na maging dalubhasa sa larangang ito ay nangangailangan magkaroon ng malawak na mag-aaral sa
kaalaman lalo na sa mga uri ng pagsulat na ginagawa sa iba’t ibang larangan. loob ng isang
linggo.
Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o estruktura, layunin at maging sa antas ng • Ang mag-aaral
kaalamang nais ipabatid sa target na mambabasa. Natatangi sa mga ito ang akademikong pagsulat. ay maaring
magpasa ng
Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para output alinman
sa mga iskolar. Madalas na ito ay nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan at intertesante sa akademikong sa mga
komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento. Ito ay isang masinop na at sistematikong pagsulat ukol sa sumusunod na
isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod paraan:
ng lipunan.
Personl na
pagpapasa ng
Ano ang akademikong pagsulat? magulang sa
Tama! Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para sa mga paaralan
iskolar. Tandaan na nakalaan ito sa mga paksang interesante sa akademikong komunidad at naglalahad ng
importanteng argument. Online na
pagpapasa sa

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01

Page | 1 of 19
“Beyond Leading, Innovating, and Nurturing towards Excellence”
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
Maituturing na natatangi akademikong pagsulat pagkat ito ay intelektuwal na pagsulat na naglalayong pataasin ang Group Chat o
antas at kalidad ng kaalaman ng mga mambabasa. Ilan sa mga katangian taglay nito ang pormal at piling-piling Facebook group
paggamit ng pananalita, pagiging obhetibo, may paninidigan, may pananagutan, at may kalinawan.
• Ipasa ang mga
Ano ano ang mga katangian ng akademikong pagsulat? sagot sa
Tama! Ang akademikong pagsulat ay pormal, obhetibo, may paninidigan, may pananagutan, at may kalinawan. itinakdang araw
sa guro
Ano ang layunin ng akademikong pagsulat?

Tumpak! Layunin ng akademikong pagsulat ang pataasin ang antas ng kaalaman ng mga target na mambabasa.
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Kinikilala
sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang
datos, mag organisa, ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at
may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.( Arrogante et .al 2004)

Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasalang-alang ang mga


mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng wastong bantas at baybay ng mga salita dahil nakatuon ito sa pagbibigay
ng kaalaman.

Kung nais mong maging mahusay na manunulat sa larangang akademiko, ano- ano ang mga katangiang
dapat mong taglayin?
Ang galing! Taglay mo dapat ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat, kakayahan sa pangangalap ng
datos, pag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at
may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula at nobela), ang akademikong
pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Layunin nitong magbigay
ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Layunin din nitong:


• manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at ebidensiyang maaari
mong paniwalaan;
• mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang kaugnayan nito,
at panghuli;
• magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa.

Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap
at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura
ng nito ay may simula kung saan nakalahad ang introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na
nilalaman ng resolusyon, kongklusyon at rekomendasyon.

Saang aspekto nagkakaiba ang akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat?


Magaling! Maliban sa paksa at estrtruktuira, nagkakaiba rin ang akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat
sa layunin.

Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong pagsulat:

1. Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 2 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
anumang paksa na nararapat na alisan ng pag- aalinlangan.

2. Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga
katangian nito.

3. Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mgamagkakaugnay na pangyayari.

4. Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuningmanghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan


ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

Paano naiiba ang paraan ng pagpapahayag sa akademikong pagsulat sa iba pang uri ng
pagsulat? Tumpak! May malaki ngang pagkakaiba.
Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa akademikong pagsulat gaya ng sa iba pang uri
ng pagsulat, karaniwan ang layunin nito ay manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot
o dahilan at ebidensiyang maaari mong paniwalaan, mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon
gayundin ng mga baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli ang magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kaalaman ng mambabasa.

Posible bang magkaroon ng kombinasyon sa mga uri o paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto
lamang? Tama ka! Posible nga. Balikan mo ang tekstong sinuri at tukuyin ang mga bahaging ginamitan ng
paglalahad, paglalarawan, pangnagtwiran at pagsasalaysay.

Gawain #1: Performance Task 1 (20 pts)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng akademikong sulatin na makikita sa kasunod na pahina. Sa
tulong ng talahanayan, suriin ito batay sa mga taglay nitong katangian.

Bionete ni Bienvenido Lumbera


Isinulat ni Rommel Rodriguez

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si Bienvenido Lumbera ay ipinanganak noong Abril 11, 1932 sa
Lipa, Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana University noong 1967.
Naging propesor din siya sa Osaka University at University of Hawaii sa Manoa, gayundin din sa iba’t ibang
unibersidad sa bansa.

Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining at panitikan. Nakapaglimbag na siya ng mga
panandang-bato na antolohiya, nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu, Nasa Puso ang
Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. Pinarangalan siya bilang Pambansang Alagad ng Sining at
nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon Magsaysay Awards para sa Pamamahayag.

Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan ng kanyang pagiging iskolar, guro at
artista sa lipunan at bayan. Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng mga
organisasyong nagtataguyod ng pambansang demokrasya. Bukod sa pagiging Professor Emeritus sa UP Diliman, siya
rin ang Chairman Emeritus ng Concerned Artists of the Philippines at Congress of Teachers/Educators for Nationalism
and Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag ng Alliance of Concerned Teachers, Philippines
na nangangalaga naman sa kagalingan ng mga guro sa Pilipinas.
Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang kilos- protesta. Patuloy siyang nakikibahagi sa
pagsulong ng makatuwirang sahod at karapatan ng mga manggagawa. Inilapat niya sa kanyang mga akda ang buhay

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 3 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
at himagsik ng mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mga karanasan noong batas militar ang mga obrang tula at
awitin. Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay si Bien na ang sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi
at pinagsasamantalahan, habang ito rin ay mabisang paraan upang humukin ang mamamayan na makiisa tungo sa
paglaya ng bayan.

