You are on page 1of 5

Paaralan Atimonan NCHS-SHS Baitang/Strand Grade 11/12 ACAD

Guro Christian Mark A. Ayala Asignatura Filipino sa Piling


Larang (Akademik)
Petsa August 22-26, 2022 Markahan Unang Markahan
Araw/Oras Lunes- Biyernes Bilang ng Araw 5 Araw
TALA SA
PAGTUTURO

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nabibigyang-kahulugan ang pagsusulat at akademikong pagsulat.
A. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang lugar
B. Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin
C. Pinakamahalagang Kasanayan Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
sa Pagkatuto (MELC)
II. NILALAMAN Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsusulat
III. KAGAMITANG PANTURO
D. A. Mga Sanggunian DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa


Piling Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Mabilin, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa


Esensyal na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House,
Inc.

Garcia, F. C. at Servillano, M. T. (2017). Filipino sa Piling Larang


(Akademik). Quezon City: SIBS Publishing House, Inc.
San Juan, D. M. M. at Briones, J. K. R. (2017). SALIMBAY: Filipino sa
Larangang Akademiko. Makati City: Salesiana Books Don Bosco Press.

Santos, C. L. at Corazon, G. P. (2016). Filipino sa Piling Larang


Akademik. Pasig City: DepEd Bureau of Learning Resources.

Castillo, Lawrence Marvin at Lanzaderas, Cris (2018) IBON Foundation


Inc. Filipino sa Piling Larang (Akademik)
a. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitnag
Pang-mag-aaral
c. Mga Pahina ng Teksbuk
d. Mga Karagdagang Kagamitan
Mula sa Learning Portal
e. Listahan ng mga Ka Modyul, sagutang papel, Laptop, modyul, tsart
Panturo para sa mg
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Napapanahong Pagpapaalala:
Kumusta ka na? Handa ka na ba sa mga gawaing kaugnay ng modyul
na ito? Ano ang kahalagahan sa iyo ng kaalaman sa akademikong
pagsulat? Sa araling ito, bilang mag-aaral ay matututuhan mo ang
kahulugan, at kahalagahan ng akademikong pagsulat. At sa kursong
iyong kinukuha, higit mong kakailanganin ang kasanayan tungkol dito.
Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang-kahulugan ang pagsusulat at akademikong pagsulat.

Subukin:

Gawain 1
Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang pangwika ang


lumilinang na maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala,
at layunin ng tao?
A. pakikinig B. pagbasa C. pagsulat D. pagsasalita

2. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa mga tinukoy


na dahilan kung bakit nagsusulat ang tao?
A. libangan
B. pagtugon sa trabaho
C. pagsasatitik ng nararamdaman
D. pagtalima sa kagustuhan ng magulang

3. Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na


pagsulat dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral
sa iba’t ibang larangan?
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat D. pamanahunang papel

4. Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng pagsasanay na


naranasan ng mga mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya,
kolehiyo, at maging sa graduate school?
A. pananaliksik B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel D. akademikong pagsulat

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bahagi ng pagsasanay mo


sa akademikong pagsulat?
A. pananaliksik B. pamanahung papel
C. paggawa ng sanaysay D. pagsulat ng gabay sa pagtuturo

Balikan:

Gawain 2
Panuto: PAGSULAT: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at
kawili-wili ang katanungan na may kaugnayan na pagsusulat.

 Kailan ka pinakahuling sumulat?


 Anong uri ng sulatin ito?
 Bakit nagustuhan mo itong sulatin?
 Ano-anong kabutihang dulot sa pagsusulat? Ilahad mo ito sa
kahon.
B. Pagpapaunlad Paglinang sa bagong kaalaman:
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa
mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang
kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang
wika. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na
Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ito ay
isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito
ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring
pagsulatan. Sa pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng
isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng mga salita,
ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang
akda o sulatin.

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na


maaaring makuha sa pagsusulat.

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at


maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag
ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na
impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at
mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag
ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa
mga gawa at akda ng kanilang pag-aaral at akademikong
pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga
impormasyong mula sa iba’tibang batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.

C. Pakikipagpalihan Suriin:
Gawain 3
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasa at napag-
aralang katuturan, layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga
katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika.

1. Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?


2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang
linangin at hubuging lubos? Bakit?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?
4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang
maisagawa ang layuning personal at panlipunan? Bakit?
5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang
asignaturang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot
Gawain 4
Panuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga
halimbawa ng akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw
na konsepto at kaalaman ukol dito.

Karagdagang gawain upang malinang ang bagong kaalaman


Panuto: PAGTATALATA:
Bumuo ng tig-isang talata tungkol sa bawat larawan. Ang mga
pangungusap ay maaaring nagtatanong, nagbibigay opinyon, naglalahad
o nagbibigay ng obserbasyon at pagpapahalaga. Bigyan ng pamagat ang
larawan. Pagkatapos, gumawa ng sariling paglalarawan sa pamamagitan
ng pagsulat o pagguhit. Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at
pagkamapanuri.

D. Paglalapat
Isaisip:
Gawain 5
Panuto: PAGHAHAMBING SA LAYUNIN NG PAGSULAT:
Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng layunin ng pagsulat
(Personal at Sosyal) ayon kay Mabilin (2012) sa pamamagitan
ng venn diagram

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal, o portfolio ng


kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na
prompt.

Naunawaan ko na ______________________________________.
Nabatid ko na __________________________________________.
Inihanda ni:

CHRISTIAN MARK A. AYALA


Guro II

Binigyang-puna:

AIRA C. GONZALES
Dalubguro II

Binigyang-pansin:

RENE L. PORTADES
PUNONG-GURO IV

You might also like