You are on page 1of 15

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING

LARANGAN

SENIOR HIGH SCHOOL


GRADE 12
Akademiko, Di-Akademikong
Gawain: Paggawa ng Mini-corner
ng mga Kursong Pagpipilian sa
Kolehiyo
Ano nga ba ang akademiko?

* Ang Akademiko ay tumutukoy sa paglilinang ng mga


kasanayan at natutunan sa
pagbasa,pakikinig,pagsasalita,panonood at pagsulat ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.

• Analisis, panunuring kritikal,pananaliksik at


eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.

• Ginagabayan ito ng pagpapahala,katotohanan,ebidensya, at


balanseng pagsususri.
Ano naman ang di- Akademiko?

*Ang Di-Akademiko ito ay ang mga gawain ay


ginagabayan ng karanasan, kasanayan at
common sense.
AKADEMIKO vs DI-AKADEMIKO

 Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang


Europeo noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon,iskolarsyip,
institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa
pagbasa,pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal
na gawain.
 Hindi na bago sa mga akademinong institusyon ang salitang
akademik o akademiko, bagamat halos nakatuon ito sa
mataas na edukasyon sa kolehiyo.
 Isa itong pangngalan na tumutukoy sa tao

HALIMBAWA
“Nagmiting ang mga Akademik”
 Kung minsan, ginagamit na rin ang salitang
akademisyan bilang katumbas nito. Isa rin
itong pang-uri na tumutukoy sa gawain.

HALIMBAWA
“Akademikong aktibidad” at bagay
“Akademikong usapan at institusyon”

Halos katumbas din ng akademikong


institusyon ang akademiya.
 Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang
Prances na academie, sa Latin na academia, at sa
Griyego na academeia.
 Ang huli ay mula naman sa Academos, ang
bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato
ang hardin.
 Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon
ng kinikilala at respetadong mga iskolar,artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin,palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang
mataas na pamantayan ng partikular na larangan.
Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo,malaki
ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa malikhain
at mapunuring pag-iisip upang masigurado ang
tagumpay sa buhay-akademiya.

Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng


buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o
mapanuri,maging mapanlikha at malikhain, at malayang
magbago at makabago.

Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng


akademiya.
Unang Gawain na
Pangindibidwal
1. Sa iyong pag-aaral sa k to 12, paano mo napag-iiba ang
mga gawain sa bahay eskuwelahan, at komunidad?

MAGLISTA NG MGA GINAGAWA MO SA BAWAT ISA.


Gawain sa Bahay Gawain sa Gawain sa
Eskuwelahan komunidad
2. Ano-anong pangkalahatang katangian na ipinagkakaiba ng
mga ito sa isa’t isa?

a.______________________________________________
______________________________________________
b.______________________________________________
______________________________________________
c.______________________________________________
_______________________________________________
3.Dapat bang paghiwalayin ang mga ito sa iyong mga gawain? Ipaliwanag?
_________________________________________________________
4.Makatutulong ba ang mga ginagawa sa bahay at komunidad sa mga
ginagawa sa eskuwelahan? Patunayan?
_________________________________________________________
5.Makatutulong ba ang mga gawain mo sa eskuwelahan sa mga ginagawa
mo sa bahay at sa komunidad? Ipaliwanag at patunayan.
_________________________________________________
6.Anong mga pagpapahalaga ang pinauunlad sa bawat isa?
Magbigay ng mga Halimbawa?
_________________________________________________
UNANG PANGKATANG GAWAIN
1.Panuto:Maglista ng tatlong kurso o bokasyon na interesado mong pasukin sa
kolehiyo o gawing karera. Pumili lamang ng isang pinakagusto.Magsaliksik sa
libro at internet o magsagawa ng panayam tungkol dito. Gawin ang mga
sumusunod:

a. Gumawa ng isang glosaryo ng mga konsepto o terminolohiyang ginagamit


sa napiling larangan.
HAL:
Lingguwistika
gramatika
sintaksis
diyalekto
morpolohiya
b. Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.

c.Gawan ng klasipikasyon o paggugrupo ang


mga aytem.

d.Ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ng


kartolina o slide show presentation.
PANGALAWANG PANGKATANG GAWAIN
2.Bumuo ng pangkat batay sa napiling kurso o bokasyon na
ginawan ng glosaryo sa unang bilang Magsasama-sama ang
magkakategorya o magkakadisiplina
Hal:
(Siyensiya:Biyolohiya,kemistri,pisikal, at heolohiya).

Pag-isahin ang mga glosaryo sa isang mini-diksiyonaryo at


ikategorya ang mga terminolohiya
Hal:
(Pisikal,kemistri, at Biyolohiya). Lagyan ng sariling pamagat ang
mini-diksiyonaryo. Ipalimbag o i-blind ito na parang libro.
Maging malikhain at masining sa proyektong mabubuo.
Bilang sa sariling pagtatasa. Sagutin ng bawat miyembro ang rubik
kaugnay ng naging partisipasyon niya sa proyekto.

RUBRIK NG SARILING PAGTATASA(MINI-DIKSIYONARYO)


Partisipasyon:
Nakasama sa:

a.Pagsasama-sama ng mga salita sa mini-diksiyonaryo at


pagklasipika sa mga terminolohiya
b.Pag-edit o proofread ng mga salita
c.Pag-layout at pagdisenyo ng libro
d.Pagsulat ng introduksiyon at pagpili ng pamagat ng libro
Grupo/Proyekto:__________________________
Partisipasyon:_____________________________

You might also like