You are on page 1of 7

Sa mga Mag-aaral,

Isang malugod na pagtanggap sa kursong Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Layon ng kursong ito na malinang ang mga kakayahang
pagpapahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa
piniling larangan.

Ang paggawa at pagpasa sa mga pangangailangan ng kurso ay siyang


pangunahing susi sa pagpasa ng naturang asignatura.

Mga Guro sa Kagawaran ng Filipino

Sa modyul na ito, makikita ang mga sumusunod na bahagi:

Sa bahaging ito makikita ang tunguhin ng bawat


LAYUNIN
paksa at gawain na inaasahang matamo ng
bawat mag-aaral.

Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga paksa ng


bawat aralin na makatutulong upang maunawaan
NILALAMAN
ang ang mga konsepto at kasanayan na dapat
matamo ng maga-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


PAGTATASA paunang gawain na tatasa sa kaalamang natamo
ng mga mag-aaral.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


KARAGDAGANG
karagdagang babasahin, videos at iba pa na
BABASAHIN/PANOORIN
makatutulong sa pag-unawa ng aralin.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga ginamit


SANGGUNIAN
na babasahin sa pagggawa ng aralin at gawain.

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga


gawaing hahasa at magtataya sa mga
PAGTATAYA
natutuhang konsepto at kasanayan ng mag-aaral.

©2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Page | 2


LAYUNIN
a. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat;

b. Nailalarawan ang pagkakaiba ng akademikong pagsulat at di – akademikong


pagsulat;

c. Nagagawa ang gawaing tataya sa natutuhang kaalaman ng mga mag-aaral.

AKADEMIKO VS. DI-AKADEMIKO


(KAHULUGAN, KATANGIAN AT LAYUNIN NG AKADEMIKONG SULATIN)

MGA GAWAING PAMPAG-IISIP SA AKADEMIYA

Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na académié, sa Latin


na academia, Griyego na academeia at sa Academos, ang bayaning Griyego
na ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ang Akademiya ay institusyong kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at


siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular ng
larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar.

Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong pwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip
nang kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang magbago at magpabago.
Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip


Ang mapanuring pag-iisip ay paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino
upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga
gawaing di-akademiko.

Sa akademiya ang pagiging mapanuri at pagkamalikhain ay nililinang at pinauunlad sa mga


mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo,
trabaho, at araw-araw na pamumuhay.

AKADEMIKO
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang europeo (Pranses:
academique; Medival Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika – 16 na siglo. Tumutukoy ito
o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-
tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

Isa itong pangngalan na tumutukoy sa tao (halimbawa, “Nagmiting ang mga akademik.”) Isa
rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain, (akademikong aktibidad) at bagay (akademikong
usapan at institusyon). Halos katumbas din ng akademikong institusyon ang akademiya.

Sa gawaing pagsulat ang akademiko o sulating akademiko o tekstong akademik ay


pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito din ay tinawag
na intelektuwal na pagsulat. Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon at layunin nitong
maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
©2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Page | 3
BINUBUO NG MGA SUMUSUNOD NA REGISTERS ANG MGA TEKSTONG
AKADEMIK:

1. AGHAM PANLIPUNAN (SOCIAL SCIENCES)


Sangay ng siyensyang tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa mga institusyon,
gawain ng lipunan at may ugnayang personal ng bawat nilalang bilang bahagi ng komunidad.
Saklaw din ang relasyon o kaugnayan ng iba’t ibang pangkat etniko, buhay pampamilya,
kahirapan, sulatin sa populasyon at paggawa, at reporma sa lupa. Paktuwal ang mga
impormasyong laman ng mga tekstong kabilang sa Agham Panlipunan. Ginagamit sa larangang ito
ang pagsasalaysay na paraan ng paglalahad ng mga kaisipan, pagpapaliwanag at
pangangatuwiran, hindi rin ekslusibo sa isang disiplina ang isang termino dahil maari rin itong gamitin
sa ibang kaugnay sa disiplina tulad ng mga disiplinang; Sosyolohiya, Antropolohiya, at Lingguwistiks;
Accountancy, Ekonomiks at Pamamahala ng Pananalapi; at Abogasya at Agham Panlipunan.

