Grade12 Module 2 Week 3

You might also like

You are on page 1of 11

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL INC.

GREENSVILLE II, CAPITOL HEIGHTS,


BRGY. VILLAMONTE, BACOLOD CITY
12
TEL NO. 434 5885
S.Y. 2020-2021

FILIPINO
PAGSUSULAT SA FILIPINO SA
PILING LARANGAN
UNANG MARKAHAN – MODYUL 2 – IKATLONG LINGGO

Modyul Para sa Pansariling Pagkatuto


______________________________
Pangalan ng Mag-aaral

Inihanda ni: Bb. Via Joy Z. Ebano, LPT


ANG MGA BAHAGI NG MODYUL PARA SA SARILING PAMPAGKATUTO

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng bahagi ng modyul na ito. Ang


mga sumusunod na bahagi ay makatutulong sa iyo upang mas maagdagan pa ang iyong kaalan
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

upang matapos mo ang iyong gawain. Basahin ng maigi ang bawat pahayag upang iyong mas
maunawaan ang iyong aralin,

Sa bahaging ito ay bibigyan ka ng kaalaman kung


hanggang saan lamang nag saklaw ng layunin at kagalingan na
dapat mong matapos sa leksyong ito.

Dapat kong
malaman
Ang paunang gawain ay makikita sa bahaging ito upang
malaman at mahasa ang mga dati mo nang kaalaman. Bibigyan
ka ng lima(5) hanggang sampung(10) katanungan.

Susubukan Ko

Sa bahaging ito dito tatalakayin ang aralin na dapat mong


malaman upang makapagbigay sa iyo ng panibagong kaalaman.
Dito rin sa bahaging ito ay bibigyan ka ng mga gawain upang
mas mahasa ang iyong kaalaman.
Pangkalahatang
Ideya sa Aralin

Ito ay naglalaman ng mga gawain na makatutulong sa iyo at


maaari mong magamit sa pang-araw-araw na gawain mo sa
buhay.

Gagawin ko ito

Bibigyan ka ng 10-15 katanungan upang malaman kung ikaw ba


ay may natutunan o natamo mo ang mga kagalingan na ninanais.

Pagsubok sa aking
kakayahan

Ito ang mga listahan ng mga pinagkukunang sanggunian ng


modyul na ito.

Sanggunian

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 2


S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

DAPAT KONG MALAMAN


Bahagi ng buhay akademiko ng isang mag-aaral ang paggawa ng mga akademikong sulatin.
May taglay na anyo ang isang sulatin upang maging tiyak na gawain sa larangang pang-akademiko.
Upang maging komprehensibo ang pagbuo ng mga ito,marapat na alamin at unawain ang anyo ng
akademikong sulatin.

Mga Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
2. Naipapaliwanag ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin batay sa kahulugan,
kalikasan, at katangian
3. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

SUSUBUKAN KO
Word Search
Hanapin nag mga salitang may kaugnayan sa Akademikong Sulatin
H Z C M Q E K A T W A A I G F R C
C U G A M G P A G H I H I N U H A
P H M K T S B A B A H A N B S O L
A G H A M P A N L I P U N A N R O
G I T T N A A T H U T H E H I S N
T X F A E I S K I N R O F A S E T
A O I O T D D E M O K R A T I K O
T X T N A G H A M P I S I K A A P
A S A Y A W C H D I S H M I T N A
L O S U S I G W I E A S A S A S L
A B A N I K K O U I S V A T R A D
O P M A K A B A Y A N W A T T D D

ARALIN Anyo ng Akademikong Sulatin,


2 Halina’t Saliksikin
Gawain 1: Magbigay ng sariling pagkakaintindi tungkol sa mga sumusunod na pahayag.
1. Paano mo masasabi na ang isnag sulatin ay mabisa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

2. Para saan at kanino ang akademikong sulatin?

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 3


S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Pangkalahatang Ideya sa Sulatin


3K: Kahulugan, Kalikasan at Katangian Bilang anyo ng Akademikong Sulatin

KAHULUGAN NG AKADEMIKONG SULATIN


Masasabing akademiko ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o
larangan na maaaring interdisiplinari o multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal,
agham, humanistiko, at iba pa. narito ang mga akademikong disiplina kung saan maaaring umikot
ang paksa at paraan ng akademikong sulatin.

