You are on page 1of 1

Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan,makina,kagamitan at

proseso upang tumutulomg sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Marahil marami na sa ating mga Pilipino
ang nag iisip kung talaga nga bang unti-unting nawala ang ating kultura sa sariling bansa. Sa pamamagitan
ng wika nakikilala ang kulturang ng isang bansa. Ngunit sa panahon ngayon, nagkaroon ng pagbabago sa
wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng paglimot sa kulturang iningatan ng ating mga ninuno. Ano ang
epekto ng pag unlad ng teknolohiya sa kultura?.Mapipigilan ba ang pagkawala ng kultura sa bansa?
(Balug, 2016).
Bilang pag bubuod, sa panahon ngayon nagkalat ang mga makabagong teknolohiya sa ating
lipunan na patuloy na umuunlad. May mga makabagong teknolohiya tulad ng makina na kung saan
napakalaki ng inaambag na tulong sa lipunan lalo na sa mga mag-aaral at mga kabataan, at base sa mga
nakalap naming mga detalye, maraming tao ang nag tatalo kung makabubuti ba o makasasama ito sa
lipunan. Ngunit marami ang nag sasabing nakasasama ito ngunit marami din ang pabor dito dahil sa
magandang pag-unlad. “Technology era”, iyan ang tawag sa panahong kinabibilangan natin ngayon. Tayo
ay nabubuhay sa isang makabagong panahon na kung saan kasing halaga ng mga pangunahin nating
pangangailangan tulad ng pagkain at tubig ang mga makabagong teknolohiya (Wordpress, 2016). Ito ay
mapapansin natin lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon. Sinabi ni Bermudez (2016) na mas nais pa
nilang gamitin ang kanilang oras sa paggamit ng kanilang mga gadgets sa halip na gamiton ito sa
produktibong paraan at alamin ang mga iba’t-ibang kultura sa bansa.
Sinaba rin nang Wordpress (2016) na ang simpleng kultura na tulad ng pagmamano sa mga
matatanda ngayon ay hindi na ginagawa. Dahil sa mga makabagong teknolohiya imbes magmano muna
pagdating ng bahay ay mas inuuna pa nila nag pagpansin sa kanilang mga gadgets. Sabi naman ng ibang
mga nakakatanda ay hindi na raw ito marapat gawin sapagkat napaglipasan na ito ng panahon at ang kilos
na ito ay sampal sa mukha na sila ay may edad na. Sinabi rin ni Dogon (2014) nakakalimutan na rin ang
paggalang sa mga nakakatanda, sa halip na gamitin ang mga salitang nagpapakita ng paggalang sa mga
nakakatanda gaya ng po at opo ay sinisigawan na lamang ng mga kabataan ang mga nakakatanda sa
tuwing sila ay tinatawag dahil abala nga sa kakalaro ng online games at pagopapakalunod sa mundo ng
social media. At nakakalimutan na ng mga kabataan ngayon ang pag galang sa mga nakakatanda gaya ng
mga salitang ito "po at opo"dahil mas inuuna nila ang pag hawak sa kanilang mga cellphone at ibang
teknolohiya. Kaya dapat natin itong mahalin,pahalagahan, at pagyabungin dahil ito ay sariling atin.

You might also like