You are on page 1of 5

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

Kampus ng Bayambang
PINAG-ISANG PAARALAN – HAY-ISKUL
Bayambang, Pangasinan
T.P. 2019-2020

PLANO NG PAGKATUTO SA FILIPINO 12


Guro Antas at Seksiyon Baitang 12 Molave
Bilang ng Sesyon 4 Oras 1:00 – 3:00 nh
Petsa ng Implementasyon Setyembre 24-27, 2019 Araw MTWTh
Asignatura Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kuwarter Una

Yunit 1: Pagbasa at Pagsulat sa Akademya


Aralin 1
Paksa Akademiko, Di-Akademikong Gawain: Paggawa ng Mini-corner ng mga Kursong Pagpipilian sa Kolehiyo
Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang kalikasan, layunin atparaan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sapag-aaral sa iba’t ibang
larangan
Pamantayan sa Pagganap Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

Sesyon 1
Petsa ng Implementasyon
Mga Kagamitang Panturo
1. Sanggunian Constantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S. 2016. Filipino sa piling larang (Akademik). Rex Publishing Store. Lungsod
Quezon, pahina 2-14
2. Iba pang kagamitan TV monitor, Powerpoint presentation
I. Batayang Kasanayan
Inaasahang ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayang:
a. nalilinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip;
b. naipaliliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa di-akademiko kaugnay ng kahulugan, katangian, at mga gawain dito; at
c. nakabubuo ng isang mini-corner ang bawat grupo na maglalahad at maglalarawan sa katangian ng ilang piling kurso sa kolehiyo.
II. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin
Itanong: Gawain sa Bahay Gawain sa Paaralan Gawain sa Komunidad
1. Sa iyong pag-aaral sa K to 12, paano mo napag-iiba ang mga
gawain sa bahay, eskuwelahan, at komunidad? Maglista ng mga
ginagawa mo sa bawat isa.

2. Dapat bang paghiwalayin ang mga ito sa iyon mga gawain? “Opo, dahil magkakaiba ang dahilan sa pagsasagawa ng mga gawaing
Ipaliwanag. ito. Halimbawa, ang pagluluto at paglilinis sa bahay ay isa sa mga
gawain na kailangan gawin upang maging maayos ang tahanan,
samantalang ang pag-aaral ay kailangan upang magkaroon ng higit
pang kaalaman at kasanayan.”

3. Makatutulong ba ang mga ginagawa sa bahay at komunidad sa mga “Opo, dahil ang mga gawaing bahay at pangkomunidad ay nagbibigay-
ginagawa sa paaaralan. Patunayan. daan upang maisakatuparan ng paaralan ang kanyang layunin na
humubog ng isang kapaki-pakinabang na mamamayan.”

4. Anong mga pagpapahalaga ang pinauunlad sa bawat isa? Magbigay “Pinauunlad ng gawaing bahay ang pagsasanay sa mga simpleng
ng halimbawa. gawain na makatutulong sa ikagiginhawa ng ating buhay, ang gawaing
pangkomunidad ay makatutulong sa pagsasaayos ng pamayanan, at ang
gawaing pampaaralan ay makatutulong sa pagpapaganda ng
kinabukasan.”

B. Paghahabi sa Layunin

Sabihin:
“Gaya ng mga gawaing nabanggit ninyo sa unang gawain, mahalagang
matukoy at maihiwalay ang mga gawain sa iba’t ibang dominyo ng
ating buhay. Bilang pagpapalawig ay nais kong tukuyin ninyo kung
anong larangan nabibilang ang sumusunod na halimbawang teksto.
Patunayan ang inyong sagot.”
a)
Sa isang right angle, ang sukat ng pinakamahabang bahagi nito na
tinatawag na hypotenuse ay katumbas ng square root ng suma ng “Mathematics po, dahil nabanggit ang ilang konsepto patungkol sa
square ng 2 sides. Geometry gaya ng hypotenuse, Egyptian Triangle, at right triangle.”
Halimbawa, ang Egyptian Triangle ay may side na 3, 4, 5. Ito ay
isang right triangle dahil ang square ng 5 na 25 ay katumbas ng
suma ng square ng 3 na 9 ng square ng 4 na 16.

b)
Batay sa kasalukuyang kaalaman, may dalawang paraan ng pag- “Science po, dahil kinauugnayan ang pahayag ng mga salitang may
clone ng mga mammal. Ang unang pamamaraan ay maituturing na malalim na talakayan tungkol sa pagko-clone. Partikular na sa Biology
artipisyal na pagpapakambal. Sa sistemang ito, ang mga cell na na isang sangay ng Science.”
bumubuo ng isang murang embrion ay pinaghihiwalay upang
maging dalawa o higit pang indibidwal.

c)
Pahalikan ito sa barnis bago ipiit “Batay sa mga salitang ginamit sa tula, masasabing ang larangang
sa apat na sulok ng sinalaminang kahoy tinutukoy rito ay sining partikular sa photography o di kaya nama’y sa
saka isabit sa dingding pagpipinta. Mababasa ang mga salitang “barnis” at “sinalaminang
upang tingalain kahoy” na may kaugnayan sa mga gamit sa pagpipinta o di kaya ay sa
habang marahang dinadapuan mga larawang nilalagay sa picture frame.”
ng sampal ng alikabok,
paminsan-minsang alalahaning
alayan ito ng dampi ng mamasa-masang basahan.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
Itanong:
 Batay sa mga larangang nabanggit ninyo mayroon kayang “Opo, magkakaiba po ang mga katangian at ang mga layunin at dahilan
pagkakaiba sa mga katangian nila? kung bakit isinagasagawa ito mga taong kabilang sa mga nabanggit na
larangan.”
“Tumpak! Ang mga gawain ng tao ay maaaring mauri bilang
akademiko at di-akademiko. Ngayong araw ay tatalakayin natin ang
pagkakaiba ng mga akademiko at di-akademikong gawain.”