Humanidades

Wika Literatura Pilosopiya at mga pinong


Teolohiya sining

Agham
Pisikal
Arkitektura Teatro Sining Sayaw at Musika
Eksaktong Agham
Agham Biyolohiyal

Matematika Pisika Kemistri Astronomiya Enhenyeriya Agrikultura Biyolohiya Medisina Botanika Soolohiya

Kasaysayan Sosyolohiy
Pagsasaka Paghahayupan Pangingisda Paggugubat Pagmimina
Bawat larangan ng akademikong sulatin ay mayroong tiyak na terminolohiya o register ng wika.
Bagama’t may iba’t ibang hati o dibisyon ang bawat larangan,nassa kakayahan ng isang manunulat
ng akademikong sulatin na ipinahayag ang wika ng bawat disiplina o larangan upan mauunawaan
ito.

Kalikasan ng Akademikong Sulatin


Likas o taglay ng akademikong sulatin ang maglaman ng samu’t saring kaalaman. Marapat na ang
makilalalng kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga. Samakatuwid, upang maging
bago at mahalaga ang anumang hatid na kaalaman ng akademikong sulatin, likas na kasaysayan sa
pagbasa at pananaliksik ang sapat maging sandigan.

Ang paraan ng pagsulat ay umuikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan,


maglahad at mangatwiran. Ang apat na pangunahing akademikong diskursong ito kadalas ay may
SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 4
S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

pinagbabagayang disiplina o larangan ng akademikong sulatin. Ang paraan ng pagusulat ang naging
matibay na gabay uoang ipahayag ang kaalamang naias iparating ng kademikong sulatin.

Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng akademikong
sulatin.

 Pagpapaliwanag o Depinisyon
 Pagtatala o Enumerasyon
 Pagsusunod- sunod
 Paghahambing at Pagkokontrast
 Sanhi at Bunga
 Suliranin at solusyon
 Pag-uuri-uri o kategorisasyon
 Pagpapahayag ng saloobin,opinion at suhestiyon
 Paghihinuha
 Pagbuo ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon

Ang anumang paraan ng pagsulat ng akademikong sulatin, mahalagang mabigyan ito ng


angkop na pagsususri batay sa pinagbatayang datos at sanggunian at sa huli ay makita ang
pananaw ng manunulat bilang hatid na ambag.
Kaakibat ng akdemikong sulatin ang magpahayag ng iba’t ibang uri ng pang-unawa.
Salamin ng kakakyahang umunawa ang anumang ipinapahayag sa isinulat. Upang masuri at
maiwasto ang pag-unawa, mahalagang isaalang-alang ang hindi magmaliw ba pag-unawa o
enduring understanding (Wiggins at McTighe, 1998) na sukatan nang pangmatagalang pagkatuto
ng isang manunulat sa paksa ng konseptong pinag-aaralan. Ang mga hindi nagmamaliw o
panghabangbuhay na kaalaman ay naililipat ng manunulat sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Mahalagang benepisyo sa pagsusuri, pagwawasto, at pagtataya ng pag-unawa ang
mahusay na pagpaplano, pagtatangka at pagtataya ng nais na buuing akademikong sulatin. Ang
manunulat ang gumagawa ng ganitong pamamaraan ay naghahanap ng iba’t ibang kasagutan na
tukuyin, suriin at tayahin ang pag-unawa.
Dapat tandaan ng isang manunulat na ang pag-unawa ay hindi simpleng pagtugon sa mga
katanungang naghahanap ng kasagutan. Marapat na ang kasagutan ay magmula sa:

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 5


S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

Kalikasan ng akademikong sulatin na magpahayag ng kaalaman batay sa angkop na paraan na


nakaugat sa kakayhang umunawa ng manunulat upang ipaunawa ang kanyang naisip at naranasan.

PAKATANDAAN !