Kongklusyon:
Ang akademikong pagsulat ay …

Gawain #2: Panapos na Pagsasanay #1 (Summative Test #1)


A. Panuto: Isulat sa kwaderno/papel ang salita o konseptong katumbas ng katangiang taglay nito batay sa
araling tinalakay.
____1. Ito ay nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.
____2. Ito ay nakapokus na pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na naganap.
____3. Nagsasaad ito ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, at damdamin ng manunulat hinggil sa isang bagay,
tao lugar, o pangyayari.
_____4. Ito ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag- uusapan ng o interesante sa akademikong
komunidad.
____5. Ito ay nagpapahayag ng katwiran o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyung nakahain sa
manunulat.

B. Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang AKADEMIK kung ito ay tumutugon sa
mga katangiang taglay ng akademikong pagsulat at DI- AKADEMIK kung ito ay taliwas.

__________ 1. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay- impormasyon, mag-analisa at manghikayat.


__________ 2. Sa pagsulat ng akademikong sulatin hindi maaaring magkaroon ng kombinasyon ng mga
paraan ng pagpapahayag sa iisang teksto.
__________ 3. Ang wikang ginagamit sa akademikong pagsulat ay karaniwang di-pormal pagkat ito ay
angkop na angkop sa mga mambabasa sa akademikong institusyon.
__________ 4. Masusi ang proseso ng akademikong pagsulat pagkat ito ay nangangailangan ng pananaliksik ng
mga paktwal na datos na magagamit sa paglalahad ng mga impormasyon at pag-aanalisa.
__________ 5. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksang interesante at pinag-uusapan ng lahat ng
tao sa kahit na anong antas at estado ng lipunan.

Iba’t-Ibang Akademikong Sulatin

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 4 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
WEEK 2- CS_FA11/12PN-0a-c- Modyul 2 At 3: Mga Akademikong Sulatin, Ating Kilalanin! • Sagutan ang
3 90: mga Gawain sa
Ano nga ba ang akademikong sulatin? Ayon sa mga eksperto, ang akademikong sulatin ay pormal na sulatin o hiwalay na papel
akdang isinasagawa sa isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang partikular na larangang akademik. Ito • Inaasahan na
Nakikilala ang iba’t ay itinuturing na intelektuwal na pagsulat na naglalayong mapalawak at mapataas ang kaalaman hinggil sa iba’t ang mga gawain
ibang akademikong ibang larangan at paksa. ay matatapos ng
sulatin ayon sa: mag-aaral sa
(a) Layunin Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon, at opinyon loob ng isang
(b) Gamit base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin. linggo.
(c) Katangian • Ang mag-aaral
Kabilang sa maituturing na mga halimbawa ng akademikong sulatin ang talumpati, posisyong papel, katitikan ng ay maaring
(d) Anyo
pulong, bionote, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, pictorial essay, panukalang proyekto, at abstrak. Bagaman magpasa ng
pare parehong nabibilang sa akademikong sulatin, ang bawat isa ay may taglay na kanya-kanyang gamit, layunin, output alinman
katangian at anyo na nagsisilbing nilang pagkakakilanlan. sa mga
CS_FA11/12EP-0a-c-39: sumusunod na
Ano-ano ba ang mga halimbawa ng akademikong sulatin? paraan:
Tama! Ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin ang talumpati, posisyong papel, katitikan ng pulong, lakbay
Nakapagsasagawa ng sanaysay, replektibong sanaysay, bionote, abstrak, pictorial essay, at panukalang proyekto.
panimulang pananaliksik Personl na
kaugnay ng kahulugan, pagpapasa ng
Nahahati sa dalawang pangkat ang mga sulating ito. Ang unang pangkat ay ang mga sulating nangangatwiran magulang sa
kalikasan, at katangian ng
at naglalahad na kinabibilangan ng: paaralan
iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko
• posisyong papel Online na
• talumpati pagpapasa sa
• katitikan ng pulong, Group Chat o
• panukalang proyekto Facebook group
• abstrak at
• bionote. • Ipasa ang mga
sagot sa
Mga sulating nagsasalaysay at naglalarawan naman ang ikalawang pangkat kung saan nabibilang ang lakbay itinakdang araw
sanaysay, replektibong sanaysay at pictorial essay. sa guro

Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga akademikong sulatin?

➢ Ang talumpati ay isang akademikong sulatin na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong
manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o kabatiran at maglahad ng isang paniniwala. Ito
ay nauuri sa dalawa ayon sa balangkas.

➢ Gaya ng talumpati, ang posisyong papel ay naglalayon ding manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran.
Ito ay sulating naglalahad ng mga katwiran ukol sa panig sa isang isyu. Naglalaman ito ng malinaw na tindig
sa isyu, mga argumento at pinapatibay ito ng malalakas na ebidensiya. Kinakailangan dito ang komprehensibong
pananaliksik upang makakuha ng mga patunay na kukumbinsi sa mga mambabasa.

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?


