You are on page 1of 9

Sa mga Mag-aaral,

Isang malugod na pagtanggap sa kursong Filipino sa Piling


Larangan (Akademik). Layon ng kursong ito na malinang ang mga
kakayahang pagpapahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop
na pagsusulat sa piniling larangan. Ang paggawa at pagpasa sa mga
pangangailangan ng kurso ay siyang pangunahing susi sa pagpasa ng
naturang asignatura.
Mga Guro sa Kagawaran ng Filipino

Sa modyul na ito, makikita ang mga sumusunod na bahagi:

Sa bahaging ito makikita ang tunguhin ng bawat


LAYUNIN
paksa at gawain na inaasahang matamo ng
bawat mag-aaral.

Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga paksa ng


bawat aralin na makatutulong upang maunawaan
NILALAMAN
ang ang mga konsepto at kasanayan na dapat
matamo ng maga-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


PAGTATASA paunang gawain na tatasa sa kaalamang natamo
ng mga mag-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


KARAGDAGANG
karagdagang babasahin, videos at iba pa na
BABASAHIN/PANOORIN
makatutulong sa pag-unawa ng aralin.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga ginamit


SANGGUNIAN
na babasahin sa pagggawa ng aralin at gawain.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


gawaing hahasa at magtataya sa mga
PAGTATAYA
natutuhang konsepto at kasanayan ng mag-aaral.

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 2


LAYUNIN
a. Natutukoy ang mga batayang kaalaman sa pagsulat tiyak sa kahulugan,
kahalagahan, layunin, pangangailangan, at hakbang;
b. Nabibigyang halaga ang gampanin ng pagsulat sa sarili at sa lahat ng
pagkakataon;
c. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat;
d. Nailalarawan ang pagkakaiba ng akademikong pagsulat at di –
akademikong pagsulat;
e. Nagagawa ang gawaing tataya sa natutuhang kaalaman ng mga mag-
aaral.

AKADEMIKONG PAGSULAT

Isa sa mga pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ay ang


pagsulat. Ang pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng
sapat na panahong upang maging mahusay rito. Hindi natin dapat itong
katakutan dahil ang pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto
at pag-unlad ng ating pagkatao.Kung nais mong makaungos sa tunitinding
kompetisyon, isa sa mahahalagang opsyon ang linangin ang kakayahan sa
pagsulat, partikular sa akademikong pagsulat. Halika at tuklasin natin ang mundo
ng Akademikong Pagsulat.

A. KAHULUGAN NG PAGSULAT
William Strunk - Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating
pagiging tao.
Kellog - Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang
kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.
Hellen Keller - Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan.
Xing Jin - Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit
ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika.
Goody – pundasyon ng sibilisasyon

Ang pagsulat ay lundayan ng:


✓ isipan
✓ damdamin
✓ karanasan

B. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
✓ Tagapag-ingat ng mayayamang kaalaman - Ipamana sa mga sumusunod na
salinlahi
✓ Kamalayan sa mayayamang Kultura at at Tradisyon
✓ Tagapag-ugnay ng kasaysayang nakalipas na at sa kasaysayang mangyayari
pa lamang

C. LAYUNIN NG PAGSULAT
✓ Makapagpahayag – makapaglahad ng damdamin
✓ Makapagsakatuparan – matupad o magawa
✓ Magpabatid - magbigay ng karagdagang impormasyon

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 3


✓ Magdagdag ng karunungan
✓ Manghikayat - magpabago ng pananaw ng mambabasa
hal. Magasin, adverstisement

D. MGA PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT


✓ Paksa – mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.
Pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda.

✓ Layunin – magsisilbing gabay ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

✓ Wika – behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,


karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.

✓ Kombensyon - estilo ng awtor. Paraan ng pagsusulat ng iyong akda: Paraang


impormatibo, Paraang ekspresibo, Paraang naratibo, Paraang deskriptibo o
Paraang argumentatibo.

✓ Kasanayang Pampag-iisip – dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-


analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o di-gaanong mahalaga, o maging
ng mga impormasyong dapat isama sa akadang isusulat.

✓ Kasanayan sa Pagbuo/Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat – may


sapat na kaalaman sa wika at retorika particular sa wastong paggamit ng maliit at
malaking titik, wastong baybay, gamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata, masining at obhetibong kaisipan.

