You are on page 1of 11

Mga Napagtagumpayang Gawain ng

Kapisanang Sulo ng Diwa (KSD)

2016

Gawain: Buwan ng Wikang Pambansang 2016


Petsa: Agosto 2016
Lokasyon/Venue: Pangasinan State University - Bayambang

Sa gabay ng temang “Filipino, Wika ng Karunungan”, ipinagdiwang ng Pangasinan State


University – Kampus ng Bayambang ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa
noong ika-25 ng Agosto, 2016 na ginanap sa Himnasyo ng Benigno V. Aldana.
2017

Gawain: Buwan ng Wikang Pambansang 2017


Petsa: Agosto 2017
Lokasyon/Venue: Benigno Aldana Gymnasium / Bayambang Events Center

Pangunguna sa pagsasagawa ng mga gawaing kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017


na nakasentro sa temang “Filipino: Wikang Mapagbago” na kinatatampukan ng mga patimpalak,
lektyur-worksyap, at simposyum.
2018

Gawain: Tertulyang Pampanitikan


Petsa: Abril 2018
Lokasyon/Venue: Bayambang Events Center, Bayambang, Pangasinan

Pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2018. Sa temang Pingkian Panitikan, nakilahok ang


Kapisanang Sulo ng Diwa sa isang Tertulyang Pampanitikan na kasama si Prop. Patrocinio V.
Villafuerte. Ito ay dinaluhan din ng mga kinatawang nagpapakadalubhasa sa Filipino ng ilang
kampus ng Pangasinan State University. Lahat ay nagkaroon ng pagkakataon upang makibahagi
sa isang interaktibong talakayan at workshop kasama ang tagapanayam na nabanggit.

Gawain: Buwan ng Wikang Pambansang 2018


Petsa: Agosto 2018
Lokasyon/Venue: Bayambang Events Center, Bayambang, Pangasinan

Buwan ng Wikang Pambansa 2018. Pinangunahan ng kapisanan ang pagdiriwang ng Buwan


ng Wikang Pambansa 2018 na may temang Filipino: Wika ng Saliksik. Ang mga gawaing
itinampok ng kapisanan para sa pagdiriwang ay ang mga patimpalak na Karatulastasan,
Dagliang Talunpati, Spoken Word Poetry, Kwiz Bibo, Kantarugtong, Vlog-Saliksik, Saliksikan, at
ang Sabayang Pabigkas. Upang makapagbahagi ng mga kaalaman patungkol sa wika at
kulturang Filipino sa isang malikhaing pamamaraan, naglunsad din ang organisasyon ng isang
eksibit kung saan nag-uumapaw ang mga impormasyong maaaring makuha ng mga papasyal.
2019

Gawain: Buwan ng Wikang Pambansang 2019


Petsa: Agosto 2019
Lokasyon/Venue: Bayambang Events Center / Benigno Aldana Gymnasium
2020

Gawain: Buwan ng Wikang Pambansang 2020


Petsa: Agosto 2020
Lokasyon/Venue:

Kahit mayroong kinakaharap na krisis ang ating bayan at ang buong mundo, maraming mga
adhikaing itinuloy ang Kapisanang Sulo ng Diwa sa Pampamahalaang Pamantasan ng
Pangasinan – Kampus ng Bayambang para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
2020. Sa layuning magkaroon ng natatanging ambag sa pambansang pagdiriwang na ito, ang
organisasyon ay bumuo ng isang plano upang makiisa. Ang mga inorganisang online na gawain
ay; KSD Wikaalaman,Siwalat Salita, Malayang Haraya, Tiktokawikaan, KSD Vlogging Handa, at
ang Komikserye: I Love You Since Quarantine.
2021

Gawain: Buwan ng Panitikan 2021


Petsa: Abril 2021
Lokasyon/Venue:
Gawain: Halubilo 2021: Unang Pangkalahatang Asemblea ng KSD
Petsa: 01 Agosto 2021
Lokasyon/Venue: Zoom Meetings

Gawain: Buwan ng Wikang Pambansa 2021


Petsa: Agosto 2021
Lokasyon/Venue: Zoom Meetings
Gawain: Protips Mula Kina Ate at Kuya: Serye ng mga Webinar-Workshop para sa mga
Kasanayan sa E-skuwela
Petsa: Oktobre 16, 23, 2at 30 2021
Lokasyon/Venue: Zoom Meetings

You might also like