You are on page 1of 14

FILIPINO SA PILING LARANG - GRADE 12

Kahuluga
n ng
Akademik
ong
UNANG MARKAHAN - MODYUL 1
ALAMIN
Pagkatapos ng araling ito ang mga
estudyante ay inaasahang:

1 2 3
Natutukoy ang Nabibigyang - puna Nailalahad ang
kahulugan ng sulating ang kahulugan ng kahalagahan ng mga
akademiko sulating akademiko akademikong sulatin sa
akademiya
KAHULUGAN NG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
Ang akademikong pagsulat ayon kay Badayos
(1999), kinapapalooban ng mataas na antas ng
pag-iisip at naglalaman ng mahalagang
impormasyon at ebidensiya. Layunin nitong
mapataas ang antas ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan, makapagbatid ng mga
importmasyon, ideya at saloobin sa isang
espisipikong tema at mapataas ang kaalaman ng
iba’t ibang larangan ng pagsulat.
MGA GAWAING
PAMPAG-IISIP
SA AKADEMIYA
Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang
Pranses na academie, sa Latin na Academia, at sa
Griyego na academia. Ang huli ay mula naman sa
Academos, ang bayaning Griyego, kung saan
ipinangalan ni Plato ang hardin.
Ang akademiya ay itinuring na isang institusyon ng
kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin,
palalimin at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkasipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong
komunidad ng mga iskolar.

Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo,


malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa
malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro
ang tagumpay sa buhay -akademya.
Ang tao ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng
buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o
mapanuri, maging mapanlikha, at malikhain, at
malayang magbago at makapapabago. Ganito ang
isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng
akademya.
MALIKHAIN AT
MAPANURING PAG-
IISP
Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng
kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino
upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at
hamon sa buhay-akademiko at maging sa mga
gawaing di -akademiko.
Hindi nasagkaan ng pagiging mapanuri ang
pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at
nagtatalaban ang dalawang kakayahang ito upang
makabuo ng mga paniniwala sa buhay at
pagdesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera, o
negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-
ugnayan sa kapuwa, at ang pagkakaroon ng
makabuluhan, at makahulugang pamumuhay sa
kumplikadong mundong ating ginagalawan.
Ganitong mga katangian ang bumubuo sa isang
malikhain at mapanuring indibidwal. Hindi
kailangang maging henyo o talentado upang
maging malikhain.

Sa akademya, ang mga katangiang ito ay nalilinang


at pinauunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang
naitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga
hamon sa kolehiyo, trabaho, at araw-araw na
pamumuhay.
AKADEMIKO VS. DI -
AKADEMIKO
Sa salitang akademiko o academic ay mula sa
mga wikang Europeo
(Pranses:academique:medieval Latin:
Academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa
edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o
larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa
pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa
praktikal o teknikal na gawain.
Hindi na bago sa mga akademikong institusyon
ng salitang akademik o akademiko, bagamat
halos nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa
kolehiyo. Isa itong pangalan na tumutukoy sa tao.
Halimbawa nagmiting ang mga akademik. Kung
minsan, ginagamit na rin ang salitang
akademisyan bilang katumbas nito. Isa rin itong
pang-uri na tumutukoy sa gawain. (Akademikong
Aktibidad) at bagay (akademikong usapan at
institusyon) Halos katumbas din ng akademikong
institusyon ang akademya.
Dahil pangunahing pinagtutuunan ng
akademya ang mga gawaing akademiko, ang
mga gawaing labas dito ay tinaawag na di -
akademik o di-akademiko.

Tinatawag na mga larangang akademik,


akademiko, akademiks, o akademikong
disiplina ang mga kurso sa kolehiyo. Ang
mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral
kapag denisisyunan na magpatuloy sa
kolehiyo.
Sa akademiya nalilinang ang mga kasanayan ang
mga kaalamang kaugnay ng laranagang
pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbabasa,
pakikinig, panonood at pagsusulat ang napauunlad
sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan,
analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at
ekspirementasyon ang mga isinasagawa rito.
Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga,
katotohanan, ebedensiya at balanseng pagsusuri.

Sa kabilang dako, ang di akademikong gawain ay


ginagabayan ang karanasan, kasanayan, at common
sense.
SALAMAT!

MEMBERS:
MIGUEL LUIS JUMAWAN
JEHAN JOANE
JUMALON
MA. KHASSANDRA
FAYE ONTOY
SHEVAREE LOMONGO
CRYSTAL LEE J. DELA

You might also like