KAALAMAN PARAAN PANG-UNAWA

Katangian ng Akademikong Sulatin


Hindi maaaring alisin ang pagiging sining at agham ng akademikong sulatin. Taglay na katangian
ng isang akademikong sulatin ang pagiging malikhain ng isang manunulat sa pagsasalansan ng mga
konsepto na umiikot sa paksa.
Anu-ano ang katangian ng akademikong sulatin?
 Makatao sapagkat naglalaman ang akademikong sulatin ng mga kabuluhang impormasyon na
dapat mabatid para sa kapakinabangan ng mamamayan.
 Makabayan sapagkat ang kapakinabangang hatid ng kademikong sulatin ay magtutulay sa
kaunlaran ng mamamayan upang maging produktibong kasapi ng pamayanan at bansa.
 Demokratiko sapagkat ang akademikong sulatin ay walang kinikilingan o kinatatakutan dahil
ang hangarin ay magpahayag ng katotohanan.

Iba pang katangian ng akademikong sulatin:


 May malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinyon
 Pantay ang paglalahad ng mga ideya
 May paggalang sa magkakaibang pananaw
 Organisado
SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 6
S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

 May mahigpit na pokus


 Gumagamit ng sapat na katibayan

GAGAWIN KO ITO

Gawain 2
Panuto: Bigyang pagpapakahulugan ang mga sumusunod.
1. Kahulugan ng akademikong sulatin
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Kalikasan ng akademikong sulatin
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Katangian ng akademikong sulatin
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Punan ng angkop na angkop na salita ang mga sumusunod
A. Humanidades

B.

Humanidades

Wika Literatura Pilosopiya at mga pinong


Teolohiya sining

Arkitektura Teatro Sining Sayaw at Musika

Agham Panlipunan

Kasaysayan Sosyolohiya

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 7


S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

C. Aspekto ng pag-unawa

Gawain 4
Panuto:Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iba’t ibang hugis at
kulayan ito batay sa iyong nais. Hugis bilog para sa unang katanungan, tatsulok sa bilang 2 at
parihaba sa bilang tatlo.
1. Bakit dapat pagtuunan ng pansin ng isang manunulat ang anyo ng akademikong sulatin?
2. Paano nagiging matagumpay ang pagsusulat ng isang akademikong sulatin?
3. Paano magiging makatao, makabayan, at demokratiko ang isang akademikong sulatin?

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 8


S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

Gawain 5
I. Tama o Mali. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang kahulugan ng 3K sa akademikong sulatin ay kahulugan, kalikasan at katangian
_____2. Ang akademikong paksa ay umiikot sa mga paksang humanidades, agham panlipunan at
agham pisikal
_____3. May kaalaman sa sarili ay nabibilang sa batayang katangian ng akademikong sulatin
_____4. Sa paggawa o pagsulat ng akademikong sulatin kailangan na ang manunulat ay may
hustong kaalaman sa kanyang isinusulat.
_____5. Dapat na makatao, makabayan at makabansa ang katangian ng akademikong sulatin.
II. Ibigay ang aspekto ng pag-unawa
III. Ibigay ang batayang katangian ng akademikong sulatin

PERFORMANCE TASK
Ipinagbabawal ng pamahalaang pambanasa ang pamumutol ng mga puno lalo na sa mga
iniingatang lugar gaya ng kabundukan at kagubatan. Usap-usapan sa pamayanan ang patagong
pamumutol ng mga puno ng mga dayo mula sa ibang lugar, Bilang isang mabuting mag-aaral paano
mo maipapakita o maipapahayag ang iyong pag-aalala sa iyong lipunan at kalikasan batay sa
pagsusulat ng akademikong sualatin?

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 9


S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

RUBRIKS:

Kriterya Bahagdan Marka


Nilalaman at Kaisipan 40%
Takbo ng sanaysay ay 20%
naayon sa paksa
Gramatika 15%
Tamang Baybay ng mga 15%
Salita
Nasusunod ang mga dapat 5%
gawin
Takdang araw ng Pagpasa 5%
Kabuuang Puntos 100%

100% - 2 below –
97% - 9 95% - 8 93% - 7 90% - 6 87% - 5 85% - 4 80% - 3
10 75%

Reflection:
Reflect what you have learned after you go through this module.
Compose 3 to 5 sentences.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 10
S.Y. 2021-2022
PAGSULAT SA PILING LARANGAN 12 Module 2 Week 3

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

SANGGUNIAN

Villanueva, Voltaire M., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Vibal Group, Inc.(2016)
Bandril, Lolita T., Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, Vibal Group, Inc.(2016)

SAINT ROSE OF LIMA SCHOOL - BACOLOD CITY 11


S.Y. 2021-2022

You might also like