Tumpak! Nagkakatulad ang talumpati at posisyong papel sa layunin, gamit at maging sa anyo o estruktura nito. Sa
kabilang banda, nagkakaiba sila sa paraan kung paano ipinababatid ang impormasyon sa pinatutungkulan.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 5 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

➢ Ang katitikan ng pulong naman ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mahahalagang detalye
hinggil sa mga napag-usapan at napagtibay ng isang partikular na organisasyon. Mahalaga ang rekord na ito
bilang batayan sa susunod na pagpupulong at sa pagsubaybay sa mga problema at aksyong napagtibay sa
pulong.
Nakatutulong din ito lalo na sa mga miyembrong hindi nakadalo bilang kanilang referens. Nakasulat
ito sa paraang obhektibo, tiyak at malinaw.

Ano ang gamit ng pagsulat ng katitikan ng pulong?

Tama! Ito ay ginagamit bilang referens ng mga susunod na gaganaping pagpupulong at pagsubaybay sa mga
plano, problema at aksyong napagtibay. Ginagamit din itong batayan ng mga miyembrong hindi nakadalo sa pulong.
➢ Ang bionote ay isang sulatin na naglalayong magbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng mga kwalipikasyon ng
isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. Itinatanghal dito ang kanyang mga natamo
na nagsasabing siya ay maalam at may awtoriodad sa larangang kanyang kinabibilangan. Karaniwang
maikli lamang ang nilalaman nito.(isang talata lamang). Nasusulat ito gamit ang ikatlong panahunan. Madalas
itong makita sa likurang pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor. Ito ay nagsisilbing personal profile
ng isang tao upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.

Ano ang layunin ng bionote at saan ito madalas na makikita?

Magaling! Tandaan nating ang layunin ng bionote ay ang magbigay ng personal na impormasyon tungkol
sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang awtor. Madalas na makikita ito sa likurang pabalat ng aklat na kanyang
isinulat.

➢ Isa ring akademikong sulatin na nagpapabatid ang abstrak. Ito ay buod ng papel-pananaliksik na
naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. Layunin nitong paikliin ang
isang buong papel pananaliksik upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa patungkol sa
nilalaman nito. Karaniwang ito ay binubuo lamang ng 200-300 na salita. Simpleng pangungusap ang ginagamit
sa pagsulat. Makikita ito sa unahang bahagi ng manuskrito.

Ano ang abstrak at ano-anong katangian ang taglay nito?

Tama! Ang abstrak ay buod ng isang papel-pananaliksik. Naglalaman ito ng kaligiran, layunin,
metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. Simpleng pangungusap lamang ang ginagamit sa pagsulat at
binubuo lamang ng 200-300 na salita.

Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing
gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi: ang panimula,
katawan at konklusyon. Sa bahaging panimula inilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin, layunin, o motibasyon.
Inilalagay naman sa bahaging katawan ang detalye ng mga kailanganggawin at ang iminumungkahing badyet para
sa mga ito. Samantala, sa bahaging konklusyon inilalahad ang mga benepisyong maaaring idulot ng proyekto.
Naglalaman ito ng mga sumusunod na espisipikong mga bahagi: pamagat, proponent ng proyekto, kategorya ng
proyekto, petsa, rasyonal, deskripsyon ng proyekto, badyet na kakailanganin, at ang pakinabang ng
proyekto.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 6 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Nararapat na ang panukala ay tiyak at realistic kaya naman mahalaga ang pagtukoy sa pangangailangan
ng komunidad o organisasyong pag-uukulan nito bilang unang hakbang sa pagsulat. Tinitiyak din sa pagsulat
nito na makumbinsi ang nilalapitang opisina o ahensiyang mag-aapruba ng panukalang proyekto.

Atin ding kilalanin ang mga akademikong sulatin na nagsasalaysay naglalarawan. Kabilang dito ang lakbay-sanaysay.
Ito ay akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip at napagtantong ideya. Tinatawag din itong travel
essay o travelogue. Ilan sa mga katangiang taglay nito ang maayos na daloy ng mga pangyayari, may malinaw na
paglalarawan sa mga lugar, tao at pagkain, gumagamit ng maraming pandiwa at pang-uri upang maikuwento at
mailarawan ang mga pangyayari, tao at lugar at higit sa lahat may mga ideyang napagtanto ang awtor sa ginawang
paglalakbay. Kadalasan mas personal at impormal ang pagkakasulat ng lakbay- sanaysay. Layunin ng pagsulat ng
lakbay-sanaysay ang makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon.

Sa tingin mo, bakit madalas ay personal at impormal ang pagkakasulat ng lakbay-sanaysay?

Mahusay! Ang lakbay-sanaysay ay madalas na isinusulat sa paraang personal at impormal pagkat ang
isinasalaysay at inilalarawan ng may-akda ay ang kanyang naging personal na karanasan sa ginawang paglalakbay.

Isa ring akademikong sulating nagsasalaysay ang replektibong sanaysay. Nagsasalaysay ito ng mga personal
na karanasan at sinusuri ang naging epekto ng ng mga karanasang iyon sa manunulat. Layunin nitong maibahagi sa
iba ang naging karanasan at makapagbigay ng inspirasyon sa mambabasa. Maaaring lamanin nito ang kalakasan ng
manunulat at maging ang kanyang kahinaan. Isinasalaysay at inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad
ang kanyang mga kalakasan at kung paano niya naman napagtagumpayan o balak pagtagumpayan ang kanyang mga
kahinaan.

Katulad ng ibang sulating akademiko, ang replektibong sanaysay ay may simula, katawan at konklusyon.
Taglay rin nito ang mga katangian ng lakbay- sanaysay gaya ng pagkakaroon ng maayos na daloy ng mga
pangyayari, malinaw na paglalarawan at pagsasalaysay sa mga karanasan, at ang paggamit ng pang-uri at pandiwa
maliban sa pagkakaroon ng malinaw na pagsusuri sa mga karanasan sa buhay. Itinuturing itong isang personal,
mapanuri o kritikal na sanaysay.

