You are on page 1of 3

Jessel G.

Mondejar Grade 12 - Euclid


Ms. Jo Hannah Lou G. Cabajes January 22, 2020

KIMIS NG KATITIKAN - ESPISYALA NA PAGPUPULONG SA BUWAN NG


OKTUBRE

Oktubre 23, 2011 Sa bahay ni Ginoong Circa

Agenda: Pagpaplano tungkol sa Christmas Party at Acquaintance Party

Mga dumalo: Elito Circa, Oliver Gaoat, Alberto Roxas, Corazon Lapenna, Fernando Dalusong,
Sebastian Apolonio

Napag-usapan ang mga planong gagawin sa darating na pag-gunita sa araw ng Pasko. Isa na rito
ang Children’s party kung saan napag-usapan ang mga ihahanda na mga sumusunod;

1. Regalo sa mga batang dadalo at makikilaro sa araw na ito, bibigyang prayoridad ang mga
batang anak ng mga lihitimong miyembro ng asosasyon. Ang mga bagay na mapapakinabangan
tulad ng lapis, papel at iba pa ay uunahin, sasamahan rin ng mga candy at mga tinapay na
ilalagay naman sa supot ng yelo.

2. Gagawa rin ng sulat (Solicitation Letter) para sa mga sponsors

3. Ang mga pagkain o miryenda ay ginagawan na rin ng estimate sa kabuuan 150 kataong
dadalo, bawat anak ng mga lihitimong kasapi na dadalo ay bibigyan ng STAB upang maging
maayos ang pagbibigay ng mga ito.

4. Ang Sound System ay ipapareserba na sa barangay at ilang mga upuan.

5. Tulad ng dati kukuha rin ng Clown upang siyang magpalaro sa mga bata
6. Ang buong okasyon ay kukuhanan ng video at larawan.

Napag-usapan rin ang tungkol sa “Gabi ng Roseville” o Acquaintance Party na para naman sa
mga katandaan, ilan sa mga planong programa rito ay ang mga sumusunod;

1. Pagkain o Miryenda na maaari ring i-solicit sa mga miyembro ng asosasyon. Ang kusang
pagdadala ng mga pagkain (potlock) ay isa ring paraan upang makatipid sa gastusin.

2. Magbibigay rin ng mga SPECIAL AWARDS sa mga naturingang sponsors at ilang huwarang
mga miyembro o mamamayan ng Roseville.

3. Sa gabing ito kinakailangan rin ng mga bagay na magpapasaya tulad ng mga tutugtog, aawait
at mga sasayaw, at mag-Intermission Number. Kukuha rin ng dalawang Dance instructor na
siyang magpapasimula ng sayawan at upang hindi magkahiyaan ang mga nais sumayaw.

4. Ang pagkakasunod-sunod ng mga programa sa gabi ay iniaayos na rin.

5. Ang panahon rin ay tinitingnan at pinag-aaralan na kung sakali umulan ay may masisilungan,
kung kaya maghihiram rin ng mga 5 tent sa munisipyo.

6. Kailangan rin ng mga pakulo upang hindi mainip ang mga dadalo.

May mga ilan ring napag-usapan na may relasyon sa subdibisyon at sa ilang mga miyembro, ito
ay ang mga sumusunod;

1. Ang tatlong buwan na nakaligtaang bayaran na bayarin sa kuryente ay naisaayos na rin

2. Mga usapin tungkol sa tubig lalo na sa isyu sa Club House swimming pool.

3. Magpapadala rin ng Notice tungkol sa gaganaping PAG-IBIG General Meeting sa November


4, isasabay na rito ang pagtatanong sa ilang mga problema ng asosasyon tungkol sa mga
amenities na nararapat lang na mapunta sa mamamayan ng subdibisyon. Ang Notice ay dapat na
maipadala sa mga kasapi ng asosasyon sa October 25.

You might also like