✓ Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin – kakayahang mailatag ang mga kaisipan


at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon nhanggang sa wakas nito.

E. MGA HAKBANG SA PAGSULAT


1. Paghahanda sa Pagsulat
✓ Pagpaplano sa pagsulat
✓ Pag-iisip
✓ Paghahanap
✓ Pagtitipon
✓ Pagtukoy
✓ Pagtatanong/ pag-uusisa

2. Aktwal na Pagsulat
✓ Pag-iisip ng pamagat
✓ Paglilista ng mga detalye
✓ Pagsasaayos ng mga nakalap na datos

3. Pag-eedit at pagrerebisa
✓ Pagdaragdag
✓ Pagsasaayos
✓ Pag-aalis
✓ Pagpapalit

Prewriting Drafting Revising Editing

Final
Document

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 4


MGA GAWAING PAMPAG-IISIP SA AKADEMIYA

Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na académié, sa Latin


na academia, Griyego na academeia at sa Academos, ang bayaning Griyego
na ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ang Akademiya ay institusyong kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at


siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular ng
larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar.

Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong pwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip
nang kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang magbago at magpabago.
Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip


Ang mapanuring pag-iisip ay paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino
upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga
gawaing di-akademiko.

Sa akademiya ang pagiging mapanuri at pagkamalikhain ay nililinang at pinauunlad sa mga


mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo,
trabaho, at araw-araw na pamumuhay.

AKADEMIKO
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang europeo (Pranses:
academique; Medival Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika – 16 na siglo. Tumutukoy ito
o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-
tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

Isa itong pangngalan na tumutukoy sa tao (halimbawa, “Nagmiting ang mga akademik.”) Isa
rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain, (akademikong aktibidad) at bagay (akademikong
usapan at institusyon). Halos katumbas din ng akademikong institusyon ang akademiya.

AKADEMIKONG PAGSULAT
✓ Pagsusulat ng akademikong sulatin
✓ Layunin: pataasin ang antas at kalidad ng pagsulat ng mga estudyante sa paaralan
kaya ito ay tinatawag ring “intelektwal na pagsulat”
✓ Ginagamitan ng matalas at kritikal na pag-iisip.

AKADEMIKONG SULATIN
✓ Tumutukoy sa mga nabuo, nasulat o nagawang mga sulating pang-akademiko
katulad ngkritikal na sanaysay, laboratory report, eksperimento, term paper o
pamanahong papel at tesis o disertasyon.
✓ Ito ay makabuluhan, siksik sa impormasyon at may lalim na makatutulong sa
pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan.
✓ Paksa: kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat.

KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (FULWILER AT HAYAKAWA 2003)


1. Katotohanan – ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang
manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

2. Ebidensya – ang mga iskolar sa iba’t ibang disiplina ay gumagamit ng mga


mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 5


3. Balanse – nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka,
opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at
argumento.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT (Andy Gillet 2020)


1. Kompleks – Ang pasulat na wikia ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ito ay may bhigit na
mahabang salita, mas mayaman na leksikon, at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang
kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang apasulat na gawain.
2. Pormal – higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng pagsulat.
Hindi angkop dito ang kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.
3. Tumapak – Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng mga facts and figures ay
inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
4. Obhetibo – Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
argumentong nais gawin.
5. Explicit (malinaw) – Ang akademikong pagsulat ay malinaw sa ugnayan sa loob ng teksto.
Responsibildad ng manunulat nag awing malinawa sa mamababasa kung paanoang ang
iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa. Nagiging malinaw ito sa pamamagitan
ng paggamit ng iba’t ibang signaling words sa teksto.
6. Wasto – ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita.
Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian ng
mga karaniwang manunulat.
7. Responsible – Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging responsible
lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa
kanyang argumento. Kailangan din niyang maging responsible sa pagkilala sa ano mang
hanguan ng impormasyong kanyang ginamit.

Sa akademiya nililinang ang mga kasanayan at natutuhan, ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadalubhasaan, kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at
pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring
kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito, ginagabayan ito ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di-
akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan at common sense.

Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ang mga gawaing akademiko, ang mga
gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o di-akademiko.

Pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko batay kina Constantino at Zafra (2018)

AKADEMIKO DI - AKADEMIKO
Layunin: Layunin:
Magbigay ng impormasyon Magbigay ng sariling pahayag, opinyon at
kuro-kuro
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayang datos:
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling mundo, haka-haka, maaaring
wqalang batayan kunsi ang personal na
pananaw
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akdemikong Iba’t ibang publiko
komunidad)
Organisasyon ng Ideya: Organisasyon ng ideya:
- Planado ang ideya - Hindi malinaw ang estruktura at pahayag
- May pagkakasunod-sunod ang estruktura nito
ng mga pahayag - Hindi kailangang magkakaugnay ang mga

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 6


- Magkakaugnay na mga ideya ideya
Pananaw: Pananaw:
- Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at - Pinapalooban ng personal na kuro-kuro o
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, opinyon
katotohanan

Tinatawag naman ni Cummins (1970) ang kasanayang Di-akademiko na Basic Interpersonal


Communication Skills (BICS) na kung saan ito ay praktikal, personal at impormal na gawain. Ang
Akademiko naman ay Cognitive Academic Language Proficiency (CALP).

GAWAING AKADEMIKO GAWAING DI - AKADEMIKO

Ano ito?
• Ang akademikong gawain ay gumagamit • Naisasagawa gamit ang malikhaing isip
ng mataas na intelektwal upang ng tao ukol sa mga bagay sa kanyang
ipahayag ang isa o higit pang ideya paligid.
bilang batayan ng karunungan.

• Mga gawaing napahahayag ng


• Ito rin ay mga gawaing may kritikal na
emosyon, kaisipan o opinion ng isang tao.
paghusga o pag-analisa sa mga
komplikadong ideya at impormasyon.
• Ito at nakabatay sa mga walang
katiyakang palagay mula sa may akda at
• May matibay na pinagbabatayan na
umaapela sa mga emosyon o
datos, na maaring galing sa mga umiiral
pakiramdam ng mambabasa.
na kaalaman o sa mga eksperimento ng
mga siyentipiko.
Paano ito ginagawa?
• Isinusulat sa iskolarling pamamaraan na • Makulay ang mga salitang ginagamit at
may pormal na balangkas tulad ng hindi pormal. Maari ring matalinhagang
estruktura ng thesis. salita ang gamitin sa pagpapahayag.

• Malinaw at maikli subalit malaman ang • Karaniwang nakabase sa personal o


paglalahad ng mga impormasyon na pansariling paniniwala ang mga
nakapaloob sa mga akademikong tinatalakay sa isang di-akademikong
gawain. gawain.

• Ang lahat ng mga gawain at sulatin sa


• Paligoy-ligoy ang paglalahad o
mga akademikong gawain ay nakaugnay
pagbibigay ng pinakapaksa ng isang
sa mga akademikong disiplina. Ito ay ang
gawaing di-akademiko.
humanidades, Agham Panlipunan, at
Agham Pisikal.
Halimbawa ng mga gawain

• Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase • Panonood ng pelikula o video upang


• Pakikinig ng lektyur maaliw o magpalipas – oras
• Panonood ng video o dokumentaryo • Pakikinig – usap sa sinuman ukol sa
• Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob paksang di - akademiko
ng klase o isang simposyum • Pagsulat sa isang kaibigan
• Pagsulat ng sulatin o pananaliksik • Pakikinig sa radio
• Pagbasa ng komiks, magasin, o dyaryo.

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 7


BINUBUO NG MGA SUMUSUNOD NA REGISTERS ANG MGA TEKSTONG
AKADEMIK:

1. AGHAM PANLIPUNAN (SOCIAL SCIENCES)


Sangay ng siyensyang tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa mga institusyon,
gawain ng lipunan at may ugnayang personal ng bawat nilalang bilang bahagi ng komunidad.
Saklaw din ang relasyon o kaugnayan ng iba’t ibang pangkat etniko, buhay pampamilya,
kahirapan, sulatin sa populasyon at paggawa, at reporma sa lupa. Paktuwal ang mga
impormasyong laman ng mga tekstong kabilang sa Agham Panlipunan. Ginagamit sa larangang ito
ang pagsasalaysay na paraan ng paglalahad ng mga kaisipan, pagpapaliwanag at
pangangatuwiran, hindi rin ekslusibo sa isang disiplina ang isang termino dahil maari rin itong gamitin
sa ibang kaugnay sa disiplina tulad ng mga disiplinang; Sosyolohiya, Antropolohiya, at Lingguwistiks;
Accountancy, Ekonomiks at Pamamahala ng Pananalapi; at Abogasya at Agham Panlipunan.