Ano ang isinasalaysay at inilalarawan ng may-akda sa isang replektibong sanaysay?

Tama! Isinasalaysay at inilalarawan sa isang replektibong sanaysay ang naging personal na karanasan ng may-
akda at sinusuri kung ano ang naging epekto nito sa kanyang sarili.

Bilang panghuli ay ang pictorial essay Isang uri ito ng sulating akademiko na ginagamitan ng may-akda ng
mga litrato na nagbibigay-kulay at kahulugan kaalinsabay ng teksto sa paglalahad o pagbibigay-diskusyon sa isang
isyu o paksa. Ito ay nakasentro lamang sa iisang tema. Layunin nitong magsalaysay at maglarawan ng pangyayari
gamit ang mga litrato. Ang mga larawan ang nagsisibing pangunahing tagapagkuwento samantalang ang teksto ay
pansuporta lamang. Ang mga ito ay inaayos sa paraang kronolohikal upang ipahayag ang mga pangyayari,
damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

Ano ang gamit ng pictorial essay?

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 7 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Tumpak! Ginagamit ang pictorial essay upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin, at mga konsepto
sa pinakapayak na paraan. Tandaan lamang na ang mga larawan ay nakaayos nang kronolohikal para maging
malinaw ang pagsasalaysay ng mga pangyayari.

KARAGDAGANG KAALAMAN:

▪ Marami pang uri ng teksto ang kabilang sa akademikong sulatin. Ilan pa sa mga ito ang buod, agenda,
síntesis, pananaliksik, ulat-aklat, konseptong papel, memorándum at iba pa.
▪ Tandaan na ang mga sulating akdemiko ay nasusulat sa mataas na antas ng wika at nagbibigay ng mataas
na antas ng kaalaman. Ika nga, “ito ay isinusulat ng iskolar para sa mga iskolar.”
▪ Bagaman parehong nauukol sa paglalakbay, parehong nagsasalaysay sa mga karanasan sa lugar at
parehong naglalarawan ng mga nakita at naramdaman sa paglalakbay, ang programang pampaglalakbay ay
isang bidyu samantalang ang lakbay-sanaysay ay isang tekstiong nakalimbag.
▪ Napakahalaga ng mga ebidensiya o patunay bilang pansuporta sa mga inilahad na argumento. Pinalalakas nito ang
pangangatwiran at panghihikayat ng manunulat sa mga mambabasa.
▪ Ang larawan sa pictorial essay ay dapat akma sa paksa. Tandaang dapat din itong magkakaugnay at dapat
ay inaayos sa kronolohikal na paraan.

Gawain #1: Performance Task 2 (25 pts)


Panuto: Sumulat ng isang lakbay-sanaysay. Isaalang alang ang mga katangiang dapat taglayin sa pagsulat nito.

Kriterya sa Pagmamarka:
Nilalaman – 15
Organisasyon – 10
TOTAL: 25 PTS

Gawain #2: Panapos na Pagsasanay #2 (Summative Test #2)


Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang tamang sagot mula sa kahon. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot.

A. Abstrak F. Replektibong sanaysay


B. Lakbay-sanaysay G. Panukalang proyekto
C. Bionete H. Posisyong papel
D. Talumpati I. Katitikan ng Pulong
E. Pictorial Essay J. Pangyayari

___1. Layunin ng sulating ito na mangatwiran at manghikayat sa pamamagitan ng malinaw na tindig sa isyu,
mga argumento na pinapatibay malalakas na ebidensiya.
___2. Layunin nitong maibahagi sa iba ang naging karanasan at makapagbigay ng inspirasyon sa mambabasa.
___3. Ang sulating ito ay nagiging midyum para makapagpahayag ng saloobin at magpabatid sa tagapakinig tungkol
sa mga napapanahong isyu upang sila ay hikayatin na gumawa ng nararapat na pagkilos ukol dito.
___4. Ito ay naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
___5. Ito ay ginagamit bilang referens sa mga susunod na gaganaping pagpupulong at pagsubaybay sa mga
plano, problema at aksyong napagtibay.
___6. Layunin nitong magsalaysay at maglarawan ng pangyayari gamit ang mga litrato.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 8 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
___7. Layunin nitong makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon o pook
pasyalan.
___8. Ito ay nagsisilbing personal profile ng isang tao upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
___9. Layunin nitong paikliin ang isang buong papel pananaliksik upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang
mambabasa patungkol sa nilalaman nito.
___10. Layunin nitong maidokumento ang lahat ng napag-usapan sa isang pulong.

Panukalang Proyekto
WEEK 4 CS_FA11/12PU-0d-f-92: • Sagutan ang
Modyul 4: Alamin At Suriin Natin! mga Gawain sa
hiwalay na papel
Nakasusulat nang Ang panukalang proyekto ayon kay Dr.Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang • Inaasahan na
maayos na akademikong samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO), ang panukala ay isang proposal na naglalayong ang mga gawain
sulatin ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ayon naman kay Besim Nebiu, may akda ng ay matatapos ng
Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mag-aaral sa
mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. loob ng isang
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto, kaya naman, linggo.
masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalman, kasanayan at maging sapat na pagsasanay. • Ang mag-aaral
CS_FA11/12PU-0d-f-93: ay maaring
magpasa ng
Ano-ano ba ang layunin ng panukalang proyekto?
output alinman
Nakasusunod sa istilo at Tumpak! Layunin nitong makatulong at makalikha ng positibong pagbabago sa isang komunidad o samahan. sa mga
teknikal sumusunod na
na pangangailangan ng Sa aklat nina Jeremy Miner at Lynn Miner na A Guide to Proposal Planning and Writing, sa pagsasagawa paraan:
ng panukalang papel, ito ay kailangang magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:
akademikong
Personl na
sulatin
A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalng Proyeto - Bago simulan ang pagsulat ng isang panulang proyekto pagpapasa ng
ay kailangan munang tiyakin ang pangangailangan o ang suliranin ng pag-uukulan ng proyekto. Sa pamamagitan magulang sa
ng pagmamasid o obserbasyon maraming suliranin ang maaaring Makita sa paaralan, pamayanan o kompanya. paaralan