2. LIKAS NA AGHAM (AGHAM, TEKNOLOHIYA, AT MATEMATIKA) – (NATURAL SCIENCE)


Ang mga disiplinang likas na Agham, Teknolohiya at Matematika ay kadalasang nakasulat sa
paraang paglalahad, paglalarawan at pangangatuwiran. Karamihan sa mga nilalaman ng mga
teksto sa disiplinang ito ay paktuwal at produkto ng mga eksperimento, lalo na ang mga teksto sa
likas ng agham. Maliban sa matematika, posibleng ang isang termino ay ginagamit sa isa o mahigit
pang akda at posible ring ang mga salitang ito ay magkaroon ng magkapareho o magkaibang
kahulugan. Ito ay mga sulating non-fiction at saklaw ang mga makabagong pamamaraan.
Kabilang dito ng mga sumusunod na disiplina. Likas na Agham; Biology, Chemistry, Patolohiya,
Botanika, Medisina, Astronomiya, Pisika, Agrikultura, Geology. Teknolohiya; Agham Kompyuter,
Elektroniks, Inhenyerya, Awtomotib. Matematika; Trigonometri, Algebra, Estadistika, Geometry,
Calculus.

3. HUMANIDADES (HUMANITIES)
Ang humanidades ang maaaring magkaroon ng pormal at impormal na wika. Gawa ito ng
pagiging malikhain, simbolikal at metaporikal ng ilang teksto, tulad ng panitikan, maaari ring maging
paktuwal o hindi ang mga impormasyong laman ng teksto. Paktuwal ang mga tekstong
panghumanidades kabilang sa mga disiplinang wika, pagpipinta, pagdidisenyo, arkitektural, sayaw
at isports. Produkto naman ang malikot na guni-guni ng manunulat ang impormasyon sa isang
akdang pampanitikan (tulad ng kwentong pantasya), kaya masasabing hindi paktuwal ang mga
impormasyong ito. Ngunit may mga akdang pampanitikan naman ang hango sa mga totoong
kaganapan sa lipunan, gaya na lamang ng mga historikal na nobela at maikling kwento. Saklaw nito
ang mga sumusunod; Wika, Panitikan, Sining, Musika, Teatro, Pagpipinta, Pagdidisenyo, Arkitektura,
Sayaw at Palakasan/Isports

Sa akademiya nililinang ang mga kasanayan at natutuhan, ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadalubhasaan, kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at
pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring
kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito, ginagabyan ito ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di-
akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan at common sense.

Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ang mga gawaing akademiko, ang mga
gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o di-akademiko. Pansinin ang mga pagkakaiba
sa katangian ng akademiko at di-akademiko na nakahanay sa ibaba.

©2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Page | 4


AKADEMIKO DI - AKADEMIKO
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayang datos:
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, at komunidad
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akdemikong Iba’t ibang publiko
komunidad)
Organisasyon ng Ideya: Organisasyon ng ideya:
- Planado ang ideya - Hindi malinaw ang estruktura
- May pagkakasunod-sunod ang estruktura - Hindi kailangang magkakaugnay ang mga
ng mga pahayag ideya
- Magkakaugnay na mga ideya
Pananaw: Pananaw:
- Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at - Sariling opinion, pamilya, komunidad ang
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, pagtukoy
facts - Tao at damdamin ang tinutukoy
- Nasa pangatlong panauhan ang - Nasa una at pangalawang panauhan ang
pagkakasulat pagkakasulat

AKADEMIKONG SULATIN

 Ito ay makabuluhan, siksik sa impormasyon at may lalim na makatutulong sa pagpapataas


ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Madalas ang paksa nito ay sumasalamin sa kultura,
karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Isa rin itong paraan upang
makapagpabatid sa mamababasa ng mga impormasyon at saloobin
 Iba-iba man ang ekspektasyon ng iba’t ibang komunidad, may ilang kalikasan ang
akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami. Ayon kay Fulwiler at Hayakawa (2003) ay
ang sumusunod: (1) Katotohanan; (2) Ebidensya; at (3) Balanse.
 Ayon kay Gillet (2020), ang akademikong pagsulat sa anumang wika ay may tinutumbok na
isang sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya
ng argumento nang walang disgresyon o repetisyon. Ang layunin nito’y magbigay ng
impormasyon sa halip na umaliw. Gumagamit din ito ng istandard na porma ng pagsulat ng
wika.
 Ayon kay Gillet (2020), ang katangian ng akademikong pagsulat ay ang mga sumusunod:
(1) Kompleks; (2) Pormal; (3) Tumpak; (4) Obhetibo; (5) Eksplisit; (6) Wasto; at (7) Responsable.

©2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Page | 5


GAWAING AKADEMIKO GAWAING DI - AKADEMIKO

Ano ito?
 Ang akademikong gawain ay gumagamit  Naisasagawa gamit ang malikhaing isip
ng mataas na intelektwal upang ng tao ukol sa mga bagay sa kanyang
ipahayag ang isa o higit pang ideya paligid.
bilang batayan ng karunungan.
 Mga gawaing napahahayag ng
 Ito rin ay mga gawaing may kritikal na emosyon, kaisipan o opinion ng isang tao.
paghusga o pag-analisa sa mga
komplikadong ideya at impormasyon.  Ito at nakabatay sa mga walang
katiyakang palagay mula sa may akda at
 May matibay na pinagbabatayan na umaapela sa mga emosyon o
datos, na maaring galing sa mga umiiral pakiramdam ng mambabasa.
na kaalaman o sa mga eksperimento ng
mga siyentipiko.
Paano ito ginagawa?
 Isinusulat sa iskolarling pamamaraan na  Makulay ang mga salitang ginagamit at
may pormal na balangkas tulad ng hindi pormal. Maari ring matalinhagang
estruktura ng thesis. salita ang gamitin sa pagpapahayag.

 Malinaw at maikli subalit malaman ang  Karaniwang nakabase sa personal o


paglalahad ng mga impormasyon na pansariling paniniwala ang mga
nakapaloob sa mga akademikong tinatalakay sa isang di-akademikong
gawain. gawain.

 Ang lahat ng mga gawain at sulatin sa  Paligoy-ligoy ang paglalahad o


mga akademikong gawain ay nakaugnay pagbibigay ng pinakapaksa ng isang
sa mga akademikong disiplina. Ito ay ang gawaing di-akademiko.
humanidades, Agham Panlipunan, at
Agham Pisikal.
Halimbawa ng mga gawain
 Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase  Panonood ng pelikula o video upang
 Pakikinig ng lektyur maaliw o magpalipas – oras
 Panonood ng video o dokumentaryo  Pakikinig – usap sa sinuman ukol sa
 Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob paksang di - akademiko
ng klase o isang simposyum  Pagsulat sa isang kaibigan
 Pagsulat ng sulatin o pananaliksik  Pakikinig sa radio
 Pagbasa ng komiks, magasin, o dyaryo.

©2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Page | 6


MGA KARAGDAGANG BABASAHIN AT PANOORIN

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Akademik (Ikalawang Edisyon) Modyul.


(2019). Diwa learning system Inc. Makati.

Garcia, C. (2016). Filipino sa Piing Larangan (Akademik). 927 Quezon Ave.,


Quezon City. SIBS Publishing, Inc.

Youtube: Akademiko at Di Akademiko


https://www.youtube.com/watch?v=9zs6R9-cCQE&t=1018s

MGA SANGGUNIAN:

Bernales, R., Ravina, E,. Pascual M.E. (2017). FILIPINO sa Larangang AKADEMIKO.
Mutya Publishing House, Inc. Malabon City.

Constantino, P. and Zafra, G. (2016). Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Rex


Book Store, Inc. Manila, Philppines.

Dela Cruz, W.L., Galvez, M.T., at Hermocilla, M. C. (2021). Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larang. TechFactors Inc. Philippines

Julian, A. at Lontoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House.


Quezon City.

©2023 Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Page | 7

You might also like