mga Kursong Pagpipilian sa Kolehiyo Hunyo 4-8, 2017 1. Sa iyong pag-aaral sa K to 12, paano mo napag-iiba ang mga gawain sa bahay, eskwelahan, at komunidad? Maglista/Magsabi ng mga ginagawa mo sa bawat isa.
2. Ano-anong pangkalahatang katangian
na ipinagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa?
3. Dapat bang paghiwalayin ang mga ito
sa iyong mga gawain? Ipaliwanag. 4. Makatutulong ba ang mga ginagawa sa bahay at kominidad sa mga ginagawa sa eskwelahan? Patunayan.
5. Makatutulong ba ang mga gawain mo sa
eskwelahan sa mga ginagawa mo sa bahay at komunidad? Ipaliwanag at patunaya.
6. Anong mga pagpapahalga ang pinauunlad sa
bawat isa? Magbigay ng mga halimbawa. Mga gawaing Pampag-iisip sa Akademiya • Ang salitang akademiya ay mula sa salitang Pranses na ACADEMIE, sa Latin na ACADEMIA, at sa Griyego na ACADEMEIA. Ang huli ay mula naman sa ACADEMOS, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato hardin • Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong , paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Malikhain at Mapanuring Pag-iisip • Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di akademiko.