B. Pagsulat ng Panukalang Proyekto – Sa pagsulat naman ng katawang bahagi ng panukalang proyekto ay binubuo Online na
ito ng mga sumusunod na bahagi: pagpapasa sa
Group Chat o
1. Layunin- makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinakaadhikain ng panukala. Ayon kina Jeremy Miner Facebook group
at Lynn Miner (2005), ang layunin ay kailangang maging S.I.M.P.L.E. – Specific, nakasaad ang mga bagay na nais
makamit o mangyare sa panukalang proyekto. Immediate, nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos. • Ipasa ang mga
Measurable, may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto. Practical, nagsasaad ng solusyon sa sagot sa
binanggit na suliranin. Logical, nagsasaad ng paraan kung paano makakmit ang proyekto. At ang panghuli ay ang itinakdang araw
Evaluable, masusukat kung paano makatutulong ang proyekto. sa guro

2. Plano ng dapat gawin - matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan
of action. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasuno-sunod ng pagsasagawa nito kasama ang
mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain, kailangan din maging makatotohanan o realistic ang
proyekto. At ang panghuli ay ang Badyet – Ang badyet ay ang talaan ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at
tapat na paglalatag ng kakailanganing sa pagsasakatuparan ng layunin. Ano-ano ba ang layunin ng panukalang
proyekto?

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 9 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

C. Paglalahad ng benipisyo ng proyekto at makikinabang nito – nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng
proyekto at kung paano ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espisipiko sa tiyak na grupo ng tao o
samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin.

Ano-ano nga ang tatlong mahahalagang bahagi ng panukalang proyekto?


Tama! Ang panukalang proyekto ay nahahati sa tatlong bahagi: (1) pagsulat ng panimula ng panukalang
proyekto, (2) pagsulat ng katawan, at (3) paglalahad ng benipisyo ng proyekto at mga makikinabang nito.

Sa iyong palagay, lahat kaya ng proyektong ipinapatupad sa mga paaralan o pamayanan ay dapat gawan
muna ng pagsulat ng panukala bago ipatupad?
Tama na dapat lang ay mayroon.Mahalagang magsagawa muna ng pagsulat ng panukala o plan of
action sapagkat magsiislbi itong direksiyon upang maging malinaw ang Gawain at kailangang makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.

Sa pagsulat ng panukalang proyekto, mayroong mga balangkas na sinusunod upang maging epektibo at kapani
paniwala ang isang panukala, maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto at ito ay nakadepende sa
may akda na maghahain nito.
Para mas maging payak ang balangkas ng panukalang proyekto maaaring gamitin ang mga sumusunod:

• Pamagat ng Panukalang Proyekto – kadalasan ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangangailangan.


• Nagpadala – naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
• Petsa – o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama sa bahaging ito ang tinatayang
panahon kung gaano katagal gagawin ang proyekto.
• Pagpapahayag ng Suliranin – dito nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay
ang pangangailangan.
• Layunin – naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala. • Plano
ng Dapat Gawin – dito makikita ang talaan ng pagkakasunodsunod ng mga gawaing isasagawa
para maisakatuparan ang proyekto.
• Badyet – ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagsasagawa ng proyekto.
• Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan ang Panukalang Proyekto – kadalasan ito rin ang
nagsisilbing konklusyon na kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang ng proyekto.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
• Ang badyet ay naglalaman ng mga kalkulasyon na gugulin sa pagsasagawa ng proyekto. Tandaan na isa ito
sa mga pinakamahalagang bahagi ng panukal kailangang maging maingat at wasto ang
ginagawang pagkukuwenta.
• Sa pagpapahayag ng suliranin makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat itong
isagawa. Sapagkat dito makikita ng mga kinauukulang kung aaprobahan ang isininagawang panukala.
• Sa “Plano ng Dapat Gawin” makikita ang pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa sa panukalang proyekto.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 10 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Halimbawa ng Panukalang Proyekto

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 11 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay
bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Hindi na
makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng
malaking epekto sa pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroobn nan g kapanatagan ang puso ng bawat isa sa tuwing
sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa tulong ng ipapatayong pader. Mababawasan din
ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado sa tuwing
lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang
pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito. Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Baranggay
Bacao. Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksyiyon sa panahon ng tag-ulan.
Sanggunian: Ang Panukalang Proyeto, 68-70
Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang
Nina: Aileen Julian at Nestor B. Lontoc

Gawain #1: Performance Task 3


Panuto: Bumuo ng malinaw na konseptong Panukalang Proyekto mula sa mga datos sa ibaba. Isaalang-alang ang mga
bagay na napag-aralan para sa epektibong sulatin. Gamiting format ang halimbawa ng panukalang Proyekto sa at ang
pamantayan sa ibaba upang magsilbing gabay.

