You are on page 1of 3

MGA KARAGDAGANG BABASAHIN SA

FIL 3: FILIPINO SA PILING LARANGAN NG AKADEMIK

UNANG LINGGO
ARALIN 1: AKADEMIKO AT DI- AKADEMIKONG GAWAIN: PAGGAWA NG MINI- CORNER
NG MGA KURSONG PAGPIPILIAN SA KOLEHIYO
Kahulugan Ng Akademiko At Di- Akademikong Gawain
GAWAIN:
1. Sa iyong pag- aaral sa K to 12, paano mo napag- iiba ang mga gawain sa bahay,
eskuwelahan, at komunidad? Maglista ng mga ginagawa mo sa bawat isa.

Gawain sa Bahay Gawain sa Eskuwelahan Gawain sa Komunidad

2. Dapat bang paghiwalayin ang mga ito sa iyong mga gawain? Ipaliwanag.

3. Makatutulong ba ang mga ginagawa sa bahay at komunidad sa mga ginagawa sa


eskuwelahan? Patunayan.

4. Makatutulong ba ang mga gawain mo sa eskuwelahan sa mga ginagawa mo sa bahay at sa


komunidad? Ipaliwanag at patunayan.

AKADEMIYA

Saan ba nagmula ang salitang AKADEMIYA?


Ang salitang akademiya ay mula sa…
 Pranses - Academie
 Latin - Academia
 Griyego - Academeia

Saint John Bosco College of Northern Luzon, Inc.Page 1


 Academos- bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ano ang AKADEMIYA?


o Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular
na larangan.
o Isa itong komunidad ng mga iskolar.
Sa akademiya, kinakailangang taglayin ang MALIKHAIN at MAPANURING PAG- IISIP.

MALIKHAIN AT MAPANURING PAG- IISIP


o Ito ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong
harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay- akademiko, at maging sa mga gawaing
di- akademiko.

TANONG:
 Bakit kinakailangang taglayin ang malikhain at mapanuring kaiisipan sa loob at
maging sa labas ng akademiya?

SAGOT:
 ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

ACADEMIC/ AKADEMIKO
o Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses:
academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
o Ayon sa Oxford Dictionary, tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip,
institusyon, o larangan ng pag- aaral na nagbibigay- tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-
aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

TANONG:
 Maituturing ba natin ang mga kurso sa kolehiyo na kabilang sa larangang
akademik, akademiko, akademiks, o akademikong disiplina? Patunayan ang
sagot.

SAGOT:
 ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Nalilinang sa loob ng akademiya ang mga sumusunod:

Saint John Bosco College of Northern Luzon, Inc.Page 2


 Pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat
 Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon
Ginagabayan ito ng mga sumusunod:
 Etika
 Pagpapahalaga
 Balanseng pagsusuri
 Katotohanan
 Ebidensya

DI- AKADEMIKO
o Ito ang mga gawaing natututunan mula sa karanasan, kasanayan, at maging ang
common sense.

Saint John Bosco College of Northern Luzon, Inc.Page 3

You might also like