You are on page 1of 6

ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES-CEBU

SENIOR HIGH SCHOOL MODULE


1ST SEMESTER SY 2022-2023
SUBJECT: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(ACADEMIK)

MODULE 1:
MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG
PAGSULAT
KAHULUGAN, KATANGIAN AT LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Name: Section/Strand:

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng modyul, inaasahan ang mga mag-aaral na:
A. Maintindihan ang kahulugan, katangian at layunin ng akademikong pagsulat;
B. Mapahalagahan ang akademikong pagsulat sa pang-araw-araw na buhay
C. Makabuo ng isang sanaysay na may katangian, kahulugan at katangian ng isang akademikong
pagsulat.

PARA sa ABM at GAS PARA sa HUMMS at ICT

Hi! Ako si Bb. Grace ang inyong guro sa Hi! Ako si Bb. Jerlyn ang inyong guro sa
Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Filipino sa Piling Larangan (Akademik).
Kung mayroon kayong mga katanungan Kung mayroon kayong mga katanungan
ukol sa ating asignatura, maari ninyo ukol sa ating asignatura, maari ninyo
akong kontakin sa aking email na akong kontakin sa aking email na
aicsgracelda@gmail.com o sa messenger aicsjerln@gmail.com o sa messenger Aics
Aics Grace Jerlyn

II. PAALALA:
Maari nang huwag magsend ng answersheet sa
messenger at gmail sa kadahilanang magkikita na sa
susunod na Linggo. Magbabawas na ng puntos ang hindi
susunod sa panutong binigay ukol sa module 0. Dalhin
lahat ng answer sheet sa unang araw ng ating pagkikita.

Prepared by: Ms. Grace Tormis, Ms. Jerlyn Abapo, LPT


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES-CEBU
SENIOR HIGH SCHOOL MODULE
1ST SEMESTER SY 2022-2023
SUBJECT: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(ACADEMIK)

III. MGA GAWAIN (Yellow Pad)

A. Magbigay puna sa mga sumusunod na pahayag sa loob ng kahon.

Naku! Hindi naman ako


mahusay magsulat
tulad ng iba! Hay Grabe
na ito

Ang daming ideya ang


nasa isip ko! Paano ko ba
ito maisusulat?

SAGOT:

IV. PAGBASA

Kahulugan ng Akademikong Pagsulat


Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan
kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sapagsulat.
 Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang laman.
 Ang salitang Akademiko o Academic ay mula sa mga wiang Europeo ( Prances: Academique;
Medieval Latin: Academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
 Ito ay tumutukoy sa kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag-aaral
na nagbibigay tyon sa pagbasa, pagsulat, pag-aaral, kaiba sa praktikal o tenikal na gawain.
(www.oxforddictionaries.com)
Prepared by: Ms. Grace Tormis, Ms. Jerlyn Abapo, LPT
ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES-CEBU
SENIOR HIGH SCHOOL MODULE
1ST SEMESTER SY 2022-2023
SUBJECT: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(ACADEMIK)
 Nililinang sa akademiya ang kasanayan at natutunahan ang mga kaalamang kaugnay sa
pagkadalubhasaan.
 Halimbawa ng mga mga akademiyang kasanayan (Pagbasa, pagsulat, pakikinig, pananalita,
panonood, analisis, mapanuring kritikal, pananaliksik at expirementasyon)
 Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya at balanseng pagsusuri.
 Halimbawa ng akademikong teksto (abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto,
replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, sypnosis at iba pa.

Katangian ng Akademikong Pagsulat

 Pormal – ginagamitan ng pormal na salita at hindi impormal o pabalbal na pananalita maliban na


lamang kung bahagi ang impormal na pananalita sa isang pag-aaral.
 Obhetibo – Ang layunin nito ay ang pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-basa
at pagsulat ng iba’t-ibang disiplina o larang. Nagbibigay diin sa impormasyon o argumento sa mga
ideya na sumusuporta sa paksa.
 May Paninindigan – Ang akademikong papel ay kailangan ng paninindigan sapagkat ang nilalaman
nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon. Ito rin ay mahalaga sapagkat ito mismo ang
dumadaloy sa pangungusap, pangangatwiran at layunin.
 May Pananagutan – Mahalagang matutunan ang pagkilala sa mga sanggunian sapagkat ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanan sa
batas.
 May Kalinawan – Ang sulating akademiko ay dapat maging malinaw upang malaman ang
patutunguhan sa pagsulat ng impormasyon at ito ay nagpapahayag ng direktibo at sistemiko.

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at malikhaing


pagsasagawa ng ulat. Ang wastong pangangalap ng datos ay nangangailangan ng kasanayan sa
pagbasa at pagsuri ng iba’t ibang sangunian. Dapat ding matutunan ang wastong pagbuo ng
bibliograpiya o listahan ng mga nagamit na aklat sa paglalahad ng impormasyon para maiwasan
ang pangongopya ng impormasyon or plagiarism. Sa pagkatutuo ng mga kasanayang ito,
kailangan din ang malikhaing pagpakita ng ulat na binuo upang makapanghikayat sa mga
magbabasa.
Halimbawa ng mga sanggunian: Diksyonaryo, ensayklopedia, annual journal, almanac, atlas,
magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, thesis at disertasyon.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng iba’t-ibang uri ng teksto na


magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat. Ang mga mag-aaral ay nararapat na
nagtataglay ng tatlong antas ng pag-ugnawa sa pagbasa. Tatlong antas ng kasanayan sa pagbasa

a. Pagkakaroon ng literal na kahulugan sa nabasa.


b. Pagbasa na may pag-unawa.
c. Pagbasa na may aplikasyon.