Pamagat ng Proyekto Sugpo-Basura


Layunin Nakatutulong sa komunidad upang mabawasan ang pagkalat ng basura sa barangay
Panahon Paglulunsad: Nobyembre 2020
Suliranin Panganib sa kalusugan sanhi ng basura
Plano (Idetalye ang nais na plano)
Badyet 10,000 ang kakailanganin (idetalye kung saan gugugulin)
Pakinabang Mga mamamayan ng barangay

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 12 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Talumpati
WEEK 5- CS_FA11/12PN-0g-i-91: • Sagutan ang
6 Modyul 5: Tara Na’t Magtalumpati! mga Gawain sa
Nakasusulat ng hiwalay na papel
talumpati batay sa Ang Talumpati Bilang Isang Sining • Inaasahan na
Ni: Melanie Abila ang mga gawain
napakinggang
halimbawa ay matatapos ng
Ang talumpati ayon kina Julian at Bontoc (Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang Akademik) ay isang buod ng mag-aaral sa
kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, loob ng isang
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng linggo.
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag ng isang paksa na binibigkas sa harap ng tagapakinig. Ito ay • Ang mag-aaral
isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalaga at napapanahong paksa sa paraang ay maaring
pasalita sa harap ng tagapakinig. magpasa ng
output alinman
Ano-ano ba ang layunin ng talumpati? sa mga
Tumpak! Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at sumusunod na
maglahad ng isang paniniwala. paraan:

Nauuri sa dalawa ang talumpati ayon sa balangkas: Una, talumpating may paghahanda. Dito ay isinasaulo Personl na
ng mananalumpati ang piyesa o kaya nama’y maaari niya itong basahin lamang. Ang pangalawa, talumpating pagpapasa ng
walang paghahanda. Ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay ibinibigay lamang sa oras magulang sa
ng pagtatalumpati. Sinusubok ditto ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa. paaralan

Online na
Mahalagang malaman ng isang manalumpati ang pangunahing bahagi ng talumpati. pagpapasa sa
Group Chat o
Ito ay ang: • Panimula – kung saan ay inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang isratehiya a upang Facebook group
kunin ang atensyon ng madla. Mahalaga ring isipin ang Pagbati bagama’t ito ay bahagi ng panimula.
• Ang Katawan – ang siyang nagtataglay ng pinagsunod-sunod na bahagi na naglalaman ng mga • Ipasa ang mga
makabuluhang puntos o patotoo. sagot sa
• Paninindigan – ay siyang nagpapatotooo sa mananalampati sa kanyang sinabi sa bahagi ng katawan. • itinakdang araw
Kongklusyon – ang bahaging nagbubuod o naglalagom sa talumpati. sa guro

Ano-ano ang dalawang uri ng talumpati ayon sa balangkas?


Tama! Ang talumpati ay nauuri sa talumpating may paghahanda at talumpating walang paghahanda. Ang una
ay maaaring basahin o isaulo. Samantalang ang isa ay tinatawag na impromptu o dagliang talumpati.

Ano-ano ang mahahalagang bahagi ng talumpati na dapat mong kabisahin upang makasulat ka ng isang
epektibong talumpati?
Tama! Ito ay ang panimula, katawan, paninindigan at kongklusyon. Bawat bahagi ay may
mahalagang ginagampanan upang ang isang piyesang pantalumpati ay maging buo at malinaw. Ang pagbati ay
nasa bahagi ito ng panimula. Ang paninindigan naman ay napapaloob sa bahaging katawan.

Masasabi pa rin bang talumpati ang inihanda o binigkas ng isang mananalumpati kahit walang
tagapakinig? Tumpak, hindi nga! Tandaan nating ang talumpati ay isinulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Pangunahing layunin nito ay makaakit ng mga tagapakinig sa paraan kung paano niya ito ngayon
bibigkasin.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 13 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
Sa paghahanda ng talumpating bibigkasin, mahalagang isaalang-alang ninuman ang hakbangin sa paggawa
nito. Kasama na rito ang:
a. pagpili ng paksa
b. pagtitipon ng mga materyales na gagamitin - kapag tiyak na ang paksa ng talumpati maaaring pagkunan ng mga
impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng
paksa, mga awtoridad sa paksang napili
c. pagbalangkas ng mga ideya. Napapaloob ito sa tatlong pangunahing bahagi: ang panimula, katawan
at pangwakas
d. paglinang ng mga kaisipan - dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa
mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas

KARAGDAGANG KAALAMAN:

• Ang mananalumpati ay dapat may maayos na tindig sa ibabaw ng entablado. Maraming dapat at bawal
kapag tayo ay nasa ibabaw ng entablado may kinalaman sa tamang tindig o tikas.
• Dapat tandaan ng mananalumpati na lahat ng kanyang tagapakinig ay kailangang maakit niya ito. Kasama
rito ang wastong bigkas ng mga salita at pagbibigay-diin sa mga piling bahagi.
• May kahulugan ang bawat galaw ng kamay at katawan sa pagtatalumpati na tinatawag na kumpas. Ang pagturo, ang
palad na nakataob, ang tihayang kamay, ang pasuntok, ang pagtaas ng kamay, ang paglakad-pasulong,
ang paglakad-paurong, at iba pa ay may mga kahulugan sa pagtatalumpati.
• Makikita sa ekspresyon ng mukha ang damdamin at sa paraan ng pagbigkas nito na hindi dapat
ipagwalang bahala ng bumibigkas. Dito makikita ang katapatan ng mananalumpati.
• Ang paksa ay nakadepende sa sitwasyong dadaluhan. Kailangan itong ibagay ayon sa
pangagailangan. Pangangampanya, pagtatapos, eulogy, at kung ano-ano pa.

