You are on page 1of 3

SHS-DEPARTMENT

J. Alcantara St., Cebu City


KATITIKAN NG PAGPUPULONG
(FILIPINO CLUB)

ika- 4 ng Disyembre, 2021


Google Meet
Mga dumalo:
Ara Gyne A. Omaya- Presidente
Leslie Marie Palaran- Bise Presidente
Je Bryan Singson- Punong Kalihim
Fritz Wally Socajel- Assistant Kalihim
Queen LG Nur- Treasurer/Ingat-Yaman
Johanna Marie Melgazo- Auditor
Raymart Valenzona- Kalihim sa Pagpaplano at Pagbabadyet
Christian Sibla- Year Representative sa Senior High School

MGA NAPAG-USAPAN:

1. Nagsimula ang pulong sa ganap na ika-8 at tatlumpu sa gabi.


2. Naganap ang pagpupulong na ito para sa selebrasyon sa darating na Buwan
ng Wika sa taong 2021, upang maging makabuluhan at matagumpay ang
pagdadaraos nito.
3. Nagsimula ang pagpupulong sa isang panalangin, at welcome remarks galing
sa presidente at bise- presidente ng Filipino Club.
4. Pagtalakay sa nakaraang pagdaraos ng Buwan ng wika noong 2020 para
mapagkunan ng basehan sa gaganaping Buwang ng Wika ngayong taon,
pagbabadyet sa pondong paggagastusan ng pagdiriwang, at pagbukas sa iba
pang mga mungkahi at pagsasapinal ng mga napagplanuhan.

a. Pagtalakay sa nakaraang pagdaraos ng Buwan ng wika noong 2020


para mapagkunan ng basehan sa gaganaping Buwan ng Wika ngayong
taon, kung saan tinalakay ang mga naganap na mga patimpalak o
kompetisyon, at mga programa na isinaalang-alang noong nakaraang
taon.
b. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito ay isasaalang-alang ang
pagbibigay pugay sa ama ng ating wikang pambansa, sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng quizbee na ukol sa tema ng buwan ng wika, sa ama ng
pambansang wika, at sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Magkakaroon din
ng mga patimpalak sa selebrasyong ito katulad ng, Pagbigkas na Pagtula,
Pagsulat ng Kanta, Pagsulat ng Tula, Sabayang Pagbigkas, at poster making,
na patungkol din sa tema ng Buwan ng Wika. Ang anline exhibit ay
maglalaman ng mga katha ng mga mag-aaral na sumali at nakilahok sa
patimpalak o kompetisyon, dito rin magaganap ang anunsyo sa mga nagwagi
sa mga naturang patimpalak. Ang mga makakasali o makalahok sa mga
patimpalak na ito ay ang mga Senior High School students, bibigyan lamang
sila ng mga instruksyon at impormasyon sa kanilang guro sa Filipino.

c. Para naman sa mga magwawagi sa nasabing mga patimpalak, gagamitin


natin ang opurtunidad sa online banking, GCASH ang gagamitin bilang tulay
para mapadala ang premyo sa mga magwawagi. Ang badyet naman para sa
nasabing premyo ay magkakaroon ng kontribusyon ang samahan ng Filipino
Club, at ito ay kusa lamang.

Inihanda ni:
Socajel, Fritz Wally

You might also like