2. LIKAS NA AGHAM (AGHAM, TEKNOLOHIYA, AT MATEMATIKA) – (NATURAL SCIENCE)


Ang mga disiplinang likas na Agham, Teknolohiya at Matematika ay kadalasang nakasulat sa
paraang paglalahad, paglalarawan at pangangatuwiran. Karamihan sa mga nilalaman ng mga
teksto sa disiplinang ito ay paktuwal at produkto ng mga eksperimento, lalo na ang mga teksto sa
likas ng agham. Maliban sa matematika, posibleng ang isang termino ay ginagamit sa isa o mahigit
pang akda at posible ring ang mga salitang ito ay magkaroon ng magkapareho o magkaibang
kahulugan. Ito ay mga sulating non-fiction at saklaw ang mga makabagong pamamaraan.
Kabilang dito ng mga sumusunod na disiplina. Likas na Agham; Biology, Chemistry, Patolohiya,
Botanika, Medisina, Astronomiya, Pisika, Agrikultura, Geology. Teknolohiya; Agham Kompyuter,
Elektroniks, Inhenyerya, Awtomotib. Matematika; Trigonometri, Algebra, Estadistika, Geometry,
Calculus.

3. HUMANIDADES (HUMANITIES)
Ang humanidades ang maaaring magkaroon ng pormal at impormal na wika. Gawa ito ng
pagiging malikhain, simbolikal at metaporikal ng ilang teksto, tulad ng panitikan, maaari ring maging
paktuwal o hindi ang mga impormasyong laman ng teksto. Paktuwal ang mga tekstong
panghumanidades kabilang sa mga disiplinang wika, pagpipinta, pagdidisenyo, arkitektural, sayaw
at isports. Produkto naman ang malikot na guni-guni ng manunulat ang impormasyon sa isang
akdang pampanitikan (tulad ng kwentong pantasya), kaya masasabing hindi paktuwal ang mga
impormasyong ito. Ngunit may mga akdang pampanitikan naman ang hango sa mga totoong
kaganapan sa lipunan, gaya na lamang ng mga historikal na nobela at maikling kwento. Saklaw nito
ang mga sumusunod; Wika, Panitikan, Sining, Musika, Teatro, Pagpipinta, Pagdidisenyo, Arkitektura,
Sayaw at Palakasan/Isports

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 8


MGA KARAGDAGANG BABASAHIN AT PANOORIN

Fuentes, E. (2020). Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong


Pagsulat. Retrieved from https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-
katangian-at layunin-ng-akademikong-pagsulat/
Garcia, C. (2016). Filipino sa Piing Larangan (Akademik). 927 Quezon Ave.,
Quezon City. SIBS Publishing, Inc.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Akademik (Ikalawang Edisyon) Modyul.
(2019). Diwa learning system Inc. Makati.
Youtube: Pagsulat sa Piling Larang Akademik Kahulugan ng Pagsulat
https://www.youtube.com/watch?v=-OAkL4NThAQ

Youtube: Batayang Kaalaman sa Akademikong Pagsulat


https://www.youtube.com/watch?v=vtXeCcbd-qE

Youtube: Akademiko at Di Akademiko


https://www.youtube.com/watch?v=9zs6R9-cCQE&t=1018s

MGA SANGGUNIAN
Bernales, R., Ravina, E,. Pascual M.E. (2017). FILIPINO sa Larangang AKADEMIKO.
Mutya Publishing House, Inc.

Constantino, P. and Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Rex


Book Store, Inc.

Dela Cruz, W., Galvez, M.T., at Hermocilla M. C. (2021). Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larang. TechFactors Inc.

Dela Cruz, M. A. (2016). Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa


Learning Systems Inc.

Julian, A. at Lontoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House.

©2024 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Page | 9

You might also like