Gawain #1: Performance Task 4 (20 pts)


Panuto: Sa tulong ng talahanayan sa ibaba, isulat mo ang maaaring suliranin o isyu ng iba‘t ibang paksang
pantalumpati. Maglakip ng damdamin sa pamamagitan ng HUGOT LINES. Tingnan ang unang halimbawa.
Paksa Suliranin/Isyu Hugot Post
Responsableng paggamit ng Maraming hindi magagandang Hindi lahat ng bagay ay
social media salita ang nailalagay sa mga post kailangang ipaglaban.
sa ‘social media accounts’

Paksa Suliranin/Isyu Hugot Post


Social Amelioration Program sa
COVID-19 pandemic paggamit ng
social media
Pagpapatuloy ng curfew
pagkatapos ng COVID crisis
Same sex marriage sa Pilipinas
ABS CBN shutdown
Pagbabalewala sa wikang Filipino
ng mga Pilipino

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 14 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Gawain #2: Panapos na Pagsasanay #3 (Summative Test #3)


A.Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado
a. talumpati b. sanaysay c. konseptong papel d.abstrak
2. Anu-ano ang layunin ng isang talumpati?
a. manghikayat, tumugon, at hindi mangatwiran.
b. manghikayat, tumugon, mangatwiran at magbigay kaalaman sa isang paniniwala.
c. magsalita lamang tungkol sa isang paniniwala.
d. wala sa nabanggit.
3. Anong uri ng talumpati ang kailangang saulohin ng isang mananalumpati ang piyesa?
a. talumpating walang paghahanda
b. talumpating impromptu
c. talumpating may paghahanda
d. talumpating saulado
4. Ang talumpating ito ay tinatawag ding impromptu.
a. talumpating walang paghahanda
b. talumpati
c. talumpating may paghahanda
d. talumpating saulado
5. Isa ito sa pangunahing bahagi ng talumpati kung saan nagtataglay ito ng pinagsunod-sunod na bahagi
na naglalaman ng mga makabuluhang puntos o patotoo.
a.panimula b. katawan c. paninindigan d. kongklusyon

B.Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang tamang sagot mula sa kahon.

panimula kumpas katawan tindig bigkas daglian kongklusyon

____1. Isang uri ng talumpati na madalian at walang gaanong paghahanda. Tinatawag ding impromptu sa
Ingles.
____2. Ito ang bahagi ng talumpating nagtataglay ng lagom o buod ng mensahe.
____3. Sa bahaging ito kadalasang napapaloob ang mga argumento, isyu at suliranin at resolusyon may
kinalaman sa paksa.
____4. Sa bahaging ito kadalasang napapaloob ang mga argumento, isyu at suliranin at resolusyon may
kinalaman sa paksa.
____5. Tumutukoy ito sa maayos na tikas, tamang pagtayo, panuunan ng tingin,at tamang paglakad sa
pagpanhik at pagbaba sa entablado.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 15 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
Katitikan Ng Pulong
WEEK CS_FA11/12PN-0j-i-92: Modyul 6: Halina’t Alamin Natin! • Sagutan ang
7-8 KATITIKAN NG PULONG mga Gawain sa
Natutukoy ang Ni: Melanie Abila hiwalay na papel
mahahalagang • Inaasahan na
impormasyon sa isang Ang Katitikan ng Pulong ay tinatawag na minutes of the meeting sa wikang Ingles. Nabubuo ang isang katitikan ng ang mga gawain
pulong upang makabuo ng pulong kapag isinusulat ng kalihim ang mga nagaganap sa isang pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, ay matatapos ng
sintesis sa napagusapan obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos mag-aaral sa
itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay magsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng loob ng isang
samahan, kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o linggo.
sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano at pagkilos. • Ang mag-aaral
ay maaring
Ano ba ang kahalagahan ng ‘katitikan ng pulong’? magpasa ng
Magaling!! Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala output alinman
at naisulat. sa mga
sumusunod na
May mahahalagang bahagi ang katitikan ng pulong: paraan:
• Heading – ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasuon, o kagawaran. Makikita rin dito ang
petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong. Personl na
• Mga Kalahok o dumalo – dito nakalagay kug sini ang naguna sa pagpapadaloy ng pulon gayunin ang pangalan ng pagpapasa ng
lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang panglan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatali magulang sa
rin dito paaralan
• Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong – dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng
Online na
pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
pagpapasa sa
• Actions items o usaping napagkasunduan – Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang Group Chat o
tinatalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong naguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang Facebook group
desisynong nabuo ukol dito.
• Pabalita o patalastas – Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita • Ipasa ang mga
o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong sagot sa
ay maaaring ilagay sa bahaging ito. itinakdang araw
• Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod sa guro
na pulong.
• Pagtatapos – Inilalalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwawakas ang pulong.
• Lagda – mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at
kung kalian ito isinumite.

Ang kalihim lang ba ng isang samahan ang maaring maatasan na magsulat ng katitikan ng pulong? Tama!
Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisasyon, ang bawat isang kasapi ay
maaaring maatasan gumawa nito.

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong?


Tama! Sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago
ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong.

Sa iyong palagay, mahirap ba o madaling gawin ang katitikan ng pulong?