3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda


kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa. Ang mag-aaral ay inaasahan na
marunong magsuri ng iba’t-ibang akda na makatulong sa kanyang pag-aaral. Mga kasanayan sa
Prepared by: Ms. Grace Tormis, Ms. Jerlyn Abapo, LPT
ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES-CEBU
SENIOR HIGH SCHOOL MODULE
1ST SEMESTER SY 2022-2023
SUBJECT: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(ACADEMIK)
pagsusuri;

a. Kritikal na pag-iisip
b. Obhetibi sa pagtatalakay ng paksa
c. Organisado ang mga ideya at kaisipan
d. Nakatutukoy ng sanhi at bunga
e. Nakapaghahambing
f. Nakabubuo ng konsepto
g. Nakakalutas ng suliranin.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wasting konsepto mula sa tinalakay na paksa ng mga


naisagawang pag-aaral. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kinakailangan
makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawang pag-aaral upang maging batayan sa pagawa
ng sariling konsepto na maging daan sa pagpapalawaj ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel
pananaliksik

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t-ibag anyo ng


akademikong sulatin. Inaasahan na mapahusay pa ang kasanayan ng mga mag-aaral upang
makasulat ng iba’t-ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng


mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon. Ito ay kinakailangan
sapagkat ito ay isang paraan para mapabuti ang kondisyon ng tao at lipunan. Dahil dito,
nalilinang ang pagiging inobatibo ng isang mag-aaral sa kanyang pagsulat ng malikhain para sa
kanyang mambabasa.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng


portfolio. Ang portfolio ay kalipunan ng lahat ng sulating naisulat para sa Akademikong pagsulat.
Ang kalagayan, ayos at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng isa mag-aaral sa
kanyang sarili.

=EBALWASYON

A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa inyong nabasa. (5pts)

1. Ano ang kahulugan ng akademikong papel batay sa iyong nabasa?


2. Bilang isang mag-aaral, naniniwala ka bang dapat talagang kunin lahat ng lahat ng kurso ang
asignaturang ito? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalaga ang bibliograpiya sa wastong pangalap ng impormasyon?
4. Ano-ano ang antas ng kasanayan sa pagbabasa? Ipaliwanag bawat isa.
5. Paano maiiwasan ang pangongopya o plagiarismo?

B. Iayos ang mga salitang ibinigay. Mula sa binasang katangian ng pagsulat ng akademikong
pagpapahayag, hanapin ang mga salita at ilagay ang mga sagot sa patlang. (10 pts)

Tibeboho ____________ Yapmanatangunan ___________________

Prepared by: Ms. Grace Tormis, Ms. Jerlyn Abapo, LPT


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES-CEBU
SENIOR HIGH SCHOOL MODULE
1ST SEMESTER SY 2022-2023
SUBJECT: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(ACADEMIK)
Lompar ______________ Liwakaymana _______________________

Namgaynipinanid ____________________

_______________________1. pagkilala sa mga sanggunian upang maiwasan ang pangongopya o


plagiarismo.
_______________________2. Nagbibigay impormasyon o argumento na sumusuporta sa paksa.
_______________________3. Ito rin ay mahalaga sapagkat ito mismo ang dumadaloy sa pangungusap,
pangangatwiran at layunin.
_______________________4. Ito ay pagamit ng mga pormal na salita sa isang sulating papel.
_______________________5. Isang katangian upang malaman ang patutunguhan sa pagsulat ng
impormasyon at ito ay nagpapahayag ng direktibo at sistemiko.

C. PAGLINANG SA KAALAMAN

Mahalaga bang matutunan ang kahulugan, katangian at layunin ng isang akademikong sulatin?
Ipaliwanag. (5pts)

D. Isa-isahin ang mga layunin na dapat taglayin ng akademikong pagsulat gamit ang concept map
sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat layunin base sa iyong naintindihan. (10 pts)

Layunin sa
pagsasanay sa
Akadamekong
Pagsulat

Prepared by: Ms. Grace Tormis, Ms. Jerlyn Abapo, LPT


ASIAN INSTITUTE OF COMPUTER STUDIES-CEBU
SENIOR HIGH SCHOOL MODULE
1ST SEMESTER SY 2022-2023
SUBJECT: PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
(ACADEMIK)
Sanggunian

Constantino P.C at Zafra G.S (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik) (Unang edisyon
ed., pp.6-7) Cebu: Rex Bookstore.
Garcia F.C (2017). Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang (Akademik) (pp. 15-67)
Quezon City: Sibs Publishing House Inc.

Prepared by: Ms. Grace Tormis, Ms. Jerlyn Abapo, LPT

You might also like