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Itanong:
Akademya
Ano ang naiisip niyo kapag nababanggit ang salitang “Akademya”?
Ilagay ang inyong mga salita/kaisipan sa diagram. institusyon kaalaman mataas na makabuluhan
at pag-iisip
kasanayan
Sabihin:
“Batay sa inyong mga naisip na salita at kaisipan, ano mga gawain sa
isang akademya? Talakayin natin.”

Mga Gawaing Pampag-isip sa Akademya


 Ang salitang akademya ay mula sa salitang Pranses na “academie” sa Latin na “academia,” at sa Griyego na “academeia.” Ang huli naman ay mula
naman sa “Academos,” ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.
 Ang Akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong
komunidad ng mga iskolar. (*may katuluyan sa powerpoint)
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip
 Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwayson at
hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.
 Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at nagtatalaban (impluwensiya) ang dalawang
kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa ng mga
gawain, pakikipag-ugnayan sa kapuwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating
ginagalawan. (*may katuluyan sa powerpoint)

Akademiko vs. Di-Akademiko


 Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng
ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusiyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa,
pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain) (*may katuluyan sa powerpoint)
E. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)
Itanong:
1) Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa “Ang mga ito ay ilan sa mga kasanayang maaaring makatulong sa isang
isang mag-aaral sa senior high school? mag-aaral na senior high school tulad ko lalo na sa aking pag-aaral dahil
kapaki-pakinabang ang malinang ang ganitong kasanayan upang
mapalawak ang aking kaalaman at mapalawig ang ang intere sa mga
bagay-bagay.”

2) Isa-isahin ang mga wikang pinanggalingan o pinagmulan ng “Ang salitang akademya ay mula sa salitang Pranses na “academie” sa
salitang akademiko at ipaliwanag ang kahulugan nito. Latin na “academia,” at sa Griyego na “academeia.” Ang huli naman ay
mula naman sa “Academos,” ang bayaning Griyego, kung saan
ipinangalan ni Plato ang hardin.”

3) Sa isa hanggang tatlong pangungusap, ipaliwanag ang pagkakaiba “Ang layunin ng akademiko na gawain at magbigay ng ideya at
ng akademik at di-akademiko na gawain. impormasyon samantalang magbigay ng sariling opinyon naman ang di-
akademiko. Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa ang batayan ng datos
ng akademik, samantalang karanasan, pamilya at komunidad ang sa di-
akademiko. At panghuli, mga iskolar, mag-aaral, at guro ang audience ng
akademiko samantalang iba’t ibang publiko naman ang sa di-akademiko”

F. Paglalapat ng Aralin (Pagbuo ng Mini-diksiyonaryo) Rubrik ng Sariling Pagtatasa (Mini-Diksiyonaryo)


Ilahad: Kraytirya Pangkalahatang Sariling Iskor
1) Maglista ng tatlong kurso o bokasyon na interesado kang pasukin sa Iskor
kolehiyo o gawing karera. Pumili lamang ng isang pinakagusto. Pakikipag-ugnayan sa Grupo
Magsaliksik sa libro o internet o magsagawa ng panayam tungkol  hindi basta gumagawa nang walang
malinaw na pakikipag-ugnayan sa grupo 35
dito. Gawin ang sumusunod:
 kumokonsulta sa lider ng grupo
a) Gumawa ng isang glosaryo (na mayroong 20 salita) ng mga
Inisyatiba sa Itinakdang gawain
konsepto o terminolohiyang ginagamit sa napiling larangan.
 hindi kailangang utusan o turuan
Halimbawa: 35
 nag-iisip ng paraan para maisagawa ang
lingguwistika gawain
gramatika Pagkamalikhain sa Isinagawang Gawain
sintaksis  isinasagawa nang maayos, kaaya-aya, at
diyalekto presentable ang gawain 30
morpolohiya  may orihinalidad at pagsasagawa ng
isogloss itinakdang gawain
b) Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.
c) Gawan ng klasipikasyon o panggrupo ang mga aytem.
d) Ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ng kartolina o manila
paper o slide show presentation.

G. Paglalahat ng Aralin
Gawaing akademiko sa labas ng Gawaing di-akademiko sa
Sabihin: akademya akademya
“Bilang paglalahat ay magbigay ng mga gawaing akademiko at di-
akademiko sa labas ng akademya.”
III. Pagtataya ng Aralin
Maglista ng tig-limang halimbawa ng gawaing akademiko at di-akademiko. Isulat ito sa roleta.

DI-AKADEMIKO
IV. Takdang-Aralin
AKADEMIKO

Bumuo ng lima hanggang anim na grupo at gumawa ng mini-corner. Bumuo ng grupo ayon sa kurso, interes, o hilig, o anomang
mapagkasunduan ng klase. Bawat miyembro ay may kani-kaniyang nakatakdang gawain. Bubuo ang bawat grupo ng kani-kaniyang paraan upang
“ibenta” o “kumbinsihin” ang mga kaklase upang kunin ang kursong kanilang napili. Maaaring gumamit ng video, tarpaulin, manila paper, cut-outs,
drowning, konsultasyon, at iba pa. Isasagawa ito sa loob ng silid-aralan o sa isang itinakdang lugar sa paaralan. Gawing malikhain at masinig ang
mini-corner.

You might also like