Tumpak, hindi nga mahirap! Tandaan nating ang katitikan ng pulong ay tala ng mga napag-usapan sa
isang pulong.kaya madali lang itong gawain kung naunawaan at alam mo ang iyong gagawin sa pagsulat nito.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 16 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK

Sa paghahanda ng Katitikan ng Pulong, mahalagang isaalang-alang ninuman ang hakbangin sa paggawa


nito. Maghanda ng pormat na maaaring sulatin ng katitikan, Siguraduhing ang mga nakatala sa adyenda ay kasama o
hindi naisama sa napagusapan. Katotohanan lamang ang isusulat sa katitikan.Maging alerto sa mga napag-usapan,
mga napagkasunduan at hindi napagkasunduan, sa mga mahahalagang detaye. Kapag nagkataon na mayroong
naunang pagpupulong, bago basahin ang adyenda ng gaganaping pagpupulong, dapat munang ilahad ang katitikan
ng nakaraang pagpupulong.

KARAGDAGANG KAALAMAN:
• Itinatala sa pagsulat ng katitikan ng pulong kung anong oras nagsimula o nagtapos ang pulong. Maraming
dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan ng pulong at isa na sa mahalaga rito ay ang pagsulat ng pagsimula
at pagkatapos nito.
• Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, kinakailangang gawin o buoin ito pagkatapos na pagkatapos. Dapat ito
ay isulat pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat.
• Kung kinakailangan maaaring gumamit ng recorder sa pagpupulong. Makatutulong nang malaki kung gagamit
ng recorder sa oras ng pulong upang kung sakaling may puntos na hindi malinaw na naitala ay maaari itong balikan. •
Ang qourum ay mahalaga upang maging balido (valid) ang pagpupulong. Upang maging balido ang pagpupulong,
kinakailangang 50 % pataas ang bilang ng dumalo mula sa mga inaasahang dadalo ng pagpupulong.

Gawain #1: Performance Task 5


Panuto: Basahin at unawain ang isang halimbawa ng dayalogo ng pagpupulong sa ibaba. Gumawa ng sintesis mula sa
naunawaan sa pulong. Gamitin ang RUBRIC sa ibaba upang magsilbing gabay sa epektibong paggawa ng sintesis ng
katitikan ng pulong.

Tagapangulo (Paul): Salamat sa mataimtim at pusong puno ng dalangin at pagluluwalhati Bb. Clara.Ngayon
naman sa puntong ito tatawagin natin si g. Filipe Sebastian ang tagamasd ng samahang ito para sa pagkilala ng
presensiya ng mga dumalo.

Filipe Sebastian: ayon sa atendance ang buong miyembro ng PaSigFil ay 100% ang dumalo at ang pangulo ng
bawat strand ng baitang 12 na kalahok sa pagpupulong na ito ay kumpleto.

(Masigabong Palakpakan)

Tagapangulo (Paul): Samakatuwid atin ng bubuksan ang pagpupulong na ito, si Bb. Krista fermin ang
magtatala bilang kalihim ng lahat ng pag-uuspan at mapagsasangayunan ng pagpupulong na ito.

Tagapangulo (Paul): Buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa nais ng samahan
ng PaSigFil na magkaroon tayo ng varayti show kung saan ipapakita natin ang kahusayan sa paggamit ng sarling
wika. Maipapakita rin natin dito ang iba’t ibang talento natin sa panitik at sining. Mayroon ba kayong imumungkahi?

Pangulo HUMSS 1: G. Paul ibenta natin ang ticket sa murang halaga limang Piso ( Php 5.00 ) at bawat isang kamag
aral ay bibigyan ng sampung piraso nito. Pagnapagbili niya ang mga ito ay magiging ambag niya sa pondo upang

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 17 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
lahat ay mabigyyan ng higiene kit. Lahat pa ay may partisipasyon sa proyektong ito. Lalagyan natin ng control number
ang ticket para di maabuso ng iba.

Tagapangulo (Paul): Sang-ayon ba kayo rito?

Lahat: Opo

Tagapangulo (Paul): may karagdagan pa bang suhestiyon?

Pang. Pangulo (Benjamin): Kailan kaya natin puwedeng ganapin ang varayti show?

Tagapangulo (Paul): Sa katapusan ng agosto. Agosto 31, 2020 at maaari rin tayong magbigay ng deadline
ng paglikom Agosto 25, 2020 upang atin ng maipagkaloob sa bawat mag-aaral ng Baitang 12 ang kanilang
higiene kit.

: Ipalista niyo na lamang po kay Mariel Andanar ang presentasyon niyo sa inyong klase. Magkakaroon tayo
ng labing siya (19) na entry sa Varayti show.

Gawain #2: Panapos na Pagsasanay #4 (Summative Test #4)


Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong papel
o kwaderno.

____1. Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang
petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
____2. Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng
mga dumalo kasama ang mga panauhin.
____3. Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
____4. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katiikan ng pulong at kailan ito isinumite.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 18 of 19
WEEKLY LEARNING GUIDE IN FILIPINO SA PILING LARANG-AKADEMIK
____5. Isang proseso ng pagdesisyon kung saan tinitiyak na nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pulong sa anumang
pasya.
____6. Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa
mga ito.
____7. Maaring ilagay sa bahaging ito ang mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong.
____8. Itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong.
____9. Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinatalakay.
____10. Tinatawag itong minutes of meeting sa wikang Ingles.

Inihanda ni:

DAISY A. SARMIENTO ROXANNE MARIE D. VIDAMO


Subject Teacher Subject Teacher

Binigyang Pansin ni:

LORENA A. CONSTANTE
Department Head/Academic Group Head

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 19 of 19

You might also like